Share

Kabanata 778

Penulis: Lord Leaf
“Isang sala n may mahigit isang daang metro kwadrado ang sukat?” Nagulantang ang salesman pagkatapos marinig ang sagot ni Jacob. Pagkatapos, hindi niya mapigilang sabihin, “Masyado itong malaki, hindi ba?”

Humagikgik si Jacob at sinabi, “Ang bahay ko ang pinakamalaking villa sa Thompson First. Kaya, paano magiging maliit ang sala doon?”

Nagulat ang salesman sa sandaling ito at sinabi nang nagmamadali, “Sir, mayroon kang napakalaking sala at natural lang na bumili ka ng mas maraming gamit para hindi magmukhang kulang ang sala mo!”

Pagkatapos, mabilis siyang pinangunahan ng salesman sa isang Lexington sofa set bago niya sinabi, “Sir, ito ang aming 3 + 2 + 2 + 1 na Lexington sofa set na custom-made para sa lahat ng may-ari ng villa. Ang Lexington sofa set na ito ay kayang magpaupo ng walong tao! Sobrang elegante nito at maganda, at kayang pagkasyahin ang lahat ng bisita mo kapag bumisita sila sa bahay niyo.”

Umabante si Jacob para hawakan ang armrest ng sofa. Nakuntento siya sa makini
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 779

    Nalito nang sobra si Jacob sa tanong ng boss.Malinaw naman na nandito siya para bumili ng gamit. Sinong nagsabi na nandito siya para magbenta ng gamit?Kaya, mabilis niyang sinabi sa boss, “Nandito ako para bumili ng gamit. Naiintindihan mo ba ako?”Mabilis na umabante ang salesman at sinabi, “Boss, ang ginoo na ito ay nandito para bumili ng Lexington sofa set.”Pagkatapos niyang magsalita, nagmamadali niyang tinuro si Christopher na kakapasok lang sa shop at sinabi, “Ang ginoo na iyon ang nandito para magbenta ng gamit.”Mabilis na napagtanto ng boss ang kanyang pagkakamali at sinabi nang nagmamadali kay Jacob, “Oh, patawarin mo ako! Nagkamali ako.”Pagkatapos, tumingin siya kay Christopher at tinanong, “Sir, nandito ka ba para magbenta ng gamit?”Nang marinig ni Christopher na nandito si Jacob para bumili ng gamit, gusto niya na talagang tumalikod at umalis kaagad.Dahil, ayaw niya talagang tratuhin siyang parang biro ni Jacob.Pero, ang furniture shop na ito ang pinakamala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 780

    Pagkatapos, hindi na nag-abala si Christopher kay Jacob. Tumingin lang siya sa boss at sinabi, “Mangyaring sumama ka sa akin para makita ang sofa set!”“Okay!” Bahagyang tumango ang boss bago siya lumabas ng furniture shop kasama si Christopher.Sumimangot si Lady Wilson habang tumingin siya nang masama kay Jacob at tinanong niya nang malamig, “Anong ginagawa mo dito?”Kahit na sinira na ni Jacob ang lahat ng relasyon niya sa matandang babae, kahit papaano, siya pa rin ang ina niya. Kaya, may respeto pa rin siya sa kanya nang makita niya siya.Sa sandaling ito, sumagot nang magalang si Jacob, “Ma, kumpleto na ang renovation sa villa ni Charlie. Nandito kami para bumili ng ilang gamit para makalipat na kami sa villa sa lalong madaling panahon.”Sinasabi lang ni Jacob ang totoo pero nang narinig ito ni Lady Wilson, hindi siya naging kumportable at naramdaman niya na para bang may sumasampal sa mukha niya!Sa puntong ito, malapit na silang paalisin sa kanilang villa at desperado siy

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 781

    “Tama na!” Nagalit nang sobra si Lady Wilson at sumigaw siya nang mabangis habang nakatingin siya nang masama kay Elaine bago siya nagmura at sinabi, “Ikaw p*ta! Ano naman kung naghihirap ang pamilya Wilson ngayon? Siguradong magkakaroon kami ng pagkakataon na umangat ulit balang araw. Kapag dumating ang oras na iyon, talagang imposible na na tanggapin ulit kita sa pamilya Wilson kahit na magmakaawa ka sa akin na tanggapin kita!”Sinabi nang nagmamadali ni Jacob kay Elaine, “Elaine! Paano mo nagawang kausapin nang ganito si Mama? Bilisan mo at humingi ka na ng tawad sa kanya!”Sumimangot si Elaine bago niya tinitigan si Jacob at sinabi nang malamig, “Nakalimutan mo na ba na pinaalis ka ng matandang babae na ito sa pamilya Wilson? Pinoprotektahan at pinagtatanggol mo nanaman ba siya? Marahil ay tinrato mo siya bilang ina pero tinrato ka ba niya bilang anak?”Pagkatapos niyang magsalita, tinuro ni Elaine si Lady Wilson bago niya sinabi nang malamig, “Tanda, sana ay itama mo ang mga si

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 782

    Bahagyang tumango ang salesman bago sinabi, “Maaari kang bumalik ulit dito kung gusto mong bumili ng sofa set sa amin.”Nang tumalikod sila, naglaho na si Lady Wilson at ang buong pamilya niya.Pumunta si Jacob sa ilang shop na nagbebenta ng Lexington wood furniture pero wala siyang nakitang sofa set na gusto niya.Nabalisa rin nang sobra si Elaine sa sandaling ito, kaya, iminungkahi niya na bumili na lang muna sila ng ibang gamit para sa kwarto at hapag-kanina. Kung hindi, sayang lang ang pagpunta nila sa Furniture City ngayong araw.Naramdaman ni Jacob na hindi magandang magsayang sila ng oras nang ganito. Kaya, pumunta na lang muna sila sa ibang shop.Pinili ni Elaine ang isang kama na may halagang sampu-sampung libong dolyar para sa kanya habang pinili lang ni Claire ang isang bedroom set na may halagang sampung libong dolyar. Sa sandaling ito, bumili rin sila ng mga gamit tulad ng aparador, isang lamesa, at iba pa para sa mga kwarto at sala.Binili pa nila ang lahat ng home

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 783

    Sobrang sabik ni Jacob nang marinig niya ang tanong ng kanyang kapatid. Sumagot siya nang sabik, “Syempre, totoo ito! Handa akong magbayad ng 1.2 milyong dolyar para dito!”Sumagot si Christopher, “Sige, dahil gusto mo talaga ito, pwede mong ipadala ang pera sa bankg account ni Mama. Pagkatapos, maituturing na nabenta na namin ang sofa sa iyo.”Nakuntento nang sobra si Jacob at sumagot siya nang mabilis, “Sige. Bakit hindi mo na ipadala ang sofa set sa villa namin sa Thompson First ngayon? Pagkatapos ibaba ang sofa set sa villa, magbabayad agad ako.”Nag-alangan nang ilang sandali si Christopher sa kabilang linya bago siya sumagot, “Sige. Nasa truck na ang sofa set ngayon at pwede na naming ipadala ito sa vila sa kahit anong oras.”Sumagot nang nagmamadali si Jacob, “Okay, kikitain kita sa villa ng Thompson First! Doon tayo magkita!”Pagkatapos niyang magsalita, ibinaba agad ni Jacob ang tawag bago niya sinabi nang sabik, “Charlie, tama ang hula mo! Ibebenta nila ang sofa sa atin!

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 784

    Gayunpaman, ang taong titira dito ay walang iba kundi si Claire, ang taong kinamumuhian niya at minamaliit!Nang maisip niya ito, sinabi rin ni Wendy, “Lola, sasama rin ako sa’yo!”Pagkatapos niyang magsalita, nagmamadali niyang inalalayan ang isang braso ng lola niya habang ang kapatid niya ang nakaalalay sa kabila.Pumasok ang lol at ang mga apo niya sa sala habang inoobserbahan nila ang maganda at kamangha-manghang dekorasyon at renovation sa bahay. Namangha sila nang sbra at wala silang masabi.Ang kisame ng malaking sala ay mahigit sampung metro ang taas at mayroong isang malaki, at marangyang ginintuang crystal chandelier sa gitna ng sala. Ang ilaw na nagniningning sa crystal chandelier ay sobrang makulay at maliwanag. Sobrang ganda nito at nakaka-pigil hininga!Hindi mapigilan ni Lady Wilson na manginig ang mga binti niya sa sandalling tumayo siya sa marangyang sala.Kumpara sa villa na ito, walang binatbat ang villa niya!Ang renovation at dekorasyon ng villa niya ay hin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 785

    Nagbago ang ekspresyon ng lahat sa sandaling narinig nila ang mga sinabi ni Lady Wilson!Ang unang tao na nag-iba ang ekspresyon ay walang iba kundi si Elaine!Naintindihan niya agad ang balak ng matandang babae!Ang galing niya talaga! Isa talaga siyang mapanlinlang na ahas! Nagpapanggap lang siyang ibibgay niya ang gamit dahil gusto niyang lumipat sa villa nila!Sa wakas ay nakawala na siya sa matandang babae at sa pamilya Wilson. Sa wakas ay mas maganda na ang buhay niya kumpara sa pamilya Wilson at sa wakas ay natatapakan na niya ang pamilya Wilson.Bilang resulta, sinusubukang sumipsip ng matandang babae sa kanila para lang makatira siya sa malaki at marangyang villa nila, hindi ba?Bakit hindi na lang siya umalis at tumingin sa sarili niyang repleksyon? Talaga bang karapat-dapat siyang manatili sa villa kasama sila?Hindi rin tanga si Jacob. Sa totoo lang, sa una, naantig talaga siya sa kabaitan ng matandang babae. Pero, sa sumunod na segundo, naintindihan niya agad ang ba

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 786

    Tumango rin nang paulit-ulit si Jacob sa sandaling ito.Alam na niya kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng ahas na babae sa bahay. Tila ba palagi siyang naglalakad sa manipis na yelo.Kung may dalawang ahas na babae sa bahay, hindi na ito matatawag na bahay.Kaya, tinibayan niya na lang ang kanyang puso at sinabi, “Ma, bakit hindi mo na lang ibigay sa akin ang bank account number mo? Ipapadala ko na sa’yo ang pera ngayon. Kung hindi, pwede mong kunin ang gamit mo at utusan ang mga taga-bitbit na buhatin ito palabas ng villa.”Nagalit nang sobra si Lady Wilson at tinuro niya si Jacob. Sa sandaling ito, sumugod siya paabante para sampalin siya sa mukha. Buti na lang, mabilis ang reaksyon niya at humakbang agad siya nang dalawang beses paatras, kaya hindi siya tinamaan ng matandang babae.Nanginginig sa galit si Lady Wilson dahil sa ugali ni Jacob. Ang mas nakakalungkot pa ay hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na tumira nang masaya sa isang malaki at marangyang villa. Hindi siya

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5924

    Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5923

    Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5922

    Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status