Walang duda na si Jean ang may pakana nito. Mabilis itong naisip ng mga tao na nandoon. Ngunit hindi ito katulad noong nahuli nila si Regina dati, wala silang ebidensya na ito ay kagagawan ni Jean!Nang kumalma sila, tinawagan ni Arianne si Helen. Tumunog ng saglit ang ringtone bago ito kumonekta. Ang inaantok na boses ni Helen ay narinig sa kabilang dulo ng linya, "Arianne? Anong problema? Late na ngayon, may nangyari ba?"Tiningnan ni Arianne ang kaguluhan sa shop niya at sinabu, “Si Aery ay naghahanap ng gulo sa shop ko at binugbog ko siya. Dinala niya ang kanyang tatay dito para maghiganti sa akin pero sinabihan ko sila. Bago umalis si Jean, binantaan niya ako at sinabi niya na hintayin ko lang ang gagawin niya. Ngayong gabi... nangyari na ang sinabi niya at isang grupo ang sumira sa pinto at dingding ng shop ko. Sino sa palagay mo ang gumawa nito?"Mabilis na nagising si Helen. "Anong sinabi mo?! Paano magagawa iyon ni Jean?"Mahinahon na sumagot si Arianne, "Siya ang lalaking
Kinabukasan, tinawagan ni Arianne ang isang taong na maglalagay ng bagong pintuan at bintana sa dessert shop. Natapos na ito pagsapit ng hapon at nagpatuloy ang kanilang negosyo pagkatapos nito.Alam niyang nakausap na ni Helen sila Aery at Jean Kinsey. Gayunpaman, kilala niya ang ugali ni Helen at alam niya na ang magagawa lamang nito ay putulin ang kanyang relasyon sa mag-ama. Hindi niya pwedeng limitahan ang kanilang mga aksyon. Hindi siya sigurado kung magpapatuloy si Jean na gumawa ng problema para sa kanya at kailangan niyang maghanda ayon sa sitwasyon. Kapag nakakuha siya ng ebidensya laban kay Jean, ipapakulong niya talaga ang taong ito!Nag-alala si Tiffany nang mapagtanto niya na malapit na ang date kung kailan siya babalik sa capital. “Ari, gusto mo bang kausapin ko si Jackson at sabihin ko sa kanya na manatili ako dito ng saglit pa? Nag-aalala talaga ako na iwan ka lang dito lalo na sa lahat ng nangyari."Mahigpit na umiling si Arianne. “Ako na ang bahala dito. Dapat uma
Naglakad si Jean papunta sa pintuan at sumilip siya sa peephole. Madilim ang labas at wala siyang makita na kahit ano. Parang may nakatakip sa peephole. Kinabahan siya kaya mabangis siyang nagsalita "Sino ito?"Makalipas ang ilang segundo, isang walang emosyon na boses ng lalaki ang narinig mula sa kabilang panig ng pinto. "May problema sa kuryente sa condo niyo. Nandito ako para ayusin ito."Agad na namatay ang mga ilaw sa condominium na parang sumabay ito sa sagot ng lalaki.Napatalon sa takot si Aery. “Dad, papasukin mo sila at ayusin ito. Malaking problema ito. Masyadong madilim!"Naniniwala si Jean na ang bagay na ito ay hindi kasing simple ng inaakala niya. Ang mga ilaw ay nakabukas pa nang kumatok ang lalaki sa pintuan at namatay lamang ito pagkatapos magsalita ng lalaki. Hindi nagpadalus-dalos si Jean sa sitwasyon na ito. "Nasa labas ang mga electric boxes, nasa tabi mo mismo ito. Kailangan mong kunin ang isang susi mula sa security sa ibaba. Nakalock ito kaya hindi kita ma
Hindi natakot si Henry. "Nilinaw ito ng maigi ni Mr. Tremont at sinabi niya na pareho dapat kayong pumunta ng anak mo sa presinto Mr. Kinsey. Ang krimen na ginawa mo lamang ay ang pagkuha ng mga thugs para sirain ang personal property at ang pagbabanta kay Arianne. Hindi siguro magiging mabigat ang sentence mo. Pero ang iyong anak ay sadyang sinagasaan ang kotse ng iba at ito ang naging sanhi ng pagkalaglag ng biktima at hindi na siya kailanman magkakaroon ng mga anak kaya hindi ako masyadong sigurado tungkol sa sentence niya. Sasabihin ba ng iyong anak na babae ang mga taong tumulong sa kanya na takpan ang kanyang mga krimen? Sa pangyayari na iyon, nakasalalay sa kanya ang lahat ng kahihinatnan."Nanlaki ang mga mata ni Jean. "Hindi ba pinagtakpan rin siya ni Mark?"Kumunot ang noo ni Henry. "Si Mr. Tremont ay isang mabait na tao. Ang kanyang kabaitan ay dahil lamang kapatid ni Mrs. Tremont ang anak mo. Si Mr. Tremont ay isang biktima rin kung tutuusin. Tapos na ang iyong limang min
