Pilit na ngumiti si Madeline sa kanya. "Jeremy, andito ka ba para dalawin si Meredith? Hindi mo pa rin ba siya nakakalimutan?" Naglakad si Jeremy sa kanyang harapan, ang kanyang nakakaakit na mga mata ay nakatingin sa kanyang magagandang mga mata. "Ang taong di ko makalimutan ngayon ay ikaw." "Talaga?" Tumingin si Madeline sa mga mata ni Jeremy na para bang nagulat. "Kung ganoon, masaya ako." "Syempre, totoo yun." Iniabot ni Jeremy ang kanyang kamay. "Basta't gugustuhin mo, magiging responsable na ako sa'yo simula ngayon." Tiningnan ni Madeline ang nakaunat na kamay ni Jeremy. Bumabakat ang mga buto ng kanyang kamay. Mahahaba ito at magandang tignan. Noon ay sobra siyang nangungulila sa init ng kanyang palad. Nang makita niya na nananahimik si Madeline at nakatingin sa kanyang mga kamay, isang bakas ng hindi nakikitang pagkabahala ang lumitaw sa kanyang mukha. "Hindi mo ba gusto?" Tumingin sa kanya si Madeline at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ni Jeremy at nagsabing, "Ba
Lalo na, si Meredith ang young lady ng Montgomery family at kilala ng lahat. Nang makita ni Madeline ang mga larawan ni Eloise at Sean na inaatake ng media online, nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. "Dad, Mom…" bulong niya. Pagkatapos, naisip niya si Jackson. "Pareho tayo. Hindi ko pa rin nararamdaman ang pagmamahal ng isang ina…" Tok, tok, tok. Narinig ang mga katok mula sa salaming pinto ng kanyang opisina. Tinaas ni Madeline ang kanyang ulo at nakita niya ang sales manager na natatarantang nakatingin sa kanya. "Pasok." Sumenyas si Madeline. "Anong nangyari? Bakit ka natataranta?" Patakbong lumapit ang sales manager at parang nagmamadali ang kanyang boses. "Ms. Vera, mayroong lalaki at babae sa shop. Sabi nila manghihingi raw sila ng paliwanag mula sa'yo. S-sinasabi nila na isa ka raw kabit… kung hindi ka lumabas ngayon, sisirain nila ang shop!" Kalmadong tumayo si Madeline. "Wag kang mag-panic, pupunta na ako." Sinuot niya ang kanyang suit jacket bago buma
Pagkatapos mabigla nila Rose at Jon sa matalim na tingin ni Madeline ay suminghal sila. "Vera, ano pa ba ang sasabihin mo? Sa tingin mo ba tanga ang lahat ng tao rito at maloloko mo sila gamit ng ilang salita?" Pagkatapos itong marinig ni Madeline ay ngumiti siya. "Dahil lahat sila ay hindi tanga, sa tingin mo ba madidiin mo sa'kin lahat ng krimen base sa mga sinabi mo?" Napahinto si Rose. Bigla na lang, pakiramdam niya ay parang bumalik sa kanyang ang kanyang mga sinabi. "Vera, ikaw…" "Manahimik ka!" Malamig siyang pinutol ni Madeline. Nanginig si Rose. Nang makita niya ang malamig na tingin ni Madeline, hindi niya mapigilan na matakot. "Sabi ka ng sabi na gusto mong humingi ng hustisya para sa anak mong si Meredith, pero tanungin mo muna ang sarili mo, may karapatan ba si Meredith na magsalita tungkol sa hustisya?" "Ikaw…" "Paulit-ulit mong sinasabi na pinagbintangan at sinaktan ko si Meredith kaya siya nadungisan ng isang grupo ng mga lalaki. May pruweba ka ba? Wal
Ngumiti siya. "Pasensya na at nagkaroon kayo ng masamang shopping experience. Bilang compensation, bibigyan ko kayo ng 20% discount sa lahat ng alahas sa shop." Natuwa ang lahat ng customer na naroon. Natural, mas magugustuhan nila si Madeline. Ngumiti si Madeline at inayos ang mga bagay sa kanyang mga customer. Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang bag para pumunta sa parking lot. Bumiyahe siya nang malayo papunta sa lugar na pinakapamilyar para sa kanya. Naghintay siya ng sampung minuto bago makita sina Rose at Jon na naglalakad habang pabulong na nagmumura. Ngumisi si Madeline at humarurot papunta kina Jon at Rose. Nang marinig nina Jon at Rose ang tunog ng kotse ay tinaas nila ang kanilang tingin. Pagkatapos, nakakita sila ng isang puting kotse na humaharurot papunta sa kanila. Sobrang bilis ng pag-andar ng kotse at palapit ito nang palapit sa kanila. Parang hihiwalay ang kaluluwa nila Jon at Rose sa kanilang katawan. Wala na silang pakialam sa kahit na ano at gusto n
