Binaba ni Fabian ang tawag at kaagad na tinawagan si Evan. "Tignan mo kung mayroong bote ng anti-toxoid test reagent kay Madeline. Kung meron, iturok mo sa kanya kaagad. Isa kang doktor kaya maliit na bagay lang sa'yo ang injection. Dali." Kaagad na binaba ni Fabian ang tawag, hindi niya binigyan si Evan ng pagkakataon na tanggihan siya. Natural, bilang isang doktor, hindi tatanggihan ni Evan ang ganitong pabor. Ngunit, tinignan niya si Madeline na tinurukan ng pampakalma at hindi niya mapigilang magduda. 'Tama ba tong gagawin ko?' Ngunit, trabaho ng isang doktor ang magligtas ng buhay. Isa ka mang pediatrician o iba pang klase ng espesyalista, iisa sila ng responsibilidad. Tinanggal niya ang kumot at naghanap sa damit ni Madeline, pero hindi niya nahanap ang anti-toxoid test reagent na sinasabi ni Fabian. Mabilis niyang tinawagan si Fabian na papunta na sa ospital. Pagkarating niya sa ospital, naghanap nang maigi si Fabian sa lahat ng bulsa sa damit ni Madeline. Wala
Tumingin si Jeremy sa maliit na bintana na nasa pinto ng kwarto. Tumingin siya sa loob ng kwarto at nakita niya ang payat na likod ni Madeline. Nakaramdam si Jeremy ng kirot sa kanyang puso at kaagad na binuksan ng pinto ng kwarto. "Payo ko lang." Narinig ang boses ni Fabian mula sa likuran ni Jeremy. "Baka sobra siyang kinakabahan, at baka rin hindi ka niya makilala. Mas mabuti kung ihanda mo ang isipan mo." Pagkatapos marinig ang payo raw ni Fabian, marahang sinara ni Jeremy ang pinto. Tinignan niya si Madeline na nakayakap sa kanyang binti at nakayuko sa dulo ng kama habang dahan-dahan siyang lumapit sa kanya. "Hindi ako yun. Hindi ko talaga ginawa ang ganung bagay. Jeremy, bakit di ka naniniwala sa'kin…" Nang papalapit na si Jeremy sa kanya, bigla niyang narinig si Madeline na bumulong. Ang mga salitang sinabi ni Madeline ay parang isang matalim na espadang tumusok diretso sa kanyang puso. Ang kanyang papalapit na yabag ay biglang huminto nang kusa habang nari
Lumayas ka na rito ngayon din. Bumalik ka at sabihin mo kay Meredith na kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang gawin niya ang gusto niya!" Tumanggi si Madeline nang nagmamatigas at mapwersa. Iniunat niyang muli ang mga kamay niya para itaboy si Jeremy. "Lumayas ka." Natural lang na hindi aalis si Jeremy. Lumapit siya kay Madeline at hinawakan ang kanyang kamay na nakaturo sa pintuan. Sa sumunod na segundo, niyakap niya siya nang mahigpit. "Linnie, hindi ako aalis. Gusto kitang samahan." Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Madeline sa biglaang yakap. Ginamit niya ang buo niyang lakas para kumawala sa yakap ni Jeremy ngunit hindi siya nagtagumpay. "Ginagaya mo pa rin si Jeremy! Bitiwan mo na ko! Bitiwan mo ko!"Sa harap ng panlalaban ni Madeline, tahimik na tiniis ni Jeremy ang sakit at nagpatuloy pakalmahin siya nang marahan. "Linnie, ako si Jeremy. Ako talaga si Jeremy. Kasalanan ko to. Alam kong mali ang ginawa ko." Patuloy na humingi ng tawad si Jeremy pero nagwa
Huninto ang mga yabag ni Fabian, pero hindi siya humarap. Habang narinig niyang papalapit ang mga yabag ni Jeremy, kalmado siyang nanatili sa kanyang kinatatayuan. "Fabian, hindi mo ba talaga nahanap ang anti-toxoid test reagent kay Linnie?" "Anong pinapahiwatig mo, Mr. Whitman? Inaakusahan mo ba ako na sinadya kong hindi iligtas ang asawa mo?" Tanong ni Fabian nang may maliit na ngiti. "Gusto ko lang malaman kung naghanap ka nang maigi." Hindi balak makipagtalo ni Jeremy kay Fabian. Ang gusto niya lang ngayon ay mahanap ang anti-toxoid na magpapagaan sa kondisyon ni Madeline. Nahirapan siyang 'manakaw' ang bote ng anti-toxoid test reagent mula kay Carter. Sa kasalukuyang sitwasyon, ang bote na iyon ang natatanging bagay na makakatulong kay Madeline. "Kinalkal na namin ng kaibigan ko ang lahat ng bulsa niya at mga lugar na pwede niyang pagtaguan ng gamit, pero hindi namin nahanap ang anti-toxoid test reagent na sinasabi mo," pasensyosong sumagot si Fabian. "Paanong nang
Pakiramdam niya ay nakita na niya ang lalaking ito noon. 'Isa rin kayang doktor ang lalaking ito?' Bumalik si Jeremy sa kwarto ng ospital kung saan mahimbing na natutulog si Madeline. Nang makita niya kung gaano siya kaputla, bumuntong hininga si Jeremy habang nagsisisi. 'Linnie, kung hindi ko sana nagawa sa'yo ang ganitong bangungot, hindi ka siguro magdurusa nang ganito kasakit sa pag-epekto ng lason. 'Ako ang dahilan ng paghihirap mo.' Yumuko si Jeremy para halikan ang pagitan ng mga kilay ni Madeline, pagkatapos ay kinapa ang kanyang mga bulsa at jacket. Wala nga roon ang anti-toxoid test reagent. Mula sa reaksyon ni Fabian, mukhang hindi nagsisinungaling ang lalaki. 'Nasaan kaya ang anti-toxoid test reagent?' Pinag-isipan ito ni Jeremy, pagkatapos bigla siyang tumingin sa paligid ng kwarto. 'Sa bag niya.' Wala rito ang bag at phone ni Madeline. Kaagad siyang tumalikod at kinuha ang kanyang phone para tawagan si Fabian habang nagpunta siya sa direksyon kung
Nang marinig niya ito, kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Fabian. Naglakad siya gamit ng kanyang mahahabang binti nang kasing bilis ng kidlat at dumating sa kwarto ni Lillian. “Lily.”Kinakabahan niyang tinawag ang kanyang pangalan. Pagpasok niya sa kwarto, napansin niya na ang hindi kagaya ng inaasahan niya ang nangyayari sa loob. Hindi umiiyak si Lillian, at ang kwarto ay nilagyan ng dekorasyon para magmukhang isang birthday party. Nakita ng isang katulong sa kwarto ang pagbabalik ni Fabian at masayang ngumiti habang bumati siya, "Happy birthday, Young Master Fabian." ‘Birthday?’Natulala si Fabian. 'Birthday ko ba ngayon?' Ang huling beses na ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan ay bago mamatay si Yorick. Nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam na ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Ngayon, pinanood niya si Lillian na lumapit sa kanya nang nakangiti habang hawak ang isang maliit na shortcake. Mukha siyang isang inosenteng anghel na ibinabalik sa kanya ang k
Ngunit para sa mga mata ni Fabian, walang katumbas ang drawing na ito. Nakasulat pa sa cake ang tatlong salitang, "Happy Birthday, Fab." Napakagandang sulat. Naramdaman ni Fabian ang isang magandang bulaklak na unti-unting namumukadkad sa kanyang puso at tinginan niya ang mga mata ni Lillian na kumikinang na parang isang gabing puno ng bituin. "Lily, gusto ko bang kumain tayo ng cake?" Inimbitahan siya ni Fabian nang nakangiti. "Kaunti nga lang ang pwede mong kainin. Ngumiti si Lillian sabay tumango. Sa tahimik na gabi, hawak ni Fabian ang plato sa isang kamay habang sinubuan niya si Lillian. Masayang ngumiti si Lillian. Sa ilalim ng mainit na ikaw ng kwarto, para siyang isang maliit na diwata na may ngiting parang nagpapagaling kay Fabian. "Aalagaan kita hanggang sa gumaling ka, Lily. Kung gusto mo pa rin pagdating ng oras na iyon, pwede kitang patuloy na alagaan pagkatapos nun." Nangako si Fabian at binalak na haplusin ang tuktok ng ulo ni Lillian, pero nang maisip
Mabilis na tumingala si Jeremy at nakita niya si Evan na pumasok. "Ikaw ang kaibigan ni Fabian? Isa ka bang doktor?" Mabagal na tumayo si Jeremy. "Malamang may paraan ka para matawagan si Fabian. Nasaan siya?" Nang hindi sinasagot ang tanong ni Jeremy, lumapit si Evan kay Jeremy, binuksan ang kanyang phone, at tinuro ang screen. "Ito ba ang anti-toxoid test reagent na sinasabi mo?" Pinakita ni Evan kay Jeremy ang larawan. Kaagad na tumingin si Jeremy at nagliwanag ang kanyang mga mata sa sandaling nakita niya ang larawan. "Yan yun. Saan nanggaling ang larawan na to?" "Pinadala sa'kin to ni Fabian." “Fabian?”Tumango si Evan. "Nahanap niya ang anti-toxoid test reagent sa bag ng asawa mo at papunta na siya rito ngayon." Nang marinig iyon ni Jeremy, bahagyang napanatag ang kanyang puso na para bang nakabitin sa ere. "Gaano pa katagal bago makarating si Fabian?" Naiinip si Jeremy. Nag-aalala siya na baka magising si Madeline bago makarating si Fabian. Mas nag-aalala siya