Tumingin si Arianne kay Tiffany na naglalakad paalis. Ngumiti siya at tumango na lamang. Nang siya ay lumingon, ang luha na matagal na niyang pinipigilan ay tuluyan nang bumuhos sa mukha niya.Hindi siya tumawag ng isang taxi at nagpasya siyang maglakad pauwi kasama ang walang laman na mga kalye. Damang-dama niya ang bawat hakbang na ginagawa niya. Ang kanyang mga nakaraang karanasan ay nagsimulang lumabas sa kanyang isipan. Naging malabo sa kanya ang mahihirap at masasayang pangyayari sa buhay niya. Siguro darating ang panahon na makakalimutan na niya ang lahat ng masasakit na pinagdaanan niya at ang lahat ng mga taong iyon...Biglang may narinig siyang mga yapak na papalapit sa kanya at biglang nanginig ang kanyang katawan. Takot na takot siyang lumingon at tumingin kaya binilisan niya ang kanyang takbo. Sa kasamaang palad, lasing siya kaya ang kanyang utak at mga binti ay nanghihina kaya nadapa siya ng ilang beses. Hindi niya napansin dahil sa kanyang kalasingan ang panganib ng pa
Ang pangyayari na iyon ay parang imposible. Si Mark ay nasa capital. Bakit naman siya pupunta dito at gagawa ng mga nakakatawang bagay? Bukod pa dito, hindi siya kailanman sumagot sa message ni Arianne noong sinabi niya na paalisin na si Lynn. Mukhang sumuko na si Mark sa kanya kaya sigurado na hindi iyon gagawin ni Mark. Naisip ni Arianne na masyado niya itong iniisip.Kahit na wala na sa tabi niya si Tiffany, nagpatuloy pa rin ang negosyo nila at buhay niya. Ang panahon ngayon ay mukhang maganda, para bang sinusubukan nitong pasayahin si Arianne. Medyo malamig ngayon at hindi ito masyadong humid o masyadong mainit. Ang araw ay hindi masyadong mainit at ang negosyo ay maayos.Pagsapit ng tanghali, biglang sumigaw si Naya na may pagtataka, “Ari, nakatanggap kami ng malaking order mula sa isang finance company sa opisina sa kabilang kalye. Sa palagay ko ito ay mula sa… kumpanya ng asawa mo? One hundred desserts at one hundred cups ng americano. Madaling gawin ang mga Americano pero ma
Naging mabigat ang loob ni Arianne sa sandaling naisip niya na walang pakialam si Mark nang makita niya ito sa opisina. Kung hindi lang siya naghahanap buhay para kumita ng pera, hindi niya tatanggapin ang order ni Mark. Buong hapon siyang nagpagod dahil dito at naramdaman niya na sinadya ito ni Mark sa gawin sa kanya para pahirapan ang kanyang buhay.Hindi nagtagal, bumalik si Naya sa shop pagkatapos sunduin ang kanyang anak na babae mula sa preschool. Ito ay naging isang pangkaraniwang pangyayari kamakailan lang. Walang pakialam ang ibang mga tao dito, ngunit malinaw ito para kay Arianne. "Naya, wala bang tao sa bahay na makakatulong sayo na alagaan ang bata? Wala akong pinaparating na masama, gusto ko si Lulu pero iniisip ko lang na... nakakapagod ito para sayo. Wala bang ibang susundo sa kanya para sayo?"Umiling si Naya na may pilit na ngiti. "Wala, eh. Pagod na sa trabaho ang asawa ko. Siya ay isang programmer at laging nagtatrabaho hanggang gabi dahil overtime siya parati. Hi
Maingat na nagtanong ng chauffeur, "Ah... paano ka pala?"Mabilis na nawala ang pasensya si Mark. “Bakit mo ako tinatanong? Sino nag-hire sayo? Wala ka bang utak? Magdala ka ng mas matalinong tao dito!"…Sa baba ng apartment, nakita ni Mark na nakabukas ang mga ilaw sa unit ni Arianne habang siya ay paakyat sa elevator. Hindi na siya makapaghintay na makita at makausap ulit si Arianne, kahit na pagagalitan siya nito…Kanina ay naisip niya na bagalan ang kanyang galaw, ngunit hindi na siya nakapagpigil pagkatapos niyang makita si Arianne kanina. Pagtitiis niya kanina ay parang kinagat siya ng milyun-milyong mga langgam. Nagtiis siya ng hindi mabilang na mga gabi na hindi puntahan si Arianne, lalo na at natatakot siyang umuwi nang mag-isa si Arianne sa gabi. Gusto ni Mark na palakasin ang loob niya at sabihin sa kanya na palagi siyang nandyan para kay Arianne…Pagdating sa pintuan, matagal na nagdalawang isip si Mark bago kumatok dito, ngunit wala siyang natanggap na sagot sa kabil