Hindi binalak ni Madeline na magpumiglas o pumalag nang maipit siya sa isang sulok. Kahit na di niya nakikita ang mukha nito, pumasok na sa ilong niya ang amoy ng damo. Natulala siya saglit bago mahimasmasan. Nang makatitigan niya ang lalaki sa harapan niya, sinimulan niyang itulak ito palayo nang natataranta. "Anong ginagawa mo dito? Lumayo ka! Baka pinapanood pa ako ng mga pulis. Di ka pwedeng makipagkita sa akin, di mo ba alam yun?" Pinindot ni Madeline ang open button para itulak palabas si Jeremy pero hinila lang siya ni Jeremy at inipit muli sa isang sulok. "Sumama ka sa akin," Sinabi ni Jeremy. Napakalambing at napakatamis ng kanyang tono. Hindi niya ito sinisi o pinagdudahan. Alam niyang ginagawa lang niya ito para sa kanya. Umiling si Madeline habang nakatingin nang maigi. "Hindi. Sinimulan ko na ito at di ako aatras." Huminga nang malalim si Jeremy at nagsalubong ang kilay niya. "Anong problema?" Hinawakan ni Madeline ang braso ni Jeremy nang mapansin niya n
Namimilipit sa sakit ang puso ni Madeline. Gusto niyang sabihan ito na umalis. "Jeremy… mhm…" Nag-aalala si Jeremy na mabubuking ni Madeline kung nasaan sila kaya ginamit niya ang labi niya para pigilan ito na gumawa ng ingay. Hindi inasahan ni Madeline na hahalikan siya ngayon ni Jeremy. Gusto niya itong itulak palayo pero ginagamit nito ang buong lakas nito para ipitin siya sa braso nito. Pumatak sa katawan nila ang malalaking patak ng ulan, kaya lumabo ang paningin ni Madeline. Sa sandaling ito halos di na niya maidilat ang mga mata niya. Nagsimula siyang makalimutan ang katotohanang kailangan niyang paalisin ang lalaking ito. Pakiramdam niya natutunaw siya nang magpatuloy si Jeremy sa paghalik sa kanya… Kasabay nito, pakiramdam ni Jeremy na sumusuko na si Madeline. Kaya humiwalay siya at hinawakan ang basa nitong mukha. "Linnie, sumama ka sa akin okay?" "Okay…" Tumango si Madeline. Wala na siyang mahanap pang dahilan para tanggihan siya. Nag-alala lang siya nang sobra
Hindi inakala ni Ryan na gagawin ito ni Madeline. Tinginan niya ang kamay niyang walang laman at di mapigilang malito. Nabigla din si Jeremy. Ang mabilis at di natitinag na desisyon ni Madeline ay hindi niya inaasahan. Kasabay nito, naagaw din nito ang pansin niya. Ngunit di nababahala si Madeline. Itinikom niya ang kanyang bibig at tinitigan nang diretso si Ryan. Sa sandaling ito, ang tapang niya ay di natitinag. Di nagsalita si Madeline kay Ryan. Lumingon siya nang bahagya at sinabi nang marahan kay Jeremy, "Jeremy, umalis ka na." "Linnie." "Alis!" Nagpanggap na galit si Madeline nang itaboy niya si Jeremy. "Jeremy, naniniwala ako na di ka papatay ng kahit sino. Naniniwala din ako na ang tunay na salarin ay mabubunyag din balang araw!" Tinignan niya si Jeremy na may pag-aalinlangan sa kanyang mata. Pakiramdam ni Jeremy na di niya pwedeng biguin ang babaeng ito matapos niyang makita ang determinasyon at pag-aalala sa mata nito. Tinignan niya nang malambing si Madelin
Nasa elevator si Jeremy at paakyat na para makita ang nangyayari. Nagkataon nakita niya si Ryan na dinadala si Madeline papasok ng elevator. Nang pasara na ang pinto, nakita niya ang madugong braso ni Madeline at ang walang malay at maputlang mukha nito. "Linnie!" Pakiramdam ni Jeremy na parang umalis sa katawan niya ang kaluluwa niya. Ngunit nang hahabulin na niya ang mga ito, nakita siya ng mga pulis sa bubong. "Si Jeremy Whitman!" "Habulin niyo siya! Barilin niyo siya kapag pumalag!" Si Madeline lang nasa isip ni Jeremy ngayon kaya di siya pwedeng tumunganga at hayaan silang arestuhin siya. Kapag naaresto siya, di na niya mababantayan pa si Madeline at baka ma-frame up na naman siya ni Ryan. Pinili niya ang hagdan. Tapos tiniis niya ang matinding sakit nang umalis siya ng gusali ng Whitman Corporation. Lumabas siya sa pinto sa gilid at nang papunta na siya sa bukasan para makita kung anong nangyayari, nakita niya ang ilang pulis na nagbabantay. Kaya tumawag na lang
Bumangon si Madeline. Binalewala niya ang sakit sa kanyang braso at inalis ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng lalaki. "Umalis ka na!" Ngunit nang makawala na siya sa pagkakahawak ni Jeremy, hinila siya nito palapit at niyakap nang mahigpit. "Linnie, wag mo akong itaboy." "..." Nakaramdam ng lungkot si Madeline sa kanyang puso. Naramdaman niyang tumutulo ang luha mula sa mga mata niya. Syempre gusto niyang manatili sa tabi niya, pero di ito ang oras para maging malambing. Alam niyang mag-aalala at di aalis si Jeremy, kaya huminahon sakit Madeline at tinapik ang balikat ng lalaki. "Makinig ka sa akin Jeremy. Ayos lang ako. Isa lang itong sugat. Gagaling din ito sa loob ng ilang araw." Pinagaan niya ang loob nito tapos naging matikas ang boses niya. "Ang pinakamahalaga ngayon ay ang patunayang inosente ka." "Hindi, ikaw ang pinakamahalaga ngayon." Bumitaw si Jeremy at hinawakan ang maputlang mukha ni Madeline. "Di ko hahayaang masaktan muli ang asawa ko nang dahil sa akin.
