Sobrang sama ng pag-uugali ni Naya. Pagkatapos niyang magsalita, lumingon siya at gusto na niya sanang isara ang pinto, at iwanan si Ava na nakatayo sa labas. Hindi na nakipagtalo pa si Ava kay Naya. Inangat niya ang kanyang kamay at dahan-dahan na hinarangan ang pinto. “Sandali.” Sumimangot si Naya. “Ava, huwag mo nang ipahiya pa ang sarili mo. Ikaw—” “Naya, ayaw mo akong makita, at ayoko din na makita ang pagmumukha mo. Ngunit sa tingin ko ay pareho lang naman tayo ng gusto, at iyon ay ang mabilis na paggaling ni Daniel.” Mahinahon ang ekspresyon ni Ava. Ang tono ng kanyang pananalita ay mahinahon din. Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa naguguluhang mukha ni Naya, habang sinusubukan niyang silipin si Daniel sa loob ng ward. Subalit, hinarangan siya ni Naya. Wala naman pakialam si Ava sa maruming pamamaraan ni Naya, ngunit kasabay nito, ayaw niya din na kausapin ang taong katulad ni Naya. Binawi niya ang kanyang kamay at dahan-dahan na inabot ang hawak niyang termos
Tinikom ni Ava ang kanyang mga labi at nakarinig ng kritisismo sa buong paligid. Dahan-dahan niyang niluwagan ang pagkakatikom ng kanyang kamay. Pagkatapos, nakahanap siya ng panlinis para linisin ang tumapon na chicken soup bago siya umalis. Lumipas ang kalahating buwan. Nagging mainit na din ang panahon. Tagsibol na, kaya namumukadkad na ang mga bulaklak. Ang lahat ay mukhang matingkad sa panahon na ito. Sa lumipas na kalahating buwan, hindi nakita ni Ava si Daniel kahit isang beses. Ngayon araw na ito, narinig niya ang balita na makakalabas na ng ospital si Daniel. Mabilis na bumangon si Ava ng umagang iyon upang maligo at magbihis ng maayos, sa pag-asang maaalala na siya ni Daniel ngayon. Hinatid ni Madeline si Ava sa ospital. Nang makarating sila sa gate, nakita nila ang nanay ni Daniel at si Naya sa tabi ni Daniel. Naglalakad sila papunta sa MV na nakaparada sa harapan ng gate. Sa ilalim ng araw, ang mainit at malumanay na mukha ni Daniel ay mukhang masigla. Kahit n
“Danny.”Bahagyang ngumiti si Ava habang tinawag niya ang pangalan ni Daniel nang malambing at natural. Tinignan ni Daniel ang mainit at malumanay na ngiting ito, isang mahinang pakiramdam ang tahimik na dumaloy sa puso niya. Hindi pa rin niya alam kung paano ipaliwanag ang pakiramdam na ito, pero nang tinignan niya ang ngiti ni Ava, pakiramdam niya ay napakakomportable niya at desidido. "Dan, dalian mo. Sumakay ka na sa kotse para makauwi na tayo. Wag mong paghintayin si Naya nang matagal." Naiinip na sabi ng nanay ni Daniel sa harapan nilang lahat. Tumingin nang pagilid si Daniel sa nanay niya para ipakitang naintindihan niya. Pagkatapos lumingon siya para salubungin muli ang titig ni Ava. "Marami akong nakalimutan." Binuka ni Daniel ang mga labi niya, at napakamalumanay ng kanyang tono. "Ang tanging naaalala ko ay ang pangalan ko. Pinakitaan nila ako ng mga larawan at video. May sinabi rin sila sa'kin. Para umiwas sa gulo, sa tingin ko wag mo muna akong hanapin pansamanta
Tumango si Daniel para ipakita ang kanyang pagsunod. Gayunpaman, nanatili sa isipan niya ang imahe ng likod ni Ava. Pagkatapos sundan ni Ava si Madeline sa kotse, hindi na nanatili ang ngiti sa kanyang mukha. Ang totoo, hindi talaga ito madali para sa kanya. Pinipilit niya lang ang sarili niya na maging matapang. Naintindihan rin ni Madeline ang iniisip ni Ava ngayon. Kahit na mayroon siyang mga suhestiyon, mas nirerespeto niya ang iniisip ni Ava. Alam ni Ava na was siyang magagawa sa ngayon. Magkasabwat ang nanay ni Daniel at si Naya. Hindi madali para sa kanya na labanan sila. Pwede niyang banggain si Naya, pero hindi niya magagawa iyon sa nanay ni Daniel. May karapatan siya na kontrolin ang anak niya, pero paano naman siya? Siya ang tunay niyang fiancée, pero hindi na siya maalala ni Daniel ngayon. Ano na siya ngayon? Hindi nagtagal, bumaba si Ava ng kotse sa tabi ng daan. Nag-aalala si Madeline na iwanang mag-isa si Ava, pero nagpumilit si Ava na mapag-isa. Kung kaya't
Nang marinig niya na gusto ni Ava ng tulong niya, ito mismo ng gusto ni Raegan. "Ava, sabihin mo lang sa'kin kung ano yun. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko." Lumingon si Ava sa paligid. "Maghanap tayo ng lugar kung saan tayo pwedeng umupo at mag-usap." Nilihis ni Raegan ang tingin niya. "Mayroong nababagay na lugaw sa malapit. Ava, sumama ka sa'kin." Sabi ni Raegan at tinuro ang daan. Sinundan ni Ava si Raegan sa kotse nang walang alinlangan.Pagkatapos nilang nagmaneho ng mga lima o anim na minuto, huminto ang kotse sa ibaba ng isa sa mga high-end na residential area. Alam din ni Ava ang lugar na ito dahil hindi ito malayo sa pinagtatrabahuhan niya. Pagkatapos ay naalala niya na sinabi sa kanya ni Raegan dati na bumili siya ng isang unit malapit sa kumpanya niya para sa kanya. Kung kaya't malamang na ang apartment building sa harapan niya ay ang unit na nabanggit ni Raegan. Syempre, hindi nagtanong si Ava. Hindi siya nag-isip na manghingi ng kahit na ano mula kay Ra
Pagkatapos pigilan ang saya niya sa abot ng makakaya niya, tinignan ni Ava si Raegan nang may pasasalamat. "Salamat." "Ava, hindi mo ko kailangang pasalamatan." Ang mga mata ni Raegan ay puno ng walang iba kundi ng mainit na pagmamahal ng isang ina. Uminit ang puso ni Ava habang naramdaman niya ang sinserong pag-aalala mula kay Raegan. Kung kaya't hindi na siya nagsabi ng kahit na anong salita ng pasasalamat. Hindi siya umalis kaagad at sa halip ay sinundan si Raegan sa buong apartment. Malaki ang apartment na ito, mga halos 2,000 square feet ang sukat. Mayroong balkonahe na napapaligiran ng sari-saring bulaklak. Kapag umiihip ang hangin, maaamoy mo ang bango ng mga bulaklak. Isang interior designer si Ava, kaya alam niya ang presyo ng mga bahay sa lugar na ito. Tiyak na ang unit na gustong ibigay ni Raegan sa kanya ay halos ilang daang milyon ang halaga. Bago niya ito mapansin ay halos maggagabi na. Masayang-masaya si Raegan. Hindi lang sa hindi umalis si Ava, nagpunta p
Pagkatapos niyang tapusin ang mga trabaho niya sa araw na iyon, naghanda si Ava na pumunta sa apartment. Sa sandaling nakaalis siya sa pinto ng kumpanya, isang kotse ang umandar sa harapan niya. Pagkatapos bumaba ng bintana, nakita niya si Tom na maginoong ngumiti sa kanya. "Saan ka pupunta? Ihahatid kita." Napakagalang ni Tom. Sandaling nabigla si Ava. Kahit na pagkakaibigan ang amo niyang si Tom, amo pa rin niya ito. Medyo nakakailang na sumakay siya sa kotse ng kanyang amo. Nang tatanggi na sana si Ava pagkatapos niya itong pag-isipan, hindi inaasahang bumaba si Tom ng kotse at tinulungan si Ava na buksan ang pinto sa likod. "Sumakay ka sa kotse. Ipagmamaneho kita." “...”Hindi alam ni Ava kung paano tatanggihan ang direktang pag-uugali ni Tom sa sandaling iyon. "Ang totoo, hindi mo kailangang mailang. Alam ko kung saan ka pupunta, at pupunta rin ako roon. Mas madali kapag nagsabay tayo." Nagulat si Ava sa paliwanag ni Tom. "Alam mo kung saan ako pupunta?" "Uh-h
Tinignan ni Ava ang lalaki, at sa isang dahilan, nakaramdam siya ng pamilyar na damdamin nang tingnan niya ito. Mukhang nabigla ang lalaking ito nang makita niya si Ava. Subalit, kaagad itong lumingon at lumapit kay Tom. “Tom, ikaw pala talaga ‘yan. Bakit ka nandito?” “Dr. Long, long time no see. Nandito ako dahil dinala ko ang kaibigan ko dito. Ikaw? Kailan ka pa nakabalik ng Glendale?” Nakangiting tanong ni Tom. Nang marinig ang mga salita, sinulyapan ng lalaki si Ava. “Kaibigan? Hindi ba kasintahan ang ibig-sabihin mo? Magaling kang pumili, Tom.” “Dr. Long nagkakamali ka. Hindi ko talaga siya girlfriend,” Serysong nagpaliwanag si Tom. Pagkatapos, ibinaba niya ang kanyang tingin at tinignan ang oras. “May kailangan akong asikasuhin, kaya kailangan ko nang umalis. Ililibre kita ng pagkain sa loob ng ilang araw, Doctor. Usap na lang tayo.” Tumango ang lalaki. “Oo, tara.” Hindi nagsalita si Tom at kaagad na bumiyahe palayo. Naglalakad ang mga tao sa daan, ngunit nailang