Pagkatapos ng breakfast, magkasamang umalis sina Arianne at Mark. Habang nasa kotse, 'tatay mode' ni Mark ay lumabas na naman. “Tumawag sa akin kung sa palagay mo ay hindi maganda ang pakiramdam mo sa opisina. Kung abala ako at hindi ko nasagot ang tawag, papauwiin ka ni Eric at sabihan si Henry na tawagan ang doktor sa bahay para tingnan ka. Huwag mong pilitin ang iyong sarili. Ang hindi magandang kalusugan ay nangangahulugan na meron kang isang mahinang immune system. Subukan mong lumayo muna sa mga lugar tulad ng ospital. Hindi sa ayaw kong magtrabaho ka. Natatakot ako na baka may mangyari sayo. Hangga't maayos ang kalusugan mo, magagawa mo ang anumang gusto mo." Napatingin sa kanya si Arianne na parang nakatingin sa isang halimaw. "Maling gamot ba ang nainom mo ngayon?" Dumilim ang ekspresyon ni Mark. "Anong sinabi mo?" Mabilis na nagbago ang pananalita ni Ariamme. "Hindi. Ibig kong sabihin, bakit mo ako pinagsasabihan. Hindi na ako bata. Hindi ako pipilitin na magtrabaho kun
Naguluhan si Arianne. Ang tanging landline telephone sa buong design department ay nasa mesa ni Lily, at karaniwang ginagamit ito para sa trabaho. Karaniwan, hindi siya hihilingin para sa mga bagay sa trabaho. Tumayo siya at tumabi para kunin ang telepono. Sinagot ni Arianne ang telepono, “Hello? Magandang umaga, this is Glide Design." "Hah, ako ito, si Wendy Galena." Narinig ang boses ni Wendy sa kabilang dulo ng linya at mas lalong naguluhan si Arianne.“Wendy? Anong kailangan mo?" "Wala naman. Dumaan ako sa opisina mo kanina at nakita kong hinatid ka ni Mark sa trabaho. Nakangiti ka talaga at masaya ka na para bang gusto mo siya. Totoong naisip kong gusto mo si Will. Hindi ko talaga inasahan na hindi ka man lang apektado sa ginawa ni Mark sa pamilyang Sivan. Medyo walang awa ka. Hula ko na ang lahat ay magiging masaya na ikaw si Mrs. Tremont. Siguro naging mabuti ka sa nakaraan mong buhay para makakapit ka sa isang tulad ni Mark sa kabila ng iyong pagkatao." "Mayroon ka pa
"Tama lang ang ginawa niya. Kung ibang babae ito, gagawin din ito ni Mark. Hindi ko mabayaran ang isang mata para sa isang mata tulad ng ginawa mo sa akin. Kawawa naman!" Sabi ni Arianne na may manhid na ekspresyon sa kanyang mukha habang kumakain. Para bang gusto niyang sirain si Arianne kaya galit na galit na sinabi ni Aery, "Hindi ka mahal ni Mark. Bakit niya kaya pinagtakpan kami ni mommy kung alam niya na ako ang naging dahilan ng pagkalaglag mo noong binangga ko ang kotse ko sayo? Sa tingin mo ay mahalaga ka ngayon. Tignan mo ang iyong sarili. Pinakasalan ka lang ni Mark dahil dahan-dahan ka niyang pahihirapan bilang paghihiganti. Patay na ang tatay mo. Ang isang dosenang buhay na inutang niya sa mga Tremonts ay babayaran mo. Hindi ka niya mahal, at ngayon, sa palagay mo ikaw ang nanalo!" "Wala itong kinalaman sa pag-ibig. Hindi ko naman siya mahal. Dahil ayaw niya akong hiwalayan, kahit na gusto niyang maghiganti o pahirapan ako, tungkulin kong tanggalin ang mga walang kwent
Para hindi maghinala si Mark, hiniling ni Arianne na umalis ng isa't kalahating oras na mas maaga kay Lily noong hapon na. Hindi niya tinanong si Eric dahil natakot siya na baka sabihin niya ito kay Mark. Nang umalis si Arianne sa opisina, bumili siya ng ilang prutas at pumara ng taxi papunta sa ospital. Hindi ito nagtagal bago niya natagpuan ang ward ni Will. Nagdalawang isip siya ng sandali, bago siya tuluyang kumatok sa pinto. Ang malinaw na boses ni Will ay narinig mula sa likod ng pintuan. "Pasok ka." Nararamdaman ni Arianne na hindi maipaliwanag ang katiyakan nang marinig ang boses ni Will. Tinulak niya ang pinto at pilit na ngumiti. "Maaga akong umuwi mula sa trabaho ngayon at naisip ko na pupunta ako dahil na-ospital ka. Kumusta ang pakiramdam mo?" Medyo nabigla si Will na para bang hindi niya inaasahan na makikita siya. Nang muli siyang makapag isip ng maayos, napuno ng saya ang kanyang mga mata. "Hindi... Hindi ko inakala na pupunta ka. Okay lang ako. Nabali ang bin
