Nang matapos ang office hours, nag-text si Jackson kay Tiffany. "May dinner akong kailangang puntahan ngayong gabi kaya hindi kita mababantayan. Tandaan mo, huwag kumain ng hindi dapat kainin."Naramdaman ni Tiffany na naguguluhan siya habang binabasa niya ang text. Bakit napakabait ng lalaki na ito? Para bang sa kanya ang sanggol. Ang isang pakiramdam ng pagkabigo ay umangat sa puso ni Tiffany habang siya ay pauwi pagkatapos ng trabaho.Pagdating niya sa bahay, nakita niya si Lillian na may mga prutas sa sopa. "Tiffie, wala na akong pera. Inimbitahan ako ni Auntie Renee para sa mahjong bukas. Bigyan mo ako ng three hundred dollars.""Three hundred dollars? Ibenta mo na lang ako, okay? Kumakain ka pa ba? Binubuksan pa rin ang AC? Palagi kang natatalo pero patuloy mo pa rin itong ginagawa. Wala akong sasabihin dito." Nagpalit ng sapatos si Tiffany at bumalik sa kanyang kwarto.Bumagsak ang mukha ni Lillian habang sinabi niya sa isang mas malakas na tono, "Kung ganoon, sa palagay mo
Nanahimik si Arianne habang naglalakad para linisin ang gulo. Ang takeout mula sa dalawang araw na nakalipas ay napakabaho at nagsimula na itong mabulok. Sensitibo ang pang-amoy niya ngayon na siya ay buntis, tuyo ang paghinga niya. Napagtanto ni Lillian ang sitwasyon kaya napasigaw siya, "Nakalimutan kong buntis ka pala! Iwanan mo na 'yan, lilinisin ko na ito. Maligo ka na at magpahinga! May gusto ba kayong kainin? Pwede akong mag-order ng takeout para sayo!"Umiling si Arianne at pinigilan niya ang kanyang hininga, tinanggal ang basura sa coffee table. “Untie Lane, pagod na rin si Tiffie sa trabaho. Hindi mo siya dapat guluhin sa mga maliit na gawain na tulad nito kung kaya mo naman itong ayusin. Ang iba pang mga gawain, tulad ng pag-mop ng sahig o paglilinis ng bahay, ay pwedeng gawin sa weekend."Sumang-ayon si Lillian ngunit ang kanyang mga mata ay nakadikit sa telebisyon, halatang nagpapanggap siyang may pakialam na sumasagot kay Arianne.Si Arianne ay nang gana na magsabi n
Ang fixation ni Jackson? Sa buhay ni Arianne, hindi pa siya nakakakilala ng sinuman na may anumang uri ng kakaibang fixation, kaya mahirap para sa kanya na isipin ito.Parang may naaalala si Tiffany kaya bigla siyang nagsalita, "Hindi ka pa kumakain, di ba? Anong gusto mong kainin? Titingnan ko ang fridge para makita kung anong mga ingredients ang mayroon tayo. Kung hindi man, pwede tayong mag-order ng takeout."Sinubsob ni Tiffany ang ulo niya sa ref ngunit hindi siya nakakita ng kahit anong gulay. “Ari, wala tayong pagkain. Gigising ako ng mas maaga bukas para pumunta sa palengke. Anong gusto mo para sa gabing ito? "Nag-aalala si Arianne tungkol sa kalinisan ng takeout na pagkain. Sa katunayan, maraming mga tindahan ang may mababang mga standard sa kalinisan ng pagkain nila. Walang may gustong kumain ng takeout sa kanilang dalawa, kaya't nagpasya siyang kumain sa labas. “Pwede ba tayong mag-hapunan sa labas? Pwede na ang kahit ano."Si Lillian, na narinig ang kanilang pag-uusap,
Sumobra na si Lillian sa kanyang mga salita. Madalas magaway ang mag-ina na ito, ngunit sa oras na ito, nadama ni Arianne na ang kapaligiran ay kakaiba kaysa dati. Ito ay medyo madilim, hindi tulad ng mga pagsabog na karaniwang nangyayari pagkatapos ng isang matagak na pagpipigil.Hindi sumigaw si Tiffany kay Lillian, ngunit sumagot siya sa kanya sa isang kalmadong boses, "Oo, binibigyan kita ng $2,000 sa kada buwan. Ang aking sahod ay $12,000 sa isang buwan. Kapag naibukod ko ang iyong $ 2,000, mayroon akong $ 6,000 na babayaran para sa renta. Ang natitirang $ 4,000 ay dapat gagamitin para sa tubig, kuryente at isang buwan na gastos sa bahay. Ang iyong $2,000 ay hindi kasama sa mga araw-araw na gastusin at nagbabayad din ako para sa takeout mo. Minsan, nanghihingi ka sa akin para sa karagdagang allowance para sa mahjong mo. Inisip mo ba kung paano ako nabubuhay araw-araw?"Si Lillian ay hindi nakonsensya sa lahat ng narinig niya. Ang expression ng kanyang mukha ay ng galit at puno n
