"..." Walang masabi ang lalaki. Dahan-dahang naglabas si Madeline ng tisyu mula sa bulsa ng kanyang waterproof na tracksuit. Pagkatapos, yumuko siya at pinulot ang sobre mula sa isang sulok nito. "Tumawag ka na ba ng pulis, Mrs. Montgomery?" Ngumiti siya, ang kanyang mga mata ay naging parang mga buwan. Tinitigan siya nang masama ni Eloise. "Vera papunta na ang mga pulis. Wag ka nang magmaaang-maangan pa." "Pabayaan niyo na ang anak niyo na siya na lang ang magmaaang-maangan." Inalog ni Madeline ang sobre na kanyang hawak. "Salamat sa pagbigay sa'kin ng ebidensya. Sa tingin ko nandito ang fingerprint ng nag-utos sa'yo." "...""..." Nanigas ang mukha ng lalaki habang nakatingin siya kay Meredith. Sa kabilang banda, nanginginig ang gilid ng bibig ni Meredith. Para bang wala na siyang magawa. Lumaki ang ngiti ni Madeline nang makita niya ang kabilang mga ekspresyon. "Mrs. Montgomery, pwede ka nang kumuha ng abogado para sa anak mo. Interesado ako kung anong sasabihin mo s
"Pa-paanong nangyari yun…" Hindi matanggap ni Eloise ang kanyang naririnig mula sa usapan sa phone. Ang mga malagim at masamang salita ni Meredith… Kung paano niya tinawag si Jackson na isang'bwisit na bata'..."Hindi! Imposible! Hindi yan boses ni Mer!" Itinanggi ito ni Eloise nang may kasiguraduhan. "Vera Quinn, ang lakas ng loob mo na mameke ng ebidensya! Siguro may pinagpanggap ka bilang si Meredith!" Nahimasmasan na si Meredith. Hindi niya inaasahan na noong lumapit si Vera sa kanya ay nagsisimula na pala siyang mag-record. Pero, hindi siya aamin sa kanyang mga nagawa nang dahil lang dito. "Mom, paniwalaan mo ko. Hindi ako yan. Hindi ako yung nasa video!" Itinanggi ito ni Meredith. "Jeremy, may taong nagtatangka na saktan ako. Peke ang video na yan! Bakit ko sasaktan si Jack? Dugo't laman natin siya!" Tumalikod si Meredith at tinignan si Madeline nang may mga luha sa kanyang mga mata. "Vera Quinn, gagawin mo talaga ang lahat para makuha si Jeremy. Tinuro ka na ng lala
Nagsimulang umiyak si Eloise nang marinig niya iyon. "Kasalan ko tong lahat. Masama ang kondisyon ng katawan ko pagkatapos kong ipanganak si Mer. Busy ka sa pag-aalaga mo sa'kin kaya napabayaan natin si Mer…" Hinawakan ni Sean ang balikat ni Eloise sa kasawian at nagsabing, "Wag kang umiyak, Ellie. Wag kang mag-alala. Sisiguraduhin ko na makakauwi siya nang ligtas. Nagmadali sina Jon at Rose sa istasyon ng pulis para bisitahin si Meredith pagkatapos nilang malaman na may nangyaring masama sa kanya. Nang makita ni Rose si Meredith na nakasuot ng damit pang-preso habang mukhang magulo sa loob ng kulungan ay sobra siyang nagulat. Para bang nakita niya ang kanyang money tree na halos tumumba. "Mer, Mer, kumusta ka? Anong nangyari?" Naiinip na tinignan ni Meredith sina Jon at Rose. Nagsalita siya nang may malinaw na pag-iisip, "Walang mangyayari kung magsasalita ako ngayon. Sina Eloise at Sean lang ang makakapagligtas sa akin." Nagkatinginan sina Jon at Rose. "Mer, ang p*tangi
Suminghal si Meredith. "Anong kalokohan yan? Kailan ko ginawa ang lahat ng yan sayo? Ikaw ang nang-akit kay Jeremy galit ng mukhang yan. Ikaw ang gumawa ng lahat ng yon. Kaya kahit na gusto kitang saktan sa hinaharap, sarili mo lang ang pwede mong sisihin." "Sarili ko lang ang sisihin ko?" "Ikaw ang nagdala ng problema sa buhay mo! P*ta ka!" Kasing cheap mo ang p*tangin*ng Madeline na yun. Hindi paghihinayangan ang pagkamatay ninyong dalawa!" Pagkatapos ng mga tili ni Meredith, hindi nagdalawang-isip si Madeline na sampalin ang mukha ni Meredith. Nagulat si Meredith nang dalawang segundo. Nang mumurahin pa lang niya ni Madeline, hinila ni Madeline ang kanyang kwelyo, at sa isang iglap ay nahirapan siyang huminga. Tinaas ni Meredith ang kanyang mukha at nakasalubong niya ang matatalim na mga mata ni Madeline. Mayroong malamig na kinang sa mga ito. Hindi mapigilan ni Meredith na manginig. "Ako ang nagdala nito sa sarili ko? Hindi paghihinayangan ang pagkamatay ko? Paano mo na
