Pagkatapos itong sabihin ni Jeremy, nanahimik nang sobra ang buong conference room na pati ang paghinga ay naririnig. Naunawaan ng lahat ng tao ang ibig-sabihin ni Jeremy. Binangga ng anak ng mga Mendez ang asawa ni Jeremy. Kaya nagpunta dito ang young master ng Glendale upang punahin si Ethan. Kinuha ni Ethan ang sulat ng abogado mula sa mga Mendez at sumimangot habang sumasakit ang kanyang ulo. Kailan lang gumawa ng gulo ang suwail niyang anak. Hindi inasahan ni Ethan na gagawa na naman ito ng gulo. Ang galing! Sa pagkakataong ito, ginalit niya pa ang taong pinakamahirap banggain sa Glendale. Si Ethan ay isang mabuting negosyante, at maayos rin siyang makipag-usap sa iba. Sa pagkakataong ito, umasa siyang maiibsan niya ang problemang ito. Habang nasa isip niya ito, nakipag-usap siya nang magalang kay Jeremy. “Mr. Whitman, patawad talaga at nabigyan ko kayo ng problema ng asawa mo. Noon pa man ay arogante at makasarili na ang anak ko mula pa noong bata pa siya. Kahit paano
Tinignan niya si Jeremy ng mga ilang segundo bago naglakad papunta sa tabi ni Ethan. “Daddy, bakit siya nandito? Ano ang ginagawa niya dito sa conference room ng Mendez Group?” Ginamit ni Naya ang naguguluhan na tono at inabot ang kamay ni Ethan upang hawakan ito ng may paglalambing. Nalungkot ang mukha ni Ethan habang tinutulak niya palao ang kamay ni Naya. “Ang lakas naman ng loob mo na tanungin si Mr. Whitman kung bakit siya naparito? Tanungin mo ang sarili mo kung ano ang ginawa mo!” Hindi pa nakita ni Naya na magalit ang kanyang ama ng ganito sa kanya, kaya nagulantang siya. Nang bumalik siya sa kanyang sarili, napagtanto niya na maraming tao ang nakatingin sa kanila sa conference room. Nakaramdam siya ng hiya. Kaya naman, muli na naman siyang nagalit. “Anong problema? Ano naman ba ang ginawa kong mali?” “Nagmamaang-maangan ka pa rin?!” Nanlaki sa sobrang galit ang mga mata ni Ethan habang palingon ito upang pulutin ang lawyer’s letter na nasa conference table. “Tignan
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Jeremy. Nakatitig ang malalamig niyang mga mata sa natatarantang mga mata ni Naya habang malamig siyang sumagot. “Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang ‘biktima’? Ang kapal naman ng pagmumukha mo na sabihin ang bagay na iyon, huh?”“...” Namula ang mukha ni Naya nang marinig niya ang mga salitang iyon. Kaagad siyang nilamon ng hiya. Sinubukan ni Naya na magpaliwanag, ngunit muli niyang narinig ang malamig na boses ni Jeremy. “Sa tingin ko ang lahat ng nandito, maliban kay Mr. Mendez, ay alam kung ano talaga ang totoo tungkol sa bagay na kumalat sa internet. Hindi ka pwedeng dumepende sa salaysay ng isang tao para lang malinis ang pangalan mo. Ang asawa ko ay tama lang para sabihin na isa kang masama at malupit na babae. Hind ka lang malupit at kamuhi-muhi, tuso ka pa.”Hindi nagpakita si Jeremy ng paggalang sa kanya, at ang kanyang mga mata ay lalo naging mas matalim. “Naya, mas alam mo sa puso mo kung sino ang tunay na utak sa lik
Para siyang isang prinsesa sa kanilang tahanan simula nung pagkabata niya. Ang kanyang mga magulang ay hindi din rin siya pinagsasalitaan ng masama, ngunit ngayon, nagawa siyang sampalin ng kanyang ama!Ang dahilan kung bakit niya nagawa ito ay dahil kay Jeremy. “Jeremy Whitman at Eveline Montgomery!”Nagngalit ang ngipin ni Naya at sinambit niya ang dalawang pangalan na ito. Habang naiinis siya, nakita ni Naya si Jeremy na lumabas sa gate sakay ng kotse. Ang kanyang determinado, malamig, at makisig na side profile ang nagpatulala kay Naya ng mga ilang sandali. Pagkatapos, ang kanyang galit ayb napalitan ng inggit sa isang iglap. Alam niya na pumunta dito si Jeremy ngayong araw na ito para kay Madeline, kaya ang dahilan kung bakit siya nasampal ngayong araw na ito ay dahil kay Madeline. Sa tuwing naiisip ito ni Naya, lalo lang siya nagagalit. Hindi niya kailanman mapapatawad sila Ava at Madeline! Hindi hahayaan ni Naya na magdusa siya sa pagkatalong ito. Hindi alam ni
Sobrang sama ng pag-uugali ni Naya. Pagkatapos niyang magsalita, lumingon siya at gusto na niya sanang isara ang pinto, at iwanan si Ava na nakatayo sa labas. Hindi na nakipagtalo pa si Ava kay Naya. Inangat niya ang kanyang kamay at dahan-dahan na hinarangan ang pinto. “Sandali.” Sumimangot si Naya. “Ava, huwag mo nang ipahiya pa ang sarili mo. Ikaw—” “Naya, ayaw mo akong makita, at ayoko din na makita ang pagmumukha mo. Ngunit sa tingin ko ay pareho lang naman tayo ng gusto, at iyon ay ang mabilis na paggaling ni Daniel.” Mahinahon ang ekspresyon ni Ava. Ang tono ng kanyang pananalita ay mahinahon din. Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa naguguluhang mukha ni Naya, habang sinusubukan niyang silipin si Daniel sa loob ng ward. Subalit, hinarangan siya ni Naya. Wala naman pakialam si Ava sa maruming pamamaraan ni Naya, ngunit kasabay nito, ayaw niya din na kausapin ang taong katulad ni Naya. Binawi niya ang kanyang kamay at dahan-dahan na inabot ang hawak niyang termos
Tinikom ni Ava ang kanyang mga labi at nakarinig ng kritisismo sa buong paligid. Dahan-dahan niyang niluwagan ang pagkakatikom ng kanyang kamay. Pagkatapos, nakahanap siya ng panlinis para linisin ang tumapon na chicken soup bago siya umalis. Lumipas ang kalahating buwan. Nagging mainit na din ang panahon. Tagsibol na, kaya namumukadkad na ang mga bulaklak. Ang lahat ay mukhang matingkad sa panahon na ito. Sa lumipas na kalahating buwan, hindi nakita ni Ava si Daniel kahit isang beses. Ngayon araw na ito, narinig niya ang balita na makakalabas na ng ospital si Daniel. Mabilis na bumangon si Ava ng umagang iyon upang maligo at magbihis ng maayos, sa pag-asang maaalala na siya ni Daniel ngayon. Hinatid ni Madeline si Ava sa ospital. Nang makarating sila sa gate, nakita nila ang nanay ni Daniel at si Naya sa tabi ni Daniel. Naglalakad sila papunta sa MV na nakaparada sa harapan ng gate. Sa ilalim ng araw, ang mainit at malumanay na mukha ni Daniel ay mukhang masigla. Kahit n
“Danny.”Bahagyang ngumiti si Ava habang tinawag niya ang pangalan ni Daniel nang malambing at natural. Tinignan ni Daniel ang mainit at malumanay na ngiting ito, isang mahinang pakiramdam ang tahimik na dumaloy sa puso niya. Hindi pa rin niya alam kung paano ipaliwanag ang pakiramdam na ito, pero nang tinignan niya ang ngiti ni Ava, pakiramdam niya ay napakakomportable niya at desidido. "Dan, dalian mo. Sumakay ka na sa kotse para makauwi na tayo. Wag mong paghintayin si Naya nang matagal." Naiinip na sabi ng nanay ni Daniel sa harapan nilang lahat. Tumingin nang pagilid si Daniel sa nanay niya para ipakitang naintindihan niya. Pagkatapos lumingon siya para salubungin muli ang titig ni Ava. "Marami akong nakalimutan." Binuka ni Daniel ang mga labi niya, at napakamalumanay ng kanyang tono. "Ang tanging naaalala ko ay ang pangalan ko. Pinakitaan nila ako ng mga larawan at video. May sinabi rin sila sa'kin. Para umiwas sa gulo, sa tingin ko wag mo muna akong hanapin pansamanta
Tumango si Daniel para ipakita ang kanyang pagsunod. Gayunpaman, nanatili sa isipan niya ang imahe ng likod ni Ava. Pagkatapos sundan ni Ava si Madeline sa kotse, hindi na nanatili ang ngiti sa kanyang mukha. Ang totoo, hindi talaga ito madali para sa kanya. Pinipilit niya lang ang sarili niya na maging matapang. Naintindihan rin ni Madeline ang iniisip ni Ava ngayon. Kahit na mayroon siyang mga suhestiyon, mas nirerespeto niya ang iniisip ni Ava. Alam ni Ava na was siyang magagawa sa ngayon. Magkasabwat ang nanay ni Daniel at si Naya. Hindi madali para sa kanya na labanan sila. Pwede niyang banggain si Naya, pero hindi niya magagawa iyon sa nanay ni Daniel. May karapatan siya na kontrolin ang anak niya, pero paano naman siya? Siya ang tunay niyang fiancée, pero hindi na siya maalala ni Daniel ngayon. Ano na siya ngayon? Hindi nagtagal, bumaba si Ava ng kotse sa tabi ng daan. Nag-aalala si Madeline na iwanang mag-isa si Ava, pero nagpumilit si Ava na mapag-isa. Kung kaya't