Tumango nang nagpapasalamat si Paul at sinabi, “Charlie, maraming salamat! Kukuha na ako ng tao para gawin agad ito!”Naglabas ng ngiti si Charlie sa kanyang mukha. “Teka lang, hindi pa ako tapos.”Sinabi nang magalang ni Paul, “Ah, mangyaring magpatuloy ka.”“Habang nilalagay ang mga kulay sa bintana, dapat kang maglagay ng gintong Pixiu sa bawat gilid ng pader. Tandaan mo, dapat purong ginto na Pixiu ito para ito ang magkakaroon ng pinakamagandang bahagi sa pag-akit ng kayamanan. Bukod dito, kilala ang Pixiu sa pagkain ng ginto, pilak, at mga hiyas pero hindi niya ito mailabas, isa itong perpektong simbolo para sa pagkuha at pananatili ng kayamanan. Kapag ginawa mo ito, gagawa ito ng isang perpektong layout sa pagpapanatili ng kayamanan kapag pumasok ang pera at sa dakong huli ay magiging maunlad at lalago ang negosyo mo.”Pinagdaup ni Paul ang kanyang mga kamao kay Charlie na may nagpapasalamat na tingin at sinabi, “Wow, sobrang talentado biniyayaan ka nga! Simula ngayon, tatawa
Hinahangaan nang sobra ni Paul si Charlie.Siya ay isang Amerikano na mas parang Oskian! Nahuhumaling siya sa tradisyunal na kultura ng Oskian at sa Feng Shui metaphysics sa punto na sinasamba niya na ito.Naramdaman niya sa mga sinabi ni Charlie kanina na ang diwa at galing ni Charlie sa Feng Shui ay hindi mawari. Naintindihan niya rin kung bakit handa ang iba na bigyan si Charlie ng isang magandang villa na may halagang daang-daang milyong dolyar.Alam na alam ni Paul ang kahalagahan ng isang Feng Shui master. Ang isang magaling na master ay hindi lamang kayang pagandahin ang swerte at kayamanan ng ibang tao, ngunit kaya rin nilang baguhin ang kanilang swerte at ang kanilang kinabukasan!Kaya, ang bawat Feng Shui master ay may sari-sariling presyo, kapag mas magaling sila, mas mataas ang bayad sa kanila. Sinasabi na si Ka-Shing Li, ang pinakamayamang tao sa Hong Kong, ay magbabayad ng daang-daang milyon sa Hong Kong dollars kada bisita ng kanilang Feng Shui master.Ito rin ang d
Isa pang halimbawa ng sobra-sobrang paggalang ay kapag ilang tao ang nagmamadaling magbayad para sa pagkain sa parehong oras pagkatapos maghapunan.Nagmamadali ang lahat magbayad, pero hindi lahat ay tapat na magbabayad. Ang layunin lang nila ay ipakita ang kanilang pagsisikap sa pagiging magalang, kahit na hindi naman sila magmumukhang bata kapag hindi nila ito ginawa.Kaya, karaniwan lang na nagtitipon ang ilang tao sa paligid ng cashier, nagtatalo at pinipilit na sila ang magbabayad.Dahil pagod na siya sa walang kabuluhan na mga eksenang ito, hinahangaan ni Charlie ang katalinuhan at pagiging mapagpasya ni Paul. Tinigilan niya ang lahat ng walang kabuluhan na ito nang sinabi ni Charlie na abala siya at ihahatid na lang siya sa labas. Ito ang matalinong paraan ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga matalinong tao.Hinatid ni Paul si Charlie palabas sa opisina at pumunta sa elevator lobby. Nagkusa siyang pindutin ang button para kay Charlie. Pagkatapos, tumingin sila sa digital i
Sa sandaling ito, lumabas ang marikit na si Jasmine sa elevator.Ang layunin ng pagbisita niya ay para ibigay ang mga basket ng bulaklak kay Paul, pero hindi niya mailayo ang mga mata niya kay Charlie.Sobrang saya niya sa tuwing nakikita niya si Charlie, tila ba bumalik siya sa labing walong taong gulang na sarili niya, ang malambot na edad kung kailan niya naranasan ang unang pagmamahal at pagsinta niya.Sa totoo lang, ang isang babae na galing sa mayaman at maimpluwensyang pamilya tulad niya ay kailangang matutong lumaki at maging mature nang mas maaga kumpara sa mga ordinaryong tao. Kailangan nilang dumaan sa malupit na realidad nang mas maaga at matutong magpanggap nang mas maaga.Pero simula noong nakasalubong niya si Charlie at nahulog sa kanya, palaging nabibigo ang pagpapanggap niya sa tuwing nasa harap niya siya.Tinanong niya nang nahihiya habang nakatingin kay Charlie, puno ng paghanga at pagmamahal ang mga mata niya, “Master Wader, paano mo nakilala si Mr. Paul? Kadar
Sumulyap nang nagpapasalamat si Jasmine kay Paul, “Okay, ayaw din kitang abalahin. Magkita na lang tayo minsan. Bye!”Sobrang taas nga ng IQ at EQ ni Paul. Nakikita niya na nahulog nang sobra si Jasmine kay Charlie, kaya gumawa siya ng pabor. Kung gano’n, mas mabuti na maging maginoo at tulungan siya.Humarap si Jasmine kay Charlie at sinabi, “Tara na, Master Wade!”Tumango si Charlie na may magalang na ngiti. “Salamat sa pag-angkas.”Ngumiti si Jasmine, namumula sa hiya ang kanyang mukha. “Walang anuman, Master Wade.”***Sumenyas si Jasmine sa mga bodyguard niya na dalhin ang mga basket ng bulaklak sa opisina ni Paul. Pinindot niya ang elevator, itinaas ang kanyang kamay para harangan ang pinto, at sinabi, “Master Wade, mauna ka!”Tumango nang kaunti si Charlie at pumasok sa elevator, at sumunod si Jasmine.Nang nagsara ang pinto ng elevator, unti-unting pumasok sa ilong ni Charlie ang mahina at marangyang bango sa katawan ni Jasmine at kiniliti nito ang pang-amoy niya.Dapa
Pagkabalik ni Elaine sa detention center mula sa police station, sobrang balisa niya at hindi siya mapalagay habang hinihintay ang resulta.Wala siyang ideya kung pakakawalan ba siya ng pulis, kaya nagdasal siya at nagdasal siya nang buong puso.Sa dalawang araw na nakakulong siya sa detention center, naghirap siya nang sobra na hindi niya pa nararanasan sa buhay niya. Malapit na siyang bumagsak ngayon. Natatakot siya na mamamatay siya dito kung hindi nila siya pakakawalan.Kinakabahan nang sobra si Lady Wilson nang tinawag si Elaine sa police station para kwestiyunin kaninang umaga. Nag-aalala siya na aamin si Elaine sa officer tungkol sa pang-aapi na naranasan niya mula sa kanya at kay Jennifer sa selda.Nag-aalala rin siya na magpapalipat ng selda si Elaine.Kung kukunin siya ng officer, mawawala na ang pinakamagandang at nag-iisang kasiyahan niya sa detention center!Sobrang tagal nang malungkot ni Lady Wilson dahil sa kamalasan at sakuna na dinanas ng pamilya Wilson. Medyo n
Suminghal nang malamig si Lady Wilson. “Anong ginawa mong mali, iyon ang tanong mo? Makinig ka, mali ka hangga’t buhay at humihinga ka! Ang pagpipilian mo lang ay mamatay at huwag nang magsayang ng oxygen sa mundong ito!”Nanginig sa takot si Elaine dadhil sa matalas na sakit sa kanyang tainga. Naramdaman niya na parang malapit nang matanggal ang kanyang tainga, pero hindi siya naglakas-loob na magpakita ng kahit kaunting pagsuway. Nilunok niya na lang ang pait at tiniis ang sakit at paghihirap gamit ang buong lakas niya.‘Kaunti na lang, kaunti na lang at makakalabas na ako sa impyernong ito!’‘Pagkatapos kong lumabas dito, makakaalis na rin ang walang kwentang matandang utot na ito pagkalipas ng ilang araw. Sa sandaling iyon, wala siyang matitirahan, walang makakain, at marahil ay mamamatay siya sa kalye! Sa oras na iyon, makakapaghiganti na ako!”Sa tingin ba talaga ng matandang utot na ito na makukulong siya ng sampung taon? Nangarap pa siyang tumira sa villa sa Thompson First
Sobrang sama ng loob ni Elaine pero alam niya na may awtoridad ang mga guwardiya sa kanila, kaya sumunod siya nang nahihinaan ng loob palabas sa selda.Nang dumating sila sa yard, inutos ng mga guwardiya, “Una, tumakbo kayo nang tatlong ikot sa yard, pagkatapos ay pwede kayong pumunta kahit saan sa loob ng kalahating oras. Pagkatapos, pumila kayo sa pasukan ng yard at bumalik kayo sa selda niyo!”Mabilis na pumila ang lahat. Si Jennifer ang pinuno ng selda, kaya siya ang nag-ayos ng pila. Tumingin siya nang galit kay Elaine at sinumbato, “Hoy, ikaw, tumayo ka sa harap. Babantayan ka ng lahat. Kung hindi ka tatakbo nang maayos, yari ka sa akin!”Pagkatapos, humarap siya sa ibang preso at sinabi, “Ikaw at ikaw, tulungan niyo ang matandang babae at tumakbo kayo nang mabagal, huwag niyo siyang pagurin.”Humagikgik nang mabait si Lady Wilson. “Ah, Jennifer, masyado kang mabait. Matanda na ako, pero medyo masigla pa ako at malkaas. Hindi kailangan ng tulong ng iba, maglalakad ako nang ma
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango