Nang marinig ito, tumawa nang malakas si Carter, ngunit ang ngiti sa kanyang mukha ay nakakakilabot. “Syempre naniniwala ako sa’yo.”“Talaga?” Umaasang tumingin si Ada kay Carter na nagsabing naniniwala ito sa kanya. Ngunit kasunod nito, nagdilim ang tingin ni Carter. “Naniniwala ako sa sarili ko. Naniniwala ako na ang isang taong tulad mo ay talagang gagawa ng ganitong bagay.”“...” Nanlaki ang mata ni Ada nang maramdaman niyang lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Kasalukuyan, ang titig ni Carter ay may bakas ng kagustuhang manakit. Mahal niya si Shirley, at mahal na mahal niya ito. Ito ang dahilan kung bakit naniniwala siya sa sinabi ni Madeline. Nang makita ni Ada na unti-unting lumalapit si Carter sa kanya, pakiramdam ni Ada parang tatalon mula sa bibig niya ang kanyang puso. Kapag umamin siya dito, alam niya kung anong mangyayari sa kanya. Ngunit kapag hindi siya umamin, anong palusot ang pwede niyang gamitin… Habang tahimik siyang nag-iisip ng palusot sa loob
Di na siya makagawa pa ng ingay sa sobrang sakit. Wala siyang magawa kundi ang bumaluktot sa sahig habang umuubo nang walang-tigil. Lumapit si Carter at inapakan ang daliri ni Ada. Naluha siya sa sakit at nangatog ang kanyang buto. Ngunit hindi dito natatapos ang parusa ni Carter. Yumuko siya. Bumalot ang madilim na aura niya kay Ada. Ang mahaba at manipis niyang daliri ay humablot sa buhok ni Ada. “Alam mo ba ang pakiramdam ng masiraan ng mukha at mabalian ng binti? Alam mo ba kung anong pakiramdam ng masunog nang buhay?”“...Ehem, ehem. Carter, hindi, wag…” Tumingin si Ada kay Carter sa takot. “Di ako ang… nagsimula ng apoy… wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Cathy at Adam. Siya yun. Sinisiraan niya ako. Di ko talaga ginawa yun…”“Heh…” Walang pakialam na tumawa si Carter at lalong dumilim ang mga mata niya. “Guards!”Pagkatapos tawagin ang mga guwardiya, tinulak ni Carter palayo si Ada habang nandidiri, tapos naglabas ng isang panyo at pinunasan ang kanyang kamay. “Ila
Noon pang kampante si Carter. Ngunit sa sandaling ito, habang nakatingin sa mga mata ni Madeline, biglang hindi niya alam kung anong gagawin niya. Ngunit lumapit si Camille nang mapansin niya ang pagkabahala ni Carter. “Mrs. Whitman, itanong mo lang kung anong gusto mo.”“Tingin ko di mo maibibigay sa akin ang sagot sa tanong ko, Mrs. Gray,” Sinabi ni Madeline bago siya ulit tumingin sa mga mata ni Carter. “Carter, di lang nagkataon ang pagligtas mo sa akin sa dagat noon diba?”Hindi inasahan ni Carter na itatanong ito ni Madeline. Hindi niya alam kung may nalaman ba si Madeline, ngunit may pag-aalinlangan sa titig nito na hindi mataguan ni Carter. “Carter, nagdalawang-isip ka.”Kahit na dalawa o tatlong segundo pa lang ang nakakalipas, ang mga segundong ito ay sapat na para makumpirma ni Madeline ang hinala niya. Sa isang tabi, kumunot ang noo ni Camille habang nagtataka. “Mrs. Whitman, naaksidente ka sa dagat noon at nagkataon lang na iniligtas ka ni Cater. Bakit sa ti
Ang unang dahilan ay para ibuking si Ada; ang pangalawang dahilan ay gusto niyang makita niya si Shirley. Sumunod sa kanila si Madeline at dumating sa kwarto ni Shirley. Kahit na hindi siya pumasok, nakita niya si Carter na mukhang nag-aalala nang magmadali ito papunta sa tabi ng kama ni Shirley. Hindi siya mukhang kasingbagsik noong nasa harapan siya ni Ada. Pumunta siya kay Shirley, habang mukhang natatakot at hinila ito sa kanyang braso habang marahan itong dinadamayan. “Shirley, wag kang matakot. Nandito ako,” Maamong pinatahan ni Carter. Malalaman ng kahit na sino na mahalaga sa kanya si Shirley nang makita ang nag-aalala niyang mukha. “Sunog! May sunog! Carter, nakita ko ang isang malaking apoy! Nasa sunog si Addy at nasunog siya!”Hinawakan ni Shirley sa kwelyo si Carter nang patuloy siyang bumulong sa takot. “Hindi pwedeng mamatay si Addy. Nangako ako kay mom at dad na aalagaan ko siya. Hindi siya mamatay, di pwedeng mamatay si Addy…”“Hindi siya patay, Shirley.
Nang makapasok si Madeline, marahan niyang sinara ang pinto. Bukod kay Shirley na natutulog sa kama, wala nang iba pa sa kwarto. Si Shirley, na mukhang kakatulog pa lang, ay hindi pa mahimbing na natutulog. Nang marinig niya ang yabag ni Madeline, bigla siyang dumilat. Nang makita niyang lumalapit sa kanya si Madeline, mukhang huminto bahagya si Shirley, tapos nagkaroon ng gulat sa kanyang mukha, ngunit hindi siya mukhang natataranta. Dahil hindi niya maramdaman ang kanyang binti, hindi siya bumangon. Sa halip, humiga lang siya sa kama. Napakaputla niya. Malinaw na dahil ito sa panghihinang dulot ng kanyang karamdaman. Dahil dito naalala ni Madeline ang sandaling naranasan niya ang epekto ng fourth stage ng lason. Malamang ganito rin ang itsura niya noon. Siguro diya din ay mababaliw at magbabanggit ng mga kalokohan at maaalaa niya rin ang mga masasakit at maasamang alaala sa kanyang isipan. “Shirley, naaalala mo pa ba ako?” Naglakad si Madeline sa tabi ng kama at tumin
Tinitigan ni Madeline si Shirley sa loob ng ilang segundo bago tumalikod nang tahimik para umalis. Abala si Carter sa pagpapakalma kay Shirley. Nang kumalma na ang damdamin niya, napansin niyang nakaalis na si Madeline. Nang magtaka siya dito, kinuha ni Carter ang footage mula sa mga security camera. Doon niya napagtantong pumasok si Madeline sa aparador kanina. Naghintay siya hanggang sa lumabas si Carter bago pumasok ng kwarto ni Shirley. Gayunpaman, ang oras na ginugol niya sa loob ay hindi masyadong matagal. Kasingtagal lang ito ng pagluluto niya ng lugaw para kay Shirley. Ngunit wala siyang paraan para malaman kung anong nangyari sa loob ng kwarto. Sa kasalukuyang kalagayan ni Shirley, imposibleng makakuha ng kahit anong impormasyon mula sa kanya. Pag-alis ng Gray Villa, dumiretso si Madeline sa Whitman Corporation. Matagal nang hindi naaasikaso ni Jeremy ang kompanya. Maraming mga insidenteng sunud-sunod na nangyari sa paligid niya nitong nakaraang dalawa hanggang t
Naisip ni Madeline ang itsura ng tingin ni Shirley. Hindi mukhang nagdedeliryo si Shirley. Matibay ang titig niya at malinaw na sinesenyasan nito si Madeline na umalis ng Gray Villa habang maaga. Nagpanggap si Shirley na natatakot para mapasunod niya si Carter para makaalis nang maayos si Madeline. “Jeremy, posible bang iba ang epekto ng AXT69 anti-toxoid test reagent kapag nainom ito at kapag naiturok ito?” Mula sa puso ni Madeline ang tanong na ito dahil pakiramdam niya na iba ang sintomas ni Shirley kumpara kay Madeline noong sinumpong siya ng lason. Nagkaroon ng hula si Jeremy sa tanong ni Madeline. “May napansin ka bang kakaiba Linnie?”Tumango si Madeline. “Sinabi mo sa akin ito noon. Noong pinagdaanan ko ang huling stage ng lason, naiwan ang alaala ko sa pinakamasasakit na sandali, at di ko man lang maalalang nagmamahalan tayo. Pero parang ibang-iba si Shirley.”“Paano ba ang inaasal niya?” Patuloy na nagtanong si Jeremy habang nagtataka. Hindi mapigilan ni Madeline na
Nang lapitan siya nito, inalis ng lalaki ang kanyang sunglasses at ipinakita ang isang gwapo at galanteng mukha. Tinitigan ni Felipe ang larawan ni Cathy habang namumula ang mata at hindi makapagsalita saglit. Hindi nagulat si Madeline na malamang buhay pa si Felipe. Nagulat lang siyang makitang lumitaw si Felipe sa sandaling ito. Ngunit nang mapansin niya si Jeremy na pumapasok mula sa pinto, nagsimulang maunawaan ni Madeline. Lumabas ng bahay si Jeremy nitong nakaraang oras at sinabing mayroon siyang isang mahalagang gawaing kailangang asikasuhin. Lumalabas na lumabas pala siya para piyansahan si Felipe. Pinag-isipan ni Felipe ang nangyari nitong nakaraang ilang buwan. Nawalan na siya ng pag-asa at tinanggap na ang parusang kamatayan sa kanya at sinukuan na niya ang kahit anong pagkakataong umapila. Ngunit kalaunan, nasuyo na siya ni Madeline at Jeremy at nagbago na ang isip ni Felipe. Napagpasyahan niyang umapila. Pinili niyang mabuhay kaysa mamatay. Pagkatapos nit