Kahit na namumula si Matilda sa sandaling ito, tinanggap niya ang mikropono bago siya ngumiti at sinabi, “Huwag sanang magkamali ang pang-unawa niyo sa amin. Kakanta lang kaming dalawa. Kung may iba pang gustong kumanta kasama ako, handa akong samahan ka at kantahin ito kasama ka.”Hindi maiwasan ni Wiliam na makaramdam ng kaunting sama ng loob. Naramdaman niya na bilang isang kasal na tao, paano nagawang imbitahin ni Jacob ang kanyang diyosa na kumanta ng love song kasama siya?Pero, nang maisip niya na pinagsisilbihan sila ni Oscar dahil sa manugang ni Jacob, mabilis niyang nilunok ang mga salita niya bago pa siya makapagsalita.Mayroong sobrang sabik na ngiti si Jacob sa kanyang mukha. Sa sandaling ito, nararamdaman niya ang pagbugso at pagtibok ng puso niya habang palihim siyang nakatingin kay Matilda.Sa sandaling ito, aksidenteng nagkatitigan si Matilda at si Jacob. Nang makita ni Matilda ang hindi tinatagong pagkahumaling ni Jacob sa mga mata niya, hindi mapigilan ni Matilda
Nagpanic si Jacob at sinabi, “Pasensya na. Pasensya na. Kailangan ko munang sagutin ang tawag na ito. Babalik ako at kakanta mamaya!”Pagkatapos niyang magsalita, nagmamadali niyang pinulot ang kanyang cellphone bago siya nagmadali palabas sa kwarto.Pinulot agad ni William ang mikropono na naiwan bago siya ngumiti at sinabi, “Tara, Matilda. Kakanta ako kasama mo!”Dinala ni Jacob ang kanyang cellphone palabas ng kwarto bago niya nagmamadaling sinagot ang tawag.Sa sandaling kumonekta ang tawag, umalingawngaw ang iconic na sigaw ni Elaine sa kabilang linya: “Jacob Wilson! Gusto mong mamatay? Dalawang araw at gabi na akong nawawala. Hindi mo man lang ako tinawagan o nagpadala ng kahit isang text message! May gana ka pang lumabas para sa reunion?”Nang marinig ni Jacob ang mga salitang ito, nabulabog ang kanyang puso. Biglang naging malamig ang kanyang masiglang puso.Tapos na ang buhay niya. Bumalik na ang mabahong babaeng iyon!Sobrang hindi patas ng Diyos sa kanya. Dalawang araw
Sa sandaling ito, nagmamadali na rin ang nag-aalalang si Claire papunta sa Silverwing Hospital.Sobrang balisa niya dahil narinig niya na nabali ang binti ng kanyang ina. Hindi niya alam ang nangyari sa kanyang ina sa nakaraang dalawang araw.Pagkatapos ibaba ni Elaine ang tawag, hinawakan niya ang kanyang kanang binti habang nagpawis siya nang malamig sa sakit.Sa sandaling ito, sumigaw si Elaine habang pinilit niya ang driver na may naiinis na ekspresyon sa kanyang mukha, “Pwede mo bang imaneho nang mas mabilis ang sirang sasakyan mo? Bakit ang bagal mong magmaneho? Alam mo ba na nasasaktan ako nang sobra ngayon?”Sumagot nang walang pakialam ang driver, “May speed limit na kailangan kong sundin kapag nagmamaneho sa siyudad. Kailangan kong sundan nang mahigpit ang mga regulasyon ng speed limit. Hindi lamang ako mawawalan ng puntos kapag binilisan ko ng takbo, ngunit malalagay din sa panganib ang mga tao na naglalakad sa gilid kung magmamaneho ako nang walang ingat.”“Sinong pina
Pagkatapos, bumalik siya sa dating taxi para tulungan si Elaine, na may baling binti, na makalabas ng kotse.Tiniis ni Elaine ang sakit sa kanyang binti bago siya lumabas sa kotse. Pagkatapos, tiniis niya ulit ang sakit habang sumakay siya sa kabilang taxi kasama si Charlie.Nang makita niya na umaandar na ang kanilang taxi, ibinaba niya ang kanyang bintana at minura ang driver na nagsisigarilyo sa gilid ng kalsada, “G*go! Siguradong maaksidente ka at mamatay ka ngayong araw!”Sa sandaling narinig ito ng driver, sinumbat niya, “Ikaw pangit na babae! Ikaw ang mamamatay sa harap ko!”Galit na galit si Elaine at gusto niyang ilabas ang kanyang ulo sa bintana at murahin pa ang driver. Pero, malayo na ang kanilang taxi, at sinukuan niya na lang ang galit niya.Si Charlie, na kanina pa hindi nagsasalita, ay hindi mapigilang magbuntong hininga sa loob niya. Mukhang pinahirapan nang sobra ang kanyang biyenan na babae sa detention center. Kung hindi, hindi siya mapupuno ng galit ngayon.H
