"Pagsisihan? Hmph, ang tanging tao na magsisisi ay ikaw! Binalaan na kita noon Vera. Wala kang laban sa akin. Ano ngayon kung dinadala mo ang anak ni Jeremy? Wala siyang pake! May alas akong hawak kaya paano ka makakalaban sa akin? Hahaha…" Ang brutal na tawa ni Meredith ay nanatili sa tainga ni Madeline. Ibinaba ni Madeline ang linya nang hindi nagsasalita. Tinignan niya ang pangalan ng bride sa invitation card nang naningkit ang kanyang kaakit-akit na mata. Dadalo siya nang maaga bukas. Mabilis na dumaan ang tatlong araw, pero ang tatlong araw na ito ay napakahirap para kay Meredith. Ang internet ay puno ng headline tungkol sa kanya at Jeremy. Atsaka, siya ang nagbunyag ng lugar at oras ng kanilang kasal sa media gamit ang pekeng pagkatao. Umaasa siya na gagawa ng ingay ang balitang ito. Ang dahilan nito ay ang tagal na niyang hinihintay ang araw na ito. Basta ikasal siya kay Jeremy at maging Mrs. Whitman, paniwala niya na gamit ng kanyang taktika, hindi siya hihiwalaya
Kaagad na sinabi ni Madeline ang katotohanan. Nang marinig ito ni Eloise, hindi siya nagalit. Sa halip ay ngumiti siya. "Vera Quinn, alam ko ang binabalak mo. Sinusubukan mong pag-awayin kami ni Mer. Ako ang nanay niya, kaya alam na alam ko kung siya ang anak ko o hindi. Huwag kang umasa na mapapag-away mo kami!" Pagkatapos itong sabihin ni Eloise, hinawakan niya ang kamay ni Jackson para lumayo. "Minsan ang nakikita mo ay pawang hindi ang katotohanan," Sinabi ni Madeline kay Eloise. "Mrs. Montgomery, kung ayaw mong pagsisihan ito sa hinaharap, dapat mong pag-isipan ang pagkakapareho niyo ng taong namatay noong nakaraang tatlong taon." Huminto si Eloise sa kanyang paglalakad. Pagkatapos, narinig niya nang malinaw ang boses ni Madeline. "Noong nasa labas ako ng kwarto ni Meredith sa ospital, talagang narinig kong sinabi ni Rose na patay na ang tunay mong anak." "Tumahimik ka!" Galit na lumingon si Eloise habang ang mata niya ay nakatitig kay Madeline nang mabangis. "Ar
Tinignan ni Jeremy si Madeline. Pagkatapos, sa ilalim ng umaasang titig ni Meredith, nilagpasa niya ito at dumiretso kay Madeline. Tumayo si Meredith sa pulang carpet habang tulala. Nanigas siya sa isang pwesto. "Bakit ka nandito?" Lumapit si Jeremy kay Madeline, habang makikita ang maganda nitong mukha sa kanyang malambing na mata. "Inimbitahan ako ni Ms. Crawford," Nakangiting sumagot si Madeline. Itinaas niya ang kanyang kamay para ayusin ang kurbata ni Jeremy. "Sinabi sa akin ni Ms. Crawford na matagal mo nang hinihintay ang araw na ito. Sinabi din niya na di dapat akong umasa at dapat na lumayo habang maaga pa. Pero mahal na mahal kita, kaya bakit ko gugustuhin na bitawan ka?" "..." Nagdilim ang mukha ni Meredith nang marinig niya ito. Nang makita niyang tumaas ang kilay ni Jeremy sa inis, kaagad siyang nagpaliwanag. "Huwag kang makinig sa kanya Jeremy. Hindi ko sinabi ang mga yun." "Napaka iresponsable mo naman Ms. Crawford. Kung kaya mo itong sabihin, bakit di mo maa
Pagkatapos itong sabihin ng master of ceremony, namula si Meredith. Nasasabik siyang tumingin kay Jeremy. 'Jeremy, dalian mo at sabihin mo na I do! 'Ang tagal ko nang hinihintay ang araw na ito!' Bumilis ang tibok ng puso ni Meredith. Pakiramdam niya na makukuha na niya ang pinakamasayang sandali ng kanyang buhay. Atsaka, napansin din niya na malambing na nakangiti sa kanya si Jeremy. May lambing sa mga mata niya hindi pa niya nakita noon. Sigurado si Meredith na makukuha na niya ito! Ngunit sa sandaling ito, nagsimulang tumunog ang isang cellphone. Nasira nito ang eksena, kaya hindi natuwa si Meredith. Ngunit napansin niya na cellphone ito ni Jeremy. Pinigil ni Jeremy ang kanyang nararamdaman kanina at tinignan ang kanyang cellphone. Nang makita niya ang caller ID, itinaas niya ang kanyang tingin at tinignan si Madeline na nakaupo sa huling hanay. "Jeremy, biglang sumasakit ang sikmura ko. Di ko alam kung anong problema sa anak natin. Tingin ko di na ako makakapagp
Nang tignan ang magaganda at masiglang mata sa harap niya, nagsimulang maglakbay ang isip ni Jeremy. Ayaw naman talaga niyang magsabi ng 'I do'. Noong tinanong sa kanya ito ng master of ceremony, naalala niya ang sandaling pinakasalan niya si Madeline. Iyon ang dahilan kung bakit siya ngumiti at bakit naging malambing ang titig niya. Nang makita ni Madeline na malalim ang iniisip ni Jeremy, tinawag niya ito.', "Jeremy, anong iniisip mo?" Pagkatapos niyang sabihin ito, tumunog ang cellphone ni Jeremy. "Kailangan kong asikasuhin ang ilang bagay. Babalik din ako kaagad." Sinabi ni Jeremy pagkatapos tignan ang caller ID. "Sige lang." Tumango si Jeremy, at nang isasara na niya ang pinto sa likod niya, itinaas niya ang kanyang tingin para tignan ang babaeng nakasandal sa kama. May nagtatakang tingin sa kanyang mga mata. Bumaba ng kama si Madeline nang marinig niya ang makina ng kotse. Hindi niya inasahan na dadalhin siya ni Jeremy sa bahay nito. Pero masaya siya. Iniwan n
Hindi matanggap ni Meredith ang katapusang ito. Ayaw din niyang paniwalaan ito. Hindi, umaatras lang si Jeremy para makausad! 'Siguro nagpapanggap lang si Jeremy na walang pake para tumigil ako na gamitin ang abo ni Madeline bilang kapalit.' Nang maisip ito ni Meredith, napansin niya na parang ganon nga. Subalit, nang mahimasmasan siya, nakabiyahe na palayo si Jeremy. Hindi kumbinsido si Meredith. Ang lapit na niya sa pagiging Mrs. Whitman, pero napatalsik pa rin siya. Hindi niya ito hahayaan kahit anong mangyari! Galit niyang itinikom ang kanyang kamao. "Vera Quinn, p*ta ka! Hintayin mo lang!" Lumabas si Eloise ng bahay sakto dahil nag-aalala siya para sa kanyang anak. Subalit hindi niya inasahan na makikita niya si Meredith na nakatikom ang kamao at sinasabi ang mga karumal-dumal na salitang iyon. Nanlumo ang nag-aalalang puso ni Eloise. Ito ang unang pagkakataong nakita niya ang ganito kasamang ekspresyon sa mukha ni Meredith. Sa kanyang isipan, si Meredith ay ma
Hindi niya maibalik ang nararamdaman ni Felipe kahit na napakabait at napakamaginoo niya. Pagkatapos niyang maghiganti, ang maibibigay lang niya dito ay respeto at pangakong sasamahan niya ito. Sa susunod na umaga, nakatanggap ng tawag si Felipe at lumabas. Pagkatapos paliguan ni Madeline si Lillian, tumunog ang doorbell. Sa kanyang gulat, nakita niya si Jeremy na nakatayo ss tapat ng pinto mukhang pagod sa biyahe nang buksan niya ang pinto. Nang makita nito ang gulat sa mukha niya, lumapit di Jeremy sa harap niya. Ang mga mata nito ay malumanay nang bigla itong iabot ang kanyang kamay at niyakap siya. Nabigla si Madeline. "Jeremy?" "Na-miss kita nang sobra." Sinagot siya nito at niyakap siya nang mas mahigpit. Tila ba parang maglalaho siya sa mundong ito kapag bumitaw ito. Hindi niya hahayaan na maglaho siya. May sarkastikong ngiti sa mukha ni Madeline. 'Jeremy, literal na pareho kami ng mukha. Noon,tinitignan mo ito nang may pagkamuhi, pero ngayon, gusto mo itong
Nang tignan ito nang maigi, talagang si Rose ito. Naguluhan siya. Isa itong tattoo shop, kaya anong ginagawa ni Rose at Mer dito? Nandito ba si Mer para magpa-tattoo? Dahil ba sa mahal na mahal niya si Jeremy na gusto niuang magpa-tattoo ng pangalan nito sa katawan niya? Pagkatapos pag-isipan ito, papasok na siya sa loob. Subalit nang maglakad siya paharap, narinig niya si Rose na masayang may kausap sa cellphone. "Wag kang mag-alala, may kinausap na ako tungkol dito noon pa. Ang may-ari ng tattoo shop na ito ay napakahusay kaya siguradong di mapapansin ng mga Montgomery. Atsaka, nagpapa-touch-up lang naman si Meredith. Walang mangyayaring masama." Nang marinig ito ni Eloise, napahinto siya sa kanyang paglalakad. 'Di mapapansin ng mga Montgomery? 'Anong di makikita ng mga Montgomery?' Bumilis ang tibok ng puso ni Eloise. Natataranta na siya. Paglipas ng kalahating oras, naglakad palabas si Meredith at Rose. Nagtatago si Eloise sa isang tabi. Nang makita niya si Me