Alam ni Raegan na tama ang pagkakarinig niya, pero nang lumabas ang salita mula sa bibig ni Ava, pakiramdam ni Raegan ay nananaginip siya. "Ma," sabi niya. Para kay Raegan, pakiramdam niya ay parang isang panaginip ang salitang iyon. Habang nakatulala pa rin si Raegan, nagsalita ulit si Ava. "Nagpapasalamat talaga ako sa'yo. Salamat sa pag-aalaga mo sa'min ni Danny. Salamat mula sa kaibuturan ng puso ko." Sinsero si Ava. Naramdaman ni Raegan na humapdi ang gilid ng kanyang mga mata. Isa siyang kalmadong tao, pero ngayon, sobra siyang nasasabik at hindi siya makapagsalita ng kahit na ano. "I-Ito ang dapat kong gawin," bahagyang nautal si Raegan nang magsalita siya, mas lalong nanginig ang puso niya sa kanyang nasasabik na mga emosyon. "Ava, handa ka bang patawarin ako?" Hindi mapigilan ni Raegan na magtanong pagkatapos ng ilang sandali. Tinignan ni Ava ang mga umaasang mata ni Raegan at binaba ang kanyang mga mata sa dismaya. "Walang dapat na patawarin. Alam ko lang
Nakatayo si Naya sa likod ng pinto ng ward. Nang makita ang eksena mula sa labas ng pinto mula sa maliit na bintana, galit siyang umirap. Sa hindi inaasahan, ang pang-iinis niya ngayon ang naging dahilan kung bakit nagbati si Ava at Raegan. Higit pa ito sa inaasahan nila. Nagkaskasan ang ngipin ni Naya at tinignan niya pabalik si Daniel, na hindi humikibo sa ospital. Nabahala siya at nairita. ‘Pakiusap huwag mo akong sisihin, Dan. ‘Hindi ko ginustong sisihin ka. Kung may gusto kang sisihin, sisihin mo si Ava. ‘Magkababata tayo at bagay tayo sa isa’t isa. Si Ava, isang tagalabas, ang biglang nanghimasok sa relasyon natin. ‘Kung hindi dahil sa babaeng ito, naniniwala akong ikinasal na sana tayo. ‘Dapat namatay si Ava. Dapat ligtas ka ngayon.’ ‘Hay, kailan kaya magigising si Dan. Ilang araw na at ganito pa rin siya.” Nahimasmasan si Naya nang marinig niya ang pag-aalala ni Mrs, Graham. Pagkatapos, nagpanggap siyang mabuting babae at lumapit para pagaanin ang loob nito.
Hinawakan ni Naya ang pihitan, at hindi mukhang bubuksan niya ang pinto para papasukin ang iba. Subalit, nang marinig niyang ang taong kumakatok sa pinto ay si Madeline, ang aroganteng mukha niya ay naglaho sa isang iglap. “Mrs. Whitman, ikaw pala ‘yan.” Ngumiti si Naya habang nagpapanggap na kalmado. Subalit, ang naiisip lang niya ay tungkol sa nahanap ni Madeline at Jeremy sa parking lot. Hindi pa niya alam kung anong nalaman ni Madeline sa oras na iyon. Ngumiti si Madeline nang bahagya. “Oo, ako ito, Ms. Mendez. May importante akong itatanong sa’yo.” Sinabi ni Madeline at sumulyap siya sa ward. “Lumabas ka at magsalita. Hayaan mong magpahinga si Dan.”“Anong hindi pwedeng sabihin dito? Bakit kailangan niya pang lumabas para magsalita?” Lumapit ang nanay ni Daniel nang naiinis, ang mga mata niya ay puno rin ng pagdududa. “Mrs. Whitman, hindi mo naman kami niloloko para mapapasok ang mga hindi mahalagang tao sa sinasabi mo, tama?” Nang makitang kausap ng nanay ni Daniel s
“Ava, huwag kang mag-alala. Gagaling si Dan at mahuhuli rin kaagad ang salarin,” Sinabi ni Madeline habang nakatuon ang titig niya kay Naya. “Ms. Mendez, balita ko tinawagan ka ng pulis kahapon para tanungin. Maaari mo bang sabihin sa akin kung anong itinanong sa’yo ng pulis?” Nakangiting tanong ni Madeline. Nang marinig ito ni Naya, kaagad niyang naramdaman na parang may kakaiba ngunit ayaw niyang magkaroon ng hinala ang mga tao. Kaya nagpanggap siyang naguguluhan. “Mrs. Whitman, kasama dito ang imbestigasyon ng pulis. Tingin ko wala kang karapatang tanungin ako tungkol dito.” “Tama, wala akong karapatang itanong ito. Pero ang asawa ko meron.” Sa sandaling matapos si Madeline sa pagsasalita, lumapit si Jeremy mula sa likuran niya. Ipinaparada ni Jeremy ang kotse kanina, kaya naunang nagpunta ng ward si Madeline para hanapin si Naya. Lalong naguluhan ang nanay ni Daniel nang marinig niya ito. Pagkatapos, tinignan niya si Jeremy na palapit nang palapit. “Kailan pa naging isa
Pagkatapos itong sabihin ni Madeline, ang lahat bukod kay Jeremy ay nabigla. “A-Ano? Eveline, anong sinasabi mo?” Naguluhan ang nanay ni Daniel. Pagkatapos, suminghal siya. “Eveline, alam mo ba ang sinasabi mo? Sinasabi mo bang si Naya ang nagdulot ng aksidente ni Dan?” “Tama. Siya ang gumawa nito,” Kaagad na sumagot si Madeline nang sigurado. Nang muling marinig ni Ava ang siguradong sagot ni Madeline, hindi na siya makapanatiling kalmado. “Maddie, totoo ba ang sinasabi mo? Si Naya ang nangialam sa kotse ko? Hindi ang sangganong inupahan ni Chloe?” Umiling nang bahagya si Madeline. “Hindi ang sangganong ‘yun ang gumawa nito.” Dumapo ang titig niya sa mukha ni Naya. “Talagang kumuha si Chloe ng isang sanggano para pumasok sa kotse mo, pero pumasok lang ito sa kotse mo at kumuha ng ilang alahas. Hindi nito pinakialaman ang preno.” “Edi ang taong gumawa nito ay si Naya. Gusto niyang mamatay ako, tama?” Nagsimulang maging madamdamin si Ava. “Oo, siya iyon. Kaya kong patunayan
“Nitong nakaraan, ang boyfriend ni Ms. Long, na kababata ko ring si Daniel, ay naaksidente. Alam mo kung anong nakakatuwa?” Huminto si Naya nang sabihin niya ito at itinaas ang arogante niyang kilay. “Sinasabi nilang ako ang nagplano ng aksidente. Wala akong kinalaman sa aksidente pero sinisisi nila ako gamit ng kanilang malakas na background. Sinusubukan pa nilang—” “Naya, hindi mo na kailangang magsalita pa. Dahil nagpunta ako dito para hanapin ka, ibig-sabihin nito kampanteng-kampante ako.” Kalmadong pinutol ni Madeline ang pagsasalita ni Naya at lumingon para tingnan ang madla na nagsimulang magtipon sa paligid nila. “Siguro naman nabalitaan na ng lahat ang tungkol sa malaking aksidente na nangyari malapit sa malaking supermarket nitong nakaraan. Ang taong naaksidente ay si Daniel Graham, ang panganay na anak ng mga Graham, isa sa four richest families sa Glendale. Ngayon lang, sinabi ni Ms. Mendez na pinagbibintangan ko siya at wala siyang kinalaman sa aksidente. Gusto k
Kahit na tinanggi ito ng nanay ni Daniel, gusto pa din malaman ng nanay ni Daniel ang resulta ng appraisal. Hindi siya natutuwa dahil ang appraisal expert ay hindi kaagad sinabi sa kanya kung nakuha na nito ang resulta at sa halip, inutusan nito si Madeline na dalhin ang resulta sa kanya. Ang mga mata ni Naya ay walang malay na napadpad sa mga papel na hawak ni Madeline. Ngayon, wala siyang kaalam-alam kung pepekein ba ito o hindi ni Madeline. Hindi binigyan ni Madeline si Naya na makapanghula, at hindi na din niya pinaghintay pa ang anay ni Daniel. Kaagad niyang kinuha ang mga papel sa kanyang mga kamay at pinakita ang resulta sa kanila. Nanlaki ang mga mata ng nanay ni Daniel ng makita niya ang lahat ng mga gamit na nandoon sa listahan ay ang lahat ng gamit na pinadala niya para sa appraisal. Ang lahat ng iyon 33 gamit, walang labis at walang kulang. Pagkatapos, napansin niya ang resulta ng appraisal. Ang ikinagulat niya ay walang ni isang ‘authentic’ na resulta. Ang laha
Seryoso ang mga pulis. Syempre, hindi sila nakikipagbiruan kay Naya. Nang marinig ni Naya ang mga salitang ‘tangkang pagpatay’ ay hindi na niya kinaya pang manatiling kalmado. Lalo na at ang mga taong nasa paligid niya ay nakatingin sa kanya ng may pagdududa. Pakiramdam niya ay mas lalo na siyang napapahiya. “A-anong nangyayari? Anong sinabi nila? Sangkot si Naya sa pagtangkang pagpatay? Sino ang gusto niyang patayin? Sinong namatay?” Naguluhan ang nanay ni Daniel. “Gusto niyang patayin si Ava ngunit ang taong naaksidente ay ang kasintahan ni Ava, si Daniel,” sinabi ng pulis ang buong sitwasyon sa kanya. Nang marinig ito ng nanay ni Daniel, kaagad niyang naunawaan kung ano ang nangyayari. Subalit, ayaw pa din niyang maniwala. “Nauunawaan ko kung ano ang ibig niyong sabihin. Sinusubukan niyong sabihin sa akin na si Naya ang gumalaw sa kotse ng babaeng ito, tama?” tinuro ng nanay ni Daniel si Ava. halata naman na kinakampihan pa din nito si Naya. “Anong ebidensya ang meron