Nag-aalala sina Eloise at Sean na baka hindi sumipot si Madeline. Nang makita nila siya na pumasok ng sala kasama ni Jackson, nagliwanag sa tuwa ang kanilang mga mata. "Eveline! Eveline, nakarating ka!" Nasasabik na lumapit si Eloise kay Madeline. Tiningnan ni Madeline ang gasa sa binti ni Eloise. Nang makita niya na paika-ika pa rin si Eloise ay diretso siyang nagsalita, "Mrs. Montgomery, umupo ka lang at magpahinga, baka bumuka ulit ang sugat mo. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa'yo." Nang marinig iyon ni Eloise, malungkot niyang tinignan si Madeline. "Gusto ng lahat ng ina na maging ligtas at malusog ang kanilang mga anak. Masaya na ako basta ligtas ka. Wala kang utang na loob sa kahit na sino sa amin. Kami ang nagkamali sa'yo." Tumango si Sean sa isang tabi. Tinignan niya si Madeline nang may parehong pagmamahal at sakit sa kanyang mga mata. "Eveline, marami kaming nagawang mali sa'yo. Kung hindi mo kami kikilalanin, hindi ka namin pipilitin. Masaya na kami ng nanay m
Nang marinig ni Jeremy ang sinabi ni Jackson ay kumunot ang kanyang noo. Napuno ng kalungkutan ang kanyang mga mata para kay Jackson, pero kasabay nito, mayroong galit na nagmula sa gulat at sindak. Hindi niya alam na ganoon ang trato ni Meredith kay Jackson kapag wala siya. Kaya pala naging malungkot at kakaiba si Jackson. Ang lahat ng iyon ay dahil kay Meredith. Hinigpitan niya ang kanyang mga kamao, bumakat ang ugat sa likod ng kanyang mga kamay. "Ano? Ang sama ni Meredith!" Nanggagalaiti sina Eloise at Sean. Sabay silang nagagalit at nadudurog ang kanilang puso. "Hindi siya tao!" Naawa si Madeline para kay Jackson sa kanyang puso. Napuno rin ng galit ang kanyang dibdib. Hinigpitan niya ang kanyang mga kamao at tinignan ang tahimik na lalaki nang may poot sa kanyang mga mata. "Mr. Whitman, kakaiba talaga ang pinakamamahal mo. Pero sa tingin mo yun lang ang ginawa niya kay Jackson?"Sarkastiko ang tono niya nang sinabi niya ang nangyari noon. "Noon, hiniwaan niya a
"Totoo." Tumango si Jeremy. "Magtiwala ka sa'kin." Ang kanyang boses ay malalim pero malumanay. Tinignan siya ni Madeline na para bang hindi niya alam nag gagawin. Pagkatapos ng ilang sandali, nahimasmasan na siya at tinulak ang mga kamay ni Jeremy sa inis. "Tandaan mo ang sinabi mo. Wag mong hayaang mas magalit ako sa'yo." Tumalikod siya at naglakad papalayo pagkatapos niyang sabihin iyon. Pinanood ni Jeremy si Madeline na naglakad papalayo. Bigla na lang, nakaramdam siya ng isang marinig sakit sa kanyang puso. Napuno ang kanyang isipan ng pagmamahal sa kanya ni Madeline at ang paghanga na nasa kanyang mga mata. Ngayon, lahat ng iyon ay nakaraan na. Naging mga kupas na alaala na lamang ito ngayon… Sa gabing iyon, hindi makatulog si Madeline. Hindi siya makapaghintay na makita ang anak niya na ninakaw mula sa kanya. Inisip niya ang mukha ng kanyang anak. Ano kayang itsura niya? Malamang sobra siyang kaaya-aya. Kahit na galit siya kay Jeremy, hindi niya maitatanggi na gw
Pagkatapos sabihin iyon ni Jeremy ay nagulat ang lahat ng mga tao. Noon sa press conference ng Montgomery Enterprise, nalaman na nila na si Madeline ang tunay na Ms. Montgomery. Nagulat rin sila sa una, pero mas nagulat sila sa sinabi ni Jeremy ngayon. Sinong hindi nakakaalam na ang taong mahal ng young master ng pinakamayamang pamilya sa Glendale ay si Meredith Crawford? Bakit bigla itong naging si Madeline Crawford? Si Madeline dapat ang babaeng kanyang pinakakinamumuhian. "Mr. Whitman, ibig sabihin, matagal mo nang mahal ang ex-wife mo, si Madeline Crawford, at hindi si Meredith Crawford?" isang journalist ang sumira sa katahimikan at nagtanong. "Tama ka sa kalahati," sagot ni Jeremy. Tinignan niya si Madeline nang may malumanay na mga mata. "Wala akong ex-wife dahil buong buhay ko, isa lang ang naging asawa ko." Walang masabi ang mga journalist. "Pero Mr. Whitman, nag-divorce kayo ni Madeline Crawford tatlong taon na ang nakakaraan…" "Mayroon ngang mga pagtatalo at ka
"Ang ganda naman ng mga sinabi mo, Mr. Whitman. Pero, sayang naman at hindi ako si Madeline Crawford." Tinanggi niya ito. Pagkatapos ay sarkastiko siyang tumawa "Kahit na ako si Madeline, hindi kita papatawarin at hindi rin kita bibigyan ng isa pang pagkakataon. Nadurog ang pag-asa sa mga mata ni Jeremy. Bumagsak rin ang kanyang puso. Sa totoo lang, hindi na siya nagulat na makukuha niya ang ganitong sagot. Pero nang marinig niyang itinanggi niya ito, ang mga salita niya ay parang isang kutsilyo na humihiwa sa kanilang mga puso. Kaagad na pumunta si Felipe sa eksena pagkatapos niyang makita ang live broadcast online. Tinulak niya ang mga tao palayo at lumakad sa tabi ni Madeline, ang kanyang malumanay at gwapong mukha ay puno ng galit. Hinawakan niya ang kamay ni Madeline sa harap ng lahat. Ang kanyang mga mata ay dominante at mapang-angkin habang nakatingin kay Jeremy. "Jeremy, wag mong ipilit ang hipokrito mong paghingi ng tawad at pag-ibig kay Vera. Hindi siya ang ex-wi
Kaagad na pinaandar ni Jeremy ang kotse. Pagkatapos sabihin ni Madeline ang mga salitang iyon, isang umaasang ngiti ang lumitaw sa kanyang malamig na mukha. Sa salamin, nakita ni Jeremy si Madeline na hawak nang mahigpit ang kanyang mga kamay. Mayroong walang hanggang emosyon sa kanyang mga mata na may halong bakas ng kaba. Ngumiti si Jeremy nang makita niya ang saya sa mukha ni Madeline. Sa wakas ay nakita niya rin ang isang ngiti sa kanyang mukha. Ngunit pagkatapos bumiyahe sa mga mataong kalsada, napadpad ang kotse sa isang lugar na pamilyar para kay Madeline. Naguguluhan siya habang naaalala niya ang tanawin sa labas ng bintana. 'Nasa April Hill lang ba nakatira ang anak ko?'Kung ganoon, sinong nag-aalaga sa anak ko?' Mabagal na huminto ang kotse habang iniisip niya ang mga tanong na iyon. Hindi naghintay si Madeline kay Jeremy na buksan ang pinto para sa kanya at nagmamadaling lumabas. Hindi naiiba sa kanya ang lahat ng kanyang nasa kanyang harapan. Nasa dag
Sinakyan niya ang kanyang sinabi at ngumiti. "Opo. Gusto namin ng asawa ko na balikan ang aming mga alaala." Naiinis na tinignan ni Madeline si Jeremy na hindi naman pinansin ng lalaki habang tinulungan niya ang matanda na pulutin ang mga kamote at dalhin ang kanyang basket. "Sa malapit ka lang po nakatira, di ba? Tutulungan kitang iuwi ang mga ito." "Salamat." Tinanggap ng matandang babae ang kanilang tulong at tinuro niya ang daan. Mabilis na hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline bago sumunod. Walang nagawa ang pagtatangka ni Madeline na makawala. "Talagang mapagmahal kayong mag-asawa, pumunta kayo sa tabing-dagat kahit na napakalamig." Nakangiting lumingon ang babae na mas lalo pang lumalim nang makita niya ang magkahawak na mga kamay nina Madeline at Jeremy. "Ang swerte mong babae na makahanap ng isang mapagmahal na asawa. Naalala ko kung paano siya tumakbo noong nasugatan ang hindi mo maraming taon na ang nakakaraan, hinihingal siya nang makarating sa health center
Natawa si Madeline sa kanyang sinabi. Kahit na ganoon, nabasa ang kanyang mga mata habang bumugso ang hangin kahit na tumatawa siya. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Jeremy?" Suminghal siya, ang kanyang mga mata ay napuno ng mga hindi tumutulong luha. "Sinasabi mo na minahal mo ako simula noong nagkita tayong muli, pero tinanggal mo ang isang parte ng laman ko?" Nagdilim ang ekspresyon ni Madeline sa pagkasabi niya ng 'minahal'. "Ganito ba ang magmahal, Jeremy? Ibig sabihin ng pagmamahal ay hinihiling mo ang pinakamaganda para sa taong iyon! Hindi para sirain, basagin, at pahirapan sila!" Nilabas ni Madeline ang kanyang bakit habang nagsimulang tumulo ang luha mula sa gilid ng kanyang mga mata kasabay ng hangin ng dagat. Tumulo ito sa likod ng kamay ni Jeremy, ang init ng kanyang luha ay lumapnos sa kanyang laman. "Hindi mo kailangang magsinungaling sa sarili mo, Jeremy, at hindi ko rin kailangan na magsinungaling ka sa'kin. Ang taong minahal mo buong buhay mo ay si Mere