Nang magising si Madeline kinabukasan, nakita niya si Ryan sa tabi ng kama niya. Tumingin siya nang nag-iingat sa tusong lalaki at di nagsalita. Sa kabilang banda, tinignan ni Ryan nang diretso si Madeline nang may maliit na ngiti. "Dumugo ka nang husto. Nagdala ako ng sabaw para manumbalik ang lakas mo. Higupin mo ito matapos mong maglinis." Tinignan ni Madeline ang sabaw sa nightstand at tumungo sa banyo. "Eveline, sinaktan ka nang sobra ni Jeremy noon. Bakit mahal na mahal mo pa rin siya?" Narinig ang nagtatakang boses ni Ryan mula sa labas ng banyo. Di siya sinagot ni Madeline. Binuksan lang niya ang pinto matapos niyang maligo. Nakatayo si Ryan sa tapat ng pinto. Sa sandaling ito, mukha siyang maamo at masigla. Di siya maihahalintulad sa isang malupit na mamamatay-tao. Tinignan ni Madeline sa mata si Ryan. "Kailangan mo ba ng dahilan para mahalin ang isang tao?" Tinanong niya ito pabalik at umupo sa kama. Lumapit si Ryan para buksan ang thermos para kay Madeline.
Ngumiti si Madeline. "Nakalimutan mo na ba? Noon, pinatay ni Jeremy ang mga magulang ko at noong nangyari yun, hiniwalayan ko siya. Alam ng lahat ng nasa Glendale na pinakasalan ko si Ryan pagkatapos. Di mo ba alam yun?" "..." Nabigla si Karen, tapos sumagot siya. "Diba isa iyong misyon ng Interpol? Di talaga kayo mag-asawa ni Ryan!" "Noon hindi, pero ngayon oo," Sumagot si Madeline nang walang alinlangan. Mukhang nagulantang si Karen. Nakatingin siya kay Madeline nang tulala. "Eveline, anong nangyari sa'yo? Mahal na mahal mo si Jeremy…" "Oo, mahal ko siya. Pero andaming taon na pero ilang masasayang araw ba ang nagkaroon kami?" Ngumisi si Madeline at ipinakita ang kanyang inis. "Pinatay niya ang mga magulang ko at di makapagsalita si Lily dahil sa kanya. Ngayon, nadawit pa siya sa pagpatay. Atsaka ang stocks ng Montgomery Enterprise ay naapektuhan din nang dahil sa kanya. Nagsasawa na ako." "Walang pinatay si Jeremy! Napagbintangan lang siya! Di ka rin ba naniniwala s
Di mamamatay tao ang Jeremy niya. Atsaka di niya iibigin ang isang lalaking tulad ni Ryan. Nang makakita ng talim at determinasyon si Ryan sa mata ni Madeline, ngumisi siya. Pinakahumanga siya sa pagiging kalmado at matapang ni Madeline. "Hintayin mo akong umuwi." Matapos itong sabihin ni Ryan, bumiyahe siya palayo. Sa sandaling umalis siya, naging masigla si Madeline. Pumunta siya sa kwarto sa ikalawang palapag. Kung titignan ang linis ng kwarto, siguro mag-isang nakatira si Ryan. Ngunit matapos magtingin sa paligid, walang kahina-hinala sa kwarto. Gustong magpatuloy ni Madeline sa paghahanap, ngunit ang sugat sa kanyang braso ay sumasakit nang sobra. Napasobra siya nang galaw kanina, kaya ang sugat ay naapektuhan. Ngayon, nanunuot na sa benda ang dugo. Gustong gamutin ni Madeline ang sugat niya hanggat sa makakaya niya, kaya hinanap niya ang first aid kit. Binuksan niya ang aparador pero di niya nahanap doon. Ngunit sa gulat niya, wala siyang nakita sa loob ng apara