Hinihintay sila ni Christopher sa labas ng villa. Nang makita niyang lumabas ang matandang babae sa villa kasama ang kanyang anak na lalaki at anak na babae, lumapit siya nang nagmamadali at tinanong agad, “Ma, nakuha mo ba ang pera sa kanila?”Mayroong sobrang dilim na hitsura si Lady Wilson habang sinabi, “Oo, tara na!”Nang makita niya na mukhang galit na galit si Lady Wilson, sinunggaban niya nang nagmamadali si Harold at tinanong sa mahinang boses, “Anong nangyari? Bakit galit na galit ang lola mo?”Hinintay ni Harold na makalayo muna ang kanyang kapatid at lola bago niya binulong, “Pa, ang lala na talaga ni Lola!”“Bakit mo sinasabihan nang ganito ang lola mo?” Hindi mapigilang pagalitan ni Christopher ang kanyang anak sa sandaling ito. “Umaasa na tayo sa lola mo ngayon. Paano mo ito nasabi sa kanya? Anong mangyayari kung maririnig ka niya?”Sumagot nang galit si Harold, “Pa! Alam mo ba ang sinabi ni Lola kay Tito? Sinabi niya na handa siyang ibigay nang libre ang sofa basta
Ang layout ng pangalawang palapag ay katulad lang sa ikatlong palapag. Mayroong tatlong kwarto sa bawat palapag at isa dito ay malaking kwarto na may dalawang mas maliit na kwarto.Ang malaking kwarto ay parang isang suite na may living area sa labas at banyo sa loob.Syempre ay pinili nina Charlie at Claire ang kwarto na ito. Pagkatapos, nagpasya sila na ibigay kay Loreen ang kwarto sa tabi nila.Mayroon pang isang kwarto sa pangalawang palapag at balak itong gawing study room ni Claire. Madalas siyang nagde-design ng mga drawing at construction plan para sa kanyang kumpanya at kailangan niya ng kwarto kung saan siya makakapagtrabaho.Tumingin sina Charlie at Claire sa paligid ng kwarto. Sa sandaling ito, sinadyang tinanong ni Charlie si Claire, “Mahal kong asawa, nasa dalawang metro ang laki ng kama na binili natin para sa kwarto, tama?”“Oo.” Tumango si Claire at sinabi, “Dahil sobrang laki ng kwarto, hindi magandang tingnan kung maliit ang pipiliin nating kama.”Humagikgik si
Nag-panic si Jacob sa sandaling nagsalita si Elaine.Alam niya na patagong sinusubukan ni Elaine na buksan ang kanyang cellphone at naisip niya na siguradong hindi nahulaan ni Elaine ang kanyang password dahil binago niya na ito. Pero, hindi niya talaga inaasahan na malalaman ni Elaine na pinalitan niya ang kanyang password at ginamit niya ang araw ng kapanganakan ni Matilda!Medyo nabalisa siya dito at natakot nang kaunti!Buti na lang, iba ang payment verification password na ginamit niya. Kung hindi, kinuha na ni Elaine ang lahat ng pera niya!Nang makita ni Elaine na nag-aalangan si Jacob, agad siyang inatake ni Elaine. Kiangat niya ang kanyang ngipin at minura, “Hindi ba’t sobrang yabang mo at mapagmataas ka sa akin sa nakaraang dalawang araw? Pinapagalitan mo ako at inaatake mo ako at hindi mo ako binibigyan ng kahit anong respeto. Bakit nananahimik na ngayon? Huwag mong sabihin na nahulaan ko ang lahat ng maduming hangarin mo!”Sinabi ni Jacob, “Tigilan mo na ang kalokohan
Nagpasya na lang si Jacob na umamin habang sinubukan niyang ipaliwanag ang sarili niya, “Claire, nakikipag-usap lang ako sa ina mo tungkol sa nangyari dati. Wala akong sinabi sa iyo na kahit ano. Hindi ko kailanman sinabi na ayaw ko sa’yo.”Hindi alam ni Claire ang nangyari sa pagitan ng mga magulang niya dati. Hindi niya mapigilang mayamot nang kaunti sa sandaling ito. Kaya, sinabi niya na lang, “Pa, wala akong pakialam sa nakaraan niyo ni mama. Hindi ko alam kung may kabit ba sa pagitan niyo. Ang alam ko lang ay dalawampung taon ka nang kasal kay mama ngayon. Ikaw rin ang pumayag na pakasalan si mama sa una pa lang. Kaya, dapat mong respetuhin ang kasal niyo!”“Kung pinalitan mo ang password mo at ginamot mo ang kaarawan ng unang mahal mo, isa itong pagtataksil sa kasal niyo! Kung hindi mo na mahal ang mama ko at kung talagang kinamumuhian mo ang ina ko, hiwalayan mo muna si mama at pagkatapos ay pwede mo nang habulin ang kasiyahan mo. Pero, sa tingin ko ay hindi tama na gawin mo i
Pagkatapos ng away, walang nakinabang kina Jacob o Elaine.Ang gusto lang ni Elaine ay pera, pero wala man lang siya nakuha sa huli. Kaya, hindi niya maiwasang malungkot nang kaunti sa buong araw na iyon.Pagkatapos umuwi ng apat mula sa villa, nag-impaki na sila. Hindi rin nakalimutan ni Claire na ipaalam kay Loreen na lilipat na sila sa villa bukas. Sinabihan niya si Loreen na mag-check out sa hotel at lumipat sa villa kasama nila.Sobrang saya ni Loreen nang marinig niya ang balita.Simula pa noong nahulog siya kay Charlie, palagi siyang naghahanap ng pagkakataon na makilala nang mas mabuti si Charlie. Pero, sobrang abala siya sa trabaho niya at kailangan niya ring isaalang-alang ang pakiramdam ni Claire. Kaya, wala siyang pagkakataon na makasama si Charlie.Kung makakalipat siya sa villa at makakatira kasama nina Charlie at Claire, natural na magkakaroon siya ng mas maraming pagkakataon na makasama si Charlie.Kaya, hindi siya nag-atubiling pumayag na lumipat sa villa kasama
Suminghal nang malamig si Lady Wilson at sinabi, “Kung hindi ko babayaran ang bangko, kukunin nila ako at ikukulong! Huwag mong kalimutan ako pa rin ang legal na kinatawan ng Wilson Group! Ako rin ang magiging responsable sa lahat ng utang ng kumpanya!”Sinabi nang nagmamadali ni Christopher, “Kung gano’n, dapat mag-iwan ka pa ring ng isa o dalawang daang libong dolyar para sa pamilya para masutentuhan pa rin natin ang pamilya natin nang maikling panahon! Hindi man lang ako makabili ng sigarilyo na may halagang limampung dolyar ngayon!”“Gusto mo pa ring magsigarilyo?” Sumagot nang matalas si Lady Wilson, “Maganda na nga kung may makakain tayo at iniisip mo pa rin na magsigarilyo?”Pinigilan ni Christopher ang kanyang galit at nagbuntong hininga na lang siya habang sinabi, “Ma, sobrang tanda ko na kaya matitiis ko pa ito. Pero, bata pa sina Harold at Wendy! Hindi pa sila naghihirap nang sobra dati kaya hindi natin dapat pahirapan sila ngayon!”Suminghal nang malamig si Lady Wilson,
Pagkatapos magsagutan nina Lady Wilson at Christopher, nagkaroon na ng hindi maaayos na bitak sa mga puso nila.Sa huli ay nagpasya ang matandang babae na magtabi lang ng limampung libong dolyar bilang gastusin ng pamilya. Pagkatapos, ibinayad niya ang lahat ng pera sa dalawang bangko.Pagkatapos matanggap ang parte ng bayad, binigyan din ng respeto ng tagapamahala ng debt collection department si Lady Wilson. Nagpasya siya na pagpahingahin ang pamilya Wilson at pinahaba niya ang panahon ng pagbabayad ng pamilya Wilson para makapag-ipon sila ng pera at mabayaran nila ang mga utang nila.Sa wakas ay nakahinga na nang maluwag si Lady Wilson.Umaasa pa rin siya na mababaliktad pa ito ng Wilson Group at muli itong mabubuhay. Naramdaman niya na siguradong magkakaroon siya ng pagkakataon na baliktarin ang lahat hangga’t maaantala niya ang bankruptcy ng Wilson Group.Marahil ay mahihintay niyang pumunta ang susunod na Kenneth Wilson?Sa sandaling ito, marami talagang kaharap na problema
