Seryoso ang mga pulis. Syempre, hindi sila nakikipagbiruan kay Naya. Nang marinig ni Naya ang mga salitang ‘tangkang pagpatay’ ay hindi na niya kinaya pang manatiling kalmado. Lalo na at ang mga taong nasa paligid niya ay nakatingin sa kanya ng may pagdududa. Pakiramdam niya ay mas lalo na siyang napapahiya. “A-anong nangyayari? Anong sinabi nila? Sangkot si Naya sa pagtangkang pagpatay? Sino ang gusto niyang patayin? Sinong namatay?” Naguluhan ang nanay ni Daniel. “Gusto niyang patayin si Ava ngunit ang taong naaksidente ay ang kasintahan ni Ava, si Daniel,” sinabi ng pulis ang buong sitwasyon sa kanya. Nang marinig ito ng nanay ni Daniel, kaagad niyang naunawaan kung ano ang nangyayari. Subalit, ayaw pa din niyang maniwala. “Nauunawaan ko kung ano ang ibig niyong sabihin. Sinusubukan niyong sabihin sa akin na si Naya ang gumalaw sa kotse ng babaeng ito, tama?” tinuro ng nanay ni Daniel si Ava. halata naman na kinakampihan pa din nito si Naya. “Anong ebidensya ang meron
“Ngunit, paano napunta ang brooch mo doon?”Nagulantang si Naya sa tanong ni Madeline. Sa sandaling iyon, hindi siya makapagsalita. Napanganga siya at hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin. Oo nga, paano napunta doon ang brooch ko? Bakit ito napdpad sa may parking space sa ibaba ng tinitirahan na apartment ni Ava?Nagulo ang isipan ni Naya sa mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Subalit, kapag nanahimik siya, iisipin nila na aminado siya sa bagay na iyon. Hindi niya pwedeng hayaan ang kanyang sarili na dakpin ng ganito. “Heh.” Suminghal si Naya pagkatapos niyang bumalik sa kanyang sarili. “Kakaiba ba na mapadpad doon ang gamit ko? Naglakad ako doon sa lugar na iyon at gusto kong uminom ng kape, kaya pinarada ko ang kotse ko doon sa may parking lot para pumunta sa malapit na cafe. Baka nalaglag ko ang brooch kon doon.” “Kung ganun ay pwede ko bang malaman kung saan kang cafe nagpunta?” Tanong ng isa sa mga pulis. Umirap si Naya at nagpatul
Naalala niya nung binili niya ang brooch na ito, isa itong limited edition at iilan lang ang mga socialite o mayaman na babae na nasa upper class ang may ganito. Isa pa, meron itong nakaukit sa likod. Paano ito hindi naging hindi sa kanya? Habang nag-iisip siya, biglang inikot ni Naya ang hawak niyang brooch at tinignan ang nakaukit sa likod nito. Laking gulat niya ng makita niya na ang mga nakaukit na mga inisyal sa likod nito ay sa pangalan ni Mrs. Graham. Nagulantang si Naya. Ang brooch na ito ay ang peke na binigay niya sa nanay ni Daniel. Ang nanay ni Daniel ay nagulat din ng makita niya ang brooch. “Meron din akong ganitong brooch. Mukhang kapareho ito ng binigay mo sa akin nitong nakaraan.” “Tama, Mrs. Graham. Ang brooch na ito ay ang pekeng gamit na binigay sa inyo ni Naya noon. Hiningi ko ito sa kaibigan kong appraiser.” Nagpaliwanag si Madeline habang nakangiti, ang kanyang mga matalas na mga mata ay nakatuon sa naguguluhan na mukha ni Naya. “Miss Mendez, mar
Nagmamadaling pumunta si Madeline sa istasyon ng pulis ng malaman niya ang balita. Nang papasok na siya sa loob, nakita niya si Naya na mayabang na naglalakad palabas ng pinto na may kasama na isang lalake na maayos manamit na mukhang abogado niya. Napansin din ni Naya si Madeline sa mga oras din na iyon. Pinakita niya ang mayabang niyang ngiti at naglakad palapit kay Madeline. “Tulad ng inaasahan, Mrs. Whitman. Talagang alam mo ang lahat. Sa tingin ko ay lubos kang hindi nasisiyahan na makita ako ngayon dito, tama? Ngunit masaya ako na makita ka.” Puno ng kabalintunaan ang tono ni Naya, at kampanteng nakangiti. “Matagal ko nang sinabi na patas at walang kinikilingan ang mga pulis. Inosente ako at hindi masisira ng isang tao na sinasabi na nakahanap na siya ng ebidensya. Mrs. Whitman, nauunawaan kita na gusto mong tulungan ang kaibigan mo, ngunit ang totoo ay hindi ko ito ginawa.” Lalo naging mayabang ang ngiti ni Naya. pahamon din niyang tinitignan si Madeline. “Mrs. Whi