Dinala niya ang thermal lunch box papunta sa opisina ni Jackson at nagtanong, "Plano mo ba talaga na dalhin ako ng lunch araw-araw?" Si Jackson ay nasa kalagitnaan ng pagtatrabaho sa isang bagay, napatingin siya kay Tiffany nang marinig niya ang boses nito. "Bakit? Pangit ba ang lasa?" Nilagay ni Tiffany ang lunch box sa kanyang mesa at sinabi niya, "Hindi iyon, gusto ko lang malaman kung bakit mo ginagawa ito. Huwag kang magdahilan na isang boss ka na nag-aalala para sa kanyang empleyado. Maraming mga buntis na babae sa building na ito at hindi ko kailanman nakita na gumawa ka ng anumang katulad nito para sa alinman sa kanila. At huwag mong sabihin na dahil si Ari ay kaibigan ko, o ginagawa mo ito para kay Mark. Sinungaling iyon at alam nating lahat ito." Inilapag ni Jackson ang kanyang tinatrabaho at tinitigan siya, pabiro na nagtanong, "Come on, 'natulog' tayo nang magkasama, hindi ba? Pagkatapos ng lahat ng iyon, hindi ka dapat mag-alala tungkol sa isang maliit na bagay na tu
Napabuntong hininga si Jackson. "Mabuti naman. Kainin ang pagkain, dahil nandito naman na. Sa susunod, kung magising ako ng maaga at magkaroon ng ilang ekstrang oras, pwede kitang lutuan ng pagkain at dalhin ito para sayo, dahil ginagawa ko na rin naman ito. Ito ay nagkataon lang para di ka na mahirapan, kaya't hindi mo kailangang mahirapan pa."Huminga ng maayos si Tiffany. Kinuha niya ang thermal lunch box at umalis.Sa Tremont Tower.Pinaypayan ni Lillian ang kanyang sarili ng isang flyer habang nakatingin sa malaking gusali. Maya-maya, naglakad na siya papasok sa front desk. "Miss, pwede mo bang tawagan ang iyong CEO para sa akin? Sabihin mo sa kanya na ako ang ina ni Tiffany Lane at mayroon akong sasabihin sa kanya. Ang asawa ng iyong CEO ay nanatili sa bahay ko."Kinuha ng receptionist ang telepono nang marinig niya ito, "Sige, maghintay ka po ng sandali."Nakakonekta ang tawag. Maingat na sinabi ng kabilang linya, “Mr. Tremont, mayroong isang tao dito na gustong makipagkita
“Buntis si Ari. Nakita ko ang medical report niya at twelve weeks na siyang buntis. Halos tatlong buwan na din, hula ko. Hindi siya nag-iisa ngayon at kailangan niyang mag-overtime hanggang gabi na. Palagi siyang namumutla at napapagod pagdating sa bahay, para sa kaunting sweldo. Ang sakit sa puso. Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa. Malamang tumatanggi siyang sabihin ito sayo dahil ayaw niyang bumalik sa bahay. Buntis nga naman siya, kung tutuusin. Mas mahalaga para sa kanya na manatiling masaya. Sinasabi ko lang sayo para alam mo. Mas mainam pa rin na hayaan mo siyang manatili kung saan niya gusto. Ano sa tingin mo?" Maingat na sinabi ni Lillian ang bawat salita sa kanyang pagsisikap na basahin ang ekspresyon ni Mark.Nanginginig si Mark. Buntis na naman siya? Agad na naisip ang araw na nasa ospital si Arianne, sobra ang pagdudugo niya noon. Naalala din niya ang sinabi ng doktor - maliit na ang pagkakataong mabuntis si Arianne … Ilang beses lang silang nagtalik at hi
Matapos maibaba si Arianne at tiyakin na nakapasok na siya sa elevator, hinugot ni Brian ang kanyang cellphone at tumawag, "Sir, hinatid ko si Mrs. Tremont sa bahay. Gusto mo bang ihatid ko siya araw-araw? Maghihinala siya, hindi ba? Maiisip niya na nagkataon lang kung isa o dalawang beses itong nangyari... Maiisip niya na sinasadya na kung naulit ulit ito...""Alamin mo kung anong gagawin mo," ang malamig at malinaw na boses ni Mark na umalingawngaw sa kabilang linya.Biglang naguluhan ang isip ni Brian, "Hindi ko na kaya... Sir, bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya na ihahatid ko siya papunta at pauwi mula sa trabaho niya? O di kaya... pwede mong bigyan ng kotse si Tiffany at sabihin mo sa kanya na ihatid pauwi si Mrs. Tremont mula sa trabaho?"Hindi siya nakakuha ng sagot mula kay Mark, dahil binaba na niya ang tawag.Sa Tremont Estate, tumayo si Mark sa harap ng French window sa kanyang kwarto at tinawagan siya bigla ni Jackson, "Mag-isip ka ng isang paraan na bigyan si Tiff