"Sige sabihin mo sa kanya." Suminghal si Madeline. "Sa tingin mo mas papaniwalaan ka niya kesa sa'kin?" "...* Nawalan ng buhay ang mga mata ni Meredith. Wala siyang masasabi roon. Hindi siya magtatangka, o sa halip, hinding-hindi niya sasabihin kay Jeremy ang totoo! Kapag nalaman ni Jeremy na si Vera si Madeline, hindi lang sa hindi niya papaniwalaan si Meredith, matutuwa rin siya at magugulat. Gagawin niya ang lahat para mapasaya siya, mahalin siya, at alagaan siya. Mahal ni Jeremy si Madeline, lalo na pagkatapos niyang 'mamatay'. Matagal na ang kanyang pagmamahal sa kanya at tinago niya ito sa pinakamalalim na parte ng kanyang puso. Nang makita niya na walang masabi si Meredith, ngumiti si Madeline. "O kaya pwede mo ring sabihin sa mga magulang mo. Sabihin mo sa kanila na ako si Madeline. Pero, may lakas ka ba ng loob na gawin yun?" "..." Nanginig ang labi ni Meredith. Ang agresibong kinang sa kanyang mga mata ay gustong-gustong durugin si Madeline nang pinong-pino, pero
Pilit na ngumiti si Madeline sa kanya. "Jeremy, andito ka ba para dalawin si Meredith? Hindi mo pa rin ba siya nakakalimutan?" Naglakad si Jeremy sa kanyang harapan, ang kanyang nakakaakit na mga mata ay nakatingin sa kanyang magagandang mga mata. "Ang taong di ko makalimutan ngayon ay ikaw." "Talaga?" Tumingin si Madeline sa mga mata ni Jeremy na para bang nagulat. "Kung ganoon, masaya ako." "Syempre, totoo yun." Iniabot ni Jeremy ang kanyang kamay. "Basta't gugustuhin mo, magiging responsable na ako sa'yo simula ngayon." Tiningnan ni Madeline ang nakaunat na kamay ni Jeremy. Bumabakat ang mga buto ng kanyang kamay. Mahahaba ito at magandang tignan. Noon ay sobra siyang nangungulila sa init ng kanyang palad. Nang makita niya na nananahimik si Madeline at nakatingin sa kanyang mga kamay, isang bakas ng hindi nakikitang pagkabahala ang lumitaw sa kanyang mukha. "Hindi mo ba gusto?" Tumingin sa kanya si Madeline at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ni Jeremy at nagsabing, "Ba
Lalo na, si Meredith ang young lady ng Montgomery family at kilala ng lahat. Nang makita ni Madeline ang mga larawan ni Eloise at Sean na inaatake ng media online, nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. "Dad, Mom…" bulong niya. Pagkatapos, naisip niya si Jackson. "Pareho tayo. Hindi ko pa rin nararamdaman ang pagmamahal ng isang ina…" Tok, tok, tok. Narinig ang mga katok mula sa salaming pinto ng kanyang opisina. Tinaas ni Madeline ang kanyang ulo at nakita niya ang sales manager na natatarantang nakatingin sa kanya. "Pasok." Sumenyas si Madeline. "Anong nangyari? Bakit ka natataranta?" Patakbong lumapit ang sales manager at parang nagmamadali ang kanyang boses. "Ms. Vera, mayroong lalaki at babae sa shop. Sabi nila manghihingi raw sila ng paliwanag mula sa'yo. S-sinasabi nila na isa ka raw kabit… kung hindi ka lumabas ngayon, sisirain nila ang shop!" Kalmadong tumayo si Madeline. "Wag kang mag-panic, pupunta na ako." Sinuot niya ang kanyang suit jacket bago buma
Pagkatapos mabigla nila Rose at Jon sa matalim na tingin ni Madeline ay suminghal sila. "Vera, ano pa ba ang sasabihin mo? Sa tingin mo ba tanga ang lahat ng tao rito at maloloko mo sila gamit ng ilang salita?" Pagkatapos itong marinig ni Madeline ay ngumiti siya. "Dahil lahat sila ay hindi tanga, sa tingin mo ba madidiin mo sa'kin lahat ng krimen base sa mga sinabi mo?" Napahinto si Rose. Bigla na lang, pakiramdam niya ay parang bumalik sa kanyang ang kanyang mga sinabi. "Vera, ikaw…" "Manahimik ka!" Malamig siyang pinutol ni Madeline. Nanginig si Rose. Nang makita niya ang malamig na tingin ni Madeline, hindi niya mapigilan na matakot. "Sabi ka ng sabi na gusto mong humingi ng hustisya para sa anak mong si Meredith, pero tanungin mo muna ang sarili mo, may karapatan ba si Meredith na magsalita tungkol sa hustisya?" "Ikaw…" "Paulit-ulit mong sinasabi na pinagbintangan at sinaktan ko si Meredith kaya siya nadungisan ng isang grupo ng mga lalaki. May pruweba ka ba? Wal
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si