Sobrang sama ng loob ni Elaine pero alam niya na may awtoridad ang mga guwardiya sa kanila, kaya sumunod siya nang nahihinaan ng loob palabas sa selda.Nang dumating sila sa yard, inutos ng mga guwardiya, “Una, tumakbo kayo nang tatlong ikot sa yard, pagkatapos ay pwede kayong pumunta kahit saan sa loob ng kalahating oras. Pagkatapos, pumila kayo sa pasukan ng yard at bumalik kayo sa selda niyo!”Mabilis na pumila ang lahat. Si Jennifer ang pinuno ng selda, kaya siya ang nag-ayos ng pila. Tumingin siya nang galit kay Elaine at sinumbato, “Hoy, ikaw, tumayo ka sa harap. Babantayan ka ng lahat. Kung hindi ka tatakbo nang maayos, yari ka sa akin!”Pagkatapos, humarap siya sa ibang preso at sinabi, “Ikaw at ikaw, tulungan niyo ang matandang babae at tumakbo kayo nang mabagal, huwag niyo siyang pagurin.”Humagikgik nang mabait si Lady Wilson. “Ah, Jennifer, masyado kang mabait. Matanda na ako, pero medyo masigla pa ako at malkaas. Hindi kailangan ng tulong ng iba, maglalakad ako nang ma
Umatras ang lahat nanag makita nila kung gaano nakakatakot ang babaeng may peklat sa mukha, pero ang malugod na ngisi sa mukha ni Lady Wilson ay ibang-iba sa mga takot na ekspresyon nila. Sobrang saya niya hangga’t nakikita niyang nabubugbog si Elaine.Malugod din si Wendy. Hindi maikukumpara sa sampal na natamo ni Elaine ngayong araw ang pambubugbog na dinanas ni Elaine sa nakaraang dalawang araw. Siguradong sobrang lakas ng babaeng may peklat sa mukha para pabagsakin si Elaine sa sahig gamit lang ang isang sampal.Si Elaine naman, sa kabilang dako, ay nanginig sa sobrang takot!Hindi na malaking bagay para kay Elaine na mabugbog dahil naranasan niya na ito sa dalawang nakaraang araw, pero hindi niya maintindihan kung bakit siya binugbog ng babaeng may peklat sa mukha.Miyembro pa siya ng transnational scam group na nandito para maghiganti?Habang nanginginig sa takot si Elaine, ngumiti nang walang imik si Jennifer sa babaeng may peklat sa mukha at sinabi, “Sister, hindi namin ki
Nang marinig ito ng dalawang babae, sumugod sila agad at pinagsusuntok at pinagsisipa nilang tatlo si Elaine.Paulit-ulit na tumama ang mga kamao at sipa nila kay Elaine at hindi mapigilan ni Elaine na mapaiyak sa sakit.Sa totoo lang, ang tatlong tao na ito ay ipinadala dito ni Isaac para takutin si Elaine at turuan siya ng leksyon. Gusto niyang maniwala si Elaine na nasa malaking problema siya.Sa ganitong paraan, hindi siya mangangahas na gumawa ng kahit anong problema para kay Charlie kapag pinalaya siya sa detention center.Sa sandaling ito, gumugulong si Elaine sa sakit pagkatapos siyang bugbugin nagn matagal. Sumisigaw siya at nagmamakaawa nang walang humpay.Tumatakbo pa rin ang ibang preso sa sandaling ito pero tumigil sila at tumingin kay Elaine at sa mga grupo ng babae nang gulat nang marinig nila ang mga sigaw ni Elaine.Kahit na nakibahagi si Jennifer sa pambubugbog kay Elaine, hindi siya kasing lupit ng tatlong preso. Naramdaman niya na para bang sinusubukan nilang
Ang iba ay may simpatya sa kanya, ang iba ay pinapanood lang ang magandang palabas at ang iba ay may sariling takot tungkol sa sitwasyon.Habang dinadala si Elaine sa kanyang selda, nakatanggap ng tawag si Charlie mula kay Isaac.Sinabi ni Isaac kay Charlie sa tawag, “Young master, nagpadala na ako ng mga tao para turuan ng leksyon si Elaine. Naniniwala ako na hindi na siya maglalakas-loob na magsalita tungkol sa’yo pagkatapos siyang palabasin sa detention center.”Sumagot nang mahigpit si Charlie, “Okay, magaling ang ginawa mo tungkol dito.”Sumagot si Isaac, “Young master, patawarin mo sana ako sa pagsasabi nito para sa tingin ko ay sumosobra na talaga ang biyenan na babae mo. Sinubukan niyang nakawin ang napakalaking pera mula sa’yo. Hindi ba’t mas mabuti kung ibibigay mo siya sa pulis at hayaan siyang hatulan ayon sa batas? Dapat ay mahahatulan siya ng suspended death sentence sa pinakamababa. Bakit mo siya pakakawalan?”Ngumiti nang nakangiwi si Charlie at sinabi, “Ah, hindi
Nagulantang ang lahat ng tao sa selda sa sinabi ng guwardiya!Hindi makapaniwala sina Lady Wilson at Wendy sa narinig nila!Ano?Hindi ba’t sinabi nila na guilty si Elaine sa fraud?Hindi ba’t sinabi nila na makukulong siya sa detention center nang sampung taon sa pinakamababa, dalawampung taon, o kahit mas matagal pa?Bakit nila siya pakakawalan ngayon?Kung makakalaya si Elaine ngayon, paano na siya titira sa villa sa Thompson First kapag pinalaya sila sa detention center pagkalipas ng sampung araw?Nagpanic si Lady Wilson sa sandaling ito!Sa sandaling ito, si Elaine, na kalahating patay na, ay biglang bumangon sa kama sa sabik nang marinig ang mga sinabi ng guwardiya.Hindi na niya maramdaman ang sakit na naramdaman niya noong binugbog siya kanina! Naramdaman ni Elaine na tila ba nagkaroon siya ng bagong buhay nang marinig niya ang pangungusap na ito.Salamat sa diyos! Makakaalis na siya sa detention center ngayon!Sumayaw si Elaine at nagsaya nang sabik, “Hahaha! Magali
Sobrang kumpiyansa ni Elaine sa sandaling ito. Habang iniimpake niya ang kanyang mga gamit, sinabi niya sa mga tao sa paligid niya, “Siya nga pala, kayong lahat na nanakit sa akin bago ito, ay hindi magkakaroon ng pagkakataon na makatakas! May sasabihin ako sa inyo. Sobrang makapangyarihan ako sa labas! Simula ngayon, hihintayin ko ang bawat isa sa inyo na palayain sa detention center na ito! Siguradong bubugbugin ko ang bawat isa sa inyo kapag umalis kayo sa detention center! Tingnan natin kung maglalakas-loob pa rin kayong apihin ako sa hinaharap!”Minura at pinagalitan ni Elaine ang bawat isa sa mga preso sa selda hanggang sa naging sobrang pangit ng ekspresyon sa mukha ng lahat ng preso.Sa wakas ay nakuntento na si Elaine pagkatapos silang pagalitan.Sa sandaling ito, tapos na si Elaine na mag-impake. Paalis na siya kasama ang guwardiya nang bigla siyang nakaramdam na gusto niyang umihi.Binulong niya sa sarili niya: “Letse… bakit kailangan ko pang umihi sa sandaling ito…”Pa
Nang mapagtanto ni Lady Wilson na tuluyan nang nasira ang pangarap niya na lumipat sa villa ng Thompson First, kinamuhian niya talaga si Elaine nang sobra.Bukod dito, nangahas si Elaine na maging hambog at mayabang sa harap niya habang ininsulto niya at pinagalitan siya nang mabangis. Sumama nang sobra ang loob ng matandang babae sa kanya dahil dito.Para kay Lady Wilson, ang huling bagay na gusto niyang makita ay makatakas si Elaine sa paghihirap niya, pero talaga bang makakalaya na si Elaine ngayon?Kung papalayain si Elaine sa lugar na ito, ito na talaga ang huling pagkakataon niya na parusahan siya at turuan siya ng leksyon! Kung hindi niya kukunin ang oportunidad na ito, marahil ay wala na siyang pagkakataon ulit sa hinaharap!Kaya, talagang binalewala ng matandang babae ang kanyang matandang edad at ang kanyang kahinaan at itinaas niya ang kanyang binti sa abot ng kanyang makakaya bago niya ibanaba ito nang todo sa tuhod ni Elaine.Nang marinig niya ang tunog ng lagatok, hi
Patuloy na umiyak si Elaine at sinabi, “Kung gano’n, hindi ko pwedeng hayaan na lang sila na baliin ang binti ko, tama?”Sumagot ang guwardiya nang walang pakialam, “Kung gusto mong gumawa ng report laban sa kanila, pwede mo itong gawin. Pero, kung susundin ang normal na proseso ng ganitong sitwasyon, marahil ay kailangan mo pang pumunta sa police station para kwestiyunin ka upang maitala nila ang mga sinasabi mo. Ibibigay ko sa’yo ang tapat na payo ko. Mayroong mahigit dalawampung tao dito. Kung sasabihin nilang lahat na ikaw ang sumubok na saktan ang matandang babae, ikaw pa ang mapapasama.”Naging desperado nang sobra si Elaine nang marinig niya ang mga sinabi ng guwardiya.Alam niya na hindi mabubuting tao ang mga presong ito at lahat sila ay nagkakaisa sa ilalim ng pamumuno ni Jennifer. Bukod dito, pinukaw ni Elaine ang galit ng publiko. Kung gusto ni Elaine na dalhin ito sa pulis, malaki ang posibilidad na magkakaisa silang lahat na atakihin at sisihin ito sa kanya.Kung gano
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro