Nang magising si Madeline kinabukasan, nakita niya si Ryan sa tabi ng kama niya. Tumingin siya nang nag-iingat sa tusong lalaki at di nagsalita. Sa kabilang banda, tinignan ni Ryan nang diretso si Madeline nang may maliit na ngiti. "Dumugo ka nang husto. Nagdala ako ng sabaw para manumbalik ang lakas mo. Higupin mo ito matapos mong maglinis." Tinignan ni Madeline ang sabaw sa nightstand at tumungo sa banyo. "Eveline, sinaktan ka nang sobra ni Jeremy noon. Bakit mahal na mahal mo pa rin siya?" Narinig ang nagtatakang boses ni Ryan mula sa labas ng banyo. Di siya sinagot ni Madeline. Binuksan lang niya ang pinto matapos niyang maligo. Nakatayo si Ryan sa tapat ng pinto. Sa sandaling ito, mukha siyang maamo at masigla. Di siya maihahalintulad sa isang malupit na mamamatay-tao. Tinignan ni Madeline sa mata si Ryan. "Kailangan mo ba ng dahilan para mahalin ang isang tao?" Tinanong niya ito pabalik at umupo sa kama. Lumapit si Ryan para buksan ang thermos para kay Madeline.
Ngumiti si Madeline. "Nakalimutan mo na ba? Noon, pinatay ni Jeremy ang mga magulang ko at noong nangyari yun, hiniwalayan ko siya. Alam ng lahat ng nasa Glendale na pinakasalan ko si Ryan pagkatapos. Di mo ba alam yun?" "..." Nabigla si Karen, tapos sumagot siya. "Diba isa iyong misyon ng Interpol? Di talaga kayo mag-asawa ni Ryan!" "Noon hindi, pero ngayon oo," Sumagot si Madeline nang walang alinlangan. Mukhang nagulantang si Karen. Nakatingin siya kay Madeline nang tulala. "Eveline, anong nangyari sa'yo? Mahal na mahal mo si Jeremy…" "Oo, mahal ko siya. Pero andaming taon na pero ilang masasayang araw ba ang nagkaroon kami?" Ngumisi si Madeline at ipinakita ang kanyang inis. "Pinatay niya ang mga magulang ko at di makapagsalita si Lily dahil sa kanya. Ngayon, nadawit pa siya sa pagpatay. Atsaka ang stocks ng Montgomery Enterprise ay naapektuhan din nang dahil sa kanya. Nagsasawa na ako." "Walang pinatay si Jeremy! Napagbintangan lang siya! Di ka rin ba naniniwala s
Di mamamatay tao ang Jeremy niya. Atsaka di niya iibigin ang isang lalaking tulad ni Ryan. Nang makakita ng talim at determinasyon si Ryan sa mata ni Madeline, ngumisi siya. Pinakahumanga siya sa pagiging kalmado at matapang ni Madeline. "Hintayin mo akong umuwi." Matapos itong sabihin ni Ryan, bumiyahe siya palayo. Sa sandaling umalis siya, naging masigla si Madeline. Pumunta siya sa kwarto sa ikalawang palapag. Kung titignan ang linis ng kwarto, siguro mag-isang nakatira si Ryan. Ngunit matapos magtingin sa paligid, walang kahina-hinala sa kwarto. Gustong magpatuloy ni Madeline sa paghahanap, ngunit ang sugat sa kanyang braso ay sumasakit nang sobra. Napasobra siya nang galaw kanina, kaya ang sugat ay naapektuhan. Ngayon, nanunuot na sa benda ang dugo. Gustong gamutin ni Madeline ang sugat niya hanggat sa makakaya niya, kaya hinanap niya ang first aid kit. Binuksan niya ang aparador pero di niya nahanap doon. Ngunit sa gulat niya, wala siyang nakita sa loob ng apara
Hinawakan ni Madeline ang kanto ng papel at tinignan ang batang nasa dulo ng bubong. Pinipilit niyang kumalma. "Lily, lalapit ako diyan. Tumayo ka diyan at wag kang gagalaw, okay?" Kinausap ni Madeline ang batang babae at humakbang palapit para lumapit sa kanya. Ngunit umiling si Lilian. Puno ng lungkot ang kanyang mukha. Inatras ni Madeline ang paa niya. Nag-aalala siya na mapasama ang bata kapag nilapitan niya ito. "Mrs. Whitman, anak mo ba yan?" Nagatatakang tanong sa kanya ng mga pulis. Tumango si Madeline. Ang namumula niyang mata ay nakatitig nang diretso sa batang babae na nakaharap sa hangin. Pakiramdam niya ang puso niya ay pinapasabugan ng bomba. Ngunit naguguluhan din siya kung bakit nandito ang batang babae. Habang naguguluhan, narinig niya muli ang boses ng pulis. "Mrs. Whitman, dahil anak natin siya, edi dapat subukan mong kausapin siya at tanungin siya kung anong gusto niya. Subukan mong suyuin siya na bumaba siya. Ang sakit isipin kung anong mangyayari k