Alam ni Claire na siguradong magagalit nang sobra ang kanyang ina kung malalaman niya na pumunta ang kanyang ama sa reunion kasama si Matilda at ang mga kaklase nila dati.Sa sandaling ito, sobrang emosyonal na ni Elaine. Kaya, ayaw ni Claire na magsalita ng kahit ano na magpapagalit pa lalo sa kanya.Kaya, sinabi niya, “Sa tingin ko ay pumunta siya sa reunion kasama ang mga dati niyang kaklase. Hindi ako masyadong sigurado sa mga detalye. Baka sila ulit tulad dati noong huli nilang reunion.”“May mali!” Sumagot si Elaine na may madilim na hitsura. “Bihira lang sila magsama-sama ng mga kaklase niya sa mga nakaraang taon. Imposible na magtipon-tipon ulit sila pagkalipas ng maikling panahon. Siguradong may ibang dahilan sa reunion na ito!”Nagsinungaling na lang si Claire kahit ayaw niya. “Hindi ako masyadong sigurado tungkol dito.”Nagngalit si Elaine sa galit at sinabi nang malamig, “Ang matandang h*yop na iyon! Naghirap ako nang sobra sa detention center pero may gana pa talaga s
Tinanong nang malamig ni Elaine, “Sigurado ka ba?”Sinabi nang nagmamadali ni Jacob, “Oo, sigurado ako. Bakit ako magsisinungaling sa’yo? Hindi ba’t hindi angkop na pag-usapan ‘to ngayon? Hindi ba’t mas importanteng ipagamot ang mga sugat mo? Bali ba ang binti mo?”Nakatuon nang sobra si Elaine sa ginagawa ni Jacob at nakalimutan niya na kailangan niyang ipagamot ang kanyang sugat at baling binti. Naalala niya lang ang sakit sa kanyang kanang binti nang bigla itong binanggit ni Jacob.Kaya, sinabi nang nagmamadali ni Elaine kay Claire, “Mabuti kong anak, dalhin mo ang mama mo sa doktor ngayon din! Ayoko kong malumpo!”***Pagkatapos pumunta sa emergency ward at makita ang doktor, pina X-ray ni Elaine ang kanyang binti sa hiling ng doktor. Pagkatapos, tinanong nang kinakabahan ni Claire, “Doc, kamusta ang sitwasyon ng mama ko?”Natatakot nang sobra si Elaine na may masamang mangyayari sa kanya, at tinanong nang nagmamadali, “Oo, doc. Anong resulta? Magiging baldado ba ako?”Sinab
Pagkatapos lagyan ng plaster cast sa Silverwing Hospital, hinatid ni Jacob si Elaine pauwi para magpagaling.Pinagalitan nang tuloy-tuloy ni Elaine si Jacob na nakaupo sa tabi niya. Sa parehong oras, sinusubukan niyang malaman kung bakit nagbihis nang maganda si Jacob para pumunta sa reunion ngayong araw.Pero, mas sobrang sikip ng bibig ni Jacob.Gusto niyang humanap ng magandang pagkakataon na kausapin si Elaine tungkol sa divorce ngayong gabi. Kaya, alam niya na hindi niya pwedeng ipaalam kay Elaine ang tungkol kay Matilda bago ito mangyari.Sa kabilang kotse, nagmamaneho si Charlie kasama si Claire na may namumulang mga mata habang sumusunod sila sa likod ng kotse ni Jacob.Nahahabag si Claire nang sobra sa kanyang ina. Dahil kahit ano pa, siya ang anak niya. Siguradong hindi mapapalagay ang kahit sinong tao na nakakita na naghirap nang sobra at nagkaroon ng maraming sugat ang kanyang ina.Bukod dito, nag-aalala rin siya sa relasyon ng kanyang ama at ina.Alam niya na mahal
Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, “Huwag ka nang mag-alala tungkol dito. Kahit na hindi ako maaasahang tao, hindi ako madaling kalabanin.”Nagbuntong hininga si Isaac at sinabi, “Young Master, kailangan mo pa ring maging maingat. Huwag mong pabayaan ang pamilya Webb o maliitin sila. Naglabas na ng pabuya na tatlong daang milyong dolyar para sa buhay nina Cain at Marcus. Maraming tao na ang naghahanap sa mag-ama sa buong mundo. Sa sandaling nagpakita ang mag-ama, siguradong matataga sila ng maraming tao.”Tinanong nang nauusisa ni Charlie, “May nakakaalam ba kung saan pumunta ang mag-ama?”Sumagot si Isaac, “Narinig ko na pumunta sila sa ibang bansa. Pero, walang nakakaalam kung saang bansa dahil gumamit sila ng pekeng passport nang umalis sila.”Tumango si Charlie. Kahit na hindi siya nagsalita, alam niya na ang dahilan kung bakit gustong ipapatay ng pamilya Webb ang mag-ama ay dahil talaga sa standup comedy na inupload sa TikTok.Desperadong sinubukan ng pamilya Webb na t
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro