Sinadya ni Jackson na dumaan sa kanyang ang desk at pagkatapos ay tinapik niya ito at sinabing, "Newbie, galingan mo."Pinigilan ni TIffany na tumawa ng malakas, tumango lamang siya at yumuko, "Opo, Mr. West. Gagawin ko ang makakaya ko!"Ang mga sulok ng labi ni Jackson ay unti-unting tumaas at pagkatapos ay naglakad siya papasok sa kanyang opisina. Wala pang dalawang minuto, nakatanggap si Tiffany ang isang text message mula sa kanya: ‘Bakit mo ko tinawag na “Mr. West"?’Sumagot siya na may isang "mapaglarong itsura" na emoji at inilagay ang kanyang cellphone sa kanyang bag. Nasa kalagitnaan siya ng mga oras ng trabaho ngayon at hindi maganda para sa kanya na kinakalikot ang kanyang cellphone habang nasa trabaho siya.Malaki ang pinagkaiba ng malaking kumpanya na ito sa dati niyang pinapasukan na mas maliit na kumpanya. Bukod sa fast-paced ang working environment na ito, wala mga nagaganap na away o gulo dito.Hindi niya namalayan na pumasok ang human resource manager sa opisina
Napakamot sa buhok si Tiffany at hindi itop masyadong pinansin. Kung tutuusin, hindi kailanman nagreklamo si Jackson tuwing siya ay nakatayo sa harap niya o kung sumasakay sa elevator ng kasama niya. "Naiintindihan ko, salamat..." wala siyang naisip na ibang masasagot.Nagsimula nang makaramdam ng antok si Tiffany bandang 3PM. Sa isang saglit, narinig niya ang boses ni Summer, "Tiffie, nagtatrabaho ka na sa amin ngayon? Nabanggit ni Jackson na nagdadalawang isip ka raw. Mukhang ito na ang desisyon mo. Tulad ng sinabi ko sayo, kaninong teritoryo pa ang mas kapaki-pakinabang kaysa sa amin? Kailan ka nagsimula dito? Gusto mo bang gawin ko…"Bago pa siya matapos, tumalon si Tiffany at tinakpan ang kanyang bibig.Parehong nagulat ang dalawang babae. Binalot si Tiffany sa malamig na pawis. Anong ginawa niya? Tinakpan niya ng kanyang kamay ang lipstick-lined na labi ng kanyang biyenan! Ramdam na ramdam niya ang kolorete sa kanyang kamay, na malamang ay pulang-pula na ngayon. Patay na siya
Makikita ang dahan-dahan na nabubuong ngiti sa labi ni Summer. "Alam kong nagmamalasakit ka pa rin sa akin, at dapat lang dahil hinakot ko ang sarili kong mga paa para lang maging mabuting lalaki ka ngayon. Ito ang dahilan kung bakit gusto kong may gawin ka para sa akin," taos-puso niyang sinabi. "Pwede bang huwag mong ipakita ang galit mo sa tatay mo? Emosyonal sita tulad, alam mo ba 'yun? Sabagay! Para naman sa engagement mo kay Tiffany, kung kailangan mo ng tulong ko, magtanong ka lang. Alam mo naman na wala akong masyadong ginagawa araw-araw."Tumango si Jackson nang maintindihan niya ito at tumugon gamit ang kanyang sariling payo, "Kapag nakita mo si Tiffie, siguraduhin mo na hindi mo ipapakita sa kanya na alam mo ang ginawa ko, okay? Papatayin niya ako kung malaman niya ang tungkol sa ginawa ko."Nagbigay si Summer ng okay na gesture at umalis na. Dumaan siya sa mga cubicle at binati niya si Tiffany tulad ng dati niyang ginagawa, "Aalis na ako. Galingan mo sa mga ginagawa mo."
