Bumulong si Nina ng isang kasunduan at nagtungo sa kusina para kumain. Pagkatapos nito, nagbihis siya at lumabas.Nagrereklamo si Mary habang nililinis ang master bedroom. Sa sandaling mahiga si Arianne, naramdaman niyang guminhawa ang pakiramdam niya. Ayaw niya dati matulog sa higaan ni Mark, pero hindi niya inaasahan na masanay na siya dito ngayon. Walang nakakaalam kung gaano katagal na ang ingay mula sa baba. Mayroong tunog ng pinto na hinampas at ang pag-click-clack ng takong sa sahig. Nagising si Arianne na may nararamdamang sakit sa kanyang ulo. Hindi siya natutuwa dahil sa ingay na ito, tiningnan niya ang oras at nakita na four o'clock pa lang ng umaga… Hindi niya kailangang hulaan na si Nina ay bumalik na at wala rin naman siyang masasabi na kahit ano. Hindi rin siya pwedeng magalit sa kanya. Nagtakip na lang ng ulo si Arianne at bumalik siya sa pagtulog. Bumangon siya ng ten o'clock noong susunod na umaga at bumulong sa kanya si Mary. "Si Nina ay bumalik ng four o'cl
"Mahangin ngayon. 'Wag kang tumayo dito. Bumalik ka at humiga. Sabihan mo si Mary na ipadala ang pagkain mo sa kwarto." Pumunta si Mark kay Arianne at nilagay si Rice Ball sa kanyang mga braso. Nabugla ulit si Arianne. Pinayagan siya nito na kumain sa kwarto, na binanggit noon ni Mark na hindi ito tamang asal noong nakaraan. Ngayon, si Mark mismo ang unang nag-suggest nito. Sa init ng sandali, napatanong si Arianne, “Pwede bang pumasok sa kwarto si Rice Ball? Hindi ko pa siya nakikita buong araw, natatakot ako na..." Napatigil ng saglit sa paglalakad si Mark. "Huwag kang masyadong kampante. Kapag nakita ko ito, itatapon ko ito." Ang kanyang tono ay hindi masyadong strikto, pero ang kanyang pananalita ay kaswal. Biglang napangisi si Arianne. Ibig ba niyang sabihin ay maaari niya itong dalhin hangga't hindi niya ito nakikita ni Mark? Si Arianne ay hindi nag hapunan sa kwarto dahil gusto alam niyang ayaw ito ni Mark. Hindi sa ayaw niyang gumalaw. Si Nina ay nakikipagdaldalan
Itinulak ng pinto sa sumunod na segundo at tulad ng inaasahan, pumasok si Mark. Napayuko si Arianne dahil medyo nagsisisi siya. Ang kanyang pisngi ay namula mula sa kanyang kaba at ang puso niya ay malakas na tumibok. Mabuti na lang at hindi gumalaw si Rice Ball. Parang maganda ang mood ni Mark ngayon. Bagaman walang ibang tao sa paligid, nakangiti pa rin siya at tinanong pa niya, "Hindi ka komportable?"Sobra ang kaba ni Arianne ngayon, hindi siya mapakali sa mga hindi magandang bagay sa pagitan nila. "Hindi naman, medyo okay na ang pakiramdam ko. Sa tingin ko, pwede na akong bumalik sa trabaho bukas,” maayos ang sagot niya. Nagalit si Mark. "Tumigil ka sa kalokohan mo. Dapat kang magpahinga ng isang buwan sa bahay. Huwag mo akong asarin sa susunod. Hindi ito makakabuti para sayo. Hindi mo ba kayang... pasayahin ako tulad ng ibang mga babae?" Itinaas ni Arianne ang kanyang tingin upang salubungin ang kanyang mga mata. "Tulad nino? Ni Aery Kinsey?" Napatigil sa paghinga si M
Biglang namula si Arianne. Bakit siya naghihinala na may ibang tinutukoy si Mark? Dirty joke ba iyon? Upang maalis ang kakaibang pakiramdam, binuka niya ang kanyang bibig at kumagat sa saging. Nahirapan siyang lunukin ang pagkain. "Hindi ko ito makagat. Pwede mo ba itong ilayo? Mag-iiwan ng amoy dito ang mga prutas." Bahagyang nanlilisik ang mga mata ni Mark habang pinapanood ang medyo nanginginig na labi ni Arianne. Bigla siyang sumandal at hinalikan siya sa labi. Naririnig ni Arianne na nag-ring ang kanyang ulo. Ano ang ginagawa niya! Marami pa silang hindi nalutas na mga problema sa pagitan nila. Hindi ba naiinis ang magkaaway kapag nakikita nila anv bawat isa? Bakit niya hinalikan si Arianne "Umph ... 'Wag..." Sinubukan niyang pigilan si Mark. Pagkabukas pa lang ng bibig ni Arianne ay sinamantala na ito ni Mark. Dinikit niya ang buong katawan niya kay Arianne para mapigilan siyang manlaban. Sa pamamagitan lamang ng isang layer ng kumot sa pagitan ng kanilang mga katawan, h
Itinuwid ni Arianne ang kanyang likuran at deretsong nagtanong, "Ano ang inaasahan mong makuha na sabihin sa akin ang lahat ng ito? Nakikilala mo lang si Mark sa pamamagitan ng tatay niyo. Sa palagay ko, wala ka sa lugar para magsalita ng kahit ano tungkol sa amin. Wala kang pakialam sa relasyon namin ni Mark. Masyado kang naging tsismosa, Miss Moran." Ngumiti si Nina saka bumalik sa kanyang kwarto nang walang sinabi. Itinulak ni Arianne ang pinto at pumasok sa kwarto. Mukhang mahimbing ang tulog ni Mark kaya ang kwarto ay tahimik. Tahimik siyang nahiga na may magulong isipan. Sa tuwing may nagbabanggit ng pagbagsak ng eroplano, pakiramdam niya ay nasasakal siya ng napakabigat na pressure. Lalo niyang gustong hanapin si Mr. Sloane sa lalong madaling panahon para malaman niya ang katotohanan. Umagang umaga, nag-ayos na si Mark para lumabas. Nagmadaling lumabas ng kwarto si Nina. "Mark, lalabas din ako! Pasakayin mo ako! Tinatamad akong magmaneho." Si Arianne, nang marinig ito, a
Kinahapunan, bumalik si Mark kasama si Nina. Hindi lamang iyon, ngunit bumalik din sila nang mas maaga kaysa sa dati. Hindi pa oras para umalis mula sa trabaho si Mark. Si Mark ay palaging maselan sa trabaho; hindi siya makakauwi ng maaga maliban kung nasa ilalim ito ng mga espesyal na kalagayan. Dala-dala ni Nina ang malaki at maliliit na bag ng mga ingredients. Punong-puno rin ang mga kamay ni Mark. Pagpasok pa lang ni Nina sa pintuan ay sumigaw siya ng tulong. "Mary, halika at tulungan mo akong buhatin ang mga ito!" Dahan-dahang lumabas si Mary sa kusina. Nang makita niya ang mga ingredients, agad niyang sinabi, "Meron kami ng mga ito sa bahay. Bakit ang dami mong binili?” Ngumisi si Nina sa kanya. "Ayokong maging isang freeloader! Hindi ako magiging masaya na maging freeloader kapag magtatagal ako dito. Ito ang lahat ng mga bagay na gusto namin ni Mark, kaya gamitin lamang ang mga bagay na binili ko para sa hapunan ngayong gabi." Nang makita na walang sinabi si Mark, walang
Malumanay na ngumiti si Mark. "Hindi maayos ang pakiramdam niya. 'Wag kang magalala sa kanya at tayo na lang ang kumain." Naglagay ng ilang pagkain si Nina sa mangkok ni Mark. "Ito, subukan mo ito. Gustung-gusto mo ang pagkain na ito. Sinabihan ko ang chef mo na gawin ito. Nga pala, bakit masama ang pakiramdam ni Arianne? Mukha siyang may sakit at narinig ko na kakalabas lang niya sa ospital. Anong nangyari?" Nakasimangot si Mark. "Siya ay dumudugo nang sobra pagkatapos niyang malaglagan. Kasalanan ko ito dahil sa kapabayaan ko. Mabuti na lang at okay na siya ngayon." Inilabas ni Nina ang kanyang dila. "Mukhang nagtanong ako tungkol sa isang bagay na hindi ko dapat malaman. Pasensya na. Nga pala, kung pwede kong tanungin, bakit mo siya pinakasalan? Narinig ko mula sa tatay ko na siya ang inampon mo noon. Ang pagkakamali ng kanyang ama ang naging dahilan kung bakit nag-crash ang eroplano na pumatay sa pamilya mo. Medyo curious lang ako... Bakit mo pinili na makasama siya? Alam ko
Sa pag-iisip na ginawa ito ni Nina para kay Mark, naisip ni Arianne ang isang hindi maipaliwanag na pagnanasa na ubusin ang buong plato. Sa kanyang unang kagat, muling nabuhay ang kanyang panlasa. Ito ay medyo maanghang... Sa kanyang pangalawang kagat, hindi niya mapigilan na maramdaman ang gumuhit na isang matalim na lasa. Masyado itong maanghang! Pinaghihinalaan niya na si Nina ay isang tao na mahilig sa maanghang. Ginawa ba ito para sa mga tao? Hindi nakakagulat kung bakit hindi ito masyading nakain! "Ari, kung ikaw wala kang gagawin, maghanda ka ng isang tasa ng tsaa para kay sir..." Nang marinig na bumalik si Mary, nagpanggap si Arianne na walang nangyari at agad na umalis sa kusina. "O sige, sige, gagawin ko iyon!" Binalaan diya ni Mary nang makita niya si Arianne na papalayo. "Magdahan-dahan! Paano kung matumba ka? " Bakit niya babagalan ang galaw niya? Nag-aalab ang dila niya ngayon! Kailangan niya ng tubig! Pagbalik niya sa kanyang kwarto, unti-unting humupa an