Tiningnan ni Arianne ang ulan mula sa bintana sa kusina. Naiintindihan niya ang sitwasyon ni Tiffany. Pareho silang nawawalan ng pagasa ngayon... “Tiffie, nasaan ka? Pupuntahan kita, "sabi ni Arianne habang iniiwan ang mga gawain sa bahay at lumabas siya na may payong. "Nasa convenience store ako sa baba ng bahay. Lumabas ako dala ang cellphone ko lang. Wala man lang akong jacket. Sobrang lamig... Ayokong bumalik at makita ang nanay ko. Hindi ko matiis na makita ang mukha niya ngayon." Ang tono ng pananalita ni Tiffany ay may kasamang lungkot. Si Arianne, na napunta sa pintuan, ay bumalik kaagad ng marinig niya na walang jacket si Tiffany. "Sige. Dadalhan kita ng damit. Manatili ka lang diyan at hintayin mo ako. Huwag kang gagalaw! " Nang sabihin niya iyon, nadulas si Arianne at nahulog sa sahig nang paakyat na siya sa hagdanan. Tumama ang kanyang ibabang tiyan sa hakbang at ang kanyang payong ay nahulog sa isang gilid. Sa kabila ng sakit, kinuha niya ang kanyang sarili, ku
"Ari, bakit ka dumudugo?" Sinundan ni Arianne ang tingin ni Tiffany pababa, ngunit ang kanyang paningin ay malabo na at nagsisimula na siyang makarinig ng buzzing sound at hindi niya na marinig ang boses ni Tiffany. Malabo para sa kanya ang nangyari sa kanyang paligid, si Tiffany ay nagpara ng taxi at ipinadala siya sa ospital. Ang ilang mga medical staff ay lumitaw sa harap niya, mukhang balisa habang itinutulak siya sa emergency ward. May malay na siya, alam niya na siya ay inilalagay sa operating theatre, ngunit wala siyang naramdaman na sakit at hindi rin siya makapagsalita. Naglakad si Tiffany sa labas ng emergency ward sobra siyang kinakabahan. Maya-maya, binuksan ng isang nurse ang pinto ng emergency ward at lumabas. "Ikaw ba ang pamilya ng pasyente? Ang pasyente ay sobrang pagod pagkatapos niyang malaglagan at ngayon ay nahihirapan siya mula sa pagkawala ng dugo dahil sa trauma. Kailangan niya ng operasyon. Pakipirmahan na lang ito kung ikaw ay kamag-anak niya!" Na
"Ano ang sitwasyon?" Tanong ni Mark. "Ginagawa namin ang aming makakaya ngayon. Noong dinala dito si Mrs. Tremont… dumudugo siya nang sobra. Sobrang lala ng kalagayan niya. Huwag kang magalala, Mr. Tremont, magiging okay ang iyong asawa." Naging maingat ang nurse. Kung sabagay, ang taong nakatayo sa harapan niya ay hindi isang ordinaryong tao. "Paano ito nangyari?" Masyadong komplikado ang emosyon na nilalaman ng kanyang tono, na naging sanhi para mamula ang nurse mula sa takot. "Hindi... Hindi ako sigurado... Ang unang diagnosis ng Doctor ay sobra siyang napagod pagkatapos niyang malaglagan ng anak at nagkaroon siya ng trauma, kaya ang resulta ay matinding pagkawala ng dugo... Pinayuhan na siya ng doktor na kailangan niyang magpahinga pagkatapos niyang malaglagan, tama ba? Bakit…"Napabagsak si Mark sa upuan. "Pakiligtas... pakiligtas siya para sa akin... Habang siya ay nabubuhay, gagawin ko ang lahat..." Gusto lang ni Mark na sumuko siya. Bakit mas gugustuhin ni Arianne na p
Kinuha ni Mark ang tseke mula kay Brian at itinapon sa mga lalaki. "Ilagay niyo ang halaga na gusto niyo." Ang mga kalalakihan ay natakot noong una, ngunit nang sinabi sa kanila ni Mark na ilagay ang halaga na gusto nila, naisip nila na si Mark ay isang duwag na employer na gumagamit ng pera upang malutas ang kanyang mga problema. Natutuwa sila habang sinusulatan nila ang tseke kung ano ang akala nila ay isang astronomical na halaga ng pera. "Hindi ka namin niloloko," pagmamalaki nila, "Bukod sa mga gastos sa nasira, may mga bayarin din para sa mental damage na binigay mo sa amin. Hindi ito exaggeration." Biglang napangisi si Mark. "Dapat kang maglagay ng mas mataas na halaga dahil mayroon ding… mga bayarin sa medisina. Ilagay mo rin yan." Bago malaman ng mga kalalakihan kung ano ang ibig niyang sabihin, hinila na sila palayo ng isang bodyguard. Tinakpan ni Brian ang coat na dinala niya sa paligid ng katawan ni Mark. “Sir, sira na ang sasakyan mo. Mayroon akong tao na nag-tow n
Umaga ng ikalawang araw nang magising si Arianne. Bago niya iminulat ang kanyang mga mata, naramdaman niya na may isang tao sa tabi ng kanyang kama. Sa kabutihang palad, naalala niya na pinasok siya sa ospital kagabi. Akala niya si Mary ang nagbabantay sa kanya kaya't sinabi niya, “Mary, tumawag ka para sa opisina ko. Hindi ako makakapasok sa trabaho ngayon..." Dahil walang sumagot, dahan-dahang iminulat ni Arianne ang kanyang mga mata. Ang matamlay na mukha ni Mark ang sumalubong sa kanyang mga mata. Nabigla si Arianne na para bang napahinto ang puso niya sa kanyang napiling damit pantulog at sa kanyang bahagyang magulong buhok. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa operasyon na ginawa sa kanya para ang isang katulad ni Mark, na pinapahalagahan ang kanyang imahe, ay naging ganito ang kanyang itsura sa pampublikong lugar tulad ng ospital. Naghiwalay ang manipis na labi ni Mark, nagsasabi ng mga salitang hindi niya naintindihan. "Ano? Masaya ka na ba ngayon? Ikaw na ang nanalo.
Nang makita na nananahimik si Arianne, nakangiting nagsalita si Mary. "Ah, bata ka pa. Nanatili ka sa tabi ni sir mula pa noong ikaw ay isang maliit na batang babae. Tulad ka lamang ng maingat na inaalagaan na rosas na hindi pa nakikita ang labas ng mundo. Sa sandaling lumabas ka sa mundo at makita ang mga tao at kalalakihan, mauunawaan mo ito. Maaaring hindi mabait si Sir sa mga kababaihan, pero sigurado na hindi siya masama sa kanila. Nakita ko na may nangyayari kay Aery at kay sir, pero kung si Aery ay naaksidente, sa palagay ko hindi siya susugod si sir sa ospital at mananatili buong gabi." Ayaw ni Arianne na pag usapan ang tungkol dito kaya't mabilis niyang binago ang paksa. “Mary, may hinanda ka ba ng mag-aalaga kay Rice Ball para sa akin? Malakas ang ulan kagabi at napakalakas ng hangin. Malamang kinilabutan siya, naiwan pa naman siya sa bakuran." Hinampas ni Mary ang kanyang paa. “Aiyah, nakalimutan ko! Nag-aalala ako tungkol sayo buong gabi at hindi ako nakatulog ng maa
Hindi nakatulog ng maayos si Tiffany sa nangyari kay Arianne kagabi. Madalas siyang humikab habang nasa trabaho siya. Sa wakas ay nagtiyaga siya hanggang sa matapos ang oras ng trabaho at aalis na sana siya nang maramdaman niya ang isang mapang-aping pwersa sa likuran niya. Pagkaikot niya at nakita si Jackson na mukhang mas matangkad na ito sa kanya ngayon na siya ay nakahiga habang siya ay nakaupo. "Oh, palagi kang tinatamad sa oras ng trabaho, pero aalis ka kaagad kapag tapos na ang oras ng trabaho, ha? Narinig kong sinabi ng supervisor na nagkamali ka sa isang mahalagang dokumento ngayon. Inabisuhan pa ako tungkol dito. Ano sa palagay mo ang dapat kong gawin?" Nakangiting sinabi ni Jackson. "Hindi... Hindi ako nakapagpahinga ng maayos kagabi. Naayos ko na ang mga pagkakamali ko. Magandang ugali na aminin ang pagkakamali ng isang tao at maitama agad ito. Huwag mo akong pagtripan, okay?" Hindi naglakas-loob si Tiffany na ipakita ang kanyang nakasimangot na itsura. Kung sabagay,
Makalipas ang ilang sandali, biglang napatanong si Arianne, "Kumusta naman si Rice Ball? Kamusta ang kalagayan niya?" Hindi nagkasalubong ang kanilang mga mata, simpleng lang ang sagot ni Mark, "Okay lang naman." Napabuntong hininga si Arianne. "Okay yan. Nakita ko ang weather forcast na magiging mahangin at umuulan pa noong nakaraan." Pagkatapos ay tinanong niya, "Pwede... pwede mo bang payagan si Rice Ball na pumasok sa bahay? Medyo bobo ito. Hindi siya marunong magtago sa ulan..." Tumingin sa kanya si Mark. "Medyo tanga siya. Pwede itong pumasok sa bahay hangga't hindi ito lumalapit sa akin." Ang ugali ni Mark ay mas mabuti kaysa sa dati. Ito ay isang magandang senyales. Nakaramdam ng ginhawa si Arianne dahil hindi nahirapan si Rice Ball. Dahil napagpasyahan niyang alagaan ito, responsibilidad niya ang kalagayan nito. Pinanood ni Jackson ang kanilang usapan mula sa isang gilid at nanahimik lamang siya. Isang nurse ang pumasok para magsagawa ng regular na observation kay