Hindi nagdalawang isip si Madeline at mabilis na sinagot ang tawag. Malumanay na medyo garalgal ang boses ni Raegan sa kabilang linya, “Mrs. Whitman, pasensya na kung naabala kita. Ako ang ina ni Ava.” “Alam ko po, Ms. Xander. Meron po ba kayong gustong sabihin sa akin?” Magalang na tanong ni Madeline, dahil alam niya na malamang tumawag si Raegan dahil kay Ava. Bumuntong hininga si Raegan. “Nakita ko kayo ni Ava sa baba ng apartment kanina. Hindi na ako nangahas na gambalain pa siya uli, kaya hindi na ako lumapit. Gusto ko lang magtanong kung ayos na ba ang pakiramdam ni Ava ngayon?” “Mukhang kumalma naman na si Ava ngayon. Kakatapos lang niyang malligo at sabi niya ay medyo pagod na siya, kaya gusto na niyang magpahinga.” Sinabi ni Madeline ang totoo. “Mabuti naman.” Mukhang nakahinga naman ng maluwag si Raegan. Pagkatapos, humingi siya ng pabor, “Mrs. Whitman, kung maaari sana ay pwede ba akong makahingi sa iyo ng isang pabor, sana naman ay meron kang oras na makipagkita
Mukhang maganda naman na ang lagay ng isipan ni Ava. Binati niya si Madeline ng may ngiti, “Maddie, gising ka na pala. Ang cute naman ni Pudding. Noon ay gusto kong magkaroon ng anak na babae kapag kinasal na ako, ngunit ngayon sa tingin ko ay hindi na rin masama na maging lalake ang panganay ko.” Napangiti si Madeline ng marinig niya ito. “Kung ganun edi mag-anak ka ng kambal ng sa gayon ay magkaroon ka ng anak na babae at lalake ng sabay. Ngunit, huwag kang magrereklamo kung gaano kahirap magpalaki ng bata kapag nangyari yun.” “Magiging mahirap man yun, ngunit ang hirap naman na iyon ay sulit dahil ang cute ng mga bata.” Ngumiti si Ava at nilaro ang munting bata na nasa kanyang mga bisig. Naging mas masigla ang ngiti ni Ava ng makita niya na humagikgik ang munting bata. Nakaramdam din ng init si Madeline ng makita niya ang eksenang ito. “Tama ka. Makakaramdam ka ng saya sa tuwing maikita mo ang sanggol na nagmula sayo. Hangga’t nasa mabuting kalagayan ang bata, tayo, bilang
Totoo, pinakiusapan ni Raegan si Madeline na makipagkita sa kanya at kausapin ito tungkol sa bagay na ito. Alam niya na magiging mahirap para sa kanya na kausapin si Ava ngayon, kaya siguro magiging mas mainam na gawin ito sa tulong ni Madeline. Subalit, nang maalala niya ang eksena nang mga oras na iyon, meron pa rin nararamdaman na matinding pagsisisi si Raegan sa kanyang damdamin. Nakita ni Madeline ang paghihirap at pagsisisi sa mga mata ni Raegan. Matapos niyang mag-isip sandali, binuka niya ang kanyang bibig at nagtanong, “Kagabi, sinabi sa akin ni Ava habang umiiyak na inamin niyo na sadya niyo siyang iniwan noon. Ngunit pakiramdam ko ay hindi talaga ganun ang nangyari.” Nang marinig niya ito, malungkot na napa-buntong hininga si Raegan bago siya nagsimulang nagsalita, “Tama si Ava. Totoo na sadya ko siyang inwan noon sa kalsada. Nakatayo pa nga ako sa isang sulok habang pinagmamasdan siya. Umalis na lang ako ng hindi man lang lumilingon.” Nagulat si Madeline sa sagot n
Kaagad na naging panatag ang kalooban ni Raegan, at lubos ang kanyang pasasalamat kay Madeline dahil sa pagmamahal nito para kay Ava. Sa may kumpanya, gustong pagtuunan ng pansin ni Ava ang kanyang disenyo ngunit wala siya sa sarili. Pagkatapos niyang makita si Ava na malungkot, nagdesisyon si Maisie na bilhan si Ava ng milk tea. Kapag ang isang babae ay malungkot, ang pag-inom ng milk tea ay kaagad na nagpapabago ng mood nito. Ito ay isang uri ng metapisika. Pinag-iisipan pa lang ito ni Maisie at magpapadeliber na sana, ngunit ng buksan niya ang kanyang phone, biglang may dalawang order na ng milk tea ang nasa kanyang lamesa. Nagulat siya ng tumingin siya sa kanyang likuran at nakita si Tom na ngumiti. “Ito ay ang tsaa mo para sa tanghali. Bigyan mo ang katrabaho mo.” Binuka ni Maisie ang kanyang bibig at nag-alangan. Meron lang dalawang baso dito, kaya paano niya babahagian ang mga katrabaho niya? Malinaw na para lang ito sa kanila ni Ava, tama? Para bang kaya niy