Lumabas nang nagmamadali si Charlie sa kwarto at nakita niya si Loreen na may suot magandang damit ngayong araw.Talagang sobrang ganda ng sinuto ni Loreen ngayong araw. May suot siyang beige windbreaker na may itim na base sweater sa loob at sobrang tangkad niya at babaeng-babae ang dating. Para naman sa ibabang bahagi, may suot siyang maikling palda na gawa sa lana at kapares nito ang mga leggings na nagpapaganda ng kanyang mahaba at balingkinitan na mga binti. Kaakit-akit talaga ito!Sa sandaling nakita ni Loreen si Charlie, namula siya agad. Iwinagayway niya nang bahagya ang kanyang kamay sa kanya at sinabi nang kinakabahan, “Hello, Charlie! Kailangan kong umasa sa’yo na alagaan ako nang mabuti sa hinaharap!”Bahagyang ngumiti si Charlie bago siya tumango at sinabi, “Maligayang pagdating. Maligayang pagdating.”Sa totoo lang ay medyo walang magawa si Charlie.Alam niya na mahal siya ni Loreen.Ayos lang sa kanya kung nagtapat lang siya ng pagmamahal. Pwede niyang tanggihan si
Bukod dito, pupunta siya sa Aurous Hill para bantayan si Mr. Chardon. Ang ibig sabihin ay wala siyang pagkakataon na maging tamad sa mga darating na araw. Kahit na ayaw niya, hindi siya nangahas na antalain ito at mabilis na umalis sa ilalim ng gabi.Nagbayad siya ng malaki para bumili ng isang kotse mula sa hotel owner at naglakbay mula sa maliit na siyudad papunta sa siyudad ng Yakutsk sa Russian Far East.Samantala, dinala ni Zachary ang isa pang jade ring na kinuha niya kay Terry at isang bank card na may mahigit one million US dollars para magsaya sa pinakamalaking nightclub sa Aurous Hill. Napapalibutan siya ng mga magagandang dalaga habang nag-eenjoy siya habang umiinom hanggang makuntento siya.May mga mahal na alak sa harap ni Zachary na may isang bote ng champagne na mahigit 10 o 20 thousand dollars. Ang mas maganda dito ay lampas 1000 thousand dollars.Bukod dito, ilang maganda at dalagang babae ang nakapalibot kay Zachary, pinupuri siya sa lahat ng posibleng paraan. Ang
Naing malungkot nang sobra ang kalooban ni Ruby nang marinig ang mga sinabi ng British Lord.Totoo, tulad nga ito ng hula niya. Palaging alam ng British Lord ang lokasyon ng mga great earl. Ang mas nakakatakot pa ay kayang analisahin ng British Lord ang kilos ng lahat ayon sa oras, lokasyon, at impormasyon na mayroon sa lokal na internet.Ang ibig sabihin ay sa buong buhay niya, marahil ay hindi niya matakasan ang kontrol ng British Lord.Kahit na ginagawa ng mga great earl ang mga misyon sa matagal na panahon nang hindi nag-uulat, may lason pa rin sila na ginawa ng British Lord sa katawan nila.Pero, ang mga tao tulad nila ay may mas mahabang buhay, kaya nagtakda ang British Lord ng mas mahabang oras para inumin nila ang antidote. Habang ang iba ay kailangan uminom ng antidote kada dalawang linggo, tatlong buwan, o kalahating taon, ang mga great earl ay kailangan lang inumin ang antidote kada tatlong taon.Pero anong pagkakaiba ang kayang gawin ng tatlong taon? Kung mga saranggol
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau