Iyon ay dahil mahal ni Daniel si Ava. Pinigilan ni Ava ang mga luha niya at nilapitan si Daniel nang dahan-dahan. Mas bumilis at nagwala ang tibok ng puso niya sa bawat isang hakbang niya. Tinignan niya ang gwapo niyang mukha sa ilalim ng mga ilaw. Kahit na nabawasan siya ng timbang, pareho pa rin ang kanyang maamong tingin sa mga mata niya. Nakatingin rin siya sa kanya, at kahit na hindi siya nagsasalita, may epekto pa rin siya sa tibok ng puso niya. Hindi maipahayag ni Ava ang saya at sabik sa puso niya. "Danny." Sa wakas ay tinawag ni Ava ang pangalan ni Daniel habang bahagyang nanginginig ang boses niya. "Danny, mabuti at gising ka na sa wakas." Lumapit si Ava at pinisil nang mahigpit ang kamay ni Daniel. Para bang sobrang nabigla si Daniel sa hawak niya. Kusa niyang iniwas ang kamay niya sa sandaling hinawakan siya nang mahigpit ni Ava. Napahinto si Ava sa ginawa ni Daniel, at ganoon rin si Madeline, lalo na ang mga magulang ni Daniel at si Naya. Malinaw na iniiwas
Dumating si Naya nang hindi nila nalalaman, at nagdadala siya ng isang mangkok ng chicekn soup na para kay Daniel. Nakabalot pa ng gasa ang braso ni Daniel, kaya hindi siya makapaglabas ng pwersa. Tinignan lang niya si Naya at sinabi, “Salamat.” Kaagad na ngumiti nang nahihiya si Naya. “Dan, bakit masyado kang magalang sa akin? Magkasama tayong lumaki at childhood sweetheart tayo. Ang dami na nating pinagdaanan nang magkasama. Atsaka, fiancee mo na ako ngayon, kaya kailangan kitang alagaan.”Narinig ni Madeline at Ava ang sinabi ni Naya kay Daniel. Sumabog ang apoy sa mga puso nila nang sabay. Nagsisinungaling si Naya kay Daniel na ngayong walang maalala. Masyadong halata ang motibo at intensyon niya. Subalit, nang papasok na si Madeline at Ava ng ward, biglang lumitaw ang nanay ni Daniel sa harapan nila. Nang huminto si Ava at Madeline sa labas, si Daniel at Naya na nakaupo sa kama ay napatingin. Kumpara sa dating masungit niyang ugali, mukhang wala nang pakialam si Mrs.
Sumakay rin si Naya sa pag-arte ni Mrs. Graham sa pamamagitan ng pagpapakita ng malungkot at naguguluhang ekspresyon. “Hayaan mo na ‘yun, Mrs. Graham. Hindi na natin babanggitin ang taong ito sa hinaharap. Gusto ko lang mabuhay nang tahimik kasama si Dan.” “Sige, hindi na namin siya pag-uusapan. Kapag ginulo ka niya ulit, ipapadampot ko siya sa mga bodyguard.” Ginamit ng nanay ni Daniel ang usapang ito upang ilabas ang mga ideya niya. Nang marinig ito, nabagabag ang puso ni Daniel. Sumimangot siya at hindi hinigop ang chicken soup na binili ni Naya. Sa halip, seryoso niyang idiniin, “Kapag lumapit siya sa akin sa susunod, hayaan niyo akong kausapin siya. Huwag kayong gumamit ng ganyan karahas na paraan para itaboy siya.” Natulala saglit ang nanay ni Daniel at si Naya, nang maramdaman na may awa at pagmamahal pa rin si Daniel para kay Ava. Pakiramdam ni Daniel na kailangan niyang magdesisyon nang mabilis sa bagay na ito. Kaya nanlumo ang mukha niya. “Dan, masyado kang maawain. H
Hindi nila inasahan na sasagot nang ganito si Madeline. Ang nanay ni Daniel, na nagpapanggap na kalmado ay biglang hindi na mapigilan ang kanyang damdamin. Subalit, kahit galit ang nanay ni Daniel, alam pa rin niyang hindi niya pwedeng banggain si Madeline. Kahit ang mga Graham ay isa ring malaking pamilya at may malaking negosyo, ang mga Whitman at Montgomery ay kasal na. Walang magandang mangyayari sa kanya kapag binangga niya si Madeline. Kaya inirapan na lang niya si Ava. “Ava, gipit na gipit ka bang ikasal sa isang mayamang pamilya? Napakaraming mabubuting lalaki sa mundong ito, kaya bakit ba pinipilit mo ang sarili mo kay Dan? Sinabi ko na sa’yo nang malinaw. Bakit ayaw mong makinig sa akin?” Tinitigan nang masama ng nanay ni Daniel si Ava, habang lalong sumasama ang tono niya. “Makinig ka sa akin. Pumayag lang ako sa relasyon niyo ni Dan para kay Dan. Hindi ko alam na mangyayari sa kanya ito sa hinaharap hindi nagtagal pagkatapos kong pumayag. May inutusan akong tingnan
Pagkatapos makita ito, natawa si Madeline dito, ngunit naiinis si Jeremy. Ang kapal naman ng mukha ni Naya na kasuhan si Madeline? Kinakasuhan pa niya si Madeline sa paninira ng reputasyon niya. Kalokohan ito. Ayaw ni Madeline na mag-abala sa kabaliwan ni Naya at pinaubaya na lang ito sa mga abogado niya upang asikasuhin ito. Subalit, ayaw ni Jeremy na mahirapan si Madeline. Kahit na alam niyang hindi makakasuhan ni Naya si Madeline, napagpasyahan pa rin ni Jeremy na asikasuhin ito nang personal upang ipaghiganti ang mahal niyang asawa. Sa Mendez Group. Nakikipagpulong ang tatay ni Naya sa mga senior executive sa conference room. Sa sandaling ito, may kumatok nang nagmamadali sa pintuan ng conference room. Makalipas ang isang segundo, isang babaeng sekretarya ang tumulak pabukas ng pinto at pumasok.Syempre, nainis nang sobra ang mga senior executive sa inasal ng babaeng sekretarya. Subalit, alam ni Ethan na hindi ito gagawin ng sekretarya kung hindi ito mahalaga. “Ano
Pagkatapos itong sabihin ni Jeremy, nanahimik nang sobra ang buong conference room na pati ang paghinga ay naririnig. Naunawaan ng lahat ng tao ang ibig-sabihin ni Jeremy. Binangga ng anak ng mga Mendez ang asawa ni Jeremy. Kaya nagpunta dito ang young master ng Glendale upang punahin si Ethan. Kinuha ni Ethan ang sulat ng abogado mula sa mga Mendez at sumimangot habang sumasakit ang kanyang ulo. Kailan lang gumawa ng gulo ang suwail niyang anak. Hindi inasahan ni Ethan na gagawa na naman ito ng gulo. Ang galing! Sa pagkakataong ito, ginalit niya pa ang taong pinakamahirap banggain sa Glendale. Si Ethan ay isang mabuting negosyante, at maayos rin siyang makipag-usap sa iba. Sa pagkakataong ito, umasa siyang maiibsan niya ang problemang ito. Habang nasa isip niya ito, nakipag-usap siya nang magalang kay Jeremy. “Mr. Whitman, patawad talaga at nabigyan ko kayo ng problema ng asawa mo. Noon pa man ay arogante at makasarili na ang anak ko mula pa noong bata pa siya. Kahit paano
Tinignan niya si Jeremy ng mga ilang segundo bago naglakad papunta sa tabi ni Ethan. “Daddy, bakit siya nandito? Ano ang ginagawa niya dito sa conference room ng Mendez Group?” Ginamit ni Naya ang naguguluhan na tono at inabot ang kamay ni Ethan upang hawakan ito ng may paglalambing. Nalungkot ang mukha ni Ethan habang tinutulak niya palao ang kamay ni Naya. “Ang lakas naman ng loob mo na tanungin si Mr. Whitman kung bakit siya naparito? Tanungin mo ang sarili mo kung ano ang ginawa mo!” Hindi pa nakita ni Naya na magalit ang kanyang ama ng ganito sa kanya, kaya nagulantang siya. Nang bumalik siya sa kanyang sarili, napagtanto niya na maraming tao ang nakatingin sa kanila sa conference room. Nakaramdam siya ng hiya. Kaya naman, muli na naman siyang nagalit. “Anong problema? Ano naman ba ang ginawa kong mali?” “Nagmamaang-maangan ka pa rin?!” Nanlaki sa sobrang galit ang mga mata ni Ethan habang palingon ito upang pulutin ang lawyer’s letter na nasa conference table. “Tignan
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Jeremy. Nakatitig ang malalamig niyang mga mata sa natatarantang mga mata ni Naya habang malamig siyang sumagot. “Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang ‘biktima’? Ang kapal naman ng pagmumukha mo na sabihin ang bagay na iyon, huh?”“...” Namula ang mukha ni Naya nang marinig niya ang mga salitang iyon. Kaagad siyang nilamon ng hiya. Sinubukan ni Naya na magpaliwanag, ngunit muli niyang narinig ang malamig na boses ni Jeremy. “Sa tingin ko ang lahat ng nandito, maliban kay Mr. Mendez, ay alam kung ano talaga ang totoo tungkol sa bagay na kumalat sa internet. Hindi ka pwedeng dumepende sa salaysay ng isang tao para lang malinis ang pangalan mo. Ang asawa ko ay tama lang para sabihin na isa kang masama at malupit na babae. Hind ka lang malupit at kamuhi-muhi, tuso ka pa.”Hindi nagpakita si Jeremy ng paggalang sa kanya, at ang kanyang mga mata ay lalo naging mas matalim. “Naya, mas alam mo sa puso mo kung sino ang tunay na utak sa lik