Meron talaga siyang gustong itanong sa kanya, ngunit ngayon na nakaupo na siya sa kotse nito, hindi alam ni Ava kung paano sisimulan ang usapan. Tinignan niya ang mga sasakyan na lumilitaw sa bintana. Bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan sa kanyang puso. “Kung tama ang hula ko, pumayag ka na sumakay sa kotse ko dahil may gusto kang itanong sa akin, tama?” Ng bigla, binasag ni Tom ang katahimikan sa loob ng kotse. Bumalik ang ulirat ni Ava at tinignan niya ang lalakeng nagmamaneho. Nagpalinga-linga si Tom ng nakangiti ng bahagya. Mukha siyang maginoo at mabait. Tumango si Ava ng hindi tumatanggi. “Tama, meron akong gustong itanong sayo.” “Tungkol ba to kay Dr. Long?” diretsong tanong ni Tom. Bakas ang gulat sa mga mata ni Ava. Para bang nagulat siya dahil nabasa ni Tom ang kanyang isipan. “Hula ko lang naman.” Binuka ni Tom ang kanyang bibig para sabihin ito bago nagpatuloy. “Nakasalubong ko si Dr. Long noong pumunta ako sa apartment mo malapit sa kumpanya. Nang
Huminto si Ava. Kaagad niyang naintindihan kung ano ang nasa isip ni Tom. Bumuntong-hininga siya, at isang ngiti ang lumitaw sa labi niya. "Inabandona ako ng mga magulang ko noong bata pa ako, pero kamakailan, nahanap nila ako nang magkasunod." Pagkatapos sabihin iyon ni Ava, nagkataon ay natapat sila na pula ang ilaw trapiko. Huminto ang kotse. Lumingon si Tom kaya Ava nang may bahagyang gulat at pagsisisi sa mga mata niya. "Kung totoo ito, nahihirapan talaga akong maniwala na gagawin ng isang talentadong taong kagaya ni Dr. Long ang ganito kaseryosong pagkakamali noong bata pa siya. Hindi kaya hindi lang kayo nagkaintindihan?" "Sa tingin ko, hindi." Itinanggi ito ni Ava. "Tinanong ko sila nang personal kung ginusto nila akong iwan noon at umamin sila." Pagkatapos marinig ang sagot ni Ava, puno pa rin ng pagdududa ang mga mata ni Tom. "Siguro minsan, ang mga bagay na nakikita ng sariling mga mata natin ay hindi ang katotohanan." "Pero totoo na hindi nila ako gusto."
Nagdududang kinuha ni Madeline ang invitation card mula kay Jeremy. Pagkatapos itong buksan, nakita niya na hindi niya kilala ang pangalan sa invitation. Gayunpaman, nagulat si Madeline sa nilalaman ng invitation letter. "Ikakasal si Dan kay Naya?" Kumunot ang noo ni Jeremy. "Nakita ko ang invitation letter na'to habang may nagbabasa nito. Base sa mayabang na inaasta ni Naya, malamang ay ayaw niya ng hindi inaasahang problema. Iyon siguro ang dahilan kung bakit di niya tayo inimbitahan o kaya si Ava." "Gusto niya talagang madaliin ito para huli na ang lahat para may gawin tayo pagkatapos nito. Kahit na bumalik ang alaala ni Dan, imposibleng mabago ang katotohanan na kasal sila ni Naya." Binuking ni Madeline ang masamang plano ni Naya. Ganito rin ang nasa isip ni Jeremy. Tumingin siya sa harapan niya at nakita niya si Ava na nakikipaglaro kay Pudding."Linnie, sasabihin mo ba kay Ava ang tungkol dito?" Tinignan ni Madeline si Ava na may ngiti sa kanyang mukha at umiling. "Pup
Nagsusukat si Naya ng isang wedding gown sa bridal shop. Pagkatapos matanggap ang tawag mula sa nanay ni Daniel, kaagad siyang nagmaneho pabalik. Nag-aalala siya na baka may sabihin si Madeline kay Daniel na negatibo tungkol sa kanya. Hindi niya gustong magkaroon ng problema sa ganito kaimportanteng oras. Sa bahay. Pinaupo ni Daniel si Madeline, pagkatapos ay inutusan ang katulong na magdala ng tsaa at merienda. "Ikaw ang kaibigan ni Ava, si Eveline." Tinignan ni Daniel si Madeline. Para bang kinukumpirma niya ang relasyon nila. Bahayang ngumiti si Madeline. "Tama ka, Dan. Ako ang kaibigan ni Ava, pero kaibigan mo rin ako. Matagal na tayong matalik na magkaibigan." Nag-isip nang malalim si Daniel na para bang iniintindi niya ang impormasyong binigay sa kanya ni Madeline. "Wala ka ba talagang naaalala sa nakaraan?" Tumingin si Daniel at umiling nang marahan. "Mukhang may humaharang sa nerves ko na papunta sa parte ng utak ko na may hawak sa alaala, kaya wala akong maalal