Ikakasal na din naman na sila sa susunod na tatlong araw. Kapag dumating ang oras, masasaksihan ng buong Glendale at ng lahat ng tao sa buong mundo ang broadcast ng kanilang malaking kasal! Nang isipin ito ni Meredith, nagkaroon ulit ng ngiti sa kanyang mukha. Noong gabing iyon, inalagaan ni Meredith ang kanyang sarili, at sa susunod na araw, pumunta siya sa bridal shop. Ang brand na ito ng wedding dress ay kilalang-kilala sa buong mundo. Sinabi niya sa staff ang tungkol sa dress na pina pre-order ni Jeremy. Kakarating lang nito kahapon at nangangahalagang higit sa sampung milyon. Bago niya makilala si Jeremy, hindi maisip ni Meredith na magagawa niyang isuot ang ganoon kamahal na wedding dress. Ngayon, bukod sa status niya bilang Ms. Montgomery, siya rin ay magiging madam ng isang maimpluwensiyang pamilya na nangunguna sa lahat. Nagalak siya nang sobra. Dahil nasabi na niya ang gagawin niya bago ito, pagdating ni Meredith sa bridal ship, mayroong mga mamamahayag na na
"Uh-huh," Ngumisi si Madeline. Pinadaan niya ang kanyang daliri sa mga kumikinang na rhinestone sa kanyang bestida. "Ang galing talaga pumili ni Jeremy. Alam na alam niya rin ang sukat ko." "A-Anong sinabi mo?" "Ano? Di mo ba alam ang lenggwahe ng tao?" Ngumiti si Madeline at naglakad. Nagmadaling lumapit ang staff para tulungan siya sa kanyang damit. Mukha siyag reyna nang elegante siyang maglakad paharap hanggang sa nasa harapan na siya ni Meredith. "Akala mo ba talaga sa'yo itong bestidang ito?" "..." Halos malaglag na ang mata ni Meredith sa sobrang galit niya. "Ihubad mo ang damit na yan ngayon na, Vera Quinn. Regalo ito ni Jeremy sa akin. Isusuot ko ito sa araw ng kasal namin. Sino ka para isuot ang wedding dress?" Mayabang niyang tinignan niya nang masama si Madeline. Pagkatapos, bigla siyang nanghamak. "Bakit mo ginagawa ito Vera? Alam kong may gusto ka kay Jeremy, pero siya ang fiancé ko. Atsaka, ikakasal na kami sa loob ng dalawang araw, tapos ay magiging mag-asaw
Matamis na ngumiti si Madeline nang makita niya ang masayang ngiti ni Meredith. "Nahihibang ka na ba Ms. Crawford? Nandito si Jeremy para sa akin." ??? Nanigas ang mukha ni Meredith, at may mga tandang pananong sa itaas ng kanyang ulo. Pero sa sandaling ito, nakita niya si Vera na nakangiting inaabot si Jeremy. Ang lalaking mahal niya ay lumapit kay Vera nang hawakan niya ang kamay nito. "Jeremy?" Hindi mapaniwalaan ni Meredith ang kanyang nakikita. Pakiramdam niya na parang may bato sa kanyang dibdib at hindi siya makahinga. Masayang ngumiti si Madeline at lumapit para ayusin ang kwelyo ni Jeremy. "Ang gwapo mong tignan ngayon Jeremy. Di nakakapagtakang handang gapangin ni Ms. Crawford ang kama mo kahit na maging kabit pa siya." "Ikaw! Anong sinabi mo Vera Quinn?" Nasira ang mapagpanggap na mukha ni Meredith. "Ikaw ang nang-akit sa fiancé ko, p*ta ka!" Galit niyang itinaas ang kanyang kamay para sampalin si Madeline. Nagpanggap si Madeline na natatakot at sumandal
Sinigawan ni Meredith ang dalawang tao sa harapan niya. Halos kasabay din ni Madeline huminto sa paglalakad si Jeremy. Anong narinig niya? 'Abo? 'Abo ko?' Nabigla siya nang maglakbay ang kanyang isipan. Noon, nawalan na siya ng paningin noong pumunta siya sa engagement party ni Jeremy at Meredith. Para makipaghiwalay sa kanya at pakawalan ang pagnanasa niya dito, pumayag siya na ibalik ang lahat sa kanya, kasama ang kanyang abo. Kahit na hindi siya namatay sa huli ang 'abo' niya ay nandoon pa rin. Pero hindi sinira ni Jeremy ang mga 'abo' na yun dati? Tumigil siya sa pagbabalik-tanaw nang maramdaman niyang humihigpit ang pagkakahawak ni Jeremy. Mukhang nagpipigil ito. Tumakbo si Meredith sa harap ni Jeremy nang may lungkot sa kanyang mga mata. "Jeremy, huwag mo akong pilitin okay? Para sa'yo ang lahat ng ginagawa kong ito." Pinagmumukha ni Meredith ang kanyang sarili na karapat-dapat sa pinakamataas na paghanga. Tumingala si Meredith para tumingin kay Jer
"Pagsisihan? Hmph, ang tanging tao na magsisisi ay ikaw! Binalaan na kita noon Vera. Wala kang laban sa akin. Ano ngayon kung dinadala mo ang anak ni Jeremy? Wala siyang pake! May alas akong hawak kaya paano ka makakalaban sa akin? Hahaha…" Ang brutal na tawa ni Meredith ay nanatili sa tainga ni Madeline. Ibinaba ni Madeline ang linya nang hindi nagsasalita. Tinignan niya ang pangalan ng bride sa invitation card nang naningkit ang kanyang kaakit-akit na mata. Dadalo siya nang maaga bukas. Mabilis na dumaan ang tatlong araw, pero ang tatlong araw na ito ay napakahirap para kay Meredith. Ang internet ay puno ng headline tungkol sa kanya at Jeremy. Atsaka, siya ang nagbunyag ng lugar at oras ng kanilang kasal sa media gamit ang pekeng pagkatao. Umaasa siya na gagawa ng ingay ang balitang ito. Ang dahilan nito ay ang tagal na niyang hinihintay ang araw na ito. Basta ikasal siya kay Jeremy at maging Mrs. Whitman, paniwala niya na gamit ng kanyang taktika, hindi siya hihiwalaya
Kaagad na sinabi ni Madeline ang katotohanan. Nang marinig ito ni Eloise, hindi siya nagalit. Sa halip ay ngumiti siya. "Vera Quinn, alam ko ang binabalak mo. Sinusubukan mong pag-awayin kami ni Mer. Ako ang nanay niya, kaya alam na alam ko kung siya ang anak ko o hindi. Huwag kang umasa na mapapag-away mo kami!" Pagkatapos itong sabihin ni Eloise, hinawakan niya ang kamay ni Jackson para lumayo. "Minsan ang nakikita mo ay pawang hindi ang katotohanan," Sinabi ni Madeline kay Eloise. "Mrs. Montgomery, kung ayaw mong pagsisihan ito sa hinaharap, dapat mong pag-isipan ang pagkakapareho niyo ng taong namatay noong nakaraang tatlong taon." Huminto si Eloise sa kanyang paglalakad. Pagkatapos, narinig niya nang malinaw ang boses ni Madeline. "Noong nasa labas ako ng kwarto ni Meredith sa ospital, talagang narinig kong sinabi ni Rose na patay na ang tunay mong anak." "Tumahimik ka!" Galit na lumingon si Eloise habang ang mata niya ay nakatitig kay Madeline nang mabangis. "Ar
Tinignan ni Jeremy si Madeline. Pagkatapos, sa ilalim ng umaasang titig ni Meredith, nilagpasa niya ito at dumiretso kay Madeline. Tumayo si Meredith sa pulang carpet habang tulala. Nanigas siya sa isang pwesto. "Bakit ka nandito?" Lumapit si Jeremy kay Madeline, habang makikita ang maganda nitong mukha sa kanyang malambing na mata. "Inimbitahan ako ni Ms. Crawford," Nakangiting sumagot si Madeline. Itinaas niya ang kanyang kamay para ayusin ang kurbata ni Jeremy. "Sinabi sa akin ni Ms. Crawford na matagal mo nang hinihintay ang araw na ito. Sinabi din niya na di dapat akong umasa at dapat na lumayo habang maaga pa. Pero mahal na mahal kita, kaya bakit ko gugustuhin na bitawan ka?" "..." Nagdilim ang mukha ni Meredith nang marinig niya ito. Nang makita niyang tumaas ang kilay ni Jeremy sa inis, kaagad siyang nagpaliwanag. "Huwag kang makinig sa kanya Jeremy. Hindi ko sinabi ang mga yun." "Napaka iresponsable mo naman Ms. Crawford. Kung kaya mo itong sabihin, bakit di mo maa
Pagkatapos itong sabihin ng master of ceremony, namula si Meredith. Nasasabik siyang tumingin kay Jeremy. 'Jeremy, dalian mo at sabihin mo na I do! 'Ang tagal ko nang hinihintay ang araw na ito!' Bumilis ang tibok ng puso ni Meredith. Pakiramdam niya na makukuha na niya ang pinakamasayang sandali ng kanyang buhay. Atsaka, napansin din niya na malambing na nakangiti sa kanya si Jeremy. May lambing sa mga mata niya hindi pa niya nakita noon. Sigurado si Meredith na makukuha na niya ito! Ngunit sa sandaling ito, nagsimulang tumunog ang isang cellphone. Nasira nito ang eksena, kaya hindi natuwa si Meredith. Ngunit napansin niya na cellphone ito ni Jeremy. Pinigil ni Jeremy ang kanyang nararamdaman kanina at tinignan ang kanyang cellphone. Nang makita niya ang caller ID, itinaas niya ang kanyang tingin at tinignan si Madeline na nakaupo sa huling hanay. "Jeremy, biglang sumasakit ang sikmura ko. Di ko alam kung anong problema sa anak natin. Tingin ko di na ako makakapagp