Hindi niya maibalik ang nararamdaman ni Felipe kahit na napakabait at napakamaginoo niya. Pagkatapos niyang maghiganti, ang maibibigay lang niya dito ay respeto at pangakong sasamahan niya ito. Sa susunod na umaga, nakatanggap ng tawag si Felipe at lumabas. Pagkatapos paliguan ni Madeline si Lillian, tumunog ang doorbell. Sa kanyang gulat, nakita niya si Jeremy na nakatayo ss tapat ng pinto mukhang pagod sa biyahe nang buksan niya ang pinto. Nang makita nito ang gulat sa mukha niya, lumapit di Jeremy sa harap niya. Ang mga mata nito ay malumanay nang bigla itong iabot ang kanyang kamay at niyakap siya. Nabigla si Madeline. "Jeremy?" "Na-miss kita nang sobra." Sinagot siya nito at niyakap siya nang mas mahigpit. Tila ba parang maglalaho siya sa mundong ito kapag bumitaw ito. Hindi niya hahayaan na maglaho siya. May sarkastikong ngiti sa mukha ni Madeline. 'Jeremy, literal na pareho kami ng mukha. Noon,tinitignan mo ito nang may pagkamuhi, pero ngayon, gusto mo itong
Nang tignan ito nang maigi, talagang si Rose ito. Naguluhan siya. Isa itong tattoo shop, kaya anong ginagawa ni Rose at Mer dito? Nandito ba si Mer para magpa-tattoo? Dahil ba sa mahal na mahal niya si Jeremy na gusto niuang magpa-tattoo ng pangalan nito sa katawan niya? Pagkatapos pag-isipan ito, papasok na siya sa loob. Subalit nang maglakad siya paharap, narinig niya si Rose na masayang may kausap sa cellphone. "Wag kang mag-alala, may kinausap na ako tungkol dito noon pa. Ang may-ari ng tattoo shop na ito ay napakahusay kaya siguradong di mapapansin ng mga Montgomery. Atsaka, nagpapa-touch-up lang naman si Meredith. Walang mangyayaring masama." Nang marinig ito ni Eloise, napahinto siya sa kanyang paglalakad. 'Di mapapansin ng mga Montgomery? 'Anong di makikita ng mga Montgomery?' Bumilis ang tibok ng puso ni Eloise. Natataranta na siya. Paglipas ng kalahating oras, naglakad palabas si Meredith at Rose. Nagtatago si Eloise sa isang tabi. Nang makita niya si Me
Pagkatapos ito sabihin ni Meredith, hindi siya pinigilan ni Eloise. Dinala ni Meredith ang kanyang bagahe sa lugar ni Jeremy. Wala siyang susi kaya ang kasambahay ang nagbukas ng pintuan para sa kanya. Nabalitaan ng kasambahay ang tungkol sa kasal ni Meredith at Jeremy. Nang makita niya si Meredith, nagagalak niya itong tinawag, "Madam, nagbalik ka." Natuwa si Meredith nang marinig niya ito. Kahit na nasira ang kasal, nakuha pa rin niya ang status niya. Sino sa Glendale ang di nakakaalam na si Meredith Crawford ang asawa ni Jeremy? Naglakad paakyat si Meredith. Nang gusto niyang pumasok sa kwarto ni Jeremy, napansin niyang nakakandado ito. Sa sandaling ito, narinig ang mga ingay mula sa baba. "Sir, nagbalik ka. Nakauwi na din si Madam." "Madam?" Kumunot ang noo ni Jeremy habang tinitignan ang babaeng nakangiti sa tabi niya. Nailang ang kasambahay nang tignan niya si Meredith na hawak ang braso ni Jeremy. "Kumuha ka ng grocery." Inutusan ito ni Jeremy. "Sige Sir,"
Nanlaki ang mata ni Meredith nang naguguluhan niyang tignan ang babae sa harap niya. Gulat na gulat siya nang makita niya ang matalim at mapagmataas na mata nitong nakatitig sa kanya. "Ikaw… anong ibig-sabihin mo Vera? Anong kinalaman sa'yo ng nakaraan ko?" "Di ba?" Inilapit ni Madeline ang kanyang mukha sa mukha nito. "Tumingin ka sa mukha ko. Nang hindi nilalabag ang konsensya mo, masasabi mo bang walang kinalaman sa akin ng ginawa mo dati?" "..." Bumilis ang tibok ng puso ni Meredith. Naalala ni Meredith si Madeline sa mukhang nasa harap niya, ang babaeng pinahirapan niya hanggang mamatay. Nanlaki ang mga mata niya at nanigas siya. "I-Ikaw… Madeline…" Ngumisi si Madeline nang makita niya ang kinilabutang mukha ni Meredith. "Bakit? Naaalala mo na ba ang ginawa mo? Naaalala mo ka ba kung paano ka nanghimasok sa kasal ni Madeline at Jeremy? Naaalala mo na ba kung paano may sinaktan si Madeline gamit ng mga plano mo na naging dahilan kaya pinasan niya ang lahat ng biga
