Pagbukas ni Madeline ng pinto, nakaamoy siya ng alak. Tatlong taon na ang nakalipas. Hindi niya inakala na babalik siya sa lugar na ito. Ang mas ikinagulat pa niya ay nang buksan niya ang pinto, ang mga palamuti ay katulad pa rin ng dati. Lahat ng nasa harapan niya ay katulad pa rin ng nakaraang tatlong taon. Walang gaanong pagbabago. Mabagal na naglakad si Madeline nang naguguluhan. Di malaki ang apartment, kaya nang pumasok siya, nakita niya kaagad si Jeremy. Nakasandal siya sa sofa habang nakaupo sa sahig. Nakapikit ang mga mata niya at mukha siyang tamad at walang pakialam. Ang kwelyo niya ay bukas at nakikita ang kanyang buto. Namumula ang kanyang mga pisngi habang basa ang maputla niyang labi. Tila ba kakainom lang niya ng wine. Sa coffee table sa harap niya ay may dalawang bukas na bote ng wine. Nagtatakang tumingin si Madeline sa lalaking mukhang nakainom. 'Jeremy, anong ginagawa mo? 'Umiinom ka ba para makalimutan ang lungkot?' Maingat na lumapit si Madelin
Lumapit siya para tignan ito at nakita niya na ito ay ang kanyang diary. Ang pahina na nakabukas dito ay puno ng dati niyang pagmamahal at determinasyon sa kanya. Ngumisi si Madeline nang maalala niya ang kanyang sarili noon. Napakatanga niya. Hinawakan niya ang diary bago tumalikod at umalis. Pero hinila siya ulit pabalik ni Jeremy. Natumba si Madeline at bumagsak sa sahig, tumama sa matikas na dibdib ni Jeremy. Tuliro ang mga mata nito, pero madamdamin pa rin itong nakatitig sa kanya. "Huwag kang aalis okay? Wag mo na akong iiwan ulit." "Bitiwan mo ako Jeremy. Di ako ang taong iniisip mo." Nagpumiglas si Madeline para makatakas pero ngumiti lang si Jeremy at tumitig nang diretso sa kanya. Niyayakap na siya nito nang mas mahigpit. Hindi makaalis si Madeline sa pagkakayakap nito kahit gaano pa siya magpumiglas. Nakadiin ito sa kanya nang mapagmahal bago tuluyang makatulog. Pinagpapawisan si Madeline sa kanyang pagpupumiglas. Subalit hindi pa rin niya nagawang makataka
"Ano?" "Anong sinabi mo?" Kaagad na tumayo si Eloise at ang nanay ni Jeremy, puno ng gulat sa kanilang mga mukha. "Vera Quinn, ulitin mo ang sinabi mo!" Sumigaw ang nanay ni Jeremy. Tinignan ni Madeline ang mukha ni Meredith at nakitang nanlaki ang kanyang mga mata habang nakalawlaw ang kanyang panga sa gulat. Pagkatapos, tumingala siya para tignan ang di-mabasang itim na mata nu Jeremy. "Dinadala ko ang anak mo Jeremy." Ngumiti siya at inabot sa kanyan ang isanh report. "Nagpasuri ako nitong umaga sa ospital at ito ang pruweba mula sa doktor." Tumingin si Jeremy kay Madeline at kinuha ang report. Nakasaad sa report na tatlong linggo na siyang buntis. "Ipakita mo sa akin!" Hinablot ng nanay ni Jeremy ang report mula sa kamay ni Jeremy at tinignan ito nang malapitan. Lumapit din si Eloise para tumingin. Pagkatapos nilang makita ang resulta, kaagad na nagdilim ang mukha nila. Nang makita ito ni Meredith, tinitigan niya si Madeline nang may inggit at selos. Makalip
Tumingin siya sa taas at nakita niya na nagtawag na ng cab si Madeline. Pagkatapos, sumakay ito sa kotse at umalis. Nanghina si Jeremy sa loob ng ilang segundo bago ito habulin. Tinawagan niya si Madeline, at kahit na umabot ang tawag, di ito sumagot. Tinignan ni Madeline ang madilim na screen ng kanyang cellphone at ngumisi. Gumagawa siya ng pagkakataon para makalamang. Hindi siya seryoso dito nang sabihin niya ito. Hindi niya hahayaan na mabuhay nang masaya ang dalawang taong pinakakinamumuhian niya. Hindi matawagan ni Jeremy si Madeline, kaya nabahala siya. Hindi na mahalaha kung anong dahilan, pero alam niya na hindi niya hahayaang mawala ang babaeng kamukha ni Madeline. Kahit na kumakapit siya sa paniniwala na ito ang dahilan kung bakit di niya mapakawalan si Madeline, napagtanto din niya ang pagbabago sa tibok ng puso niya tuwing kasama niya si Vera. Ang damdamin ay pareho noong makilala niya si Madeline sa unibersidad. Bumalik si Madeline sa kanyang apartment