Huminga ng malalim si Arianne bago niya sinabi,"Noong nagwala ako dahil sa aking pagkalaglag, may mga sinabi akong bagay na hindi ko dapat sinabi at pinaalam ko sa buong mundo na niloko ko siya ... Pero wala siyang pakialam doon. Marami pang ibang examples. Sapat na sa akin ang mga iyon. Hindi naman ako nahihirapan. Will, okay lang talaga ako. Ang tanging masakit lang para sa akin ay anak ako ng isang makasalanan, at may utang ako sa mga Tremonts. Sa katunayan, natutugunan ni Mark ang lahat ng aking materyal na pangangailangan ko at siya rin ang tipo ko. Ayaw namin ang isa’t isa, iyon lang ang problema naming dalawa. Magkasama kami ng higit sa sampung taon. Higit pa ito sa pag-ibig. Pamilya kami. Hindi na ito masama kung tutuusin."Nang marinig ang mga salita ni Arianne, kitang-kita na lumiwanag ang ilaw sa mga mata ni Will. "Ganoon ba? Mabuti ‘yon, kung totoo ito. Sana hindi ka niya madismaya... "Hindi na pwedeng tumagal si Arianne kaya sinabi niya, “Um… kailangan ko nang umalis n
Ngumisi si Mark. “Hah, magkaibigan lang? Ang magkaibigan ay pwedeng mag hook-up kung gusto nila?"Huminto ang hininga ni Arianne sa kanyang lalamunan. "Huwag mong sabihin ‘yon. Kung ano man ang nangyari sa nakaraan, lumipas na ‘yon. Hindi na kailangang pag-isipan ito. Hindi naman kita ginulo tungkol sa pakikipag-sex mo kay Aery Kinsey. "Tumawa ng malakas si Mark bago niya sinabi. "Sa tingin mo nakipag-sex ako kay Aery? Pero, alam ng lahat ang tungkol sayo at kay Will Sivan. Kung talagang iisipin ko hanggang ngayon ang nangyari sa inyo ni Will, hindi mo na siya makikita ng matagal na panahon. Dahil wala akong pakialam kung bisitahin mo siya sa ospital, naiintindihan mo ba? Tsaka wala kang pakialam sa kung sino ang kasama ko sa kama, di ba?"Wala kang pakialam.Pinag-isipan ni Arianne ang kanyang mga sinabi at iniisip kung nagmamalasakit talaga si Mark. Nang marinig niya ang mga nakakatawang tunog na ginawa nila ni Aery sa hotel, tumakas siya sa sobrang gulat. Pakiramdam niya na par
Kinurot ng mga kamay ni Mark na nakaangat ang mga buto ang baba ni Arianne habang siya ay lumapit at mapanlinlang na tumingin kay Arianne. "Hindi kita nakikita bilang isang pamilya. Kahit na noong bata ka pa, hindi ko nakalimutan ang aking paghihiganti sayo. Sa tuwing nakikita kita, gusto kitang patayin ka. Noong binata na ako, bigla kong napagtanto na malaki ka na at pwede ka na sa mga mata ko. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin? Hinintay kong maging eighteen ka bago kita makuha, pero kinuha ka ni Will Sivan mula sa akin. Ang pagmamay-ari ko ay dinungisan ng iba. Ano sa palagay mo ang gagawin ko? "Patuloy siyang nagsalita, "Bakit napaka tanga mo para isipin na pamilya mo ako? Ako ay isang taong naghihintay na patayin ka. Buhay ka ngayon dahil laruan kita. Bakit sa tingin mo ipinagbabawal kita na lumapit sa ibang mga lalaki? Dahil tulad ng isang bagay, ikaw ang pagmamay-ari ko. Ayokong may iba na hahawak sayo. Hindi kita mahal at hindi kita kailanman mamahalin. Wala rin akong
Pilit na ngumiti si Arianne. "Palagi siyang ganoon sa akin. Naiinggit ako sa ibang tao minsan, nararanasan niyo ang kabaitan niya. Mahigit sa sampung taon na akong nakasama, pero hindi ko kailanman..."Walang balak si Nina na asarin siya. Sa halip, naintindihan niya ang nararamdaman ni Arianne. "Base sa dati kong pagkakaintindi kay Mark, sa palagay ko sinabi niya lang ang mga salitang iyon dahil galit siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa. Pero, batay sa aking womanly instincts, sa palagay ko hindi niya sinasabi ang totoo. Noong una, hindi ako naniniwala na gusto ka niya. Naisip ko pa na pinilit mo siyang pakasalan ka sa pamamagitan ng pagbubuntis at paggamit ng kung anong trick na ginamit ng mga tao sa mga drama. Pero, naniniwala na ako ngayon. Hindi ba siya nagpilit na pakasalan ka?"Hindi maintindihan ni Arianne ang mga sinabi ni Nina. "Anong ibig mong sabihin? Narinig mo ang sinabi niya, iniisip mo pa rin na mayroon kaming relasyon? "Napatingin si Nina sa la