Naiinis si Arianne na bumulong, "Hindi ako pupunta. Hindi ba siya lalapit kung hinahanap niya ako? Bakit ko siya pupuntahan? Hindi ako ang naghahanap sa kanya! " Nanlaki ang mga mata ni Mary. "Ari... hindi ba... ang iyong rebellious phase ay medyo late na? Magiging twenty two ka na ngayong taon!" Nanahimik ng sandali si Arianne. Ayos sa mga mata ni Mary, dumadaan lamang siya sa isang phase ngayon? Talagang sumabog ang emosyon niya sa katahimikan. Sa wakas ay napagod na siya sa pang-aapi sa kanya sa loob ng maraming taon at gusto niya nang ihinto ito, okay? Nang makita na ayaw sumunod ni Arianne, sinumbong ito ni Mary kay Mark. Makalipas ang ilang sandali pagkatapos nito, siya ay muling nagmadaling pumunta sa likod-bahay ngunit binilisan niya ngayon ang pagbaba kumpara kanina. "Ari, sinabi ni sir na kung hindi ka susunod, hindi ka niya papayagang itago ang pusa. Ang salita niya ay ang salita niya…!” Ang salita niya ay ang salita niya? Wow. Parehong nagalit at nalibang si Ariann
Nabanggit ni Arianne ang mga nakakasakit na salita para kay Mark, kaya itinapon niya sa sahig ang baso ng alak na nasa kamay niya. "Gusto mo maging isang katulong? Sige, tutuparin ko ang iyong hiling. Simuka bukas, gagawin mo ang gawain ng mga katulong ng Tremont Estate! Ngayon, umalis ka sa harapan ko!" Umalis siya ng walang pag-aatubili at pumunta sa helper room ni Mary. Ang silid ay inookupahan ng apat na mga katulong at walang karagdagang space para sa kanya. Sumiksik na lang si Arianne kay Mary. Gayunpaman, hindi niya pinagsisisihan na magalit kay Mark. Mas gugustuhin niyang matulog sa kwarto ng mga katulong kaysa humiga sa parehong kama na kasama si Mark. Tuwing nakikita niya ang lalaking ito, maiisip niya ang lahat ng ginawa niya kina Aery at Helen. Ang tatlo ang sumira sa kanyang puso at imposible na gagaling pa siya, iyon ang nagpapaalala sa kanya sa bawat na araw na lumilipas sa kanyang buhay. Kinabukasan, nagtatrabaho siya sa opisina tulad ng dati at naging isang 'pa
Diniinan ni Arianne ang kanyang mga labi at walang sinabi. Pagod na pagod siya at unti-unting nakatulog. Walang narinig na sagot kay Arianne, bumuntong hininga si Mary at kinumutan siya nito. Intensyon ni Mark na makita si Arianne na gawing kalokohan ang kanyang sarili, umuuwi ng maagap sa bahay si Mark araw-araw pagkatapos ng trabaho at mas matagal siyang nanatili sa sala kaysa sa dati niyang ginagawa. Upang maiwasang makita siya, si Arianne ay halos lumayo sa sala at nagtatrabaho lamang sa kusina at sa likod ng bahay. Nililinis lamang niya ang sala pagkatapos niyang umakyat sa itaas. Masarap sa pakiramdam na manatili sa sariling gawain ang bawat isa nang walang hindi nangingialam sa mga gawain nilang dalawa.… Sa parehong oras, si Tiffany ay parang may hinahanap sa kanyang kwarto sa kanyang inuupahang bahay. “Ma! Nakita mo ba ang bankcard ko?" Hindi siya binigyang pansin ni Lillian dahil nag-meryenda ito sa sala. “Hindi… Hanapin mo iyon nang mag-isa. Sa tingin mo magnanakaw
Tiningnan ni Arianne ang ulan mula sa bintana sa kusina. Naiintindihan niya ang sitwasyon ni Tiffany. Pareho silang nawawalan ng pagasa ngayon... “Tiffie, nasaan ka? Pupuntahan kita, "sabi ni Arianne habang iniiwan ang mga gawain sa bahay at lumabas siya na may payong. "Nasa convenience store ako sa baba ng bahay. Lumabas ako dala ang cellphone ko lang. Wala man lang akong jacket. Sobrang lamig... Ayokong bumalik at makita ang nanay ko. Hindi ko matiis na makita ang mukha niya ngayon." Ang tono ng pananalita ni Tiffany ay may kasamang lungkot. Si Arianne, na napunta sa pintuan, ay bumalik kaagad ng marinig niya na walang jacket si Tiffany. "Sige. Dadalhan kita ng damit. Manatili ka lang diyan at hintayin mo ako. Huwag kang gagalaw! " Nang sabihin niya iyon, nadulas si Arianne at nahulog sa sahig nang paakyat na siya sa hagdanan. Tumama ang kanyang ibabang tiyan sa hakbang at ang kanyang payong ay nahulog sa isang gilid. Sa kabila ng sakit, kinuha niya ang kanyang sarili, ku
