Sa sandaling ito, 24 oras na ang lumipas simula nang nawala si Elaine.Kaya, nag-aalala nang sobra si Claire at kinakabahan siya, naglabas-pasok siya sa mga beauty salon na madalas pinupuntahan ni Elaine.Pumasok siya sa isa sa mga beauty salon at tinanong ang may-ari habang ipinakita niya ang litrato ni Elaine, “Hi, nakita mo na ba ang babaeng ito dati?”Tumingin nang mausisa ang may-ari sa litrato at tinanong, “Ah, hindi ba’t si Mrs. Wilson ito?”Nagulantang si Claire. “Kilala mo ang ina ko?”Ngumiti ang may-ari at sinabi, “Ah, ikaw pala ang anak na babae niya. Dati ay suki ko siya dito, pero hindi ko na siya nakikita kailan lang. Dati ay madalas siyang pumunta dito kasama ang mga kaibigan niya. Bakit? Nawawala ba siya?”Tumango si Claire at tinanong, “May kilala ka bang kaibigan niya? Maaari mo bang ibigay sa akin ang mga number nila? Pakiusap.”Napanganga ang may-ari at tila ba may pumasok sa kanyang isipan at sinabi, “Ah, nagpapa-facial ang isa sa mga kaibigan niya ngayon.
Naging mapanghamak ang hitsura ni Mrs. Wayne sa punta na nasira na ang masikip na maskara at nahulog na ito mula sa kanyang mukha dahil sa pagbabago ng mukha niya.Tumingin siya sa nakakaawang maskara sa sahig, sumama ang loob niya.Mas lalong sumama ang loob niya nang maisip niya ang nangyari kahapon.Kahit na hindi sila matalik na magkaibigan ni Elaine, may magandang pagkakaibigan sila kung saan madalas silang naglalaro ng mahjong at pumupunta nang magkasama sa mga facial at spa treatment.Marami silang kakilalang ganito na ginagalang ang isa’t isa, pero nagalit siya nang sobra sa pambihirang reaksyon ni Elaine kahapon sa punto na hindi siya nakatulog kagabi.Hindi maiwasang mataranta at malito ni Claire nang marinig ang reklamo ni Mrs. Wayne. Bakit nakipag-usap nang ganito ang mama niya sa kaibigan niya? Kailan lang ang ay hindi siya masyadong kumikilos dahil wala siyang pera, pero bakit biglang nagbago ang ugali niya? May kakaibang kayamanan ba siyang nakita?Sinabi niya pa n
Sa ibang salita, walang pera si Elaine.Kung gano’n, bakit niya ininsulto si Mrs. Wayne sa tawag na parang isang supladong mayamang babae hindi matagal pagkalipas nito?Bigla ba siyang naging mayaman sa maikling panahon?Saan nanggaling ang pera?Kahit na mayaman talaga siya, bakit kailangan niyang maglaho?Ito ba talaga ay dahil kinamumuhian niya siya at ang ama niya pagkatapos niyang maging mayaman?Hindi naman ito imposible, ayon sa pagkakaintindi niya sa ugali ng ina niya, pero paano naman ang villa sa Thompson First, ang pangarap na bahay niya na matagal na niyang pinaglalawayan?Kung pag-iisipan ito, kung nakakuha nga talaga siya ng kayamanan nang hindi sinasadya, tatago niya ang pera at patuloy siyang titira sa marangyang villa, ganito ang ugali niya. Hindi siya maglalaho kasama ang pera at iiwan ang villa nang gano’n lang, lalo na dahil hindi pa siya nakakapagpalipas ng gabi sa villa.Sa tuwing iniintindi at pinag-iisipan ni Claire ang sitwasyon, mas lalo siyang nalilit
Nagmaneho nang walang patutunguhan si Charlie sa siyudad. Nang maktanggap siya ng tawag kay Jacob na nagsasabing malapit nang pumunta si Matilda sa bahay nila, nagmaneho siya pauwi.Natanggap din ni Caire ang tawag ng kanyang ama na may parehong mensahe, at umuwi siya kahit na nag-aalangan siya.Pinilit ni Loreen na lumabas para maghupunan ngayong gabi nang nalaman niya na may mga bisitang darating. Gusto ni Claire na isama siya para maiwasan niya ang nakakahiyang katahimikan, pero nahihiya na siya kaya tinanggihan niya ang alok niya at sinabi na kailangan niyang magtrabaho ng overtime at kailangan niyang maghapunan nang mag-isa.Walang lugar si Claire para pwersahin si Loreen, nagbigay na lang siya ng babala kay Jacob, “Pa, kapag dumating ang kaibigan mo, huwag mong subukan na pag-usapan ako, wala ako sa mood para makipag-usap ngayong araw.”Alam ni Jacob na hindi niya pwedeng kulitin siya dahil handa naman siyang umuwi at maghapunan kasama si Matilda para sa kanya, kaya sinabi ni
Tumango si Matilda at sinabi, “Hindi gano’n kamahal ang 100 milyon, pero hindi ko ito maintindihan, paano nakayanan ni Jacob na bumili ng villa dito ayon sa kasalukuyang sitwasyon niya?”Ngumiti si Paul at sinabi, “Ah, ikaw ang magtatanong nito sa kanya kung gano’n.”Ngumiti rin si Matilda. “Hmm, marahil ay tinatago niya ang liwanag niya sa ilalim ng balde.”Nag-isip nang ilang sandali si Paul at sinabi, “Sa totoo lang, mabait na lalaki si Tito Wilson, pero hindi ko masasabi na may kahit anong ilaw siyang matatago, sa totoo lang, sa tingin ko ay wala rin siyang balde.”Tinanong nang mausisa ni Matilda, “Anong ibig mong sabihin?”Sumagot si Paul, “Wala, naramdaman ko lang na medyo kakaiba ito, iyon lang.”Tumawa nang magaan si Matilda at sumagot, “Okay, tama na. Dapat ay maging masaya ako para sa dati kong kaibigan dahil nakatira siya sa isang mahal na villa. Para naman sa ibang bagay, wala na tayong dapat pakialaman tungkol dito.”Tumango nang tapat si Paul. “Oo, ma, tama ka.”
Sa oras na ito, dinala na ni Jacob si Matilda at ang kanyang anak, si Paul lampas sa courtyard.Sa sandaling nagkita sila, nagulat talaga si Claire sa hitsura ni Matilda. Narinig na niya kay Charlie na kamangha-mangha ang ugali at hitsura ni Matilda pero hindi niya talaga inaasahan na ganito ito kaganda.Sa parehong oras, hindi maiwasan ni Claire na mainggit nang kuanti kay Matilda.Dahil, kamangha-mangha talaga para sa isang babae na panatilihin ang magandang antas ng kanyang ugali at hitsura nang tumuntong na siya sa eda na limampu o pataas.Nasopresa rin nang kaunti si Matilda nang makita niya si Claire. Hindi niya talaga inaasahan na magiging sobrang ganda at namumukod tangi ang anak nina Jacob at Elaine.Sa sandaling ito, si Paul, na nakatayo sa tabi ni Matilda, ay nagulantang din nang kaunti. Nasorpresa talaga siya sa kagandahan at ugali ni Claire.Nagmamadali silang ipinakilala ni Jacob sa isa’t isa. “Matilda, ito ang anak na babae ko, si Claire.”Pagkatapos, tumingin uli
Tumango si Charlie at sinabi, “Sige, Pa. Naiintindihan ko.”Sinabi nang nagmamadali ni Jacob, “At saka, huwag mong kalimutan ang bagay na pinaalala ko sa’yo!”Alam ni Charlie ang sinasabi niya. Gusto ni Jacob na bigyan atensyon niya ang sitwasyon at siguraduhin niya na hindi niya hahayaang makapasok ang kanyang biyenan na babae kapag bumalik siya. Ayaw ni Jacob na makita ni Elaine si Matilda sa villa.Kaya, ngumiti siya at sinabi, “Huwag kang mag-alala, Pa. Hindi ako magkakamali dahil binigyan mo na ako ng militar na utos para dito.”Binigyan siya ng thumbs up ni Jacob at sinabi, “Mabuti ka talagang manugang. Hindi kita tatratuhin nang masama sa hinaharap!”Pagkatapos niyang magsalita, nagmamadali niyang dinala si Matilda sa kusina.Tinanong ni Claire si Charlie nang mausisa, “Anong sinabi sa’yo ni Papa? Misteryoso ang kilos niyo, tila ba may sabwatan kayong dalawa.”Inisip ni Charlie, ‘Imposibleng sabihin ko sa’yo na hiniling ng ama mo na bantayan kita. Bukod dito, kung babalik
Tumingin si Charlie kay Paul at tinanong nang mausisa, “Paul, madalas ka bang pumunta sa Oskia dati?”Umiling si Paul bago siya ngumiti at sinabi, “Paminsan-minsan lang ako bumibisita para sa negosyo pero hindi ako nanatili dito nang mas matagal sa isang linggo kada biyahe.”May nalilitong hitsura si Charlie sa kanyang mukha habang tinanong, “Kung gano’n, bakit sobrang dami mong alam tungkol sa tsaa, gamit, at kahoy?”Ngumiti si Paul at sinabi, “Ito ay dahil mahilig ang ina ko sa mga bagay na ito. Kaya, nakikita ko na ang mga bagay na ito simula pa noong bata pa ako.”Pagkatapos, nagpatuloy si Paul, “Kahit na magkahalong lahi ako at kahit na mas kamukha ko ang mga Amerikano, isa akong Oskian hanggang sa buto ko. Talagang naimpluwensyahan ako ng ina ko simula pa noong bata pa ako. Gustong-gusto talaga ang kultura, pagkain, at mga tradisyon dito.”“Gano’n pala.”Bahagyang tumango si Charlie habang nagpakulo siya ng ilang tubig para sa tsaa. Pagkatapos, sinimulan niyang ihanda ang m
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl