“…”Nautal si Jeremy; bumara sa kanyang lalamunan ang kanyang mga salita. Nanginig si Jeremy bago tumingin sa mga mata ni Madeline na nakatingin sa kanya. "Linnie, ako…" "Linnie?" Inulit ni Madeline ang salita at bigla na lang tumawa nang mahina at malamig. "Anong nangyari sa'yo? Ang taong pinakamamahal ko pero pinakakinamumuhian ako ay tinatawag ako ngayong Linnie." Tumawa si Madeline at mabagal na tumayo. Gustong lumapit ni Jeremy para suportahan siya pero tinanggihan siya ng namumuhing si Madeline. Nakikita niya na wala sa tamang pag-iisip ngayon si Madeline habang kumislap ang kanyang namumulang mga mata. Matingkad ito kumpara sa kanyang napakaputlang mukha. Sinuportahan ni Madeline ang kanyang sarili gamit ng isang kamay, umupo sa kama, at ang kanyang isa pang kamay ay biglang humawak sa kanyang dibdib. Pinikit niya ang kanyang mga mata at mabilis na huminga. Nagulo ang normal na bilis ng kanyang paghinga at tibok ng puso. "Linnie, pwede mo ba akong bigyan ng
Nagulat si Madeline sa biglaang reaksyon ni Madeline. Gusto niya siyang iwasan sa sandaling ito, pero biglang nilahad ni Jeremy ang kanyang mga braso at kinulong si Madeline sa isang mahigpit na yakap. Nabigla si Madeline. Sa kasalukuyan, sa kanyang isipan, kinaaayawan siya ni Jeremy. Kinamumuhian siya nito. Hindi siya nito yayakapin kagaya ng ginagawa niya ngayon. Kung kaya't naisip niya na isa itong plano. Nang sinubukan niyang kumawala mula sa yakap ni Jeremy, mahina siyang nagsalita sa kanyang tainga. "May sakit ka, Linnie. Nakalimutan mo na pinatawad mo na ako. Nakalimutan mo rin na nagmamahalan na tayo ngayon." 'May sakit ako?' Inisip ni Madeline ay nagsisinungaling sa kanya si Jeremy. Ngunit nang tinignan niyang muli ang kwarto, mukha nga talaga itong isang ward. Naramdaman niya rin na hindi komportable ang kanyang katawan at mabilis ang kanyang paghinga; ang bawat isang tibok ng kanyang puso ay sinasabayan ng isang bahagyang kirot. Kahit na ganoon, para kay
Tinignan ni Jeremy ang orasan. Habang naghihintay sa pagdating ni Fabian, inobserbahan ni Jeremy si Madeline. Napansin niya na nahiga si Madeline sa kama nang nakatagilid, kalahating nakabaluktot ang kanyang katawan nang nakatalikod sa kanya. Nang mapansin ni Jeremy na masama ang pakiramdam ni Madeline, gusto niya talagang pumasok, pero natatakot siya na baka magwala siya ulit. Maliban roon, dumating kanina si Evan para ipaalam sa kanya na parating na si Fabian. Sa isang iglap, dumating nga si Fabian. Nang may kalmadong ekspresyon, sandaling sinalubong ni Fabian ang mga mata ni Jeremy, pagkatapos ay itinaas ang kanyang kamay at iniabot ang anti-toxoid test reagent kay Jeremy. "Kunin mo to." Gumaan ang pakiramdam ni Jeremy nang makita niya ang anti-toxoid test reagent. Kahit na hindi nito tuluyang maiaalis ang lason sa katawan ni Madeline, kahit na papaano, maiaayos nito ang kanyang kondisyon. Kinuha ito ni Jeremy, pagkatapos ay tinignan niya si Fabian at pinarating ang
Pamilyar si Fabian para kay Madeline dahil simula nang makarating siya rito, sina Fabian at Evan ang kanyang madalas na makita. Nakikita niya na sinadyang harangan ni Fabian ang pinto pero wala siyang balak na umatras. Sa sandaling humakbang siya paharap, hinila ni Jeremy ang kanyang braso na tumakbo mula sa kanyang likuran. "Maniwala ka sa'kin, Linnie. Hindi ako nagsisinungaling sa'yo. May sakit ka talaga. Kapag naturukan ka ng injection na to, malalaman mo na hindi ako nagsisinungaling sa'yo." Tapat itong diniin ni Jeremy sa pag-asang papaniwalaan siya ni Madeline. Ngunit, gusto lang ni Madeline na kumawala sa kanyang hawak. "Imposibleng magtiwala ako sa'yo ulit, Jeremy. Wala na akong nararamdaman para sa'yo!" "Linnie.""Lahat kayo, umalis kayo. Kahit na mamatay pa ako, hindi ako mamamatay sa mga kamay ninyo." Desperadong nagpumiglas si Madeline para luwagan ang hawak ni Jeremy, balak niyang itulak si Fabian at tumakbo palabas pagkatapos. Ngunit mas matigas ang loob