Nang magsalita siya, biglang may lungkot sa mga mata niya. Matapos manahimik sa loob ng ilang segundo, sinabi ni Jeremy, "Utang ko yun sa kanya." "Utang mo sa kanya?" 'Utang mo yun sa kanya?.'May utang ka rin sa akin Jeremy. Pero nakalimutan mo yun.' Tumawa si Madeline at di na nagtanong. Dahan-dahan niyang sinabi, "Sihe, kung ganon, di na kita papahirapan. Pero kung sinabi mong seryoso ka sa pagpapakasal sa akin, edi dapat mong patunayan ito." Nang marinig niya ito, ang lungkot sa mga mata ni Jeremy ay bahagyang nawala. "Anong gusto mong gawin ko? Gagawin ko ang kahit ano basta abot ng makakaya ko." Ngumiti si Madeline. "Madali lang. Pumunta ka sa isang lugar kasama ko bukas. Sasabihin ko sa'yo kung saan tayo pupunta kapag sinundo mo ako bukas ng umaga." "Okay," Walang alinlangang sumagot si Jeremy. Sa di malamang dahilan, nang tignan niya ang ngiti sa mukha nito sa harap niya, mas naging masigla si Jeremy kaysa kanina. Bumalik si Jeremy sa kanyang bahay, at sa san
Ikakasal na din naman na sila sa susunod na tatlong araw. Kapag dumating ang oras, masasaksihan ng buong Glendale at ng lahat ng tao sa buong mundo ang broadcast ng kanilang malaking kasal! Nang isipin ito ni Meredith, nagkaroon ulit ng ngiti sa kanyang mukha. Noong gabing iyon, inalagaan ni Meredith ang kanyang sarili, at sa susunod na araw, pumunta siya sa bridal shop. Ang brand na ito ng wedding dress ay kilalang-kilala sa buong mundo. Sinabi niya sa staff ang tungkol sa dress na pina pre-order ni Jeremy. Kakarating lang nito kahapon at nangangahalagang higit sa sampung milyon. Bago niya makilala si Jeremy, hindi maisip ni Meredith na magagawa niyang isuot ang ganoon kamahal na wedding dress. Ngayon, bukod sa status niya bilang Ms. Montgomery, siya rin ay magiging madam ng isang maimpluwensiyang pamilya na nangunguna sa lahat. Nagalak siya nang sobra. Dahil nasabi na niya ang gagawin niya bago ito, pagdating ni Meredith sa bridal ship, mayroong mga mamamahayag na na
"Uh-huh," Ngumisi si Madeline. Pinadaan niya ang kanyang daliri sa mga kumikinang na rhinestone sa kanyang bestida. "Ang galing talaga pumili ni Jeremy. Alam na alam niya rin ang sukat ko." "A-Anong sinabi mo?" "Ano? Di mo ba alam ang lenggwahe ng tao?" Ngumiti si Madeline at naglakad. Nagmadaling lumapit ang staff para tulungan siya sa kanyang damit. Mukha siyag reyna nang elegante siyang maglakad paharap hanggang sa nasa harapan na siya ni Meredith. "Akala mo ba talaga sa'yo itong bestidang ito?" "..." Halos malaglag na ang mata ni Meredith sa sobrang galit niya. "Ihubad mo ang damit na yan ngayon na, Vera Quinn. Regalo ito ni Jeremy sa akin. Isusuot ko ito sa araw ng kasal namin. Sino ka para isuot ang wedding dress?" Mayabang niyang tinignan niya nang masama si Madeline. Pagkatapos, bigla siyang nanghamak. "Bakit mo ginagawa ito Vera? Alam kong may gusto ka kay Jeremy, pero siya ang fiancé ko. Atsaka, ikakasal na kami sa loob ng dalawang araw, tapos ay magiging mag-asaw
Matamis na ngumiti si Madeline nang makita niya ang masayang ngiti ni Meredith. "Nahihibang ka na ba Ms. Crawford? Nandito si Jeremy para sa akin." ??? Nanigas ang mukha ni Meredith, at may mga tandang pananong sa itaas ng kanyang ulo. Pero sa sandaling ito, nakita niya si Vera na nakangiting inaabot si Jeremy. Ang lalaking mahal niya ay lumapit kay Vera nang hawakan niya ang kamay nito. "Jeremy?" Hindi mapaniwalaan ni Meredith ang kanyang nakikita. Pakiramdam niya na parang may bato sa kanyang dibdib at hindi siya makahinga. Masayang ngumiti si Madeline at lumapit para ayusin ang kwelyo ni Jeremy. "Ang gwapo mong tignan ngayon Jeremy. Di nakakapagtakang handang gapangin ni Ms. Crawford ang kama mo kahit na maging kabit pa siya." "Ikaw! Anong sinabi mo Vera Quinn?" Nasira ang mapagpanggap na mukha ni Meredith. "Ikaw ang nang-akit sa fiancé ko, p*ta ka!" Galit niyang itinaas ang kanyang kamay para sampalin si Madeline. Nagpanggap si Madeline na natatakot at sumandal