Ngumiti nang tuso si Max at sinabi, “Ah, Stephanie, huwag ka sanang magkamali. Nakikipagbiruan lang ako kay Charlie. Kilala mo kami, madalas kaming nag-aasaran dati, sa totoo lang, matalik kaming magkaibigan!”Suminghal si Stephanie at lumingon na siya, hindi na pinansin si Max.Sa sandaling ito, isang babaeng may kulay-abo na buhay at mabait na mukha ang lumabas sa pasukan ng bahay ampunan. Tinanong niya nang makita niya ang mga tao, “Eh, bakit nakatayo pa rin kayo dito? Akala ko pumasok na kayo sa restaurant.”Nagmamadaling lumingon ang mga tao at nasorpresa sila nang makita nila na si Mrs. Lewis ang kumausap sa kanila.Naglabas ng mabait na ngiti si Mrs. Lewis sa kanyang mukha. Nalulugod siyang makita sila. Tumigil ang mga mata niya kay Charlie, at agad itong napuno ng pasasalamat.Nakatingin nang mabait at sabik ang lahat kay Mrs. Lewis.Gamit ang abilidad na nakuha niya sa Apocalyptic Book, nakita ni Charlie sa isang tingin na gumaling na si Mrs. Lewis at maayos na ang kalag
Mabilis na sinabi ni Claire, “Huwag kang mag-alala, Mrs. Lewis. Maganda ang buhay namin ni Charlie.”Pagkatapos, namula siya at humingi ng tawad, “Mrs. Lewis, pasensya na at hindi kita nabisita sa Eastcliff. Hindi ko man lang malalaman na gumaling ka na at bumalik sa Aurous Hill kung hindi sa akin sinabi ni Charlie. Pasensya na talaga…”“Ah hindi, huwag sana, honey. Tinulungan niyo ako nang sobra. Inalagaan niyo ako sa hospital noong malala ang sakit ko. Marahil ay namatay na ako sa sakit ko kung hindi niyo ako tinulungang bayaran ang mga bayarin doon…”Namula ang mga mata ni Mrs. Lewis dahil sa luha at nabulunan siya, “Nagpapasalamat ako nang sobra sa iyo, Claire. Kailangan mong ayusin ang mga problema ng pamilya Wilson pati na rin ako, marahil ay nahirapan ka nang sobra. Nagpapasalamat talaga ako at nakokonsensya sa parehong oras. Dapat ako ang humihingi ng tawad!”Hinawakan nang mahigpit ni Claire ang mga kamay ni Mrs. Lewis at sinabi, “Mrs. Lewis, huwag mong kalimutan na ako an
Sa sandaling ito, nakatitig si Stephanie kay Claire, mayroong bakas ng selos at sakit sa mga mata niya.Gusto na niya si Charlie simula pa noong bata pa siya at palagi niyang pinapangarap na maging asawa ni Charlie. Hindi niya pa nakakalimutan ang pangarap na ito, pero kung titingnan ang sitwasyon ngayon, hindi magkakatotoo ang pangarap niya.Iyo ang dahilan kung bakit mas nainggit pa siya kay Claire. Sa opinyon niya, si Claire ang pinakamasayang babae sa buong mundo dahil pinakasalan niya ang pinakamabuting lalaki sa buong mundo.Ngumiti nang marahan si Mrs. Lewis at sinabi, “Oo, importante ang pagpapalago ng career mo, pero importante rin ang pamilya. Mas mabuting magkaroon ng anak kapag bata ka pa, dahil maaapektuhan nito ang kalusugan mo kung hindi.”Tumango si Claire, kasing pula ng mansana ang kanyang mukha.Humingi ng paumanhin si Stephanie, “Mrs. Lewis, tinawagan ako ng may-ari ng restaurant, at sinabi niya sa akin na may problema sila sa kuryente sa restaurant, kaya nagsa
Nagmamadaling sumingit si Mrs. Lewis, “Max, naiintindihan ko ang mabuting layunin mo, pero hindi natin kailangan pumunta sa marangyang lugar para lang ipagdiwang ang paggaling ko. Masyado itong mahal!”Nagpatuloy siya, “At saka, pagkain lang ito. Kaya kong magluto para sa inyo, kumain na lang tayo sa bahay ampunan. Sa ganitong paraan, matitipid mo ang pera mo at magagamit mo ito sa ibang bagay. Huwag mo itong gastusin sa akin, sayang lang ito…”Naging matipid siya s buong buhay niya at hindi pa siya nakakapunta sa marangyang lugar dati. Bukod dito, hindi siya mapapalagay kung kakain siya sa isang lugar na may malaking babayaran.Pero, ngumiti si Max at sinabi, “Mrs. Lewis, huwag mo itong sabihin. Pinalaki mo kami, oras na para bayaran namin ang pabor mo. At saka, hindi lang ako ang magbabayad, hahatiin ko ito sa kanila!”Nang makita ang pag-aalangan ni Mrs. Lewis, pinilit niya, “Mrs. Lewis, huwag kang mag-alala, hindi ito masyadong mahal. Ang Hyatt Hotel ay kliyente ng kumpanya ko,
Ang BMW 5 Series at ang Mercedes-Benz E-Class Series ay medyo parehas ang halaga, pero alam ni Max na ang BMW 520 ni Charlie ang pinakamababang model ng 5 Series, habang ang Merc E300L niya ay malapit sa premium model sa E-Class Series. Mayroon ding E260 at E200 na mas mababa sa kanya.Sa ibang salita, ang BMW 520 ni Charlie ay nasa antas ng Merc E200, habang ang kanyang E300L ay mas maganda pagdating sa lakas nito.Ngumisi siya nang tuso at sinabi, “Hoy, Charlie, ayokong laitin ka, pero masyado kang hambog. Sinasabi ng mga eksperto na hindi mo dapat bilhin ang mga pinakamura at pinakamababang modelo sa mga series. Bakit binili mo ang pulubing uri na 520 kaysa bumili ng mas mataas na spec sa 3 Series? Sinusubukan mo bang magpasikat?”Tinanong nang iba sa pagka-usisa, “Max, ano ang pulubing uri?”Sumagot si Max na may hambog na ngiti, “Ang pulubing uri ay ang kotse na may pinakamababang specs sa series, ang pinakamababa, ang pinakamura sa kanila.”Tumango ang lahat.Sa sandaling i
”Hindi pwede!” Sumigaw si Max. Nang makita niya na umaatras na si Charlie, siya na lang ang naghamon at sinabi sa malakas na boses, “Guys, narinig niyo siya, tama? Ikaw na ang nagsabi mismo, Charlie, ‘Kayang manalo ni Hamilton dahil siya si Hamilton, hindi dahil nasa kanya ang pinakamagandang kotse’. Kung gano’n, magkarera tayo at tingnan natin kung karapat-dapat ka ba talaga sa palayaw na Schumacher…”Kumaway si Charlie na parang nahihinaan ng loob at sinabi, “Hey, Max, kalimutan na lang natin ito. Hindi man lang pareho ang antas natin, hindi ito patas.”Hindi talaga ito patas. Ang BMW 760 laban sa Merc E300L ay parang nilaban ang isang lobo sa isang Husky.Akala ni Max na sinusubukan siyang paatrasin ni Charlie sa karera dahil natatakot siya, kaya inasara niya siya ulit, “Charlie, nagyayabang ka kanina lang, bakit bigla kang naging duwag? Hindi mo ba kayang maging lalaki sa harap ng asawa mo?”Sumagot si Charlie, nagpapanggap na naiinis siya, “Hoy, Max, huwag mong sabihin iyan. M
Sinabi ni Max, “Mrs. Lewis, mangyaring huwag kang makialam, sa pagitan namin ito ni Charie. At saka, kahit sinong manalo o matalo ngayong araw, ang bahay ampunan ang mananalo talaga. Ang halaga ng kotse ko kapag binenta ay nasa apat na raang libo, habang medyo mas mura kay Charlie, nasa dalawa o tatlong daang libo. Pwede mong gamitin ang pera para pagandahin ang mga pasilidad at bumili ng mga gamit para sa mga bata sa bahay ampunan.Sinabi ni Charlie na may matiwasay na ngiti, “Mrsr. Lewis, huwag ka nang mag-alala sa amin, kami na ang bahala ni Max dito.”Natatakot talaga si Mrs. Lewis na si Charlie nag matatalo, pero, nang makita niya ang kumpiyansang ngiti ni Charlie, naramdaman niya na hindi ito kasing simple ng iniisip niya.Sa totoo lang, habang ginagamot siya sa Eastcliff, may napansin siyang kakaiba.Una, napansin niya na sobrang galang ng mga doktor sa hospital sa kanya, tila ba isa siyang VIP na pasyente.Noong nasa hospital siya, isang sikat na artista ang pumunta sa Fai
Nagsaya ang mga pakialamerong lalaki at pumasok sa kotse, pero dahil dalawang kotse lang ang mayroon sila, kailangang magtaxi ng iba sa Hyatt Hotel.Sumakay si Charlie sa BMW 760. Sumakay si Claire sa unahan habang sila Mrs. Lewis, si Stephanie, at si Harvey ang nasa likod.Sinabi ni Charlie pagkatapos paandarin ang kotse, “Guys, umupo kayo nang maayos. Kapag dumating ako sa diretsong daan mamaya, kaya kong manalo sa karera gamit lang ang pagtapak sa accelerator.Pagkatapos, tumingin siya kay Mrs. Lewis at sinabi, “Mrs. Lewis, hawakan mo nang mahigpit ang handrails. Sa sandaling binilisan ko ang takbo, mapapanalunan ko ang isang Mercedes-Benz para sa bahay ampunan! Pwede mo itong ibenta sa halagang tatlong daang libong dolyar, pagkatapos ay magagamit mo ito para bilhan ng mga laruan at libro ang mga bata!”Tumango si Mrs. Lewis na may marahan na ngiti, “Pinasasalamatan na kita para sa mga bata!”Samantala, limang tao ang nakaupo sa loob ng kotse ni Max, lahat sila ay mga utusan ni
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango