Nang lapitan siya nito, inalis ng lalaki ang kanyang sunglasses at ipinakita ang isang gwapo at galanteng mukha. Tinitigan ni Felipe ang larawan ni Cathy habang namumula ang mata at hindi makapagsalita saglit. Hindi nagulat si Madeline na malamang buhay pa si Felipe. Nagulat lang siyang makitang lumitaw si Felipe sa sandaling ito. Ngunit nang mapansin niya si Jeremy na pumapasok mula sa pinto, nagsimulang maunawaan ni Madeline. Lumabas ng bahay si Jeremy nitong nakaraang oras at sinabing mayroon siyang isang mahalagang gawaing kailangang asikasuhin. Lumalabas na lumabas pala siya para piyansahan si Felipe. Pinag-isipan ni Felipe ang nangyari nitong nakaraang ilang buwan. Nawalan na siya ng pag-asa at tinanggap na ang parusang kamatayan sa kanya at sinukuan na niya ang kahit anong pagkakataong umapila. Ngunit kalaunan, nasuyo na siya ni Madeline at Jeremy at nagbago na ang isip ni Felipe. Napagpasyahan niyang umapila. Pinili niyang mabuhay kaysa mamatay. Pagkatapos nit
Nanginig ang boses ni Felipe. Maging ang kamay niyang nakahawak sa kandila ay nagsimulang manginig. Sinubukan niyang pigilan ang kanyang luha, ngunit hindi niya mapigilan ang lungkot na bumababa sa kanyang puso. Binalikan niya ang mga alaala niya. Kung naging mabuti lang siya kay Cathy kahit paano, siguro hindi siya masyadong masasaktan sa puntong nahihirapan siyang huminga. Ngunit halos ang dinulot lang niya dito ay luha at sakit ng puso nitong nagdaang mga taon. “Cath, ako mismo ang magpapalaki sa mga anak natin. “Tatandaan ko ang sinabi mo sa akin. Tuturuan ko ang mga anak natin na maging makatarungan at maging mabuting tao ng lipunan.”Taos-pusong nangako si Felipe. Ang titig niyang puno ng luha ay nanatili sa larawan ni Cathy na nakangiti na parang isang namumukadkad na bulaklak. “Cath, magkita ulit tayo sa susunod nating buhay. Pagdating ng oras na iyon, hayaan mong ako ang manligaw sa’yo. Hayaan mong ako ang magmahal sa’yo.”Inabot ni Felipe at marahang pinadaan an
Nang malaman ito ni Old Master Whitman, naglakbay siya pabalik mula sa kanyang retirement home gabi-gabi. Nang kilalanin niya ang kambal sa harapan niya na wala pang 2 taong gulang, ang mga mata niya ay nagsimulang kumislap. “Ang daming tao sa mundong ito ang nangangarap na mapunta sa mataas na bahagi ng lipunan, ngunit kaunti lang sa kanila ang nakakaalam na ang mga tao sa lipunang iyon ay talagang nag-aasam ng isang tahimik at payapang buhay.”Inilahad ni Old Master Whitman nang bukal sa kanyang loob habang ang nanghihinang mukha niya ay puno ng lungkot at pagkabahala. “Maari talagang maging delikado ang pera at kapangyarihan. Kung hindi lang siya nagmula sa malaking pamilyang ito, hindi sana nagulo ang isipan ni Felipe nang mamatay sa isang aksidente ang mga magulang niya, at siguro naisalba pa ang kabataan at kinabukasan niya.”“Grandpa, wag kang mag-isip nang ganyan,” Pinagaan ni Madeline ang loob ni Old Master Whitman nang hawakan niya nang marahan ang kamay nito. “Hindi
Nang walang tanong, ngumiti si Jeremy habang sumasang-ayon at sumagot, “Susundan kita saan ka man magunta.”Kumislap ang mga mata ni Madeline at nagkaroon ng ngiti sa kanyang bibig. Malambing siyang sumandal muli sa pagkakayakap ni Jeremy.Hindi masyadong maliwanag ang mga bituin ngayong gabi, ngunit sa sandaling ito, nakaramdam ng init si Madeline sa kanyang puso.Nitong susunod na umaga, pumunta sa estasyon ng pulis si Madeline kasama ni Jeremy. Paglabas ng estasyon ng pulis, dinala ni Jeremy ang kanyang kotse sa labas ng Gray Villa. Hinarangan si Madeline at Jeremy ng isang guwardiya, ngunit si Jeremy ay hindi isang taong hahayaan ang kanyang sariling mapigilan. Balak talaga noong una ni Carter at Camille na dalhin si Shirley pabalik ng St. Piaf ngayon, ngunit biglang nagpakita ang nanay ni Ada habang nagwawala. Kasalukuyan itong nasa sala habang nanghihingi ng paliwanag mula kay Carter at Camille. Kararating lang ni Madeline at Jeremy sa pinto nang marinig nilang galit
”Lumayo ka sa asawa ko,” Babala ni Jeremy nang may seryosong tono. Kaagad na huminto ang nanay ni Ada habang natatakot na lumapit kay Madeline. Naglabas ng aura si Jeremy na kinatakutan niya. Nakakatakot na ang mata ni Carter. Ngunit sa sandaling iyon, naramdaman niya na parang mas nakakatakot ang titig ni Jeremy. Ngunit ngayong umabot na siya sa puntong ito, wala na siyang babalikan. Kapag umatras siya ngayon, mahahatulan si Ada ng arson at murder. “Eveline, bakit mo pinagbintangan ang anak kong si Ada na siya ang nagsimula ng apoy?”“Mabuti pa at ayusin mo ang pakikipag-usap mo sa kanya,” Seryosong paalala ni Jeremy. “Wag mong sabihin na hindi kita pinaalalahanan. Ang galitin ang asawa ko ay mas ikakapahamak mo kumpara sa panggagalit sa akin.”Nanginig sa takot ang puso ng nanay ni Ada nang marinig niya ang mga salitang ito. “W… wala akong pake. Gusto ko lang tanungin ang Eveline na ito kung bakit niya sinisiraan ang anak ko at pinagbibintangan ito ng arson at murder?
Hindi sana makikilala ng nanay ni Ada na ang madungis na babaeng ito sa harapan niya ay si Ada kung hindi niya ito tinitigan nang malapitan! Kung hindi ito mismo nakita ni Madeline, hindi niya sana malalaman na talagang si Carter ay isang lalaking handang gawin ang kahit na ano. Napaigkas si Ada sa pagkataranta sa paanan ng kanyang nanay habang hinihila ang pantalon ng kanyang nanay. “Mom, iuwi mo ako please. Gusto ko nang umuwi! Ayaw ko nang maging isang Viscountess. Gusto ko na lang maituring na isang tao!”Napahikbi si Ada nang magmakaawa siya sa kanyang nanay. Tapos maingat niyang itinaas ang kanyang tingin para tumingin kay Carter. Muling nanginig si Ada nang salubungin niya ang madilim na titig nito. Nanatiling tulala saglit ang nanay ni Ada bago ito mahimasmasan at yumuko para tulungang makabangon si Ada. Tinabi niya ang magulo at maduming buhok ni Ada at tumingin nang matagal sa mukha ni Ada na hindi pa nakakapaghilamos sa loob ng ilang araw. Muli siyang natulala.
Sinuri ni Madeline ang natatarantang mukha ni Ada at kalmadong naglabas ng isang bagay mula sa kanyang bulsa.“Mrs. Gray, pwede ba akong makiusap sa’yo na lakihan mo ang mata mo at tingnan mo ito nang maigi. Sa’yo ba ito?”Sabay-sabay na bumaling ang tingin ng lahat sa bagay na nasa pagitan ng daliri ni Madeline na nakabalot ng plastic. Kaagad ding tumingin si Ada sa bagay na ito. Nang makita niya ang kwintas sa kamay ni Madeline, kusa siyang napahawak sa kanyang leeg. “Ang reaksyon mo, Mrs. Gray ay nagkukumpirmang sa’yo talaga ang kwintas na ito.”“... Eveline, ang kapal ng mukha mong nakawin ang kwintas ko!” Sumagot si Ada. Ngunit hindi natitinag si Madeline. Tinignan niya nang masama si Ada na nagrereklamo at kalmadong lumapit kay Ada. “Hindi ko ninakaw ang kwintas na ito. Napulot ko ito sa pinangyarihan ng sunog sa araw na nangyari ito.”“...”Nataranta si Ada sa sandaling ito.Hindi niya alam kung kailan niya nawala ang kwintas at hindi rin niya maalala kung saan niy
Hindi inasahan ng nanay ni Ada na tatalikuran siya ni Ada sa sandaling ito! Nanlaki sa gulat ang mata niya nang titigan niya ang babaeng sinisigawan siya sa harapan niya. “Ideya mo ang lahat ng ito! Sinabi mo sa akin basta sunugin ko na lang si Adam. Sinabi mo sa akin na kapag patay na siya, di na gagaling si Shirley! Maaaring ikagalit niya ito nang sobra at baka hindi na rin makaligtas ang bata sa kanyang tiyan!”“...”Habang nilalabas ang lahat ng galit niya sa kanyang nanay, naibunyag ni Ada kung paano siya inutusan ng nanay niya na gawin ang krimeng ito. “Ano? Ikaw pala ang nag-udyok sa kanyang gawin ito? Ang galing niyong dalawa. Kayong mag-ina!” Nagulat si Camille sa sinabi ni Ada. Kaagad na naging berde ang mukha ng nanay ni Ada. Natatakot din siya na baka arestuhin siya ng mga pulis, ngunit mas natatakot siya na baka pahirapan siya ni Carter dahil dito. Ngunit si di kumilos si Carter kahit nagbabaga ang galit sa mga mata niya. Kahit na isa siyang masamang tao, hin