Noon, siya ang gumagawa ng ganito para makuha ang tiwala at awa ni Jeremy, pero ngayon… Nanood si Meredith nang yakapin ni Jeremy si Vera. Ang tono niya ay puno ng matinding kagustuhan na protektahan siya. "Walang makakagalaw sa kahit isang hibla ng buhok mo hangga't nandito ako!" "Nagpapanggap lang siya Jeremy! Ang babaeng yan ay umaarte lang!" Galit na sumigaw si Meredith. "Masaya akong manonood kahit na umaarte lang siya." "..." Nanigas si Meredith sa sagot ni Jeremy. Kasabay nito, nabigla si Madelime. Subalit palihim na napangiti si Madeline. 'Meredith, nakukuha mo na sa wakas ang nararapat sa'yo.' "Jeremy, napakaraming taon na nating magkasama at hindi mo pa rin ako pinagkakatiwalaan! Aabot ka pa sa puntong paniniwalaan mo ang bruhang ito! Nadudurog ang puso ko. Huhu…" Tinakpan ni Meredith ang mukha niya at humagulgol. Bigla siyang tumakbo paakyat at papasok sa guest room. Sa totoo lang, ang ginagawa niya ngayon ay pagtakas mula sa pagbibintang ni Jeremy. Kap
Sa sandaling mahimasmasan si Madeline, dinala siya ni Jeremy palabas ng pinto. Nagtataka si Madeline nang tignan niya ang malinaw na titig nito. Saan siya dadalhin nito? Nanatili si Meredith sa guest room nang ilang minuto bago niya marinig ang tunog ng isang makina ng kotse. Tumingin siya sa baba mula sa balkonahe at nakita niya si Jeremy na isinakay si Madeline palayo. Hinawakan niya ang kanyang bag habang nagmumura nang pabulong. Tapos tumawag siya ng kotse pabalik sa Crawford family para pag-usapan ang sususnod nolang hakbang. Pagkatapos makakuha ng impormasyon kay Meredith, nagsimulang murahin ni Rose at Jon si Vera. Paglatapos nito makikita ang pag-aalala sa kanilang mukha. "Ang kapal ng mukha ng pokp*k na yun na sampalin ka?! Pumasok pa siya sa bahay para agawin si Jeremy mula sa'yo! Mas kasuklam-suklam pa siya kay Madeline! Makakaasa ka na pupunitin ko siya gamit sarili kong kamay!" Tumitig nang masama si Rose at itinikom ang kanyang kamay sa galit. "Mer, anak ba
Nang makita niyang nakauwi na si Jeremy at kasama si Madeline ay nanigas ang kanyang mukha. Nagpakita siya ng malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha. "Jeremy…" "Kumain na kami ni Vera. Kumain ka na lang mag-isa," malamig na sabi ni Jeremy. Tinignan niya si Madeline sabay sabing, "Bumalik na tayo sa kwarto natin." "Jeremy!" Hinabol sila ni Meredith at pinahinto siya. "Jeremy, alam ko meron tayong malaking di pagkakaunawaan tungkol sa'kin. Baka nga pinagdududahan mo pa ako na marami akong ginawa para saktan si Maddie noon. Pero, malinis ang konsensya ko." "Miss Crawford, matagal nang kinain ng aso ang konsensya mo, paanong mayroon kang malinis na konsensya?" Dahan-dahang tanong ni Madeline. Sumimangot si Meredith habang nagliyab ang galit sa kanyang puso. Ngunit, kailangan niya itong tiisin para sa kanyang plano. "Jeremy, merong parent-child hike sa kindergarten ni Jack sa Sabado. Kailangan na kasama ng mga bata ang mga magulang. Kahit na ano pang problema mo sa'kin, kahit
Nang marinig ni Madeline ang pagpapakilala ni Jeremy ay nabigla siya. Tinaas niya ang kanyang tingin at nakita niya si Jeremy na hawak si Lilian. Ang kanyang mga galit na mata ay diretsong nakatingin sa lalaki na pasugod pa lamang. "Daddy! Siya yun! Sinaktan niya ko!" Nagmamadaling tumakbo ang bata sa likod ng lalaki. Pagkatapos, tinuro niya si Jeremy at nagsimulang magsumbong. Pinagkiskis ng lalaki ang kanyang mga kamay na para bang magsisimula siyang labanan si Jeremy. Ngunit, nang makita niya ang mukha ni Jeremy ay kaagad siyang nanlumo. "M-Mr. Whitman! Ikaw pala yan!" Walang pakialam si Jeremy sa lalaking nasa kanyang harapan. At saka, hindi niya siya kilala. Pero biglang nagpakilala ang lalaki nang nakangiti. "Mr. Whitman, i-isa along empleyado ng engineering department sa 16th floor ng kumpanya. Hindi mo siguro ako kilala, pero nakita na kita noon. Hindi ko inaasahan na magkikita tayo!" "Oh, anak mo ba ang batang babaeng ito? Kaya pala ang ganda niya. Namana niya ang maga
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si