Share

Kabanata 358

Nagulat si Madeline sa kanyang sagot. Ngunit, ang kanyang seryosong mukha ay nagpahiwatig kay Madeline na hindi siya nagbibiro.

"Gagawin ko ang lahat para sa'yo basta't masaya ka."

"Jeremy, Jeremy!"

Pagkatapos itong sabihin ni Jeremy, biglang lumitaw si Meredith sa kanilang mga paningin. Mukha siyang natataranta at kinakabahan.

Tinignan ni Madeline ang likuran ni Meredith. Pero hindi niya nakita si Jackson.

"Jeremy, nawawala na naman si Jack!"

Tumakbo si Meredith sa harap ni Jeremy at namumula ang kanyang mga mata.

"Kasalanan ko tong lahat. Hindi ko nabantayan nang maayos si Jack. Jeremy, sigawan mo ko. Naging pabaya ako. Masyado akong nakatuon sa pagbabantay sa'yo na napabayaan ko si Jack. Huhu…"

Kinamumuhian ni Madeline ang mapagpanggap na gawi ni Meredith. "Miss Crawford, walang magagawa ang pag-iyak mo. Kung talagang nag-aalala ka sa bata, hindi siya dapat palaging nawawala sa tingin mo."

"Vera, hindi mo siya anak kaya mo nasasabi ang ganyan. Si Jack ay anak namin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status