Pagkatapos ni Madeline na linisin ang bahay at magpahinga, tinawagan niya lahat ng kaibigan niya sa F Country at tinanong sila ng impormasyon tungkol kay Fabian. Inisip ni Madeline na baka mahirapan siya dahil hindi masyadong kilala si Fabian kumpara kay Yorick at Lana sa F Country. Ngunit nang binanggit ni Madeline ang pangalan ni Fabian, hindi lang sila pamilyar sa pangalan, halos lahat pa sa kanila ang nagsalita nang may awa habang nagkukwento sila tungkol kay Fabian. "Ah, napakaaktibo ni Fabian sa F Country nitong nagdaang anim na buwan. Mukhang nagmula siya sa isang pamilya na may malakas na pinagmulan." "Fabian Johnson? Kilala ko siya. Ang kapatid niyang si Yorick ay masasabing isang taong may katayuan sa F Country. Pero hindi kagaya ni Fabian ang kapatid niya. Gusto ko ang batang yun.""Si Mr. Johnson ba ang tinutukoy mo? Noon, nakatrabaho ko siya sa isang proyekto. Napakadesidido niya at mayroon siyang kakayahan. Parang hindi siya isang dalawampung taong gulang na bina
"Fabian, pinipilit mo ba akong magtawag ng pulis?" Umikot si Madeline at tumingin sa kanya. "Gusto mo bang ipaalam ko sa mga pulis ang pagkidnap mo sa anak ko at pagbabanta sa kaligtasan niya?" Habang naglakad si Madeline papunta kay Fabian na nakatalikod sa kanya, ang kanyang matalim na titig ay nagpakita nang pagsisisi. "Fabian, hindi kaya gusto mong sundan ang mga yapak ng kuya at ate mo? Patuloy mo bang susubukan ang hangganan na hindi dapat sinusubukan?" Nang matapos magsalita si Madeline ay biglang humarap si Fabian. Tumingin siya nang diretso kay Madeline, at sa sandaling ito, wala na sa kanyang mga mata ang kabaitan at kamalumanayan na mayroon ito noon. Nakita ni Madeline ang isang kislap ng poot, galit, at pag-aalangan sa mga mata ni Fabian. Pag-aalangan. Nag-aalangan siya. Kumalma lang ang mga mata ni Fabian pagkatapos ng ilang segundo. Bahagyang umangat ang mga sulok ng kanyang labi para ngumiti nang malumanay. "Dahil lumipad ka papunta rito para lang hanapin
Mukhang nabigla si Madeline nang marinig niya ang sagot ni Fabian. "Anong ibig mong sabihin? Paanong makikinabang si Jeremy?" Mas lalong nalito si Madeline sa mga salita ni Fabian. Ininom ni Fabian and kape niya at biglang tumawa. "Sa madaling salita, ang taong pinakanakinabang sa huli ay ang tito ni Jeremy, si Felipe." "Ano?" Naguluhan si Madeline. "Fabian, pwede mo bang linawin ang sarili mo?" Bahagyang ngumiti ang mga labi ni Fabian habang nangungutya siyang nagsabi, "Si Jeremy ay isang high-level Interpol official. Noon, sumama lang siya kay Lana para mag-espiya sa kanya, tama ba?" "Kalahati lang ang nakuha mo," tinama siya ni Madeline; seryoso ang kanyang ekspresyon. "Isang Interpol official si Jeremy, pero ang dahilan kung bakit sumama siya kay Lana para mag-espiya sa kanya ay dahil tinangka akong patayin ni Lana noon sa pamamagitan ng pagpapasabog sa yate. Gusto niyang gamitin ang amnesia ni Jeremy para sa ilang iligal na negosyo, kaya nagpanggap lang si Jeremy."
Tinaas niya ang kanyang mga mata at tumingin. Hindi si Madeline ang nakita niya sa kanyang harapan kundi si Evan. "Kailan ka umupo rito?" Mukhang nalilito si Fabian. Inayos ni Evan ang kanyang makaluma at ginintuang salamin at tamad na sumandal sa sofa. "Umupo ako rito habang pinapanood mo ang babaeng iyon na umalis. Ano to? Mahilig ka ba sa mas matandang babae?" Pagkatapos marinig ang paliwanag na ito, nagsalubong ang kilay ni Fabian at diretso siyang sumagot, "Siya ang nanay ni Lily." Mayroong bahagyang pagbabago sa mga mata ni Evan nang marinig niya iyon. Pagkatapos ay tumingin siya sa direksyon kung saan umalis si Madeline. "Siya si Eveline?" Tumango si Fabian. Nag-isip-isip si Evan. "Iba nga talaga siya. Muntik ko na siyang mabunggo kanina, at kahit na sa distansya namin, naamoy ko pa rin ang pabango niya. Isang perfumer. Espesyal nga siya." Nang marinig iyon ni Fabian ay mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay at dumilim rin ang kanyang ekspresyon. Isang maga
Nakatingin sa mukha ni Evan ang maalam na titig ni Fabian. Ang candy sa kanyang bibig ay maasim at matamis, pero para bang hindi niya malasahan ang tamis, at isang hindi malamang pait ang nagmula sa kanyang lalamunan diretso sa kanyang puso. "Interesado akong malaman. Sasabihin kaya sa'kin ni Mr. Johnson ang kwento sa likod nito?"Puno ng interes si Evan. Sila ni Fabian ay maituturing na magkababata na lumaki nang magkasama. Mas matanda siya ng tatlong taon kaysa kay Fabian at magkakilala na sila simula noong mga bata pa sila. Binata na noon si Fabian at wala siyang pera o kapangyarihan. Syempre, isang mahirap na estudyante si Fabian habang ang pinagmulang pamilya ni Evan ay isa sa mayayaman at kilala sa F Country. Ngunit hindi ito naging hadlang para maging mabuti silang magkaibigan. Magkapareho sila ng ugali. Pareho silang mukhang mayaman at gwapo ngunit pilyo na mga young master. Sa kanilang banda, mas kilala si Evan sa pagiging pilyo sa grupo na ito. Pero, ibang-iba si
Patuloy na tumango ang katulong at kaagad na tumalikod at nagpunta sa kwarto ni Lillian. Sandaling nanatili si Fabian sa kanyang kinatatayuan bago bumaba ng hagdan na para bang kakaisip niya lang ng mga salitang gagamitin bilang sagot. Bumaba rin si Evan na nakasunod sa likuran ni Fabian. Nakatayo si Madeline sa sala at nang makita niya si Fabian na hindi nagmamadaling bumababa sa hagdan, lumapit siya sa kanya. "Nandito si Lillian, di ba?" Nang marinig niya iyon, kumunot ang noo ni Fabian at binalak na ipahayag ang sama ng loob niya. "Hindi mo siguro alam, Mrs. Whitman, pero pamamahay ko to. Mga kaibigan ko lang ang pinapapasok ko rito; hindi pwedeng pumasok ang ibang tao rito." Naiintindihan ni Madeline ang pinapahiwatig ni Fabian sa kanyang pahayag. Tinignan niya si Evan na nasa likuran ni Fabian at kaagad niyang naalala na siya ang lalaking muntik na aniyang mabunggo sa coffee shop kanina. Nang mapansin ni Evan ang tingin ni Madeline sa kanya, ngumiti siya at lumap
Tumayo si Evan at nagtanong. Pakiramdam niya ay hindi mabuti ang kalagayan ni Madeline. Nang marinig iyon ni Fabian, doon niya lang napansin na parang namumutla si Madeline. Kahit ang kanyang noo ay pinagpapawisan nang malamig. Unti-unting napansin ni Madeline na gumana na naman ang lason sa kanyang katawan. Sinabi ni Shirley noon na malapit nang gumana ang fourth stage. Nang maisip niya ito, sinubukan ni Madeline ang lahat para pigilang mangyari ang ganitong klase ng sitwasyon dahil hindi siya pwedeng maging mahina sa sandaling ito, pero hindi niya malabanan ang lason na gumagana na. Kahit na ganoon, hindi hinayaan ni Madeline na bumagsak. Hinigpitan niya ang kanyang mga kamao at patuloy na tinitigan ang mga mata ni Fabian. "Fabian, nagpunta ako rito para ibalik si Lillian sa'min. Kung hindi mo gustong ibigay si Lillian sa'kin, gagamitin ko ang huling paraan ko." Tinignan ni Fabian ang namumutlang mukha ni Madeline at naguguluhan. "Sa kondisyon mo ngayon, sa tingin mo ka
Ngunit nang maaabutan na nila si Madeline, hindi nila inasahan na biglang matutumba sa harapan ng kotse ang tumatakbong si Madeline. "Eveline?!"Sumugod si Fabian sa tabi ni Madeline. Habang sinuportahan niya sa balikat si Madeline, napansin niya na nawalan na nang malay si Madeline at hinimatay. Lumapit sa kanila si Evan at mabilis na nilagay ang kanyang mga daliri sa pulso ni Madeline at sinuri ito. Pagkatapos ay kumunot ang noo ni Evan. "Fab, mukhang kahina-hinala ang kondisyon ni Eveline. Dalhin mo siya sa isang kwarto ngayon din!" Napansin rin ni Fabian na mukhang delikado ang kondisyon ni Madeline at dinala niya si Madeline sa guest room. Nang isang pader lang ang pagitan, nilagyan sina Madeline at Lillian sa dalawang kwarto. Pagkatapos niyang dalhin si Madeline sa kama, pinasuri ulit ni Fabian si Madeline kay Evan. Kahit na isang pediatrician si Evan, magaling pa rin siya sa basic medical checkup procedures. Ngunit sa sandaling iyon, hindi niya matukoy ang probl