Mukhang malungkot at malabo ang kulay anong langit nang wala ang gintong ilaw ng takipsilim. Hindi mapigilan ni Madeline na isipin ang eksena kung saan nakulong siya sa maling paratang. Kailangan pa rin ba niyang manood habang binabago ang tama sa mali? Dagdag pa roon, nangyayari ito sa paligid niya. Mabuti niyang kaibigan sina Ava at Daniel, kaya wala siyang dahilan para manood na lang. Sinabi ito ni Madeline kay Jeremy pagkatapos nilang makauwi. Kumunot ang noo ni Jeremy. "Kakaiba nga talaga to. Halatang si Naya ang may gawa nito pero ang dali siyang pinakawalan ng mga pulis," sabi ni Jeremy nang may bahagyang sarkastikong ngiti. "Marami talagang ganitong bagay sa mundo." "Jeremy, ibig mo bang sabihin—" "Linnie, wag lang mag-alala. Dahil nangyari ang insidenteng ito nang hindi ko napapansin, hindi ko hahayaang mapunta ito roon. Wag lang mag-alala, akong bahala." Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline, at napuno ng walang katapusang lambing at pag-aalaga ang mga maamo n
Mabilis na tinignan ni Ken, ang assistant ni Jeremy, ang mga koneksyon at relasyon ng siga ayon sa utos ni Jeremy. Pagkatapos niyang malaman, nagkataon ay nakarating si Jeremy sa kumpanya. Magalang na inabot ni Ken ang impormasyong nakalap niya kay Jeremy ay malinaw na nag-ulat. "Mr. Whitman, tinitignan ko na ang lahat. Nasa probinsya ang mga magulang ng lalaking to, at mayroon siyang nakababatang kapatid na nagtatrabaho sa Glendale. Hindi pa nakakasalubong ng kahit na sinong estranghero ang pamilya niya nitong mga nakaraang araw ay hindi nakatanggap ng kahit na anong transaksyon mula sa hindi kilalang pinagmulan ang mga account nila." Pagkatapos nilang pakinggan ang ulat ni Ken, bahagyang kumunot ang noo ni Jeremy. Hindi siya masyadong nakuntento sa mga resulta ng imbestigasyon. Ayon sa spekulasyon niya, malamang ay binayaran ni Naya ang lalaki para saluhin ang krimen ngunit mukhang hindi ganoon ang nangyari. Gayunpaman, inisip pa rin niya na may mali rito. Nang mag-iimbesti
Kumpara sa kanyang masigla at magandang imahe sa internet, mailalarawan lang si Chloe bilang malamlam at pagod na pagod ngayon. Tuluyan nang nawala ang dati niyang sigla. Nakatayo silang dalawa ng lalaki nang nakayuko, pareho silang mukhang nakatulala at malungkot. Dahil umamin si Chloe na binayaran niya ang lalaki at umamin ang lalaki na ginalaw niya ang preno, mabilis silang nahatulan. Gayunpaman, pagkatapos siyang mahatulan ay nalaman niyang makukulong siya sa susunod na pitong taon, biglang tinaas ni Chloe ang ulo niya. Hindi niya kayang manatiling kalmado. "Gusto kong umapela! Kailangan kong umapela!" Nagwawalang sumigaw si Chloe. "Nagpanggap lang ako na nangako kay Naya na mag-utos ng tao para galawin ang kotse ni Ava, pero sinabi ko sa lalaking to na wag gawin yun! Hindi ko alam na gagawin niya pala talaga! Hindi ako ang mastermind, at walang kinalaman sa'kin ang aksidente. Inosente ako!" "Katahimikan!" Inihampas ng hukom ang malyete. "Nasasakdal, maaari kang kumalma."
Nang makita niyang hindi maganda ang timpla ni Ava, nag-aalalang humakbang si Madeline. "Ava, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Bumagsak si Ava sa mga braso ni Madeline at niyakap siya nang mahigpit. "Maddie…" "Ava…" Hindi alam ni Madeline kung anong nangyayari. Niyakap niya lang nang mahigpit si Ava at hinaplos ang balikat niya para patahanin siya. "Anong nangyari? Wag ka nang umiyak." Nakatayo si Naya sa tabi nang may naguguluhang mukha. Kampante pa rin siya sa pagkapanalo niya kanina, pero ngayon, interesado rin siya sa kung anong nangyari kay Ava. Gayunpaman, gumanda ang pakiramdam ni Naya nang nakita niyang malungkot at umiiyak si Ava. Bago siya maging masaya nang matagal, bigla niyang narinig si Ava na umiyak sa sabik, "Maddie, gising na si Danny! Gising na siya!" 'Ano?'Gising na si Dan?' Nanlaki ang mga mata ni Naya sa pagkamangha, at pagkatapos niyang makuha ang impormasyong ito, kaagad siyang tumakbo papaalis. Puno rin ng sorpresa si Madeline sa sandaling iy