Pagkatapos niyang matanggap ang tawag, hindi nagdalawang-isip na pinihit ni Fabian ang manibela at mabilis na nagmaneho pabalik ng ospital. Nilagay ni Evan si Madeline sa pinakamagagandang VIP ward, pero sa sandaling iyon, nakatayo siya sa pintuan ng ward, hindi siya nagtangkang pumasok at guluhin si Madeline. Nang makita niya si Fabian na sumusugod mula sa kabilang dulo ng pasilyo, tinuro ni Evan ang ward nang may nag-aalalang mukha. "Pumasok ka at ikaw mismo ang tumingin. Parang kakaiba talaga siya." Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Evan, tumingin si Fabian sa maliit na bintana sa pinto at nakita niya si Madeline sa loob ng ward. Yakap niya ang dalawang binti niya at nakabaluktot sa isang sulok, mukhang takot na takot ang kanyang ekspresyon. Kumunot ang noo ni Fabian, sabay binuksan niya ang pinto ng ward para pumasok. Narinig ni Madeline ang tunog at biglang tinaas ang kanyang mukha para tignan siya. Pumasok ang sinag ng araw mula sa bintana at lumapag sa likod
Sandaling nagdalawang-isip si Fabian bago tumalikod. Ang dalawang matatangkad na lalaki ay nakatayo sa pinto ng ward. Paminsan-minsan, sumisilip sila sa loob ng ward. Nakita nila si Madeline na namamaluktot pa rin sa kama, nakapikit, at nakakunot ng noo. Nag-alala sila rito. "Fab, hindi ba maganda ang relasyon nina Eveline at ng asawa niya? Bakit siya magsasalita ng ganyan?" Binanggit ni Evan ang kanyang pagdududa habang nagsimula siyang mag-analisa. "At saka, kakaiba ang sintomas na pinakita niya. Kanina lang, isa siyang determinadong babae, sa sumunod na segundo, naging isa siyang natatakot na babae. Wala naman siguro siyang Dissociative Identity Disorder, ano?" Nauwi si Evan sa isang malabong konklusyon. Kumunot ang noo ni Fabian nang marinig niya ito. "Dissociative Identity Disorder?"Malalim rin ang iniisip ni Fabian, pero pakiramdam niya ay mataas ang posibilidad ng sinabi ni Evan. Iyon ay dahil kapag pinagkumpara nila ang dalawang bersyon ni Madeline, mukha t
Sa Glendale.Sa sandaling ito, sinasamahan ni Jeremy ang kanyang bunsong anak na nag-aaral na maglakad nang bigla lang, nakatanggap siya ng tawag mula kay Fabian. Hindi siya nagkamali ng tingin dahil malinaw sa kanyang phone screen ang pangalan ni Fabian. Matagal nang naka-block ang numero niya kay Fabian. Kinabahan si Jeremy sa biglaang pagtawag ni Fabian ngayon. Kanina pa niya ito naramdaman dahil noong tinawagan niya si Madeline at walang sumagot sa kanyang mga tawag. Sa ngayon, si Fabian ang kusang tumawag sa kanya. Sigurado si Jeremy na mayroong nangyari kay Madeline. Sinagot ni Jeremy ang tawag nang walang pag-aalinlangan at kaagad niyang narinig ang malalim na boses ni Fabian mula sa kabilang linya. "May sakit ba ang asawa mo?" Nang marinig ito ni Jeremy ay naisip niya ang lason sa katawan ni Madeline. 'Gumana na siguro ang fourth stage ng lason!" "Fabian, anong nangyari kay Linnie? Sabihin mo sa'kin, dali!" Tinanong ni Jeremy si Fabian. Nang hindi niya napap
Binaba ni Fabian ang tawag at kaagad na tinawagan si Evan. "Tignan mo kung mayroong bote ng anti-toxoid test reagent kay Madeline. Kung meron, iturok mo sa kanya kaagad. Isa kang doktor kaya maliit na bagay lang sa'yo ang injection. Dali." Kaagad na binaba ni Fabian ang tawag, hindi niya binigyan si Evan ng pagkakataon na tanggihan siya. Natural, bilang isang doktor, hindi tatanggihan ni Evan ang ganitong pabor. Ngunit, tinignan niya si Madeline na tinurukan ng pampakalma at hindi niya mapigilang magduda. 'Tama ba tong gagawin ko?' Ngunit, trabaho ng isang doktor ang magligtas ng buhay. Isa ka mang pediatrician o iba pang klase ng espesyalista, iisa sila ng responsibilidad. Tinanggal niya ang kumot at naghanap sa damit ni Madeline, pero hindi niya nahanap ang anti-toxoid test reagent na sinasabi ni Fabian. Mabilis niyang tinawagan si Fabian na papunta na sa ospital. Pagkarating niya sa ospital, naghanap nang maigi si Fabian sa lahat ng bulsa sa damit ni Madeline. Wala
Tumingin si Jeremy sa maliit na bintana na nasa pinto ng kwarto. Tumingin siya sa loob ng kwarto at nakita niya ang payat na likod ni Madeline. Nakaramdam si Jeremy ng kirot sa kanyang puso at kaagad na binuksan ng pinto ng kwarto. "Payo ko lang." Narinig ang boses ni Fabian mula sa likuran ni Jeremy. "Baka sobra siyang kinakabahan, at baka rin hindi ka niya makilala. Mas mabuti kung ihanda mo ang isipan mo." Pagkatapos marinig ang payo raw ni Fabian, marahang sinara ni Jeremy ang pinto. Tinignan niya si Madeline na nakayakap sa kanyang binti at nakayuko sa dulo ng kama habang dahan-dahan siyang lumapit sa kanya. "Hindi ako yun. Hindi ko talaga ginawa ang ganung bagay. Jeremy, bakit di ka naniniwala sa'kin…" Nang papalapit na si Jeremy sa kanya, bigla niyang narinig si Madeline na bumulong. Ang mga salitang sinabi ni Madeline ay parang isang matalim na espadang tumusok diretso sa kanyang puso. Ang kanyang papalapit na yabag ay biglang huminto nang kusa habang nari
Lumayas ka na rito ngayon din. Bumalik ka at sabihin mo kay Meredith na kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang gawin niya ang gusto niya!" Tumanggi si Madeline nang nagmamatigas at mapwersa. Iniunat niyang muli ang mga kamay niya para itaboy si Jeremy. "Lumayas ka." Natural lang na hindi aalis si Jeremy. Lumapit siya kay Madeline at hinawakan ang kanyang kamay na nakaturo sa pintuan. Sa sumunod na segundo, niyakap niya siya nang mahigpit. "Linnie, hindi ako aalis. Gusto kitang samahan." Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Madeline sa biglaang yakap. Ginamit niya ang buo niyang lakas para kumawala sa yakap ni Jeremy ngunit hindi siya nagtagumpay. "Ginagaya mo pa rin si Jeremy! Bitiwan mo na ko! Bitiwan mo ko!"Sa harap ng panlalaban ni Madeline, tahimik na tiniis ni Jeremy ang sakit at nagpatuloy pakalmahin siya nang marahan. "Linnie, ako si Jeremy. Ako talaga si Jeremy. Kasalanan ko to. Alam kong mali ang ginawa ko." Patuloy na humingi ng tawad si Jeremy pero nagwa
Huninto ang mga yabag ni Fabian, pero hindi siya humarap. Habang narinig niyang papalapit ang mga yabag ni Jeremy, kalmado siyang nanatili sa kanyang kinatatayuan. "Fabian, hindi mo ba talaga nahanap ang anti-toxoid test reagent kay Linnie?" "Anong pinapahiwatig mo, Mr. Whitman? Inaakusahan mo ba ako na sinadya kong hindi iligtas ang asawa mo?" Tanong ni Fabian nang may maliit na ngiti. "Gusto ko lang malaman kung naghanap ka nang maigi." Hindi balak makipagtalo ni Jeremy kay Fabian. Ang gusto niya lang ngayon ay mahanap ang anti-toxoid na magpapagaan sa kondisyon ni Madeline. Nahirapan siyang 'manakaw' ang bote ng anti-toxoid test reagent mula kay Carter. Sa kasalukuyang sitwasyon, ang bote na iyon ang natatanging bagay na makakatulong kay Madeline. "Kinalkal na namin ng kaibigan ko ang lahat ng bulsa niya at mga lugar na pwede niyang pagtaguan ng gamit, pero hindi namin nahanap ang anti-toxoid test reagent na sinasabi mo," pasensyosong sumagot si Fabian. "Paanong nang
Pakiramdam niya ay nakita na niya ang lalaking ito noon. 'Isa rin kayang doktor ang lalaking ito?' Bumalik si Jeremy sa kwarto ng ospital kung saan mahimbing na natutulog si Madeline. Nang makita niya kung gaano siya kaputla, bumuntong hininga si Jeremy habang nagsisisi. 'Linnie, kung hindi ko sana nagawa sa'yo ang ganitong bangungot, hindi ka siguro magdurusa nang ganito kasakit sa pag-epekto ng lason. 'Ako ang dahilan ng paghihirap mo.' Yumuko si Jeremy para halikan ang pagitan ng mga kilay ni Madeline, pagkatapos ay kinapa ang kanyang mga bulsa at jacket. Wala nga roon ang anti-toxoid test reagent. Mula sa reaksyon ni Fabian, mukhang hindi nagsisinungaling ang lalaki. 'Nasaan kaya ang anti-toxoid test reagent?' Pinag-isipan ito ni Jeremy, pagkatapos bigla siyang tumingin sa paligid ng kwarto. 'Sa bag niya.' Wala rito ang bag at phone ni Madeline. Kaagad siyang tumalikod at kinuha ang kanyang phone para tawagan si Fabian habang nagpunta siya sa direksyon kung