Share

Kabanata 1226

Nang magising si Madeline kinabukasan, nakita niya si Ryan sa tabi ng kama niya.

Tumingin siya nang nag-iingat sa tusong lalaki at di nagsalita.

Sa kabilang banda, tinignan ni Ryan nang diretso si Madeline nang may maliit na ngiti.

"Dumugo ka nang husto. Nagdala ako ng sabaw para manumbalik ang lakas mo. Higupin mo ito matapos mong maglinis."

Tinignan ni Madeline ang sabaw sa nightstand at tumungo sa banyo.

"Eveline, sinaktan ka nang sobra ni Jeremy noon. Bakit mahal na mahal mo pa rin siya?" Narinig ang nagtatakang boses ni Ryan mula sa labas ng banyo.

Di siya sinagot ni Madeline. Binuksan lang niya ang pinto matapos niyang maligo.

Nakatayo si Ryan sa tapat ng pinto. Sa sandaling ito, mukha siyang maamo at masigla. Di siya maihahalintulad sa isang malupit na mamamatay-tao.

Tinignan ni Madeline sa mata si Ryan. "Kailangan mo ba ng dahilan para mahalin ang isang tao?" Tinanong niya ito pabalik at umupo sa kama.

Lumapit si Ryan para buksan ang thermos para kay Madeline.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status