Nang makita ito ni Cathy na nasa kusina, mabilis siyang tumakbo papunta sa sala. "Ayos ka lang ba?" Tinignan ni Cathy si Shirley nang may pag-aalala. Nang marinig ni Adam ang ingay, tumakbo siya pabalik sa bahay, binilisan ang kanyang mga hakbang, at pagkatapos ay nakita Shirley na nakaupo sa wheelchair nang hindi gumagalaw na para bang nawala siya sa kanyang sarili at bigla siyang nag-alala. Nang makalapit si Adam at napansin ang wedding invitation na nalaglag mula sa basurahan, kaagad niyang naintindihan kung bakit nagkaganito si Shirley. Nang hindi kumukurap, kumuha siya ng walis at winalis ang basura sa lapag, pati ang wedding invitation, papunta sa pandakot. "Tinapon mo ba to?" Tanong ni Shirley; napakalamig ng kanyang boses. Kalmadong nagtanong si Adam. "Hindi ko ba dapat itapon ang ganitong klase ng basura at sa halip ay itabi ito?" "Basura? Ibigay mo sa'kin yan," utos ni Shirley habang nakasara ang kanyang kamao. Hindi siya pinansin ni Adam at kaagad na tinapon
Hindi maiwasan nina Cathy at Adam na magsimpatya kay Shirley habang tinitiis niya ang sakit. "Dalawang araw mula ngayon, sasamahan mo ko sa hotel na to." Lumingon si Shirley kay Cathy at nakiusap. "Bibigyan kita ng malaking pabuya. Sa araw na yun, kailangan mong dumikit sa'kin. Gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko sa'yo." Nang marinig ito ni Adam, inisip niya na napakababaw nito. "Shirley, anong ibig mong sabihin? Dadalo ka ba sa kasal ni Carter? Gusto mo pang gawing bodyguard si Cathy?" Pinigilan ni Shirley ang mga luha niya. Tinaas niya ang kanyang namumula ngunit magagandang mata, nagpakita ng isang makahulugang ngiti, at tumingin kay Cathy, pagkatapos kay Adam. "Siya na ang nagsabi, di ba? May karapatan akong pumili, at pinili kong dumalo sa kasal. Wag mong sabihing hindi pwede yun?" "..." Sandaling nanahimik si Adam. Ngunit mabilis siyang nakabawi, "Sige, gusto mong pumunta, ha? Pumunta ka mag-isa. Hindi mo magiging katulong si Cathy." "Pwede niyang gawin ang kahit
Pagkatapos ni Madeline na linisin ang bahay at magpahinga, tinawagan niya lahat ng kaibigan niya sa F Country at tinanong sila ng impormasyon tungkol kay Fabian. Inisip ni Madeline na baka mahirapan siya dahil hindi masyadong kilala si Fabian kumpara kay Yorick at Lana sa F Country. Ngunit nang binanggit ni Madeline ang pangalan ni Fabian, hindi lang sila pamilyar sa pangalan, halos lahat pa sa kanila ang nagsalita nang may awa habang nagkukwento sila tungkol kay Fabian. "Ah, napakaaktibo ni Fabian sa F Country nitong nagdaang anim na buwan. Mukhang nagmula siya sa isang pamilya na may malakas na pinagmulan." "Fabian Johnson? Kilala ko siya. Ang kapatid niyang si Yorick ay masasabing isang taong may katayuan sa F Country. Pero hindi kagaya ni Fabian ang kapatid niya. Gusto ko ang batang yun.""Si Mr. Johnson ba ang tinutukoy mo? Noon, nakatrabaho ko siya sa isang proyekto. Napakadesidido niya at mayroon siyang kakayahan. Parang hindi siya isang dalawampung taong gulang na bina
"Fabian, pinipilit mo ba akong magtawag ng pulis?" Umikot si Madeline at tumingin sa kanya. "Gusto mo bang ipaalam ko sa mga pulis ang pagkidnap mo sa anak ko at pagbabanta sa kaligtasan niya?" Habang naglakad si Madeline papunta kay Fabian na nakatalikod sa kanya, ang kanyang matalim na titig ay nagpakita nang pagsisisi. "Fabian, hindi kaya gusto mong sundan ang mga yapak ng kuya at ate mo? Patuloy mo bang susubukan ang hangganan na hindi dapat sinusubukan?" Nang matapos magsalita si Madeline ay biglang humarap si Fabian. Tumingin siya nang diretso kay Madeline, at sa sandaling ito, wala na sa kanyang mga mata ang kabaitan at kamalumanayan na mayroon ito noon. Nakita ni Madeline ang isang kislap ng poot, galit, at pag-aalangan sa mga mata ni Fabian. Pag-aalangan. Nag-aalangan siya. Kumalma lang ang mga mata ni Fabian pagkatapos ng ilang segundo. Bahagyang umangat ang mga sulok ng kanyang labi para ngumiti nang malumanay. "Dahil lumipad ka papunta rito para lang hanapin
Mukhang nabigla si Madeline nang marinig niya ang sagot ni Fabian. "Anong ibig mong sabihin? Paanong makikinabang si Jeremy?" Mas lalong nalito si Madeline sa mga salita ni Fabian. Ininom ni Fabian and kape niya at biglang tumawa. "Sa madaling salita, ang taong pinakanakinabang sa huli ay ang tito ni Jeremy, si Felipe." "Ano?" Naguluhan si Madeline. "Fabian, pwede mo bang linawin ang sarili mo?" Bahagyang ngumiti ang mga labi ni Fabian habang nangungutya siyang nagsabi, "Si Jeremy ay isang high-level Interpol official. Noon, sumama lang siya kay Lana para mag-espiya sa kanya, tama ba?" "Kalahati lang ang nakuha mo," tinama siya ni Madeline; seryoso ang kanyang ekspresyon. "Isang Interpol official si Jeremy, pero ang dahilan kung bakit sumama siya kay Lana para mag-espiya sa kanya ay dahil tinangka akong patayin ni Lana noon sa pamamagitan ng pagpapasabog sa yate. Gusto niyang gamitin ang amnesia ni Jeremy para sa ilang iligal na negosyo, kaya nagpanggap lang si Jeremy."
Tinaas niya ang kanyang mga mata at tumingin. Hindi si Madeline ang nakita niya sa kanyang harapan kundi si Evan. "Kailan ka umupo rito?" Mukhang nalilito si Fabian. Inayos ni Evan ang kanyang makaluma at ginintuang salamin at tamad na sumandal sa sofa. "Umupo ako rito habang pinapanood mo ang babaeng iyon na umalis. Ano to? Mahilig ka ba sa mas matandang babae?" Pagkatapos marinig ang paliwanag na ito, nagsalubong ang kilay ni Fabian at diretso siyang sumagot, "Siya ang nanay ni Lily." Mayroong bahagyang pagbabago sa mga mata ni Evan nang marinig niya iyon. Pagkatapos ay tumingin siya sa direksyon kung saan umalis si Madeline. "Siya si Eveline?" Tumango si Fabian. Nag-isip-isip si Evan. "Iba nga talaga siya. Muntik ko na siyang mabunggo kanina, at kahit na sa distansya namin, naamoy ko pa rin ang pabango niya. Isang perfumer. Espesyal nga siya." Nang marinig iyon ni Fabian ay mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay at dumilim rin ang kanyang ekspresyon. Isang maga
Nakatingin sa mukha ni Evan ang maalam na titig ni Fabian. Ang candy sa kanyang bibig ay maasim at matamis, pero para bang hindi niya malasahan ang tamis, at isang hindi malamang pait ang nagmula sa kanyang lalamunan diretso sa kanyang puso. "Interesado akong malaman. Sasabihin kaya sa'kin ni Mr. Johnson ang kwento sa likod nito?"Puno ng interes si Evan. Sila ni Fabian ay maituturing na magkababata na lumaki nang magkasama. Mas matanda siya ng tatlong taon kaysa kay Fabian at magkakilala na sila simula noong mga bata pa sila. Binata na noon si Fabian at wala siyang pera o kapangyarihan. Syempre, isang mahirap na estudyante si Fabian habang ang pinagmulang pamilya ni Evan ay isa sa mayayaman at kilala sa F Country. Ngunit hindi ito naging hadlang para maging mabuti silang magkaibigan. Magkapareho sila ng ugali. Pareho silang mukhang mayaman at gwapo ngunit pilyo na mga young master. Sa kanilang banda, mas kilala si Evan sa pagiging pilyo sa grupo na ito. Pero, ibang-iba si
Patuloy na tumango ang katulong at kaagad na tumalikod at nagpunta sa kwarto ni Lillian. Sandaling nanatili si Fabian sa kanyang kinatatayuan bago bumaba ng hagdan na para bang kakaisip niya lang ng mga salitang gagamitin bilang sagot. Bumaba rin si Evan na nakasunod sa likuran ni Fabian. Nakatayo si Madeline sa sala at nang makita niya si Fabian na hindi nagmamadaling bumababa sa hagdan, lumapit siya sa kanya. "Nandito si Lillian, di ba?" Nang marinig niya iyon, kumunot ang noo ni Fabian at binalak na ipahayag ang sama ng loob niya. "Hindi mo siguro alam, Mrs. Whitman, pero pamamahay ko to. Mga kaibigan ko lang ang pinapapasok ko rito; hindi pwedeng pumasok ang ibang tao rito." Naiintindihan ni Madeline ang pinapahiwatig ni Fabian sa kanyang pahayag. Tinignan niya si Evan na nasa likuran ni Fabian at kaagad niyang naalala na siya ang lalaking muntik na aniyang mabunggo sa coffee shop kanina. Nang mapansin ni Evan ang tingin ni Madeline sa kanya, ngumiti siya at lumap