“Jeremy, ikaw nanaman! Ano pa bang gusto mo?” Nanlalaban pa rin si Madeline ng buong lakas nito. Diniinan ni Jeremy ang balikat ni Madeline. Ang malalalim na mga mata nito ay diretsong nakatingin sa mga magandang mata ni Madeline na puno ng pandidiri. “Linnie, pakiusap paniwalaan mo ako kahit na anong mangyari. Hindi kita sasaktan.”“Hindi mo ako sasaktan?” Malamig na tumawa si Madeline at nagtanong. “Mukhang nakalimutan mo na kung paano mo ako trinato noon, pero hindi ko makakalimutan ang mga iyon!” Pagkatapos itong sabihin ni Madeline, pakiramdam ni Jeremy ay parang hiniwa ng kutsilyo ang kanyang puso.Ang tumakot kay Jeremy ay nung sinabi ito ni Madeline, puno ng matinding galit ang mga mata nito. Ang lebel ng galit nito ay para bang kahapon lang nung nasaktan niya ito na naging dahilan para magdugo ito at umiyak. Hindi na ito pangkaraniwan. Lalo naging sigurado si Jeremy na nahipnotismo si Madeline. Kung hindi, kung normal si Madeline, hindi niya sasabihin ang mga ba
“Hindi ako susunod sayo.” Pumalag si Madeline. Pero, pagkatapos niyang sabihin ang kanyang pagpoprotesta, lumabas ng bahay si Adam. Nang makita niya sila Madeline at Jeremy, nagulat siya. Pero, ang ikinagulat niya ay nung nakita niya na tinalian ni Jeremy si Madeline sa kamay gamit ng kurbata. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Jeremy. Tinignan niya si Madeline. Hindi niya mahanap ang malumanay at palakaibigan nitong ngiti sa maganda nitong mukha. Ngayon, malamig na ekspresyon lang ang nakikita niya mula dito. “Nandito na ba sila?” Lumabas din si Cathy. Nang marinig ni Madeline ang boses ni Cathy, inangat nito ang kanyang mga mata para tignan ito. “Evie.” Ngumiti si Cathy at binati si Madeline. Nagsalubong ang magandang kilay ni Madeline. Pagkatapos, bakas ang pagkagulat sa mga mata nito. “Ikaw ba yan… Cathy?” “Linnie, kilala mo ba si Cathy?” Nagulat si Jeremy. Hindi pinansin ni Madeline si Jeremy at humakbang papalapit kay Cathy. “Ikaw ba yan Cathy?”“Oo, a
Hindi kilala ni Adam si Carter, at hindi pa niya nakikita ito.Pero, kung pagbabasehan ang poot na ipinapakita ni Jeremy, may ideya na siya sa kung ano ang nangyayari. “Sir, sino po sila? Bakit kayo pumasok ng walang pahintulot sa loob ng aking bahay?” Magalang na tanong ni Adam. Dahan dahan na pinagpagan ni Carter ang kanyang mga mangas bago ngumiti. Sainbi nito sa elegante at magalang na paraan. “Paumanhin, naparito ako para inuwi na ang aking asawa. Kanina lang, pumasok siya sa bahay na ito. Ngayon, kasama niya ang babaeng nagngangalang Cathy.” Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Carter, bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Adam. Sa kabilang banda, kanina pa masama ang tingin ni Jeremy. “Carter, meron ka bang nilagay na tracking device kay Linnie? Kung wala, paano mo nalalaman ang eksaktong kinaroroonan ni Linnie at kung ano ang ginagawa niya ngayon?” Kalmadong itinaas ni Carter ang kanyang mga mata para tignan si Jeremy. Nandoon pa rin ang makahulugan niyang ngiti.
Mahigpit na hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Carter. Tinignan niya si Madeline na natutulog ng tahimik sa may upuan bago nilipat ang tingin kay Cathy. Dahan dahan na tumayo si Cathy at napatingin na lang sa mga mata ni Jeremy dahil sa wala siyang magawa.Dahan dahan siyang umiling. Ang kawalang lakas sa kanyang mga mata ay nagdulot kay Jeremy na makaramdam ng pagkadismaya at inis.Hindi niya ba kayang sirain ang hipnotismo?Habang buhay na bang kontrolado ni Carter si Madeline?Natuwa si Carter sa ipinakitang ekspresyon ni Cathy.Ngumiti siya. “Jeremy, walang kwenta ang pagpigil mo sa akin pwera na lang kung gusto mong matulog ng habang buhay ang babaeng pinakamamahal mo.”Pagkatapos itong sabihin ni Carter, tinignan niya ang kamay ni Jeremy na nakahawak sa kanyang braso. “Tanging ako lang ang makakatanggal ng hipnotismo, at ako lang ang makakapanumbalik sa kanya sa dati, nauunawaan mo ba?”Pagkatapos niyang sabihin ito, nagsalubong ang kilay ni Jeremy. Kailangan niyang
“Siya yun!” Naglakad si Cathy papunta sa bintana. Madilim na ang kalangitan sa labas. Hindi na niya makita ng malinaw ang mukha ni Carter, pero medyo nakikita niya ang itsura nito. “Cathy, kilala mo ba si Carter Gray?” Naglakad si Jeremy at nagtatakang nagtanong. “Carter Gray?” Inulit ni Cathy ang pangalan na ito. Bakas ng pagkabahala at kaba ang mukha nito. “Siya nga yun kung ganun.” “Kilala mo ba siya talaga?’ “Oo, pero hindi ko alam kung kilala niya ba ako o hindi,” paliwanag ni Cathy. Naalala niya noong nag-aaral pa lang siya ng hipnotismo noong nasa ibang bansa siya. “Noong nag-aaral ako ng hipnotismo sa St. Piaf, nagpapakita sa amin si Carter bawat linggo para turuan kami ng hipnotismo.”Nung narinig ito ni Jeremy, nagulat siya. Tinignan ni Cathy ang kotse na paalis sa labas ng bintana at lumingon sa paligid para bumalik sa loob ng kanyang silid. “Noon, ang tawag namin kay Carter ay Professor Gray bilang paggalang. Sikat siya sa St. Piaf Academy. Bukod sa makisig s
Ang totoo, matagal na niyang alam. Ang lalakeng naninirahan sa malalim na bahagi ng puso ni Cathy ay si Felipe. Kahit na nasaktan siya nito ng husto at walang pusong tinutukan siya ng baril sa puso nito. Ang tunay na pag-ibig ay palaging puno ng hindi mawaring mga bagay. Hindi nito alintana ang mawawala at makukuha ng bawat isa, at hindi nito mamasamain kung makuha mo ang inaasam mo o hindi. “Dahil sa nakapagdesisyon ka na na hindi muling lilingon pa at baka malapit ng magwakas ang buhay niya, kung gayon ay mas mainam na sabihin mo sa kanya ang totoo.” Nilapitan ni Jeremy si Cathy. “Magpakita ka sa kanya at personal kang magpaalam. Ang tanging magagawa mo na lang ay ang ipaalam sa kanya na may mga anak siya.” Pagkatapos itong sabihin ni Jeremy, lumingon ito at umalis. Nanatiling nakatayo si Cathy sa kanyang kinatatayuan habang wala sa kanyang sarili. Tumingala siya para tignan ang malamig na kalangitan sa gabi na puno ng mga bituin sa labas ng bintana. Kasing dilim ng inta
Kakatapak pa lang ni Madeline sa may eroplano nang bigla siyang tumigil pagkatapos.“Linnie!”Patuloy na sinigaw ni Jeremy ang pangalan ni Madeline. “Linnie, huwag kang sumama sa kanya!” Binaba ni Carter ang kanyang tingin para pagmasdan si Madeline na katabi niya. Lumingon siya at ginamit ang kanto ng kanyang mga mata para tignan si Jeremy na tumatakbo papunta sa kanila. “Huwag mo nang aksayahin pa ang iyong oras sa mga hindi mahalagang tao. Umalis na tayo,” sabi ni Carter kay Madeline, at kasabay nun, nagmadali siya.Gusto sanang lumingon ni Madeline para tignan si Jeremy, pero nang marinig niya ang sinabi ni Carter, nagdesisyon siya na sundan si Carter sa eroplano. Nang makita ni Jeremy na hindi siya nilingon ni Madeline, pakiramdam niya ay lumubog sa kawalan ang kanyang puso. Pero, hindi pa rin siya sumuko. Nilakihan niya ang kanyang mga hakbang at hinabol sila. Pero, nang malapit na siya kay Madeline, sumara na ang pinto ng eroplano ng mahigpit at ng may malakas na tu
“Oo, yung gwapong mama. Dinala ko kayo dito para makita niyo yung gwapong mama na yun nagayon.”“Bakit natin siya dadalawin?” Bakas pa din ang kainosentehan sa mukha ng batang lalake. Ngumiti si Cathy at hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin.Tama, bakit nga ba sila pumunta dito para bisitahin siya?Para ba hindi ito mamatay ng may pinagsisisihan?Nang maisip niya ito, pakiramdam ni Cathy ay sinaksak ang kanyang puso ng mga karayom. Sa muli, sumakit ang kanyang puso.Nang marinig ni Felipe na may bumisita sa kanya, akala niya ay si Jeremy ito. Gusto niya sanang pakiusapan si Jeremy na dalhin ang isang mensahe para sa old master, pero nung pumunta siya sa conjugal room, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. “Cathy?”Ang kanyang mga mata ay napuno ng pagkamangha. Hindi nito maitago ang supresa na umaapaw sa kanyang mga mata. Walang pakeng tinitigan ni Cathy ang lalakeng puno ng saya ang mukha. Mukha itong madungis para sa kanya, at ang mga magandang itim na mata ni