Hindi inasahan ni Madeline na aarestuhin ng mga pulis si Jeremy sa sandaling ito. Nang nasa braso na ni Jeremy ang posas, naramdaman niyang nagdidilim ang kanyang paningin. Di man lang sumimangot si Jeremy. Gamit ng ilang suporta, tumalon siya sa ibabaw ng rehas at bumalik sa bubong. Nang makita ng media si Jeremy na pabalik, sinimulan nilang itutok sa kanya ang mga camera nila habang kumukuha ng larawan. Ang young master ng pinakamayamang pamilya sa Glendale ay inaaresto sa salang pagpatay. Ang eksena ng pag-aresto ay siguradong magiging viral. Tinignan ni Jeremy ang nakasimangot na Madeline at di nagsalita. Sa halip, tinitigan lang niya ito nang maigi. Nang magkatitigan sila, natutukoy ni Madeline kung anong gustong sabihin ni Jeremy sa kanya. "Mr. Whitman, sumama ka sa amin. Malalaman natin ito kung talagang inosente ka ba. Retreat!" Sinabi ng pulis nang dalhin nila si Jeremy pabalik ng estasyon. Ayaw nang tumakas pa ni Jeremy, ngunit bago siya tumalikod, tinignan
Ngumiti si Madeline sa tuwa at tinignan si Ryan sa tabu niya. "Rye, tara na." Tinignan ni Ryan si Madeline nang may paghanga. Tapos itinaas niya ang kanyang kamay sa harap ng lahat at ipinatong ang kanyang kamay sa balikat ni Madeline. Syempre para ito inisin si Jeremy. Higit pa rito, nginitian niya pa si Jeremy nang palihim bago umalis nang kampante habang hawak si Madeline. Kaagad na kumalat ang pag-aresto kay Jeremy matapos iligtas ang kanyang anak. Nalaman din ng lahat ang walang pusong sinabi ni Madeline kay Jeremy sa bubong bago umalis kasama ni Ryan. Ngunit wala siyang pakialam sa mga pang-aapi sa internet. Matapos bumalik sa bahay kasama ni Ryan, gusto niyang humanap ng pagkakataong itabi ang suit ni Ryan na may bakas ng usok. Ngunit di binigyan ni Ryan ng pagkakataon si Madeline. Sinamahan siya nito sa lahat ng oras at binuksan pa ang telebisyon sa sala para panoorin ang pag-aresto kay Jeremy. "Hindi ko inakalang ibubuwis ni Jeremy ang lahat para sa kanyang asa
Parang tumigil ang oras nang isang segundo sa sandaling nabanggit ng batang babae ang salitang iyon. Sabay na nabigla si Madeline at Jeremy. Di nila mapaniwalaan ang naririnig nila sa sandaling ito. Nagtaka pa si Jeremy kung nag-iilusyon ba siya. Tinawag ba siyang 'Daddy' ng munting prinsesa niya? Ngunit nagtataka si Lilian. Sa sandaling ito, ang nakita niya ay ang tatay niya na di siya pinapansin. Ang malalaki niyang mata ay tumingin sa nakahintong Jeremy habang gumagalae ang pilikmata niya. Tapos isang bakas ng lungkot ang lumitaw sa kanyang mata. "Daddy," Ibinuka ni Lilian ang kanyang bibig at muli siyang tinawag. Ang parang bata at malakas na 'Daddy' ay pumasok sa tainga ni Jeremy nang malinaw. Sa sandaling iyon, sigurado siya na di siya nagkamali ng dinig. Di ito isang ilusyon. Biglang umupo si Jeremy at tinignan ang maliit na mukhang manikang mukha sa harapan niya. Ang mata niya ay puno ng luha. "Lily." Itinaas niya ang kanyang nakaposas na kamay at marahang h
Walang magawa si Madeline. Baka si Jeremy na lang ang makakapagpagaling sa anak nila ngayon. Pagkatapos niyang ihatid si Lilian pabalik sa Whitman Manor, kaagad siyang bumalik sa bahay ni Ryan. Wala roon si Ryan kaya nagpunta si Madeline sa kwarto dahil gusto niyang kunin ang suit mula sa aparador. Iyon ang pinakamalaking ebidensya para patunayan na si Ryan ang pumatay kay Lana. Binuksan ni Madeline ang pinto ng aparador, pero wala na itong laman. Kinuha kaya ni Ryan ang mga damit niya bago pa niya ito magawa? Hindi natuwa si Madeline, sabay mabilis siyang nagsimulang hanapin ito. Pagkatapos niyang magtingin sa paligid ay wala siyang mahanap. Gusto niyang bumalik sa cloakroom, pero sa sandaling makahakbang siya palabas ng kwarto, nakabungguan niya si Ryan na bilang umakyat. Nang makita niya ang nagmamadaling ekspresyon ni Madeline, sumilip si Ryan sa kwarto. "Anong problema? Parang may hinahanap ka?" "Nawawala ang rose badge na ginawa para sa'kin ng anak ko," kalmad
Sabi ni Ryan habang dahan-dahan siyang lumapit sa mukha ni Madeline. Mayroong malakas na pang-angkin sa kanyang kulay abong mga mata. Lumapag ang kanyang mahahaba at maninipis na mga daliri sa butones ng kwelyo ng damit ni Madeline at binuksan niya ito. Kalmadong tinaas ni Madeline ang kanyang kamay at malamig na tinginan si Ryan bago itinulak papalayo ang kanyang kamay nang may mahigpit na hawak. Wala siyang sinabi bago tumayo at naglakad paakyat ng hagdan. Nanlulumong binawi ni Ryan ang kanyang kamay. Habang nakatingin siya sa eleganteng likod ni Madeline, mas lalong tumindi ang pagpapahalaga at paghanga sa kanyang mga mata. Pagkabalik ni Madeline sa kanyang kwarto, mabilis siyang naligo at pinalitan ang damit na nahawakan ni Ryan. Paglabas niya ng banyo, gusto ulit hanapin ni Madeline ang suit. Nang madaanan niya ang study, marinig niya ang mahinang boses ni Ryan na nagmula sa loob. "Mr. Thomas, ito na ang pinakaresonableng presyo." 'Presyo?'Tungkol ba to sa nego
Base sa sinabi ni Ryan ngayon lang, sigurado si Madeline. "Ganun na nga. Baka si Yorick ay isa lamang puppet ng taong to…" "Sinong tinatawagan mo?" Napahinto si Madeline sa biglaang paglitaw ni Ryan. Hawak niya ang phone habang nakatingin sa lalaki na naglalakad papunta sa kanya at kalmadong nagpatuloy, "Isasama ko si Lily para makita ka sa susunod. May kailangan akong asikasuhin ngayon kaya ibababa ko na ang tawag." Natapos itong sabihin ni Madeline nang kalmado at ibinaba ang phone. Nang makita niya ang mapang-usisang tingin ni Ryan ay kalmado siyang nagpaliwanag, "Si Fabian yun. Gustong-gusto niya si Lily kaya tinawagan niya ako para kumustahin siya." Tumango si Ryan at hindi na nagtanong pa. Hindi alam ni Madeline kung pinagdududahan siya ng lalaking ito, pero nagsimula na siyang pagdudahan ang pagkatao ni Ryan. Mukhang naiintindihan na niya kung bakit gustong patayin ni Ryan si Jeremy. Mukhang walang kapantay at malumanay ang lalaking ito, pero ang kanyang lihi
Tinignan ni Madeline sa gulat ang lalaki na tumatakbo papunta sa kanya. Sa sandaling ginalaw niya ang kanyang mga labi, marahang tinakpan ng lalaki ang kanyang bibig. Hinawakan ng lalaki ang kanyang manipis na baywang at mabilis siyang dinala palayo. Nagmamadaling lumabas sina Ryan at ang isang maputing lalaki mula sa likod ng pader. Sinundan sila ng mga tauhan nila at kumuha ng flashlight para liwanagan ang lapag. Doon ay nakita nila ang isang ligaw na pusa na nakayuko habang inapakan nito ang plastik na bote ng tubig at nginiyawan sila. "Mr. Thomas, isa lang itong pusa." Humakbang paharap ang kanyang mga tao at sinipa paalis and kuting. Tumingin ang lalaki sa paligid bago nilingon muli si Ryan. Nakatayo si Madeline sa likod ng puno at nakita niya ang nangyari ngayon lang. Maswerte siya na biglang lumitaw ang kuting at nilutasan ang kanyang problema. Ngunit sinipa ang kuting nang dahil sa kanya at naawa si Madeline. "Alam ko ang naiisip mo. Pwede mong dalhin ang kut
Tinaas niya ang kanyang ulo at tinignan si Ryan nang may blangkong ekspresyon. Pagkatapos, unti-unting namula ang kanyang mga mata. "Kung talagang sesentensyahan siya, pwede ba ibigay mo muna sa'kin nang regeant? Ayaw ko siyang mamatay nang nasa katawan pa niya ang lason."!Nagmamakaawa si Madeline sa kanyang gamit ng kanyang mga mata. Tahimik na tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Tinignan ni Ryan ang mga luha ni Madeline, kumunot ang kanyang noo. "Ryan, kung hindi mo tutulungan si Jeremy na hanapin ang tunay na salarin at hindi mo ibibigay sa'kin ang regeant, mukhang nawalan na ako ng dahilan na manatili pa rito." Pagkatapos niyang magsalita, naluluha siyang tumayo para umalis. Ngunit bago siya makalayo, narinig ang boses ni Ryan mula sa kanyang likuran. "Kapag nasentensyahan si Jeremy ng kamatayan, ibibigay ko sa'yo ang regeant." Mukhang medyo nag-aalangan si Ryan pero sa wakas ay pumayag siya. Huminto si Madeline sa kanyang paglalakad. Nakaharap siya sa pin