Naunawaan kaagad ng pulis, at may ngiti sa kanilang mga mukha. Tapos nag-utos sila. "Ikalat niyo ang balita na si Lilian Whitman ay nasa bubong ng Whitman Corporation sa buong internet at i-live din ito. Kailangan makita ito ni Jeremy Whitman para pumunta siya at iligtas ang anak niya!" Pagkatapos itong marinig ni Madeline, may naisip siya. Tinignan niya ang nagtatakang bata at itinikom ang kanyang kamao. Di mag-isang nawala si Lilian. May nagdala sa kanya dito. Ang dahilan kung bakit ginawa ito ng taong ito ay para magpakita si Jeremy. Naunawaan ni Madeline ngayon na isa itong sabwatan. Ngunit di niya hahayaang may mangyaring masama sa bata sa harap niya. Sa kabilang banda, ayaw niyang magpakita si Jeremy. Anong gagawin niya para masiguro ang kaligtasan nilang dalawa ngayon? Habang lalong pinag-iisipan ni Madeline ang tungkol dito, lalo siyang nabahala. Nagsimula rin siyang makaramdam ng pagkahilo. Napansin na niya na ang sugat niya ay dumudugo na naman. Nanghina
"Lily!" Napatalon din ang puso ni Fabian sa sandaling ito. Binalewala niya ang lahat nang sumugod siya paharap. "Diyos ko, nalaglag ang bata!" "28 stories yun! Siguradong mamamatay siya pag nalaglag siya mula dito!" Napahikbi ang mga mamamahayag, ngunit kasabay nito sinubukan parin nilang kunan ng camera ang sandaling ito. Sa isang iglap, nakaramdam si Madeline ng bugso ng hangin sa tabi niya. Pamilyar ang amoy ng hangin nang balutin siya nito. Di nakita ni Madeline si Jeremy bago siya lagpasan nito nang kasingbilis ng kidlat. Nang itulak siya nito palayo mula sa panganib, tumalon ito nang di nag-iisip. "Ah!" May sumigaw nang makita nila ang anino ng isang to na lumitaw bago tumalon nang walang alinlangan. Gulat na gulat sila. Itinulak si Madeline sa isang tabi nang tulala siyang tumingin sa aninong dumaan sa kanya. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang puso ay pakiramdam niya nawawala ang lahat ng pandama at malay niya. "Jeremy…" Tinawag niya nang kusa ang pa
Di alam ni Lilian kung anong nangyayari at di rin siya nakaramdam ng panganib. Tumitig lang siya nang diretso habang nakatuon ang mata niya kay Jeremy. "Lily, humihingi ako ng tawad sayo. Nagkamali ako. Di dapat ako nagpanggap na di kita mahal. Dapat pinaalam ko sa'yo na ikaw ang tangi kong prinsesa at ang munting anghel na paggagamitan ko ng buong buhay ko para protektahan at mahalin." Pagkatapos itong sabihin ni Jeremy, naramdaman niyang lumuluwag ang hawak niyang rehas. Bumaba nang ilang pulgada ang katawan ni Lilian at nagsimulang bumaliktot ang balikat ni Jeremy. Ngunit di siya bumitaw. Hinawakan niya ito nang mas mahigpit. Kumakabog ang puso ni Madeline nang makita niya ito. Nakaramdam siya ng paparating na kamatayan anumang oras. Di niya kayang tumunganga doon at hintayin ang mga tao na kumilos. Bigla niyang iniabot ang kanyang kamay para hawakan ang braso ni Jeremy. "Linnie, anong ginagawa mo? Bitaw! Mahihila kita pababa kapag lumuwag ang rehas!" Sinigawan ni Jeremy
Hindi inasahan ni Madeline na aarestuhin ng mga pulis si Jeremy sa sandaling ito. Nang nasa braso na ni Jeremy ang posas, naramdaman niyang nagdidilim ang kanyang paningin. Di man lang sumimangot si Jeremy. Gamit ng ilang suporta, tumalon siya sa ibabaw ng rehas at bumalik sa bubong. Nang makita ng media si Jeremy na pabalik, sinimulan nilang itutok sa kanya ang mga camera nila habang kumukuha ng larawan. Ang young master ng pinakamayamang pamilya sa Glendale ay inaaresto sa salang pagpatay. Ang eksena ng pag-aresto ay siguradong magiging viral. Tinignan ni Jeremy ang nakasimangot na Madeline at di nagsalita. Sa halip, tinitigan lang niya ito nang maigi. Nang magkatitigan sila, natutukoy ni Madeline kung anong gustong sabihin ni Jeremy sa kanya. "Mr. Whitman, sumama ka sa amin. Malalaman natin ito kung talagang inosente ka ba. Retreat!" Sinabi ng pulis nang dalhin nila si Jeremy pabalik ng estasyon. Ayaw nang tumakas pa ni Jeremy, ngunit bago siya tumalikod, tinignan