Share

Kabanata 906

Penulis: Lord Leaf
Hinihintay na ni William si Matilda simula pa noong dumating siya sa club. Nakatuon ang mga mata niya sa kanya ngayong dumating na siya.

Nagulat siya nang sobra nang makita niya na maganda pa rin, kaakit-akit, at kahanga-hanga si Matilda sa edad na 50! Mas naging sigurado siya na gagawin niya ang lahat para ligawan siya!

Pero, hinding-hindi niya inaasahan na ang magandang si Matilda, na dalawang dekada nang nawawala, ay papasok kasama ni Jacob, ang g*gong nanakit sa kanyang puso.

Nabalisa siya nang makita sila na magkasama at tumayo siya nang galit, “Jacob Wilson! Ang lakas ng loob mong pumunta dito kasama si Matilda?! Marahil ay hindi mo naaalala ang ginawa mo kay Matilda, pero naaalala naming lahat! Kung hindi dahil sa’yo, loko-loko, hindi siya pupunta sa US at titira doon sa napakaraming taon! Mahiya ka naman sa sarili mo! Kung ako sa’yo, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na pumunta dito!”

Nagalit si Jacob sa insulto niya at sinabi, “Hoy, William Pearson, ingatan mo ang pan
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 907

    Nang maramdaman niya na ayaw ng kanyang ina na malaman ng iba ang kanyang gitnang pangalan, ngumiti nang magalang si Paul at sinabi, “Mangyaring magsaya kayo sa pagtitipon niya. Mauuna na ako.”Sinabi nang nagmamadali ni Jacob, “Hey, Paul, bakit ka nagmamadali? Bakit hindi mo kami samahan sa tanghalian?”Sinadya niyang kausapin si Paul bilang isang pahiwatig sa lahat na magkakilala sila ni Paul para akalain nila na nagkita na sila ni Matilda bago pa ang reunion.Ito rin ay para ipaalam sa kanila na may pambihirang koneksyon sila at para tabuyin ang mga manliligaw ni Matilda.Totoo nga, nang marinig ng iba ang pag-uusap nila, nalito sila at para bang kakaiba ito. Inisip nila kung paano at kailan naging malapit sina Jacob at Paul.Ngumiti si Paul at sinabi, “Salamat, pero hind ina, may meeting ako mamayang hapon.”Pagkatapos, sinabi niya kay Jacob sa katamtaman na boses, “May appointment ako kay Charlie. Pupunta siya sa bagong opisina ko para tingnan ang Feng Shui don, kaya kailang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 908

    Umirap nang mapanghamak si William. “Hoy, isipin mo ito. Kasal kang lalaki, kaya pinapayuhan kita na huwag kang magloko o mag-isip nang kalokohan para sa ibang babae! Kung malalaman ito ng masamang asawa mo, hindi ka niya pagbibigyan!”Nagalit si Jacob na pangungutya niya at sinabi, “Hoy, William Pearson, anong pinagsasabi mo?! Hindi ako nagloloko, at hindi ako nag-iisip ng kalokohan para sa iba! Huwag kang mangahas na magsabi ng mga pahilig na akusasyon dahil lang may maruming pera ka sa mga bulsa mo! Huwag mo akong kausapin na parang mas matanda ka sa akin, hindi ako magpapaloko dito!”Hindi mapalagay nang sobra si Matilda sa mga pinagsasabi nila at sinabi niya nang galit, “Pwede bang manahimik kayo? Hindi ba’t kakasabi ko lang kanina? Nandito tayo para sa reunion, hindi para panoorin kayong mag-away na parang mga aso! Kung patuloy kayong mag-aaway, aalis na lang ako!”Sinabi nang inosente ni Jacob, “Matilda, narinig mo siya, ang matandang utot na ito ang nagsimula!”Si William a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 909

    Tinanggal agad ni William ang mayabang na ekspresyon sa kanyang mukha nang marinig niya na ang lalaki ay si Tito Oscar.Noong nag-aaral pa siya sa Aurous Hill, alam niya ang tungkol sa makapangyarihang pamilya Moore at ang kanilang posisyon sa tuktok ng social pyramid sa siyudad.Kahit na isa siyang kilalang negosyante sa Hong Kong na may daang-daang milyon, hindi siya maikukumpara sa pamilya Moore. Ang kayamanan nila ay nasa daang-daang bilyong dolyar, isang daang beses na mas mataas sa kanya, kaya ang katayuan ng kanilng mayordomo ay mas mataas at makapangyarihan kaysa sa kanya.Medyo nalugod si Paul at nagulat sa pagdating ni Tito Oscar sa suite.Ngumiti si Oscar at sinabi, “Mr. Paul, matagal nang nagtutulungan ang pamilya Moore at ang pamilya mo. Noong una naming pinatakbo ang negosyo namin sa US, sinamahan ko si Lord Moore para pamahalaan ang mga operasyon at sa tuwing may legal problem kami, ang ama mo ang naglulutas nito para sa amin. Sa totoo lang, may pagkakaibigan si Lord

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 910

    Humarap si Paul sa lamesa at sinabi, “Mga binibini at ginoo, mangyaring magsaya kayo sa reunion niyo. Mauuna na ako, paumanhin.”Pagkatapos, sadya siyang humarap kay Jacob at sinabi, “Paalam, Tito Wilson.”Sumulyap si Jacob kay Paul na para bang nakatingin siya sa sarili niyang anak at sinabi sa mabait at parang ama na tono, “Okay, gawin mo na ang dapat mong gawin!”Medyo nagulat si Oscar nang makita si Jacob. “Oh, ikaw si Mr. Wilson, ang biyenan na lalaki ni Master Wade, hindi ba?”Nasorpresa si Jacob na kilala siya ng tanyag na si Oscar, ang mayordomo ng pamilya Moore, kaya tinanong niya na may gulat na ekspresyon, “Paano… paano mo ako nakilala?”“Sa buong paggalang, Mr. Wilson, si Master Wade ang tagapagligtas ng pamilya Moore at sobrang nagpapasalamat ang lahat sa pamilya sa tulong niya! Ikaw ang biyenan na lalaki niya, paano kita hindi makikilala?”Napanganga si Jacob nang mapagtanto niya ito!Kilala siya ni Oscar dahil kay Charlie, ang kanyang manugang na lalaki...Napagt

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 911

    Si William, na sobrang mapanghamak kay Jacob, ay biglang natakot nang kaunti.Sobrang galang ni Oscar sa manugang niya, pinatutunayan nito na para kay Oscar, mas importanteng tao si Jacob kaysa sa kanya.Tinanong niya ang mga kaibigan niya tungkol sa manugang ni Jacob, na nagkataon lang na nakapunta sa huling reunion. Sinabi niya nang nakangiti, “Ah, siya. Sa tingin ko ay sa bahay lang siya nagtatrabaho, ngunit hindi ko kami sigurado kung ano ang pinagkakakitaan niya.”Si William ay isang negosyante kahit papaano. Marami na siyang nakita para malaman ang pagkakaiba.Sapat na ang ugali ni Oscar para ipahiwatig na hindi niya dapat maliitin ang manugang ni Jacob. Marahil ay isa siyang tao na gumawa ng mga pambihirang bagay para makakuha ng magalang na pagkilala mula kay Oscar.Nag-alala rin siya dito at natakot sa kahihinatnan niya pagkatapos kutyain si Jacob kanina. Nakikita niya na, ayon sa mabait na pakikitungo ni Oscar kay Jacob, hindi maganda ang mangyayari sa kanya kung kakalab

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 912

    Madalas ginagamit ng mga tagapagtatag ang kanilang apelyido bilang pangalan ng kumpanya na itinatag nila.Halimbawa, ang sikat na Boeing Company, ang aerospace group na gumagawa ng mga pampasaherong eroplano, mga pang militar na eroplano, at mga space shuttle, ay nakapangalan sa tagapagtatag nito, si William Edward Boeing.Isa pang halimbawa ay si Conrad Hilton, ang nagtatag ng kilalang Hilton Group, isang American multinational hospitality company na mayroong maraming hotel at resort. Ang pamilya Hilton ay isa sa mga prominenteng pamilya sa America.Ang buong pangalan ni Paul ay Paul Smith, ang unang pangalan ay Paul at ang apelyido ang Smith.Pinangalanan ng kanyang ama ang kanilang law firm na ‘Smith Group Corporate Law’ dahil siya ang tagapagtatag ng kumpanya at nakakuha ito ng malaking reputasyon sa iba’t ibang bansa pagkatapos ng napakaraming taon na pagsisikap.Nang nagpasya si Paul na ilipat ang kanyang kumpanya sa Aurous Hill, pinili niya ang pinakamahusay na central busi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 913

    Sobrang nausisa ni Paul kay Charlie. Sa una, akala niya na si Charlie ay isang miyembro ng pamilya Wade sa Eastcliff. Kahit na binalewala ang mga palagay niya, isang bagong pagdududa ang lumitaw sa isipan ni Paul nang binanggit ang titulong ‘Master Wade’.Layunin din ni Paul na imbitahin si Charlie at tingnan ang Feng Shui dito.Totoo nga, kumuha siya ng isang master para tingnan at ayusin ang Feng Shui sa kanyang opisina. Kung hindi malalaman ni Charlie na may mga layour na dito, patutunayan nito na hindi siya karapat-dapat na tawaging Master Wade.Pero kung makikita nang malinaw ni Charlie ang layout, ang ibig sabihin ay kamangha-mangha siya.Sa hindi inaasahan, kayang makita ni Charlie ang lahat ng Feng Shui layout sa isang tingin. Ang mga layout na ito ay matagal na sinuri at pinag-aralan ng dating master bago siya nagpasya kung saan ito ilalagay, ngunit isang tingin lang ang kailangan ni Charlie para makita ito.Hindi nainis si Charlie sa pagdududa ni Paul. Sa kabaliktaran, h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 914

    Tumango nang nagpapasalamat si Paul at sinabi, “Charlie, maraming salamat! Kukuha na ako ng tao para gawin agad ito!”Naglabas ng ngiti si Charlie sa kanyang mukha. “Teka lang, hindi pa ako tapos.”Sinabi nang magalang ni Paul, “Ah, mangyaring magpatuloy ka.”“Habang nilalagay ang mga kulay sa bintana, dapat kang maglagay ng gintong Pixiu sa bawat gilid ng pader. Tandaan mo, dapat purong ginto na Pixiu ito para ito ang magkakaroon ng pinakamagandang bahagi sa pag-akit ng kayamanan. Bukod dito, kilala ang Pixiu sa pagkain ng ginto, pilak, at mga hiyas pero hindi niya ito mailabas, isa itong perpektong simbolo para sa pagkuha at pananatili ng kayamanan. Kapag ginawa mo ito, gagawa ito ng isang perpektong layout sa pagpapanatili ng kayamanan kapag pumasok ang pera at sa dakong huli ay magiging maunlad at lalago ang negosyo mo.”Pinagdaup ni Paul ang kanyang mga kamao kay Charlie na may nagpapasalamat na tingin at sinabi, “Wow, sobrang talentado biniyayaan ka nga! Simula ngayon, tatawa

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status