Bakit hindi maintindihan ni Mark ang ibig sabihin ni Mary? Hinimas niya ang labi niya bago niya sinabi, "Aalis ako mamaya at hindi na ako babalik para sa tanghalian. Uuwi ako bandang four o'clock ng gabi." Nagmamadali si Mary na ihanda ang kanyang mga damit at pumunta siya sa likod-bahay pagkatapos nito. “Ari, sandaling aalis si sir at uuwi siya ng four o'clock ng gabi. 'Wag kang manatili dito dahil mahangin. Wala pang isang buwan. Paano kung magkakaroon ka ng iba pang mga sakit sa hinaharap dahil mahina ka pa?" Sumagot si Arianne ng pabulong, "Papasok muna ako. Papasukin mo si Rice Ball pagkatapos umalis ni Mark." Tumango si Mary at hindi mapigilang matuwa. Natutuwa siya dahil nag-aalala si Mark para kay Arianne.Hindi sinabi ni Mark sa tauhan ng bahay na siya ay lalabas noong nakaraan at hindi rin niya ipinapaalam ang oras ng kanyang pagbalik. Kahit na kapag maghahapunan si Mark sa bahay ay isang kusang desisyon lamang. Sinabi ito ni Mark para sa 'space' nina Arianne at
Natawa si Arianne. "Ligaw na pusa ito na inampon ko. Hindi ako pinayagan ni Mark na panatilihin ito, pero pinilit ko ito kahit hindi pwede. Pagkatapos naming mag-away ng maraming beses, pumayag siyang payagan akong itago ito sa bakuran. Pinapasok ko lang ito sa bahay kapag wala siya sa bahay." Binigyan siya ng thumbs up ni Tiffany. "Napakagaling mo na nagkaroon ka ng lakas ng loob na makipag-away kay Mark. Hindi ko inasahan na magiging matapang ka." Dahil sa ayaw nang pag-usapan si Mark, binago ni Arianne ang paksa. "So, bakit ka pala nagagalit at kumukulo pa ang dugo mo noong nabanggit ang iyong nanay?" Ang ekspresyon ng mukha ni Tiffany ay naging mapait at galit. "Sobrang nag-aalala ako ngayon. Pakiramdam ko masisira ang buhay ko kung makikitira ko sa nanay ko. Masyadong nakakapagod... Nagtatrabaho ako sa kumpanya ni Jackson ngayon at nagtatrabaho din ng part-time sa gabi. Kahit na may dalawa akong pinagkakakitaan, hindi ko na masuportahan ang aking ina. Hindi niya matanggal an
Nang makita ang malinaw na pagkasuklam sa mukha ni Mark, biglang palihim na nalito si Arianne. Gayunpaman, hindi siya gumawa ng anumang mga komento. Kung sabagay, hindi niya maaaring hilingin sa lahat na magustuhan si Rice Ball dahil lang sa gusto niya ito. Kuntento na siya na panatilihin lang ito sa kanyang tabi. Lalo namang nagulat si Arianne dahil walang balak si Mark na lumabas ngayong gabi. Bakit ang isang lalaking parating umiiwas na umuwi hangga't maaari ay biglang nananatili sa bahay ngayon tuwing gabi? Dahil nasa bahay parati si Mark, si Arianne ay lalong naging hindi komportable at mas kaunting oras ang binigay niya para kay Rice Ball. Nang makatulog siya ng gabi, bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Tiffany kahapon at naramdaman niya na uminit ang mukha niya. Humiga si Mark sa tabi niya, nakatingin sa kanyang telepono habang nakatalikod sa kanya. Ang mahabang text sa screen ni Mark ang nagpasakit ng kanyang ulo sa pamamagitan lamang ng pagtingin dito. Nagtataka
Sinimulan ni Arianne na magpalit ng damit bago pa man niya binaba ang tawag. "Maghanap ka ng isang lugar at hintayin ako, lalabas na ako ngayon!" Sa wakas ay nakatanggap siya ng mabuting balita pagkalipas ng hindi magandang panahon. Noong una, naisip niya na ang katotohanan ay matagal darating, ngunit nagpadala muli ng isang sulat si 'Mr. Sloane’ sa lalong madaling panahon. Isa lang ang nasa isip niya at iyon ay ang malaman agad kung ano ang nangyari noon. Hangga't walang sala ang kanyang ama, maaari niyang bigyang katwiran ang kanyang pag-alis sa Tremont Estate para iwan na si Mark Tremont. Hindi niya gustong na ipagpatuloy ang pamumuhay tulad ng isang kawawang tao na walang lakas na kayang magtiis at lumaban kahit na patay na ang kanyang anak... Pagdating niya sa coffee shop kung saan nagkasundo silang magkita, kinuha ni Tiffany ang sulat mula sa kanyang bag. Mabilis itong kinuha ni Arianne at binuksan. Gayunpaman, ang nilalaman ng sulat ang nagpadismaya sa kanya. 'Huwag mo
Nang hindi makuha ni Arianne ang kanyang sagot, nagpatuloy siya, "Ano? Mayroon kang pera para magloko sa labas pero wala kang pera para sa asawa mo?" "Sige na." Isang hint ng isang cryptic smile ang lumitaw sa mga mata ni Mark. Matapos ang pagbaba ng tawag, agad siyang lumipat ng pera sa kanyang cellphone. Ang ngiti sa kanyang mga mata ay gumapang sa kanyang mga labi. Hindi mapigilan ni Aery na makaramdam ng pagkainggit nang mapansin niya na tila naging masaya si Mark matapos matanggap ang tawag. “Mark mahal, sino yun? Parang masaya ka talaga noong sinagot mo ang tawag.”Agad na nabawasan ang ngiti sa mukha ni Mark habang walang pakialam siyang sumagot, "Kakilala lang." Napansin ni Helen ang sitwasyon at bumulong, "Aery, hindi ka ba masyadong madaldal? Kahit na ang pagkain ay hindi mapipigilan ng bibig mo?" Napapikit si Aery sa sobrang inis. Ang likas na ugali ng isang babae ay palaging eksakto talaga. Ang taong tumawag kay Mark kanina ay tiyak na hindi isang ordinaryong tao
Naiinis si Arianne na bumulong, "Hindi ako pupunta. Hindi ba siya lalapit kung hinahanap niya ako? Bakit ko siya pupuntahan? Hindi ako ang naghahanap sa kanya! " Nanlaki ang mga mata ni Mary. "Ari... hindi ba... ang iyong rebellious phase ay medyo late na? Magiging twenty two ka na ngayong taon!" Nanahimik ng sandali si Arianne. Ayos sa mga mata ni Mary, dumadaan lamang siya sa isang phase ngayon? Talagang sumabog ang emosyon niya sa katahimikan. Sa wakas ay napagod na siya sa pang-aapi sa kanya sa loob ng maraming taon at gusto niya nang ihinto ito, okay? Nang makita na ayaw sumunod ni Arianne, sinumbong ito ni Mary kay Mark. Makalipas ang ilang sandali pagkatapos nito, siya ay muling nagmadaling pumunta sa likod-bahay ngunit binilisan niya ngayon ang pagbaba kumpara kanina. "Ari, sinabi ni sir na kung hindi ka susunod, hindi ka niya papayagang itago ang pusa. Ang salita niya ay ang salita niya…!” Ang salita niya ay ang salita niya? Wow. Parehong nagalit at nalibang si Ariann
Nabanggit ni Arianne ang mga nakakasakit na salita para kay Mark, kaya itinapon niya sa sahig ang baso ng alak na nasa kamay niya. "Gusto mo maging isang katulong? Sige, tutuparin ko ang iyong hiling. Simuka bukas, gagawin mo ang gawain ng mga katulong ng Tremont Estate! Ngayon, umalis ka sa harapan ko!" Umalis siya ng walang pag-aatubili at pumunta sa helper room ni Mary. Ang silid ay inookupahan ng apat na mga katulong at walang karagdagang space para sa kanya. Sumiksik na lang si Arianne kay Mary. Gayunpaman, hindi niya pinagsisisihan na magalit kay Mark. Mas gugustuhin niyang matulog sa kwarto ng mga katulong kaysa humiga sa parehong kama na kasama si Mark. Tuwing nakikita niya ang lalaking ito, maiisip niya ang lahat ng ginawa niya kina Aery at Helen. Ang tatlo ang sumira sa kanyang puso at imposible na gagaling pa siya, iyon ang nagpapaalala sa kanya sa bawat na araw na lumilipas sa kanyang buhay. Kinabukasan, nagtatrabaho siya sa opisina tulad ng dati at naging isang 'pa
Diniinan ni Arianne ang kanyang mga labi at walang sinabi. Pagod na pagod siya at unti-unting nakatulog. Walang narinig na sagot kay Arianne, bumuntong hininga si Mary at kinumutan siya nito. Intensyon ni Mark na makita si Arianne na gawing kalokohan ang kanyang sarili, umuuwi ng maagap sa bahay si Mark araw-araw pagkatapos ng trabaho at mas matagal siyang nanatili sa sala kaysa sa dati niyang ginagawa. Upang maiwasang makita siya, si Arianne ay halos lumayo sa sala at nagtatrabaho lamang sa kusina at sa likod ng bahay. Nililinis lamang niya ang sala pagkatapos niyang umakyat sa itaas. Masarap sa pakiramdam na manatili sa sariling gawain ang bawat isa nang walang hindi nangingialam sa mga gawain nilang dalawa.… Sa parehong oras, si Tiffany ay parang may hinahanap sa kanyang kwarto sa kanyang inuupahang bahay. “Ma! Nakita mo ba ang bankcard ko?" Hindi siya binigyang pansin ni Lillian dahil nag-meryenda ito sa sala. “Hindi… Hanapin mo iyon nang mag-isa. Sa tingin mo magnanakaw