Binitawan ni Madeline ang kamay ni Jeremy nang marinig ito. Ngumiti siya bago sabihing, "Hihintayin kita dito." "Okay." Tumango si Jeremy, tapos tumalikod at lumabas. Sumunod sa kanila si Rose at Eloise palabas ng gate. Nang makita si Meredith na naglalakad palayo kasama si Jeremy, masayang ngumiti si Madeline. 'Meredith, ang gusto kong ibalik sa'yo ay higit pa rito. 'Wag ka agad babagsak.' "Kapag si Madeline ay may kalahati ng tapang mo, di sana yumao ang batang yun nang basta na lang." Narinig mula sa likod ang buntong-hininga ni Old Master Whitman. Sumakit ang puso ni Madeline. Naramdaman niya ang init ng pagmamahal at pag-aasam. Ngumiti siya at lumingon para tignan si Old Master Whitman. "Kung ayos lang sa'yo Grandpa, pwede mong isipin na ako si Madeline." Tinignan nang maigi ni Old Master Whitman ang napakagandang mukha sa harapan niya at nanghihinayang na umiling. "Kahit gaano pa kayo magkamukha, pagkakapareho lang yun. Sa huli, di pa rin ikaw ang manugang k
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Madeline, pero kalmado siyang nagpanggap na nagulat at naguguluhan. Tumingin siya sa mga itim na mata ni Jeremy. "Ano? Sinasabi mo na di patay ang dati mong asawa?" Nagsalubong ang kanyang kilay bago siya tumawa. "Di mo na naman ba iniisip na ako ang dati mong asawang si Madeline ano?" Nang marinig ang boses niya, tumawa rin su Jeremy. Isang malakas na hangin ang dumaan, bahagyang tinangay ang misteryosong kulay na bumubugso sa kanyang mga mata. Tinignan niya si Madeline at malinaw na sinabi, "Ilang tao ay buhay, pero patay na siya. Pero ilang mga tao ang patay na, pero buhay pa rin siya." Matapos tahimik na pakinggan ang mga salitang ito, ngumiti si Madeline. "Sinasabi mo ba sa akin na nabubuhay pa sa puso mo ang dati mong asawa?" Di lang siya tumawa, pero ang tawa niya ay puno din ng panghahamak. "Alam ng lahat na si Madeline ang babaeng pinakaayaw mo." "Alam ng lahat?" Pinakinggan ni Jeremy ang mga salitang ito nang ang panghaha
Dahil lang sa isang pangakong ginawa niya noong bata pa siya, prinotektahan niya ang isang babaeng matagal nang masama at parang hangal. Samantala, pinatay niya ang babaeng minahal niya. Dinampot ulit ni Jeremy ang kanyang cellphone at nakita ang laman ng screen. May isang post na may larawan ni Meredith noong bata pa siya. Noong magsama sila ulit ni Meredith, nakiusap siya na tignan ang mga larawan nito noong bata pa ito. Pero sinabi niya Meredith na ang mga larawan ay nawala dahil lumipat siya ng bahay. Ngayon, ilang mga netizen ang talagang nakapaghukay sa larawan nito noong bata pa ito. Iniunat ni Jeremy ang kanyang daliri at pinindot nang bahagya ang pamagat. Tok, tok. May kumakatok sa salamin na pinto ng opisina. Tumingin si Jeremy at nakita na ito ay si Ken Baker. "Pasok." Binaba niya ang kanyang cellphone at tinago ang kanyang emosyon kanina lang. Magpapatuloy ito na di malalaman ng kahit na sino. Naglakad palapit ng office desk si Ken at nagbigay ng diretsong
Di nakalimutan ni Madeline ang pagkakataong nakasalubong niya si Jeremy na bumibili ng isang malaking bouquet ng rosas. Inakala niya na nakikipagkita ito sa ibang babae bukod kay Meredith. Pagkatapos niyang sundan ito, subalit, nalaman niya na pumunta ito sa sementeryo dala ang bouquet ng rosas na ito. Di mabuti para sa kanya na patuloy na sundan ito ng mga oras na iyon kaya di niya nalaman ang dahilan kung bakit nagdala ng rosas si Jeremy sa sementeryo. Di niya malaman ito kahit na sinubukan niyang saliksikin ito. Di rin siya nagkataong dumaan dito. Sa halip, noon pa niya pinagmamasdan ang bawat galaw nito nang palihim. Matapos malaman na pumunta siya sa flower shop ulit, sinadya niyang magpakita para magmukhang nagkataon lang ay nagkita sila. Habang nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip, binuksan ni Jeremy ang pinto para sa kanya. Kaagad na nahimasmasan si Madeline at lumabas ng kotse. Nagpanggap siya na mukhang nagtataka habang nagtitingin sa paligid. Doon niya nakita na
