Huminga ng malalim si Arianne bago niya sinabi,"Noong nagwala ako dahil sa aking pagkalaglag, may mga sinabi akong bagay na hindi ko dapat sinabi at pinaalam ko sa buong mundo na niloko ko siya ... Pero wala siyang pakialam doon. Marami pang ibang examples. Sapat na sa akin ang mga iyon. Hindi naman ako nahihirapan. Will, okay lang talaga ako. Ang tanging masakit lang para sa akin ay anak ako ng isang makasalanan, at may utang ako sa mga Tremonts. Sa katunayan, natutugunan ni Mark ang lahat ng aking materyal na pangangailangan ko at siya rin ang tipo ko. Ayaw namin ang isa’t isa, iyon lang ang problema naming dalawa. Magkasama kami ng higit sa sampung taon. Higit pa ito sa pag-ibig. Pamilya kami. Hindi na ito masama kung tutuusin."Nang marinig ang mga salita ni Arianne, kitang-kita na lumiwanag ang ilaw sa mga mata ni Will. "Ganoon ba? Mabuti ‘yon, kung totoo ito. Sana hindi ka niya madismaya... "Hindi na pwedeng tumagal si Arianne kaya sinabi niya, “Um… kailangan ko nang umalis n
Ngumisi si Mark. “Hah, magkaibigan lang? Ang magkaibigan ay pwedeng mag hook-up kung gusto nila?"Huminto ang hininga ni Arianne sa kanyang lalamunan. "Huwag mong sabihin ‘yon. Kung ano man ang nangyari sa nakaraan, lumipas na ‘yon. Hindi na kailangang pag-isipan ito. Hindi naman kita ginulo tungkol sa pakikipag-sex mo kay Aery Kinsey. "Tumawa ng malakas si Mark bago niya sinabi. "Sa tingin mo nakipag-sex ako kay Aery? Pero, alam ng lahat ang tungkol sayo at kay Will Sivan. Kung talagang iisipin ko hanggang ngayon ang nangyari sa inyo ni Will, hindi mo na siya makikita ng matagal na panahon. Dahil wala akong pakialam kung bisitahin mo siya sa ospital, naiintindihan mo ba? Tsaka wala kang pakialam sa kung sino ang kasama ko sa kama, di ba?"Wala kang pakialam.Pinag-isipan ni Arianne ang kanyang mga sinabi at iniisip kung nagmamalasakit talaga si Mark. Nang marinig niya ang mga nakakatawang tunog na ginawa nila ni Aery sa hotel, tumakas siya sa sobrang gulat. Pakiramdam niya na par
Kinurot ng mga kamay ni Mark na nakaangat ang mga buto ang baba ni Arianne habang siya ay lumapit at mapanlinlang na tumingin kay Arianne. "Hindi kita nakikita bilang isang pamilya. Kahit na noong bata ka pa, hindi ko nakalimutan ang aking paghihiganti sayo. Sa tuwing nakikita kita, gusto kitang patayin ka. Noong binata na ako, bigla kong napagtanto na malaki ka na at pwede ka na sa mga mata ko. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin? Hinintay kong maging eighteen ka bago kita makuha, pero kinuha ka ni Will Sivan mula sa akin. Ang pagmamay-ari ko ay dinungisan ng iba. Ano sa palagay mo ang gagawin ko? "Patuloy siyang nagsalita, "Bakit napaka tanga mo para isipin na pamilya mo ako? Ako ay isang taong naghihintay na patayin ka. Buhay ka ngayon dahil laruan kita. Bakit sa tingin mo ipinagbabawal kita na lumapit sa ibang mga lalaki? Dahil tulad ng isang bagay, ikaw ang pagmamay-ari ko. Ayokong may iba na hahawak sayo. Hindi kita mahal at hindi kita kailanman mamahalin. Wala rin akong
Pilit na ngumiti si Arianne. "Palagi siyang ganoon sa akin. Naiinggit ako sa ibang tao minsan, nararanasan niyo ang kabaitan niya. Mahigit sa sampung taon na akong nakasama, pero hindi ko kailanman..."Walang balak si Nina na asarin siya. Sa halip, naintindihan niya ang nararamdaman ni Arianne. "Base sa dati kong pagkakaintindi kay Mark, sa palagay ko sinabi niya lang ang mga salitang iyon dahil galit siya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa. Pero, batay sa aking womanly instincts, sa palagay ko hindi niya sinasabi ang totoo. Noong una, hindi ako naniniwala na gusto ka niya. Naisip ko pa na pinilit mo siyang pakasalan ka sa pamamagitan ng pagbubuntis at paggamit ng kung anong trick na ginamit ng mga tao sa mga drama. Pero, naniniwala na ako ngayon. Hindi ba siya nagpilit na pakasalan ka?"Hindi maintindihan ni Arianne ang mga sinabi ni Nina. "Anong ibig mong sabihin? Narinig mo ang sinabi niya, iniisip mo pa rin na mayroon kaming relasyon? "Napatingin si Nina sa la
Nagkibit balikat si Nina. "Kung hindi ko narinig ang kanyang mga sinabi kanina at nakita siyang nagwawala dahil sayo, hindi ako maniniwala na gusto ka niya. Kung hindi niya gagawin ‘yon, siguradong lalaban ako para makuha ko siya. Pero, iba na ito ngayon. Hindi ko ugali na manguha ng partner ng ibang tao. Nakakamangha ka, nagawang mong gawing isang anghel ang demonyo. Bibigyan kita ng dalawang thumbs up."Sa sandaling ito, biglang lumitaw si Mary, “O, naguusap pala kayong mga babae dito! Lumapit kayo, kumain ng mga prutas." Dahil narinig niya ang mga sinabi ni Nina, parang nawala na rin ang sama ng loob niya sa babaeng ito.Ramdam ni Nina ang pagbabago sa pag-uugali ni Mary sa kanya at kaaya-aya nitong tinanggap ang mga prutas. "Oo naman, iwanan mo ang mga 'yan dito, Mary."Nilapag ni Mary ang mga prutas at tumingin siya kay Arianne. “Ari, galit na galit si sir. Bakit hindi ka... Di bale, sayang ang laway ko para kausapin ka pa. Pareho kayo ni sir, masyadong matigas ang ulo. Lalo na
Nagpanggap si Arianne na parang wala siyang narinig at pumasok siya sa loob. “Mr. Nathaniel, anong problema?" Bagaman nagbago ang emosyon ni Eric, hindi pa rin siya ngumiti at hindi niya maitago ang kanyang inis. "Uh… Pumunta ka sa opisina ni Mark. Mayroong ilang mga kontrata na kailangan ang kanyang signature. Kailangan natin nang agaran ang mga kasunduan. At saka, mag-overtime tayo sa darating na mga araw. Pero, dahil nanghihina ka pa ngauon, hindi mo kailangang manatili at mag-overtime. Ang biglaang desisyon na ito ay ginawa dahil sa isang emergency. Hindi natin alam, baka hindi ako ang mag-manage sa kumpanyang ito sa susunod. Sisiguraduhin kong tapos na ang lahat bago mangyari iyon."Tumango si Arianne at kinuha ang mga dokumento bago siya bumalik sa kanyang mesa. Matapos mag-impake, pumunta siya sa hagdan para sumakay ng taxi papunta sa Tremont Tower. Nakapasok siya ng walang problema sa buildinh at forty-sixth floor, kusa niyang inalis ang kanyang sapatos at tumungtong sa sa
Tumawag si Arianne sa bahay at sinabihan niya si Mary na hindi siya ay makakakain ng hapunan sa bahay dahil siya ay mag-overtime. Sinabihan siya ni Mary dahil nag-aalala ito para sa katawan ni Arianne na hindi kakayaning magtrabaho, ngunit wala siyang sinabi. Nang lumabas si Eric sa kanyang opisina upang gumawa ng isang baso ng tsaa noong eight o'clock ng gabi, napaatras siya nang makita niyang nandiyan pa rin si Arianne. "Bakit hindi ka pa umuwi?" Kaswal na sumagot si Arianne, "Nakaupo ako dito buong araw, hindi naman nakakapagod physically ang trabaho ko. Hindi ito nakakapagod. Kakayanin ko to. Kung sa tingin ko ay hindi maganda ang pakiramdam ko, aalis ako ng maaga. Huwag kang magalala sa akin." Nag-aalala pa rin si Eric. "Pasado alas otso na. Mag-overtime kami hanggang nine thirty. Pwede ka nang umuwi. Okay lang." Tumingin sa kanya si Arianne bago niya tuluyang pinatay ang kanyang computer at inayos ang mga gamit niya nang tahimik. Bilang isang lalaki, mataas ang pride n
Si Tiffany ay na-conscious sa kanyang sarili habang hinihimas niya ang kanyang pisngi. "Talaga? Hindi ko mapigilan ... Kung hindi ako nagtatrabaho ng part-time, hindi ko masusuportahan ang nanay ko sa kaunting sweldo. 'Wag na nating pag-usapan iyon. Nalulungkot lang ako doon." Pagsapit ng eight o'clock ng umaga, pumasok na si Eric sa opisina. Mabilis siyang binati Tiffany na may hawak na kontrata. “Tulungan mo akong pirmahan ito ng mabilis! Kailangan kong ibalik ito sa opisina ni Jackson bago mag nine o'clock!" Malinaw na nagulat si Eric sa biglang paglitaw ni Tiffany. Kinapa niya ang kanyang bulsa pero hindi siya makahanap ng panulat. Nang makita ito, maginhawang iniabot sa kanya ni Tiffany ang isang ballpen mula sa mesa ni Arianne. "Bilisan mo, bilisan mo!" Sa sandaling napirmahan ang kontrata, nawala si Tiffany na parang isang bugso ng hangin. Napatulala si Eric. “Arianne… Anong kontrata yung pinapirma niya sa akin? Hindi ko agad ito nabasa. Inaasahan kong hindi ito ang kont