Tinignan ni Evan ang likod ni Jeremy habang nagmamadaling umalis si Jeremy, at nalito si Evan. "Fab, ano yung tinurok ni Jeremy sa kanya kanina? Bakit parang mas epektibo pa yun kesa sa pampatulog?" Sinulyapan ni Fabian ang anyo ni Jeremy habang palayo nang palayo ito, pagkatapos ay kumunot ang kanyang noo. "Gumaling? Kung kagaya ito ng nakaraan, sa tingin ko hindi ganoon kadali na tuluyan siyang gumaling." "Kagaya ng nakaraan?" Naging interesado ulit si Evan. Ngunit hindi nagpatuloy si Fabian. Hindi na niya gustong banggitin ang masamang bagay na ginawa ni Lana noon. Sumugod si Jeremy sa gitna ng gabi nang hindi nag-aayos. Sa kasalukuyan, nagrenta siya ng isang kwarto sa isang malapit na hotel. Nang kukuha siya ng kwarto, inisip ng customer service lady na baka may masamang intensyon si Jeremy kay Madeline nang makita niya ang walang malay na si Madeline sa mga kamay ni Jeremy, hanggang sa pinakita ni Jeremy ang larawan ng kanilang marriage certificate. Pagkatapos ay pinagpa
Lumingon si Cathy nang marinig niya ang ingay at nakita niya si Shirley na bumagsak sa lapag. Nakatumba ang wheelchair sa tabi ni Shirley at nakahandusay siya sa lapag nang hindi makatayo. Nang makita niya ang sitwasyon, mabilis na bumalik si Cathy at lumapit. Lumuhod si Cathy para tulungan si Shirley pero tinanggihan siya nito at hinawi ang kanyang kamay. "Hindi ko kailangan angawa mo!" Kinagat ni Shirley ang kanyang mga labi, ang kanyang mga mata ay may kinang ng pangmamaliit sa sarili. "Ang saya-saya siguro ni Adam na makita akong nagkakaganito, ano? Kaya niyang ayusin ang itsura ko, pero hindi niya ko gustong operahan! Ikaw rin." Tinitigan ni Shirley si Cathy nang nakasara ang kamao. "Hindi mo talaga ako balak na tulungan. Napipilitan ka lang na alagaan ang isang walang kwentang taong kagaya ko dahil kay Adam!" "Kung ganon, alam mo palang pinipilit mo lang ito sa iba?" Biglang pumasok si Adam mula sa pinto. Huminto sandali si Shirley bago tumawa nang malamig. "Hehe.
"Adam, halika rito at tulungan mo ko."Naintindihan ni Adam ang ibig sabihin ni Cathy, pero ang totoo, balak naman niya talagang tumulong. Subalit, alam ni Shirley na sinusubukan siyang tulungan nina Cathy at Adam sa sandaling ito, pero nagpanggap siyang nag-iisip nang malalim at tahimik na tinanggap ang mabuting intensyon nina Cathy at Adam. Nagsimulang lumubog ang araw. Pinarada ni Adam ang kotse niya sa pinto ng pinakamagarang hotel sa Glendale. Kahit na hindi pa nagsisimula ang wedding banquet, bumabaha na ang mga panauhing pumapasok sa pintuan. Nakaupo si Shirley sa likuran ng kotse, pinapanood niya ang mga panauhin na pumasok sa pangunahing pintuan. Ang totoo, pamilyar siya sa maraming tao rito. Engrande ang wedding ceremony ni Carter. Isang araw bago ang kasal, napuno ang internet ng balita ng kanyang kasal. Ang kagalang-galang na viscount ng St. Piaf ay ikakasal na at nakatawag ito ng pansin ng maraming tao. Dagdag pa roon, sa sandaling lumitaw sa internet ang
Naalala ni Cathy na nakita niya ang pangalan ng bride sa wedding invitation card, pero hindi ito pamilyar sa kanya at naniniwala siya na hindi niya kilala ng bride. Umiling si Cathy. "Hindi ko alam." "Hmph. Syempre di mo alam." Ngumiti si Shirley at para bang kinakausap ang kanyang sarili. "Maituturing siyang childhood sweetheart ni Carter, pero matagal na niyang kinaayawan ang babaeng to, sobra niya siyang kinaaayawan na ginamit pa niya si Madeline para paalisin siya sa buhay niya." Tungkol sa engagement ni Carter kay Madeline, alam ni Cathy ang ilang parte tungkol dito, pero hindi niya alam ang katotohanan na ginagamit ni Carter si Madeline para itaboy ang isa pang babae. Ngunit sa gabing iyon, papakasalan niya ang babaeng gusto niyang itaboy. Nakakatawa ito para kay Cathy. Ngunit pagkatapos niyang maisip ang katayuan ni Carter, nakikita niya na mayroong lohikal na dahilan sa likod nito. "Malapit ka ba sa bride?" Simpleng tanong ni Cathy. "Hindi," sagot ni Shirley