Lumalabas na di si Meredith ang paborito ni Jeremy… Lumalabas na patay na ang paborito niya… "Anong hinahanap mo? Gusto mo bang tulungan kitang hanapin ito?" Binuksan ni Madeline ang kanyang bibig at kalmadong sinabi. Nakita niyang huminto sandali ang paggalaw ni Jeremy na para bang ngayon lang niya napansin na may ibang tao dito. Dahan-dahan siyang tumayo, ang kaaya-aya niyang itsura ay nababalot ng di maipaliwanag na lungkot kasama ng takot habang ang mga mata niya ay puno ng mabagsik at nakakatakot na liwanag at kagustuhang manakit. Mukhang natatakot siya na may di na siya mabawi ulit. Lalong naguluhan si Madeline at tinanong niya ito ulit habang naglalakad siya palapit dito, "Ayos ka lang ba? Anong nangyayari dito?" "Ihahatid muna kita pauwi." Nagsalita na siya, at walang lambing o emosyon na mararamdaman sa kanyang tono, isa lamang nakakakilabot na lamig ang lumabas galing sa kanya. Hinatid si Madeline pabalik sa apartment. Noong nakaraan, lagi siyang hinihintay ni Jerem
Sa sandaling sabihin ni Meredith ang mga sinabi niya, nakaramdam siya ng nakakakilabot na bugsong bumabalot sa kanyang katawan sa isang iglap. Nilamig siya at di mapigilang manginig. Habang iniisip niya kung anong gagawin sa kanya ni Jeremy, bigla siyang nakaramdam ng mahigpit na pagkakahawak sa kanyang leeg. Sa susunod na segundo, nawalan siya ng kakayahan na makahinga. "Je… Jeremy…" Nanlaki ang mga mata ni Meredith sa gulat, tinitignan ang lalaking sinasakal siya nang di makapaniwala. Paano nangyari ito? Paano niya nagagawang tratuhin ito nang ganito? Talagang sinasakal siya nito para sa pokp*k na Madeline na yun! "Alam mo ba kung anong ginawa mo? Tingin mo ba pwede mo lang basta gawin ang gusto mo dahil sa gusto kita at kinukunsinti kita?" Dumaan sa kanyang ang malamig na boses nito na parang isang malamig na hangin, ang titig niya ay puno ng kagustuhang pumatay. Pakiramdam ni Meredith na mamamatay siya sa pagkakasskal. Nababagabag siya nang di siya makahinga. Pe
"Ituloy mo." "Tuparin mo ang pangako mo sa akin noon. Pakasalan mo ako," Nagpatuloy si Meredith nang walang pag-aalinlangan. Sa isang iglap, kumunot ang noo ni Jeremy. Tumingin siya sa mga mata ni Meredith na puno ng emosyon. "Jeremy, alam mong mahal kita. Baliw na baliw ako sa'yo. Di ko kayang mabuhay nang wala ka. Alam kong gusto kong makasama ka habang-buhay mula noong una kitang makita." Madamdaming tumingin si Meredith kay Jeremy. "Jeremy, ikaw na lang ang pag-asa na mabuhay. Kapag wala ka sa piling ko, mas gugustuhin ko na lang mamatay. Kung ayaw mong tuparin ang pangako mo, edi lilisan na ako sa mundong ito kasama si Jack. Kapag namatay ako, di mo na mahahanap ang abo ni Madeline." Nang tignan ang determinadong titig ni Meredith, tumawa si Jeremy. "Pinagbabantaan mo ba ako?" Umuling si Meredith at tinignan siya nang malungkot. "Bakit ako mangangahas na takutin ka? Gusto ko lang makasama ang lalaking mahal ko. Kaya handa akong maging masamang babaeng gagawin ang lah
Pagbukas ni Madeline ng pinto, nakaamoy siya ng alak. Tatlong taon na ang nakalipas. Hindi niya inakala na babalik siya sa lugar na ito. Ang mas ikinagulat pa niya ay nang buksan niya ang pinto, ang mga palamuti ay katulad pa rin ng dati. Lahat ng nasa harapan niya ay katulad pa rin ng nakaraang tatlong taon. Walang gaanong pagbabago. Mabagal na naglakad si Madeline nang naguguluhan. Di malaki ang apartment, kaya nang pumasok siya, nakita niya kaagad si Jeremy. Nakasandal siya sa sofa habang nakaupo sa sahig. Nakapikit ang mga mata niya at mukha siyang tamad at walang pakialam. Ang kwelyo niya ay bukas at nakikita ang kanyang buto. Namumula ang kanyang mga pisngi habang basa ang maputla niyang labi. Tila ba kakainom lang niya ng wine. Sa coffee table sa harap niya ay may dalawang bukas na bote ng wine. Nagtatakang tumingin si Madeline sa lalaking mukhang nakainom. 'Jeremy, anong ginagawa mo? 'Umiinom ka ba para makalimutan ang lungkot?' Maingat na lumapit si Madelin