Sobrang kumpiyansa ni Elaine sa sandaling ito. Habang iniimpake niya ang kanyang mga gamit, sinabi niya sa mga tao sa paligid niya, “Siya nga pala, kayong lahat na nanakit sa akin bago ito, ay hindi magkakaroon ng pagkakataon na makatakas! May sasabihin ako sa inyo. Sobrang makapangyarihan ako sa labas! Simula ngayon, hihintayin ko ang bawat isa sa inyo na palayain sa detention center na ito! Siguradong bubugbugin ko ang bawat isa sa inyo kapag umalis kayo sa detention center! Tingnan natin kung maglalakas-loob pa rin kayong apihin ako sa hinaharap!”Minura at pinagalitan ni Elaine ang bawat isa sa mga preso sa selda hanggang sa naging sobrang pangit ng ekspresyon sa mukha ng lahat ng preso.Sa wakas ay nakuntento na si Elaine pagkatapos silang pagalitan.Sa sandaling ito, tapos na si Elaine na mag-impake. Paalis na siya kasama ang guwardiya nang bigla siyang nakaramdam na gusto niyang umihi.Binulong niya sa sarili niya: “Letse… bakit kailangan ko pang umihi sa sandaling ito…”Pa
Nang mapagtanto ni Lady Wilson na tuluyan nang nasira ang pangarap niya na lumipat sa villa ng Thompson First, kinamuhian niya talaga si Elaine nang sobra.Bukod dito, nangahas si Elaine na maging hambog at mayabang sa harap niya habang ininsulto niya at pinagalitan siya nang mabangis. Sumama nang sobra ang loob ng matandang babae sa kanya dahil dito.Para kay Lady Wilson, ang huling bagay na gusto niyang makita ay makatakas si Elaine sa paghihirap niya, pero talaga bang makakalaya na si Elaine ngayon?Kung papalayain si Elaine sa lugar na ito, ito na talaga ang huling pagkakataon niya na parusahan siya at turuan siya ng leksyon! Kung hindi niya kukunin ang oportunidad na ito, marahil ay wala na siyang pagkakataon ulit sa hinaharap!Kaya, talagang binalewala ng matandang babae ang kanyang matandang edad at ang kanyang kahinaan at itinaas niya ang kanyang binti sa abot ng kanyang makakaya bago niya ibanaba ito nang todo sa tuhod ni Elaine.Nang marinig niya ang tunog ng lagatok, hi
Patuloy na umiyak si Elaine at sinabi, “Kung gano’n, hindi ko pwedeng hayaan na lang sila na baliin ang binti ko, tama?”Sumagot ang guwardiya nang walang pakialam, “Kung gusto mong gumawa ng report laban sa kanila, pwede mo itong gawin. Pero, kung susundin ang normal na proseso ng ganitong sitwasyon, marahil ay kailangan mo pang pumunta sa police station para kwestiyunin ka upang maitala nila ang mga sinasabi mo. Ibibigay ko sa’yo ang tapat na payo ko. Mayroong mahigit dalawampung tao dito. Kung sasabihin nilang lahat na ikaw ang sumubok na saktan ang matandang babae, ikaw pa ang mapapasama.”Naging desperado nang sobra si Elaine nang marinig niya ang mga sinabi ng guwardiya.Alam niya na hindi mabubuting tao ang mga presong ito at lahat sila ay nagkakaisa sa ilalim ng pamumuno ni Jennifer. Bukod dito, pinukaw ni Elaine ang galit ng publiko. Kung gusto ni Elaine na dalhin ito sa pulis, malaki ang posibilidad na magkakaisa silang lahat na atakihin at sisihin ito sa kanya.Kung gano
Binuksan agad ni Elaine ang kanyang cellphone pagkatapos niya ito makuha sa pulis.Simula noong nakulong siya sa detention center, hindi niya nahawakan ang kanyang cellphone. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na tawagan ang kanyang asawa o ang kanyang anak.Ngayon, biglang nakaramdam si Elaine ng napakalakas na hinaing nang makuha niya ang kanyang cellphone.Hindi malalaman ng kanyang asawa at anak ang pinagdaanan niyang pagpapahirap at sakit sa detention center sa nakaraang dalawang araw.Pero, hindi niya maasasabi sa kanila ang lahat ng hinaing niya.Ito ay dahil alam ni Elaine na marahil ay papatayin siya ng mga kriminal o aarestuhin at ikukulong ulit ng mga pulis sa detention center kung maglalakas-loob siyang sabihin ang tungkol dito.Pagkatapos niyang buksan ang kanyang cellphone, napagtanto ni Elaine na nakatanggap siya ng hindi mabilang na text message sa kanyang cellphone. Sa sandaling pinindot niya ang mga text message, napagtanto niya na halos lahat ng text message n
