"Ano ang sitwasyon?" Tanong ni Mark. "Ginagawa namin ang aming makakaya ngayon. Noong dinala dito si Mrs. Tremont… dumudugo siya nang sobra. Sobrang lala ng kalagayan niya. Huwag kang magalala, Mr. Tremont, magiging okay ang iyong asawa." Naging maingat ang nurse. Kung sabagay, ang taong nakatayo sa harapan niya ay hindi isang ordinaryong tao. "Paano ito nangyari?" Masyadong komplikado ang emosyon na nilalaman ng kanyang tono, na naging sanhi para mamula ang nurse mula sa takot. "Hindi... Hindi ako sigurado... Ang unang diagnosis ng Doctor ay sobra siyang napagod pagkatapos niyang malaglagan ng anak at nagkaroon siya ng trauma, kaya ang resulta ay matinding pagkawala ng dugo... Pinayuhan na siya ng doktor na kailangan niyang magpahinga pagkatapos niyang malaglagan, tama ba? Bakit…"Napabagsak si Mark sa upuan. "Pakiligtas... pakiligtas siya para sa akin... Habang siya ay nabubuhay, gagawin ko ang lahat..." Gusto lang ni Mark na sumuko siya. Bakit mas gugustuhin ni Arianne na p
Kinuha ni Mark ang tseke mula kay Brian at itinapon sa mga lalaki. "Ilagay niyo ang halaga na gusto niyo." Ang mga kalalakihan ay natakot noong una, ngunit nang sinabi sa kanila ni Mark na ilagay ang halaga na gusto nila, naisip nila na si Mark ay isang duwag na employer na gumagamit ng pera upang malutas ang kanyang mga problema. Natutuwa sila habang sinusulatan nila ang tseke kung ano ang akala nila ay isang astronomical na halaga ng pera. "Hindi ka namin niloloko," pagmamalaki nila, "Bukod sa mga gastos sa nasira, may mga bayarin din para sa mental damage na binigay mo sa amin. Hindi ito exaggeration." Biglang napangisi si Mark. "Dapat kang maglagay ng mas mataas na halaga dahil mayroon ding… mga bayarin sa medisina. Ilagay mo rin yan." Bago malaman ng mga kalalakihan kung ano ang ibig niyang sabihin, hinila na sila palayo ng isang bodyguard. Tinakpan ni Brian ang coat na dinala niya sa paligid ng katawan ni Mark. “Sir, sira na ang sasakyan mo. Mayroon akong tao na nag-tow n
Umaga ng ikalawang araw nang magising si Arianne. Bago niya iminulat ang kanyang mga mata, naramdaman niya na may isang tao sa tabi ng kanyang kama. Sa kabutihang palad, naalala niya na pinasok siya sa ospital kagabi. Akala niya si Mary ang nagbabantay sa kanya kaya't sinabi niya, “Mary, tumawag ka para sa opisina ko. Hindi ako makakapasok sa trabaho ngayon..." Dahil walang sumagot, dahan-dahang iminulat ni Arianne ang kanyang mga mata. Ang matamlay na mukha ni Mark ang sumalubong sa kanyang mga mata. Nabigla si Arianne na para bang napahinto ang puso niya sa kanyang napiling damit pantulog at sa kanyang bahagyang magulong buhok. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa operasyon na ginawa sa kanya para ang isang katulad ni Mark, na pinapahalagahan ang kanyang imahe, ay naging ganito ang kanyang itsura sa pampublikong lugar tulad ng ospital. Naghiwalay ang manipis na labi ni Mark, nagsasabi ng mga salitang hindi niya naintindihan. "Ano? Masaya ka na ba ngayon? Ikaw na ang nanalo.
Nang makita na nananahimik si Arianne, nakangiting nagsalita si Mary. "Ah, bata ka pa. Nanatili ka sa tabi ni sir mula pa noong ikaw ay isang maliit na batang babae. Tulad ka lamang ng maingat na inaalagaan na rosas na hindi pa nakikita ang labas ng mundo. Sa sandaling lumabas ka sa mundo at makita ang mga tao at kalalakihan, mauunawaan mo ito. Maaaring hindi mabait si Sir sa mga kababaihan, pero sigurado na hindi siya masama sa kanila. Nakita ko na may nangyayari kay Aery at kay sir, pero kung si Aery ay naaksidente, sa palagay ko hindi siya susugod si sir sa ospital at mananatili buong gabi." Ayaw ni Arianne na pag usapan ang tungkol dito kaya't mabilis niyang binago ang paksa. “Mary, may hinanda ka ba ng mag-aalaga kay Rice Ball para sa akin? Malakas ang ulan kagabi at napakalakas ng hangin. Malamang kinilabutan siya, naiwan pa naman siya sa bakuran." Hinampas ni Mary ang kanyang paa. “Aiyah, nakalimutan ko! Nag-aalala ako tungkol sayo buong gabi at hindi ako nakatulog ng maa
Hindi nakatulog ng maayos si Tiffany sa nangyari kay Arianne kagabi. Madalas siyang humikab habang nasa trabaho siya. Sa wakas ay nagtiyaga siya hanggang sa matapos ang oras ng trabaho at aalis na sana siya nang maramdaman niya ang isang mapang-aping pwersa sa likuran niya. Pagkaikot niya at nakita si Jackson na mukhang mas matangkad na ito sa kanya ngayon na siya ay nakahiga habang siya ay nakaupo. "Oh, palagi kang tinatamad sa oras ng trabaho, pero aalis ka kaagad kapag tapos na ang oras ng trabaho, ha? Narinig kong sinabi ng supervisor na nagkamali ka sa isang mahalagang dokumento ngayon. Inabisuhan pa ako tungkol dito. Ano sa palagay mo ang dapat kong gawin?" Nakangiting sinabi ni Jackson. "Hindi... Hindi ako nakapagpahinga ng maayos kagabi. Naayos ko na ang mga pagkakamali ko. Magandang ugali na aminin ang pagkakamali ng isang tao at maitama agad ito. Huwag mo akong pagtripan, okay?" Hindi naglakas-loob si Tiffany na ipakita ang kanyang nakasimangot na itsura. Kung sabagay,
Makalipas ang ilang sandali, biglang napatanong si Arianne, "Kumusta naman si Rice Ball? Kamusta ang kalagayan niya?" Hindi nagkasalubong ang kanilang mga mata, simpleng lang ang sagot ni Mark, "Okay lang naman." Napabuntong hininga si Arianne. "Okay yan. Nakita ko ang weather forcast na magiging mahangin at umuulan pa noong nakaraan." Pagkatapos ay tinanong niya, "Pwede... pwede mo bang payagan si Rice Ball na pumasok sa bahay? Medyo bobo ito. Hindi siya marunong magtago sa ulan..." Tumingin sa kanya si Mark. "Medyo tanga siya. Pwede itong pumasok sa bahay hangga't hindi ito lumalapit sa akin." Ang ugali ni Mark ay mas mabuti kaysa sa dati. Ito ay isang magandang senyales. Nakaramdam ng ginhawa si Arianne dahil hindi nahirapan si Rice Ball. Dahil napagpasyahan niyang alagaan ito, responsibilidad niya ang kalagayan nito. Pinanood ni Jackson ang kanilang usapan mula sa isang gilid at nanahimik lamang siya. Isang nurse ang pumasok para magsagawa ng regular na observation kay
Makalipas ang ilang panahon, hindi na nakatiis si Arianne. "Umuwi ka na. Siguro busy ka din. Mukha kang hindi nakatulog ng maayos. Wala akong kailangan dito. Darating na din si Mary." Hindi siya pinansin ni Mark at kinuha ang kanyang cellphone para libangin ang kanyang sarili. Hindi niya sinasadyang tingnan ang cellphone ni Mark. Walang kahit anong libangan doon; lahat ay may kinalaman sa trabaho. Ang mga dokumento na nandoon ay nilalaman ng maraming mga salita. Sumakit ang ulo niya. Maya-maya, dumating na rin si Mary. Nakahinga ng maluwag si Arianne at sinabihan siyang lumapit para bulungan siya, "Kailangan kong gumamit ng banyo..." Halos mabulunan sa tawa si Mary. "Hindi ba nandito si sir kung kailangan mong gumamit ng banyo? Ikaw ang asawa niya. Anong kinatatakutan mo? 'Wag mong pigilan ito, hinihintay mo ba akong makapunta dito? Bakit mo gagawin ang ganoong bagay!" Kinabahan si Arianne at hindi naglakas-loob na tumingin sa ekspresyon ni Mark. Tahimik niyang binulong ito,
Naisip ni Arianne pamilyar ang pangalan. Napaisip siya ng matagal habang tinitingnan ang magandang mukha ni Nina na puno ng makeup at sa wakas ay naalala kung saan niya ito narinig. "Kilala kita, anak ka ni Uncle Moran." Tama iyon, anak siya ni Charles Moran, siya si Nina Moran. Nang kumain siya kasama si Charles habang nasa business trip kasama si Mark, binanggit ng matandang lalaki si Nina habang kumakain sila. Matagal nang magkakilala si Charles at ang mga Tremonts. Siya ay isang taong iginagalang ni Mark, isang nakakatandang kaibigan para sa kanya. Biglang ngumiti si Nina. "Great. Hindi ako pinayagan ng mga bodyguards na makapasok. Naghihintay lang ako dito. Sinubukan kong tawagan si Mark, pero hindi nakakonekta ang tawag. Malamang busy siya." Sinabihan ni Arianne ang mga bodyguard na buksan ang gate habang hinili ni Nina ang isang malaking maleta mula sa trunk ng kanyang kotse nang walang tulong ng kahit sinuman. Naisip ni Arianne na medyo nagustohan niya ang babaeng ito