"Ari, bakit ka dumudugo?" Sinundan ni Arianne ang tingin ni Tiffany pababa, ngunit ang kanyang paningin ay malabo na at nagsisimula na siyang makarinig ng buzzing sound at hindi niya na marinig ang boses ni Tiffany. Malabo para sa kanya ang nangyari sa kanyang paligid, si Tiffany ay nagpara ng taxi at ipinadala siya sa ospital. Ang ilang mga medical staff ay lumitaw sa harap niya, mukhang balisa habang itinutulak siya sa emergency ward. May malay na siya, alam niya na siya ay inilalagay sa operating theatre, ngunit wala siyang naramdaman na sakit at hindi rin siya makapagsalita. Naglakad si Tiffany sa labas ng emergency ward sobra siyang kinakabahan. Maya-maya, binuksan ng isang nurse ang pinto ng emergency ward at lumabas. "Ikaw ba ang pamilya ng pasyente? Ang pasyente ay sobrang pagod pagkatapos niyang malaglagan at ngayon ay nahihirapan siya mula sa pagkawala ng dugo dahil sa trauma. Kailangan niya ng operasyon. Pakipirmahan na lang ito kung ikaw ay kamag-anak niya!" Na
"Ano ang sitwasyon?" Tanong ni Mark. "Ginagawa namin ang aming makakaya ngayon. Noong dinala dito si Mrs. Tremont… dumudugo siya nang sobra. Sobrang lala ng kalagayan niya. Huwag kang magalala, Mr. Tremont, magiging okay ang iyong asawa." Naging maingat ang nurse. Kung sabagay, ang taong nakatayo sa harapan niya ay hindi isang ordinaryong tao. "Paano ito nangyari?" Masyadong komplikado ang emosyon na nilalaman ng kanyang tono, na naging sanhi para mamula ang nurse mula sa takot. "Hindi... Hindi ako sigurado... Ang unang diagnosis ng Doctor ay sobra siyang napagod pagkatapos niyang malaglagan ng anak at nagkaroon siya ng trauma, kaya ang resulta ay matinding pagkawala ng dugo... Pinayuhan na siya ng doktor na kailangan niyang magpahinga pagkatapos niyang malaglagan, tama ba? Bakit…"Napabagsak si Mark sa upuan. "Pakiligtas... pakiligtas siya para sa akin... Habang siya ay nabubuhay, gagawin ko ang lahat..." Gusto lang ni Mark na sumuko siya. Bakit mas gugustuhin ni Arianne na p
Kinuha ni Mark ang tseke mula kay Brian at itinapon sa mga lalaki. "Ilagay niyo ang halaga na gusto niyo." Ang mga kalalakihan ay natakot noong una, ngunit nang sinabi sa kanila ni Mark na ilagay ang halaga na gusto nila, naisip nila na si Mark ay isang duwag na employer na gumagamit ng pera upang malutas ang kanyang mga problema. Natutuwa sila habang sinusulatan nila ang tseke kung ano ang akala nila ay isang astronomical na halaga ng pera. "Hindi ka namin niloloko," pagmamalaki nila, "Bukod sa mga gastos sa nasira, may mga bayarin din para sa mental damage na binigay mo sa amin. Hindi ito exaggeration." Biglang napangisi si Mark. "Dapat kang maglagay ng mas mataas na halaga dahil mayroon ding… mga bayarin sa medisina. Ilagay mo rin yan." Bago malaman ng mga kalalakihan kung ano ang ibig niyang sabihin, hinila na sila palayo ng isang bodyguard. Tinakpan ni Brian ang coat na dinala niya sa paligid ng katawan ni Mark. “Sir, sira na ang sasakyan mo. Mayroon akong tao na nag-tow n
Umaga ng ikalawang araw nang magising si Arianne. Bago niya iminulat ang kanyang mga mata, naramdaman niya na may isang tao sa tabi ng kanyang kama. Sa kabutihang palad, naalala niya na pinasok siya sa ospital kagabi. Akala niya si Mary ang nagbabantay sa kanya kaya't sinabi niya, “Mary, tumawag ka para sa opisina ko. Hindi ako makakapasok sa trabaho ngayon..." Dahil walang sumagot, dahan-dahang iminulat ni Arianne ang kanyang mga mata. Ang matamlay na mukha ni Mark ang sumalubong sa kanyang mga mata. Nabigla si Arianne na para bang napahinto ang puso niya sa kanyang napiling damit pantulog at sa kanyang bahagyang magulong buhok. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa operasyon na ginawa sa kanya para ang isang katulad ni Mark, na pinapahalagahan ang kanyang imahe, ay naging ganito ang kanyang itsura sa pampublikong lugar tulad ng ospital. Naghiwalay ang manipis na labi ni Mark, nagsasabi ng mga salitang hindi niya naintindihan. "Ano? Masaya ka na ba ngayon? Ikaw na ang nanalo.