Diretsong tumingin sina Jon at Rose kay Madeline nang nilapit niya ang tasa sa kanyang labi at titikman ang tsaa. Naghihintay sila na inumin ito ni Madeline. Dadampi na ang labi ni Madeline sa tasa, pero bigla na lang, tinaas niya ang kanyang tingin at mayroong matalim na kinang sa kanyang mga mata. Nabigla sina Jon at Rose. Nang hinuhulaan nila ang nasa isip ni Madeline, tinapon niya ang tsaa at tumalsik ito sa kanilang mga mukha. Kahit na hindi na kumukulo ang tubig, nasa 150 hanggang 160 Fahrenheit pa rin ito. Napasigaw sa sakit sina Jon at Rose habang ang kanilang mga mukha ay napaso. "Ikaw! Vera, anong ginagawa mo?" Kumuha si Rose ng tisyu at galit na pinunasan ang kanyang mukha. Ang kanyang mukha ngayon ay namumula at nakakatakot. "Sa tingin mo ba tanga ako? Iniisip niyo ba na di ko alam na may nilagay kayo sa tsaang to?" Tanong ni Madeline nang may malamig na tono. Pagkatapos, binato niya ang tasa sa paanan nina Jon at Rose. Sa isang bagsak ay nabasag ang tasa. Umi
Yumuko si Madeline para tignan ang kanilang natatakot na mga mukha. Pagkatapos, naningkit ang kanyang mga mata, ang apoy ng poot sa mga ito ay walang humpay na tumutusok sa kanila. "Tinuring ko kayong sarili kong magulang. Kusa kong binigay ang Hematopoietic stem cells ko kay Madeline para iligtas ang buhay niya, pero anong ginawa niyong dalawa? Wala akong inasahang malaki at inisip ko na papasalamatan niyo ko sa nagawa ko para kay Meredith, pero hindi ko rin inaasahan na aatakihin niyo ko pagkatapos ko kayong tulungan!" "..." "..." "Wala akong pinagbintangan. Wala rin akong ginawa na makakasakit sa inyo, pero nagtulong-tulong kayong lahat para saktan at pahirapan ako nang paulit-ulit!"Sobrang sakit ng nararamdaman ko pero sinipa niyo pa rin ako sa dibdib. Nagbulagbulagan ka nang bumagsak ako sa lapag at sumuka ng dugo. Iniwan niyo lang ako na nag-aagaw buhay sa gitna ng ulan!" Nilista ni Madeline ang lahat ng kanilang kasalanan, ang kanyang mga mata ay puno ng sama ng loob
"Jeremy, totoo ang sinasabi ko. Si Madeline ang p*tang yan!" Tinuro ni Rose si Madeline at sumigaw sa pagitan ng kanyang mga ngipin. Sumingit rin si Jon, "Jeremy, totoo ang sinasabi ng asawa ko. Si Vera Quinn ang p*tang pinakaaayawan mo, siya si Madeline Crawford!" "Manahimik kayo!" Malamig ang tono ni Jeremy at mayroong makapal na balot ng yelo sa kanyang mga mata. "Ang lakas ng loob niyo na atakihin si Vera para pagbuntunan siya sa nangyari kay Meredith! Pagbabayarin ko kayo nang malaki." Pagkatapos niyang sabihin ang mga nakakapangilabot na mga salitang iyon, nanlaki ang mga mata nina Jon at Rose. Para bang nabuhusan sila ng malamig na tubig sa kanilang ulo. Sa isang iglap ay bumaba ang temperatura ng kanilang katawan. "Vera, ihatid na kita pauwi." Nagbago ang boses ni Jeremy. Kahit ang kanyang mga mata ay malumanay at mainit na para bang hinaplos ito ng hangin ng tag-sibol. Sumandal si Madeline sa dibdib ni Jeremy sa gulat, kaakit-akit ang kanyang mga mata. "Jeremy, buti
"Nasabi mo na ba kay Jeremy na si Madeline ang p*ta na yun?" "H-Hindi! At saka, mukhang hindi gusto ng p*ta na yun na malaman ni Jeremy na siya si Madeline." Tinanggi ito ni Rose nang mapagtanto niya na hindi dapat malaman ni Jeremy ang tungkol dito. Pagkatapos marinig iyon ni Meredith ay nakahinga siya ng maluwag. "Magkakaroon ng hearing sa makalawa. Kumuha na si Eloise ng pinakamagaling na abogado para sa'kin. Malapit na akong makalaya." Nagliwanag ang mga mata ni Rose. "Talaga?" "Syempre." Suminghal si Meredith. "Mukhang walang plano si Madeline na sabihin sa mga Montgomery ang tunay niyang pagkatao." Nagkatinginan sina Jon at Rose sa pagkalito. "Mer, hindi ba alam na ng p*tang yon na siya ang anak ni Eloise? Kung binunyag na niya ang sarili niya sa'tin, bakit di niya tanggapin na si Eloise at Sean ang kanyang tunay na magulang?" "Kung ikaw ang nasa posisyon niya, gusto mo pa rin bang bumalik sa mga magulang mo pagkatapos ka nilang atakihin, sigawan, at hindi pansinin?