Tumingin si Madeline kay Carter tapos tumingin sa mga tao sa paligid niyang naghihintay sa sagot niya. Tapos bigla siyang ngumiti. “Syempre, hindi ako hypnotized.” Simple, malinaw at sigurado ang sagot ni Madeline. Tuwang-tuwa si Carter sa sagot na ito. Ngunit sa loob niya, bigla niyang naramdaman na parang may kakaiba. Sobrang sigurado ang sagot ni Madeline. Hindi siya mukhang nasa ilalim ng hipnotismo. Sa isang tabi, tumawa ulit ang nanay ni Jim. “Kalokohan yan. Tinatanong mo ang isang taong hypnotized ng ganitong tanong. Malalaman ba niya kung hypnotized siya?”“Tama ka. Ang isang taong hypnotized ay hindi malalaman kung hypnotized ba sila dahil wala silang naiisip. Pero madam, ako, si Eveline Montgomery ay hindi hypnotized.”Kampante ang tono ni Madeline. Nang sabihin niya ito, binalong niya ang tingin niya kay Carter. Nagsimulang magbago ang itsura ng mata niya. “Dahil nasira na ang hypnosis ko.”“...”Ito ang sagot na ayaw marinig ni Carter. Ito rin ang sagot na i
“Talo ka na, Carter Gray.”Ang limang salitang ito ay dahan-dahang dumaan sa tainga ni Carter. Ang boses ni Madeline na masarap sa tainga ay nakakabinging pakinggan para kay Carter ngayon. Isang malamig na kislap ang lumitaw sa mga mata niya, pero walang takot na tumingin sa mga mata niya si Madeline. “Hindi mo ito inasahan ano, Carter? Nasira na naman ang hypnosis ko. Sinasabi ng lahat na ikaw ang master of hypnosis at magaling ka sa hypnosis, pero ipinapakita nito na hindi ka naman ganun kagaling.” Nagsalita si Madeline at nagpatuloy nang may sarkastikong tono. “Pero siguro dahil lagi kang nakikipaglaban para sa royal succession, kaya nawala ang husay mo.”“...”Dahan-dahang kumunot ang noo ni Carter sa sinabi ni Madeline. Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung paano sasagot kay Madeline, pero hindi niya hinayaan ang sarili niyang manahimik nang matagal. Makalipas ang ilang segundo, tumawa si Carter. “Galit ka pa rin ba sa akin Eveline? Ang daming mga bisita, nandit
Bukod sa mga sigaw ng mga taong nakakilala kay Shirley, ang mga taong hindi nakakakilala kay Shirley ay nagulat din. “Sino ang babaeng yan?”“Mukhang nandito siya para ibunyag si Carter.”“Shh. Itigil mo ang kalokohang yan. Yan ang viscount ng St. Piaf. Bago natin malaman kung anong nangyayari, wag ka munang magbintang sa mga tao dahil baka mapahamak tayo.”Nang marinig ito ng lahat, ang ihip ng hangin sa loob ng bulwagan ng Royal Palace ay naging sobrang tahimik. Malalim din ang impresyon ni Old Master Gray kay Shirley. Alam niyang muntik nang ikasal si Carter at Shirley noon, pero pagkatapos noon, umalis si Shirley sa pamilya at umalis ng St. Piaf sa di malamang dahilan. Hindi inasahan ng Old Master na ganito na ang itsura ni Shirley nang makita niya ito ulit. “Old Master Gray, nainiwala akong kilala mo naman ako diba?” Tumingin si Shirley nang walang-takot sa mga mata ng Old Master. “Kung naaalala mo pa ako, tingin ko maniniwala ka sa sasabihin ko diba?”Tinikom ni Old M
Habang tulala, tumingin si Carter kay Shirley na kakasabi lang nito. Paano nangyari yun? Hindi dapat nangyari yun. Paulit-ulit itong tinanggi ni Carter sa loob niya, pero sinabi sa kanya ng pirming titig ni Shirley na totoo ito. Pagkatapos magtinginan nang matagal ni Shirley at Carter, inilayo ni Shirley ang titig niya nang walang pakialam at nagsalita nang tapat at hindi natitinag sa Old Master. “Totoo ang sinasabi ko, Old Master Gray. Kung ayaw mong maniwala sa akin, pwede kang humanap ng tao para masiguro ito. Sa kakayahan mo, naniniwala akong walang makakatakas sa mga mata mo basta gusto mong malaman ang isang bagay.” Pagkatapos sabihin ito, tumingin si Shirley kay Carter at walang-awa itong minaliit. “Kampante kong masasabi sa lahat ng nandito sa walang karapatan si Carter Gray na makipaglaban para sa trono ng hari ng St. Piaf dahil hindi siya karapat-dapat.”“...” Hindi na maipaliwanag ni Carter ang nararamdaman niya ngayon. Ang bagyo na ang galit niya ay malapit n
Nakikita ni Shirley ang matinding galit ni Carter, at nahuhulaan din niya ang susunod nitong gagawin. Maaaring kinatatakutan ng iba si Carter dahil sa pagkatao nito, pero hindi siya natatakot. “Carter, alam kong naiinis ka nang sobra ngayon at galit na galit ka na, pero bakit? Ikaw ang nagdesisyong mapunta sa kung nasaan ka ngayon. Dapat maging responsable ang lahat sa mga desisyoj nila. Tulad ng kung paano ko napatay ang anak ko pagkatapos kong gawin ang AXT69.”Walang-dudang nainis si Carter sa huling sinabi ni Shirley. Para bang may nakapuwing sa mata niya at namula ito kaagad. Tumingin siya nang diretso sa babaeng determinadong pabagsakin siya. Isang mapanghamak na ngiti ang lumitaw sa nanlulumo at malamig niyang mukha, at pagkatapos ay tumalikod siya at umalis nang hindi nagsasalita. Umalis si Carter nang ganun na lang. Nagbigay-daan sa kanya ang mga tao sa harapan niya. Nang hindi nagpapaliwanag o pumapalag, dumaan siya sa gitna ng madla nang mag-isa at naglaho sa
Walang iba kundi ang katulong na kasama ni Jeremy bago ang kasal. Pupuntahan na ni Madeline si Jeremy at nagkaroon siya ng kutob na maaaring alam ng katulong na ito kung nasaan si Jeremy, kaya nagmadaling lumapit dito si Madeline. Dahil hindi alam ni Madeline ang pangalan ng katulong, hindi niya ito matawag kaya ang magagawa lang niya ay bilisan ang paglalakad para habulin ang katulong. Ngunit nang malapit na doon si madeline, biglang lumingon ang katulong. Ang jkatulong na mukhang nakita si Madeline ay dumiretso sa isang kwarto, binuksan ang pinto at pumasok. Nagkaroon ng kutob si Madeline na may kakaiba kaya kaagad niya itong hinabol. Sa sandaling sasara na ang pinto, itinaas ni Madeline ang kanyang kamay para hawakan ang pinto, tapos tinulak niya pabukas ang pinto at pumasok siya. Sa sandaling makarating siya sa pintuan, narinig niya ang mahinang boses ng katulong mula sa kwarto. “Binalak kong iwan ka nang ganun na lang, ngunit pagkatapos ko itong pag-isipan, nag-aal
Eveline. Tinatawag na nito si Madeline sa pangalan niya ngayon. Nalaman ni Madeline kung gaano kayabang ang katulong na ito. “Atsaka, kakatapos lang naming magtalik ni Mr. Whitman, kaya ako ang pinakakarapat-dapat na mag-alaga sa kanya.” Nang marinig ni Madeline ang sinabi ng katulong, muli siyang nakarinig ng ingay sa kanyang isipan. Pakiramdam niya parang may nakabara sa kanyang lalamunan at pinipigilan siyang magsalita. Ngunit hindi hinayaan ni Madeline na matulala siya nang matagal. Nang lilingon na siya, bigla siyang hinawakan ni Jeremy sa braso. Biglang itinaas ni Madeline ang malinaw at nakakahumaling niyang mata. Kasunod nito, nakasalubong ng tingin niya ang maamo at malambing na titig ni Jeremy. Ngunit ang malambing na titig nito ay saglit lang ang itinagal bago ito nanlisik para tumingin sa katulong na malapit lang sa kama. “Walang mas karapat-dapat kay Linnie na lumapit sa akin. Dahil inaalagaan mo ako nitong nakaraang dalawang araw, binigyan kita ng sapat
Natulala ang katulong. Hindi siya makapaniwala dito at ayaw niyang tanggapin ang narinig niya. Nang paulit-ulit na lumitaw ang pangyayari sa isipan niya, isang nasasaktan at naguguluhang ekspresyon ang lumitaw sa kanyang mukha. “Anong ibig-sabihin mo? Anong ibig-sabihin nito?” Nagtatakang tumingin ang katulong kay Madeline at Jeremy. Magkasintahan sila? Kung ganon, bakit pinakasalan ni Madeline si Mr. Carter? Hindi niya ito maintindihan. Ang pinakapinagkatakahan niya ay bakit gusto ni Carter na paglapitin silang dalawa ni Jeremy. “May kailangan akong sabihin sa’yo Linnie.” Puno ng pagsisisi ang mga mata ni Jeremy. Tumango si Madeline. “Alam ko ang gusto mong sabihin sa akin. Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan yun. Umalis na tayo. Nag-book na ako ng flight para bukas nang umaga para sa ating dalawa, kaya uuwi na tayo bukas.” Nagtatakang kumunot ang kilay ni Jeremy. “Di ka ba papahirapan ni Carter?”Ngumiti si Madeline. “Wala na siyang magagawa ngayon.” Pagka