Tumango si Mark habang medyo matigas ang mga galaw ni Arianne. Hindi niya inaasahan na magkikita muli sila ni Mark sa ganoong pangyayari. Hindi niya mapapaalis si Mark ngayon kahit na nag-aalala siya.Habang nakaupo na si Mark sa kama, humarap si Arianne sa sala matapos niyang isara ang pinto para sa kanya. Humiga siya sa sopa at bigla siyang nag-isip ng maraming bagay hanggang sa hindi siya makatulog. Kahit anong mangyari, meron pa rin silang koneksyon sa bawat isa na hindi mawawala. Nag-alala ng sobra si Arianne Nang makita siyang nasugatan, syempre nag-alala siya.Tulad ni Arianne, hindi rin nakatulog si Mark. Naka-video call siya kay Jackson suot ang isang pares ng Bluetooth earphones dahil baka marinig ito ni Arianne.Nainis si Jackson nang makita niya ang sugat sa noo ni Mark. "Iyon lang? At pinapasok ka niya?"Nagbabantang sumabog ang galit ni Mark. "Iyon lang? Parang beehive ang likod ko ngayon kaya bakit pa niya ako papapasukin? Hindi maganda ang ideya mo. Nakapasok na ako
Hindi inaasahan ni Tiffany magiging malala ang reaksyon ni Jackson kahit na sinusubukan lang niya na hindi sundin ito para manatili siyang interesado kay Tiffany. Sumilip siya sa ibaba ngunit wala siyang makita dahil ang kanyang bagong bahay ay masyadong mataas. “Nasa baba ka ba talaga? Hindi… Hindi ako makababa…”Hindi siya makababa? Nawala na ang pasensya ni Jackson. "Huwag mong sabihin sa akin na may iba kang lalaki sa bahay? Pinakiusapan ka ba ng nanay mo na makipag-blind date ulit? Maghintay ka lang at pupunta na ako ngayon!"Nabigo si Tiffany na manatiling matatag at dali-dali niyang sinabi, “Maghintay ka diyan! Bababa na ako ngayon." Pagkababa niya ng tawag ay mabilis siyang nagpalit ng damit at nagmadali siyang lumabas. Nang tanungin ni Lillian kung saan siya pupunta, sinabi lang niya na makikipagkita siya sa isang kaibigan at babalik rin siya kaagad.Medyo hinihingal si Tiffany nang bumaba siya at tumakbo sa sasakyan ni Jackson. "Anong meron? Para kang bata na ginagawa ang
Nag-panic si Tiffany. “Sinabi mo noon na huwag sabihin ang salitang maghiwalay. Hindi ko sinabi ang mga salitang maghiwalay…" Ayaw makipaglaro ni Tiffany ng wordplay sa kanya at sa pagkakataon na iyon ay muli siyang dinaganan ni Jackson.Huminga ng malalim si Tiffany habang nakahawak siya ng maigi sa unan. "Hindi ko na ito babanggitin... Ikaw..." Nanginginig ang kanyang boses at hindi niya nagawang tapusin ang buong pangungusap. Ang unan na hawak niya ay mahigpit niyang hinawakan hanggang sa nawala na ang hugis nito.Biglang nag-ring ang kanyang cellphone at nagulat siya dahil dito. "Tumatawag ang nanay ko!""Sagutin mo. Sabihin mo sa kanya na kasama mo ako. Maiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin ng sasabihin mo sa kanya."Alam ni Tiffany na inaasar siya ni Jackson sa pagkakataon na ito kaya sumagot siya, "Oo na, inaamin kong mali ako!" Naging maamo ang itsura ni Jackson dahil dito at pinayagan siyang sagutin ang tawag."Ma… nasa labas ako."Biglang nagreklamo si Lillian, “
Isinara ni Naya ang pintuan ng kusina nang makita na kaunti lamang ang mga customer sa ngayon. Hininaan niya ang kanyang boses at sinabing, "Okay lang. Pwede mo akong kausapin. Tahimik lang ako. Hindi ko ito sasabihin sa iba. Mas giginhawa ang pakiramdam mo pagkatapos mong makipag-usap sa iba tungkol dito."Umalis na si Tiffany at si Naya lamang ang nagmamalasakit sa kanya. "Naya... Si Mark ay pumunta sa tinutuluyan ko kagabi at siya ay bugbog sarado siya. Hindi ko siya pwedeng hindi pansinin kaya dahil doon, magkasama ulit kaming dalawa... Hindi ko naisip kailanman na makakausap ko ulit siya maliban na lang kung pipirmahan niya ang divorce papers."Dahil hindi alam ni Naya kung ano ang nangyari sa pagitan nila pero hindi dapat siya gumawa ng sarili niyang konklusyon. "Tama ang ginawa mo. Hindi mo rin naman dapat talikuran ang isang tao na hindi mo kakilala kapag kailangan nito ng tulong, paano pa kung sarili mong asawa ito? Kahit na hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagitan nin
Ngumiti si Naya. "Tama ka. Si Lulu ay masunurin at mabait na bata. Siya ang nag-iisa at tanging pag-asa ko. Nitong mga nakaraan na araw ay late na akong umuuwi galing trabaho. Pag-uwi ko, pinipilit kong iwasang linisin ang kalat ng biyenan ko. Nilalabahan ko pa ang damit ng asawa ko at ang mga damit ko sa washing machine habang ang mga damit ni Lulu ay nilalabahan ko gamit ang mga kamay ko. Pagod na pagod ako. Dapat wala akong pakialam sa kanila. Meron silang mga kamay at paa. Tinigil ko na ang pagiging katulong nila. Nagrereklamo sila sa akin noong nakaaran pero wala akong pakialam. Nagreklamo sila sa akin na wala akong pera at sinabi pa nila na maaalagaan ko ang aking sarili dahil hindi masyadong magastos dito. Gusto kong malaman kung ano pa ang masasabi nila sa sandaling hindi na ako umaasa sa kanilang anak."Sumang-ayon si Arianne sa sinabi ni Naya. “Dapat matagal mo nang ginawa iyon. Huwag mo silang pansinin kung hindi sila masaya sa ginagawa mo at sabihin mo sa kanila na kausapi
Pinigilan ni Arianne ang galit niya pagkatapos punasan ni Mark ang kanyang sarili. Tinulungan niya si Mark na palitan ang mga bandage bago siya maligo, maglinis ng bahay at maglaba ng damit. Napakamahal ng suit niya. Sobrang mahal nito na hindi niya ito mababayaran kung nasira ito sa washing machine. Dahil dito, kinailangan niyang labahan ang mga ito gamit ang mga kamay niya. Habang hinuhugasan niya ang kanyang mga underwear, naramdaman niya na parang nasusunog ang kanyang mga kamay kahit na ilang beses niya itong kinuskos...Umupo si Mark sa kama at narinig niya ang gulo sa labas. Inisip niya kung gagana ang susunod niyang plano. Naisip niya na ang mga paraan ni Jackson ay hindi talaga umaangkop sa kanya. Hindi ito bagay sa kanyang pagkatao at pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang galit kay Arianne.Mas nalulungkot si Mark habang nakatitig siya sa kanyang pajama. Sinasadya niya itong gawin, tama ba? Alam ni Arianne ang kanyang style, pero kahit pa ganoon ay binilhan niya ng pajama
“Iyon lang ba ako sayo? Pasakit lang ba talaga ako?" Maririnig ang bahid ng lungkot sa kanyang boses.Hindi sumagot si Arianne sa kanya. Ayaw niyang isipin ito. Pinahirapan siya noon kahit pa ang kanilang nakaraan ay matamis o mapait. Ang problema sa pagitan nila ay hindi nawawala sa tagal ng panahon. Hindi pa rin nils kayang umupo at mahinahon na pag-usapan ito.Ang itsura ni Mark ay hindi makita sa dilim. Matapos ang mahabang katahimikan, tumayo siya at kinuha ang kanyang laptop bago siya umalis sa condominium.Nabigla si Arianne nang sumara ang pinto. Sa isang sandali, naisip ni Arianne na hilingin si Mark na manatili sa tabi niya. Gayunpaman, alam ni Arianne na magiging maayos ang kalagayan ni Mark mula nang maglakas-loob siyang lumabas ng pinto. Hindi na kailangang magalala ni Arianne tungkol sa kanya....Pumara kaagad si Mark ng taxi pagkalabas niya ng condominium at pumunta siya sa isang kalapit na hotel. Tinanggal na niya ang chauffeur na iyon at pinapunta niya si Brian.
Nagkataon na nasa cash counter si Arianne sa oras na ito. "Ano pong kailangan nila, ma'am?"Nilagay sa likod ng babae ang isang parte ng kanyang kulot na buhok sa likod ng tainga niya at palihim na tinanong "Nagtatrabaho ba dito si Naya Palmer?"Agad na sumagot si Arianne nang marinig niya na nandito isya para makita si Naya, “Day-off ni Naya ngayong araw. Wala siya dito. Hindi mo siya mahahanap dito ngayon."Ngumiti ang babae. "Alam kong nag-day off niya ngayon, manugang ko siya. Nilagnat ang apo ko kagabi. Nandito lang ako para kumpirmahin kung nagtatrabaho siya rito. Magkano ang buwanang sweldo niya?"Nainis si Arianne sa babae nang marinig niya na siya ang biyenan ni Naya. Sinuri niya ng mabuti ang babaeng nasa harapan niya. Mukhang siya ang tipo ng babae na hindi dapat kinakalaban . Bagay sa kanya ang tanyag na 'teddy bear curls' at mukhang kinulayan niya ito ng light brown. Nagkaroon pa siya ng semi-permanent na tattoo eyebrows. May suot siyang matangkad na takong na may taas