“Reunion?” Tinanong ni Elaine, “May gana pa ang hayop na Jacob na ‘yon na pumunta sa reunion? Sino ang mga kikitain niya?”Sumagot si Charlie, “Nakipagkita siya sa mga dati niyang kaklase. Hindi ako masyadong sigurado tungkol sa mga detalye. Dapat ko ba siyang tawagan ngayon?”Galit na sumagot si Elaine, “Gusto kong sunduin mo muna ako! Nasugatan ako at kailangan kong pumunta sa hospital ngayon!”Tinanong ni Charlie, “Ma, bakit ka nasugatan? Ayos ka lang ba?”Sinabi nang galit ni Elaine, “Nabali ang binti ko? Bakit ang dami mong sinasabing kalokohan? Bilisan mo at pumunta ka na dito!”Sumagot si Charlie, “Okay, pupunta na ako diyaan.”Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, lumabas si Charlie sa bahay at sumakay siya sa taxi habang dumiretso siya sa Aurous Hill Detention Center.Sa daan niya papunta sa detention center, tinawagan niya si Claire at sinabi sa kanya, “Mahal, tinawagan ako ni mama. Susunduin ko na siya ngayon.”Nang marinig ni Claire ang mga sinabi ni Charlie, sinabi ni
Nang makita ni Elaine si Charlie, napuno ng pagkamuhi ang kanyang puso.Naniwala talaga si Elaine sa mga sinabi ng pulis, at naniwala siya na hindi sinadya ni Charlie na magtago ng isang pekeng bank card. Isa lang siyang biktima ng criminal organization.Pero, ang lahat ng paghihirap at sakuna ay nagsimula dahil sa bank card ni Charlie. Kung hindi dahil sa bank card na ito, hindi siya maghihirap nang sobra. Kaya, si Charlie ang itinuturing niya na pinakamalaking salarin sa buong sitwasyon na ito.Talagang imposible para sa kanya na magkaroon ng kahit anong mabuting pakiramdam para kay Charlie sa sandaling ito.Nagulat nang sobra si Elaine nang biglang sumigaw sa kanya ang pulis.Hindi naging kumportable nang sobra si Elaine sa tuwing naiisip niya ang katotohanan na palagi siyang babantayan at pagmamasdan ng pulis sa hinaharap.Walang siyang magagawa dahil siya ang naglagay sa kanyang sarili sa sitwasyon na ito.Kaya, pinigilan na lang ni Elaine ang galit at pagkamuhi na nararam
Nagmaneho nang nagmamadali ang driver papunta sa Silverwing Hospital.Si Charlie, na nakaupo sa harap, ay sinabi kay Elaine, “Ma, tinawagan ko na si Claire. Nagmamadali na siya papunta sa Silverwing Hospital ngayon. Kukuha tayo ng doktor para suriin ang binti mo sa lalong madaling panahon.”Suminghal nang mapait si Elaine bago siya lumingon para tumingin sa bintana nang galit. Pagkatapos, sinabi niya nang misteryoso, “Sobrang malas ko talaga na magkaroon ng walang kwentang manugang na katulad mo na palaging gumagawa ng problema para sa akin!”Sinadyang itanong ni Charlie, “Ma, anong ibig mong sabihin? Kailan ako ulit gumawa ng kahit anong problema sa iyo?”Pinandilatan siya ni Elaine gamit ang rearview mirror bago niya sinabi nang malamig, “Huwag mo akong tanungin ng kahit ano! Pag-isipan mo ito! Hindi ako magsasalita kahit na tanungin mo ako!”Maraming beses na siyang binigyan ng babala ng mga pulis at hindi siya nangahas na magalit nang direkta kay Charlie. Kaya, sa ganitong par
Kahit na namumula si Matilda sa sandaling ito, tinanggap niya ang mikropono bago siya ngumiti at sinabi, “Huwag sanang magkamali ang pang-unawa niyo sa amin. Kakanta lang kaming dalawa. Kung may iba pang gustong kumanta kasama ako, handa akong samahan ka at kantahin ito kasama ka.”Hindi maiwasan ni Wiliam na makaramdam ng kaunting sama ng loob. Naramdaman niya na bilang isang kasal na tao, paano nagawang imbitahin ni Jacob ang kanyang diyosa na kumanta ng love song kasama siya?Pero, nang maisip niya na pinagsisilbihan sila ni Oscar dahil sa manugang ni Jacob, mabilis niyang nilunok ang mga salita niya bago pa siya makapagsalita.Mayroong sobrang sabik na ngiti si Jacob sa kanyang mukha. Sa sandaling ito, nararamdaman niya ang pagbugso at pagtibok ng puso niya habang palihim siyang nakatingin kay Matilda.Sa sandaling ito, aksidenteng nagkatitigan si Matilda at si Jacob. Nang makita ni Matilda ang hindi tinatagong pagkahumaling ni Jacob sa mga mata niya, hindi mapigilan ni Matilda
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango