Kahit na nasulyapan lang ni Madeline ang taong dumaan, pakiramdam ni Madeline na pamilyar ang taong ito.Hindi pinansin ni Madeline si Jeremy, na inabot ang kanyang kamay upang punasan ang mga luha niya, at nagmadali siyang lumabas.“Linnie.” Nagtaka si Jeremy at agad niyang sinundan si Madeline.Noong nasa labas na sila, agad na nakita ni Jeremy ang isang babae na nagmamadaling tumakbo palayo.Kahit na hindi niya makilala ang babae sa likod nito, pakiramdam niya at pamilyar ang taong ito.Biglang sumulpot ang mukha ng isang partikular na tao sa isip ni Jeremy. “Ada?”“Siya yun.” Ang sabi ni Madeline at binilisan niya ang kanyang kilos upang habulin si Ada, na mabilis na tumatakbo."Ada!"Inabutan ni Madeline si Ada at hnarangan niya ang daanan ni Ada.Walang magawa si Ada kundi ang huminto.Naiinis siyang tumingin kay Madeline, na nakatayo sa harap niya, at inirapan niya siya. “Huwag kang humarang sa daanan ko, Eveline. Alam mo ba kung anong posisyon ko ngayon?”Sinuri ni M
Nang mapansin ni Ada na nakatingin sa kanya nang kakaiba si Madeline, inatras niya bigla ang kamay niya. “Wag mo na akong istorbohin Eveline! Kung hindi, ipapadampot kita sa mga bodyguard!”Galit na binalaan ni Ada si Madeline at kaagad na tumalikod. Sa takot na baka mahuli na naman siya ni Madeline, sinadya ni Ada na bilisan ang kanyang paglalakad. Tahimik na tumayo sa iisang pwesto si Madeline. Kumunot nang bahagya ang noo niya nang panoorin niyang lumayo si Ada. “Mukhang masaya siya sa sunog na ito.”Para naman kay Jeremy, nagkaroon din siya ng kutob sa sinabi ni Ada kanina. “Linnie, samahan muna kita para makita mo si Adam at Cathy sa huling pagkakataon.”Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline. At para naman sa dahilan ng sunog, nagkaroon na siya ng ilang hinala. Sa pamamagitan ng mga koneksyon ni Jeremy sa Glendale, natunton na nila kung nasaan si Adam at Cathy. Ito ay nasa pinakamalamig na lugar sa ospital at isa ring lugar na walang gustong bumisita. Bumukas
Nakatalikod at paalis na si Ada, ngunit nang marinig niya ang mga sinabi ni Madeine, uminit ang ulo niya. Naiinis siyang lumingon at nang makita niya si Madeline na nakaupo na sa sofa nang hindi man lang niyayaya, kaagad na ipinagpatuloy ni Ada ang anyo niya bilang Mrs. Gray at suminghal. “Di kita kailangan para paalalahanan ako kung paano tumanggap ng bisita ang Gray family. Pero ikaw, wala kang modo kapag bumibisita ka sa bahay ng iba. Pumasok ka at umupo ka na kaagad. Napahintulutan na ba kita? Ako ang female hostess ng pamilyang ito.”“Female hostess ng pamilyag ito?” Ngumisi si Madeline nang magmasid siya sa paligid. “Wala akong nakikitang hostess sa paligid. Pero nakikita ko ang isang nakakaawang babaeng tinatawag ang kanyang sarili na hostess ng isang pamilya.”“...”Biglang gumuho ang ngiti ni Ada at tinignan niya nang masama si Madeline. “Eveline, mukhang nandito ka para gumawa ng gulo ano?”Ngumisi ulit si Madeline nang marinig ito. “Wala ka naman talagang halaga sa p
”Di yan ang intensyon ko. Sadyang pareho lang kami ng hinaing ni Madam Gray, na dapat manahimik ka na lang kung wala ka namang masasabing maganda. Ang mga salita mo ay magbibigay ng problema sa asawa mong si Carter.”Nang magsalita si Madeline, nagsalubong ang kilay niya at eleganteng dinampot ang tasa at uminom ng black tea. “Higit pa rito, tungkol sa kung sinong makikinabang sa pagkamatay ni Adam at Cathy, walang makukuhang kahit ano si Carter. Salungat nito, malaki ang nawala sa kanya sa pagkamatay nila. Kung siya ang nagsimula ng apoy, diba pinapahirapan lang niya ang kanyang sarili?”“...” Hindi inasahan ni Ada na susuriin ni Madeline ang bagay na ito sa ganitong pananaw. Nabahala si Ada nang maalala niya ang mga salitang nasabi niya kahapon. Iniisip niya kung ganito ba ang kinikilos ni Madeline dahil sa sinabi ni Ada. Ngunit totoo man ito o hindi, malinaw na natuwa si Camille sa sinabi ni Madeline. “Tama si Mrs. Whitman. Walang dahilan para manakit ng iba si Carter nang
Nang marinig ito, tumawa nang malakas si Carter, ngunit ang ngiti sa kanyang mukha ay nakakakilabot. “Syempre naniniwala ako sa’yo.”“Talaga?” Umaasang tumingin si Ada kay Carter na nagsabing naniniwala ito sa kanya. Ngunit kasunod nito, nagdilim ang tingin ni Carter. “Naniniwala ako sa sarili ko. Naniniwala ako na ang isang taong tulad mo ay talagang gagawa ng ganitong bagay.”“...” Nanlaki ang mata ni Ada nang maramdaman niyang lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Kasalukuyan, ang titig ni Carter ay may bakas ng kagustuhang manakit. Mahal niya si Shirley, at mahal na mahal niya ito. Ito ang dahilan kung bakit naniniwala siya sa sinabi ni Madeline. Nang makita ni Ada na unti-unting lumalapit si Carter sa kanya, pakiramdam ni Ada parang tatalon mula sa bibig niya ang kanyang puso. Kapag umamin siya dito, alam niya kung anong mangyayari sa kanya. Ngunit kapag hindi siya umamin, anong palusot ang pwede niyang gamitin… Habang tahimik siyang nag-iisip ng palusot sa loob
Di na siya makagawa pa ng ingay sa sobrang sakit. Wala siyang magawa kundi ang bumaluktot sa sahig habang umuubo nang walang-tigil. Lumapit si Carter at inapakan ang daliri ni Ada. Naluha siya sa sakit at nangatog ang kanyang buto. Ngunit hindi dito natatapos ang parusa ni Carter. Yumuko siya. Bumalot ang madilim na aura niya kay Ada. Ang mahaba at manipis niyang daliri ay humablot sa buhok ni Ada. “Alam mo ba ang pakiramdam ng masiraan ng mukha at mabalian ng binti? Alam mo ba kung anong pakiramdam ng masunog nang buhay?”“...Ehem, ehem. Carter, hindi, wag…” Tumingin si Ada kay Carter sa takot. “Di ako ang… nagsimula ng apoy… wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Cathy at Adam. Siya yun. Sinisiraan niya ako. Di ko talaga ginawa yun…”“Heh…” Walang pakialam na tumawa si Carter at lalong dumilim ang mga mata niya. “Guards!”Pagkatapos tawagin ang mga guwardiya, tinulak ni Carter palayo si Ada habang nandidiri, tapos naglabas ng isang panyo at pinunasan ang kanyang kamay. “Ila
Noon pang kampante si Carter. Ngunit sa sandaling ito, habang nakatingin sa mga mata ni Madeline, biglang hindi niya alam kung anong gagawin niya. Ngunit lumapit si Camille nang mapansin niya ang pagkabahala ni Carter. “Mrs. Whitman, itanong mo lang kung anong gusto mo.”“Tingin ko di mo maibibigay sa akin ang sagot sa tanong ko, Mrs. Gray,” Sinabi ni Madeline bago siya ulit tumingin sa mga mata ni Carter. “Carter, di lang nagkataon ang pagligtas mo sa akin sa dagat noon diba?”Hindi inasahan ni Carter na itatanong ito ni Madeline. Hindi niya alam kung may nalaman ba si Madeline, ngunit may pag-aalinlangan sa titig nito na hindi mataguan ni Carter. “Carter, nagdalawang-isip ka.”Kahit na dalawa o tatlong segundo pa lang ang nakakalipas, ang mga segundong ito ay sapat na para makumpirma ni Madeline ang hinala niya. Sa isang tabi, kumunot ang noo ni Camille habang nagtataka. “Mrs. Whitman, naaksidente ka sa dagat noon at nagkataon lang na iniligtas ka ni Cater. Bakit sa ti
Ang unang dahilan ay para ibuking si Ada; ang pangalawang dahilan ay gusto niyang makita niya si Shirley. Sumunod sa kanila si Madeline at dumating sa kwarto ni Shirley. Kahit na hindi siya pumasok, nakita niya si Carter na mukhang nag-aalala nang magmadali ito papunta sa tabi ng kama ni Shirley. Hindi siya mukhang kasingbagsik noong nasa harapan siya ni Ada. Pumunta siya kay Shirley, habang mukhang natatakot at hinila ito sa kanyang braso habang marahan itong dinadamayan. “Shirley, wag kang matakot. Nandito ako,” Maamong pinatahan ni Carter. Malalaman ng kahit na sino na mahalaga sa kanya si Shirley nang makita ang nag-aalala niyang mukha. “Sunog! May sunog! Carter, nakita ko ang isang malaking apoy! Nasa sunog si Addy at nasunog siya!”Hinawakan ni Shirley sa kwelyo si Carter nang patuloy siyang bumulong sa takot. “Hindi pwedeng mamatay si Addy. Nangako ako kay mom at dad na aalagaan ko siya. Hindi siya mamatay, di pwedeng mamatay si Addy…”“Hindi siya patay, Shirley.