Pagdating ng dalawa sa West residence, kaagad silang sinalubong ng isang piging na kasing laki ng salu-salo na halos eksklusibong hinahain ang mga paboritong pagkain ni Tiffany.Nang makita ni Tiffany ang mga pagkain na nakalagay sa harap niya, napagtanto niya ang saya na nararamdaman niya kapag sa inaalagaan siya ng isang tao. Uminit ang puso niya nang malaman niya na siya ay isang tao na pinahahalagahan.Lumipas ang oras, ngunit ang Atticus West ay patuloy pa rin. Alam ni Tiffany na iniiwasan ni Jackson ang tanong, kaya naisip niyang tanungin si Summer, "Nasaan si Uncle Atticus, Auntie Summer? Hindi ko siya nakikita."Tumingin si Summer sa kanyang anak. "Oh, nandiyan lang siya... nakakulong sa study room. Nag-aalala siya na baka magalit si Jackson kung nagpakita siya. Ang matigas na ulo na matanda ay hindi sumunod sa bilin ko at hindi sinunod ang advice ko. Tiffie, pwede mo ba si Jackson at yayain siyang kumain?"Hindi tinago ni Jackson ang opinyon niya sa kanyang sarili. "Nope, h
Isang mabagsik na apoy ang umalab sa puso ni Tiffany habang pinapanood niya si Jackson na kasing tahimik ng bato. Bigla siyang nagalit sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Kinamumuhian niya ang taong ito kaya bumalik ang kumirot sa puso niya nang matandaan niya ang huling pagkakataon na nagkaroon sila ng pagtatalo.Hindi tulad ng gusto niyang sumuko si Jackson sa kanyang mga kahilingan o hahayaan niyang dumaan sa impiyerno ang lalaki upang mapasaya siya o kahit tuluyang mapalaya ang mga pagkakamali na ginawa ni Atticus bilang isang walang kwentang ama. Ang nais lamang niyang gawin ni Jackson ay pigilan ang kanyang sarili para magawa nila ng mapayapa ang kanilang mga kinakaharap - sapat lamang tuwing siya ay nasa parehong silid ng kanyang ama at sapat para mapanatag ang puso ng mga taong kasama nila.Sa pagitan nilang apat, si Tiffany ang totoong estranghero. Iyon lamang ay sapat na para lumala ang pagkabalisa at pag-aalala ni Tiffany sa sitwasyon na kinalalagyan niya. Ang huling bag
Napahinto si Jackson. Tumingin siya sa baba at bumalik sa katinuan ang kanyang emosyon. "Tatawagan ko ang nanay ko at hihingi ng tawad din sa kanya... sa harap mo mismo. Okay ba ‘yun?"Hindi masuri ni Tiffany ang kanyang emosyon. Nag-aalala siya na baka sinusubukan lamang ni Jackson na pasayahin siya sa pagpilit sa sarili niyang gawin ang isang bagay na ayaw niyang gawin, "Hindi ko sinabi na gusto kong gawin mo iyon, pero sa tingin ko… para sa akin… mas makakabuti kung tawagan mo ang nanay mo.”Tahimik na tinawagan ni Jackson ang numero ni Summer at ikinonekta ang kanyang cellphone sa car speaker gamit ang Bluetooth. Sa isang saglit, mabilis na kumonekta ang tawag at malakas na narinig ni Tiffany ang bawat salitang binibigkas ni Summer.“Jackson? Ikaw ba yan?""Ma, pasensya na at nawalan ako ng pasensya kanina. Hindi ko na ito uulitin.""Oh. Well, okay lang ‘yon. Naiintindihan ko. Nainis ka kanina dahil binanggit ng tatay mo ang passion niya, hindi ba? Pero alam mo naman na ang ‘a
Umupo si Summer sa couch at sinabi, "Bakit ka nagmamadali? Hindi naman babawasan ng sinuman ang sahod mo o kung ano man. Oo nga pala, tungkol sa nangyari kagabi... Salamat talaga. Alam ko na may ginawa ka para kumbinsihin si Jackson na humingi ng tawad sa akin nang tawagan niya ako. Mahirap ito para sa kanya, alam ko. Hindi ko siya sinisisi."Hindi sigurado si Tiffany na matino na ang isip niya dahil bagong ising lang siya. "Ha?... sa tingin ko parang ginagawa ko lang naman ang trabaho ko! Ay!"Biglang nagbago ang ekspresyon ni Summer nang mahawakan niya ang bra mula sa ilalim ng kanyang inuupuan. "Ano?"Natigilan si Tiffany. Kung tama ang naalala niya, hindi lang ang kanyang bra ang nakatago sa loob ng mga cushion ng couch - may isang bagay rin na nakakahiya sa loob!Dahil sa nangyari kagabi, matindi silang sumisid sa kanilang pag-iibigan na wala sa kanila ang nakaisip na ayusin ang mga gamit sa bahay!Mabilis na bumalik ang kanyang isip sa kasalukuyang nangyayari at tumakbo siya
Napagtanto ni Jackson na ang kanilang paghaharap mamaya ay magiging matindi; gayunpaman, hindi niya maiwasang matuwa sa katawa-katawang bakas ng selos na bumabalot sa mien ni Tiffany, "Ano sa palagay mo?""Ano sa palagay ko?" Si Tiffany ay nasa bingit na ng pagsabog. "'Ano nga ba ang nasa isip ko?' Nahirapan na nga ako sa nangyari kagabi at gusto mo pang pag-isipan ko ito? Hindi ako makikipaglaro sayo... Magpaliwanag ka sa akin!"Hindi mapigilan ni Jackson na tumawa. “Hay, ano na naman ang nasa utak mo na yan, ha? Sige, inaamin ko, madalas akong magpakasaya noon, pero! Hindi ko sinasama sa kalokohan ko ang mga taong nasa loob ng inner circle ko. Siguro dapat mong tanungin si Aye tungkol dito; sasabihin niya sayo na ang mga ex-girlfriend ko ay mula sa labas ng kumpanya. Alam ng lahat na hindi ako nakikipag-date sa alinman sa mga babaeng empleyado," paliwanag niya. "Totoo naman na si Miss Lang ay mapagmahal at ang katawan niya ay sobrang sexy, pero sayang! Siya ang secretary ko, na ayo