Share

Kabanata 5525

Author: Lord Leaf
last update Last Updated: 2024-12-13 16:00:01
“Ang lolo mo?” Tinanong ulit ni Charlie, “Sino ang lolo mo?”

Sinabi ni Vera, “Si Logan Carrick ang lolo ko, ang pinakamayamang tao sa Malaysia.”

“Logan Carrick?” Narinig na ni Charlie ang pangalan na ito noong lumipat siya sa Aurous University. Dahil nag-donate ng maraming education fund si Logan sa Aurous University at tinulungan ang Aurous University na umunlad nang mabilis, nakasulat ang kuwento niya sa kasaysayan ng university.

Hindi niya inaasahan na may ugnayan si Vera kay Logan, kaya mas lalo siyang nasorpresa habagn tinanong niya, “Ano ang tunay na pangalan mo?”

Sinabi nang walang pag-aatubili ni Vera, “Vera Lavor ang tunay na pangalan ko.”

Tinanong ulit ni Charlie, “Carrick ang apelyido ni Logan, at Lavor ang apelyido mo. Paano mo siya naging lolo?”

Sinabi ni Vera, “Malayong kamag-anak siya. Siya ang malayong kamag-anak ng lolo ko. Humingi ako ng tulong sa kanya pagkatapos kong tumakas sa Northern Europe. Humingi ako ng tulong sa kanya na gawan ako ng bagong pagkakakilan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5526

    “Marianne Long?!” Nagulat si Charlie nang marinig niya ito. Inisip niya, ‘Maaari ba na nagkataon lang na may babaeng lecturer na nagngangalang Marianne Long?’Sa sumunod na segundo, inisip niya ulit, ‘Siguro ay kaparehong pangalan niya lang ang Marianne Long na kakilala ko, tama?’Pero, nang maisip ni Charlie kung paano niya nakita ulit dito si Vera, pakiramdam niya na hindi imposible na kung pupunta rin ang Marianne na kakilala niya sa Aurous University.Kaya, nagtanong pa siya, “Saan galing ang Marianne Long na tinutukoy mo?”Sumagot nang tapat si Vera, “Galing siya sa Hong Kong. Si Shawn Long ang kanyang ama, isang sikat na mayamang negosyante sa Hong Kong.”“Oh…” Huminga nang malalim si Charlie.Inisip niya, ‘Kailan pumunta si Marianne sa Aurous University para maging isang lecturer dito??! Bakit naging isang lecturer sa Aurous Hill ang isang mayamang tagapagmana sa Hong Kong na tulad niya? Bakit hindi niya sinabi sa akin na pumunta siya sa Aurous Hill?’Inisip ni Charlie ku

    Last Updated : 2024-12-13
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5527

    Nanginig ang singsing sa pangalawang pagkakataon sa underground parking lot ng Thompson First. Kung totoo ang sinasabi ni Vera, makatwiran talaga kung pumunta si Vera doon para sunduin si Marianne upang maghapunan sa bahay ni Logan. Kailangan lang kumpirmahin ni Charlie kung nakatira si Marianne sa Thompson First para makumpirma kung nagsisinungaling ba si Vera o hindi.Wala siyang mahanap na kahit anong mali pagkatapos suriin nang mabuti ang mga sagot ni Vera.Nang maisip ito, inisip niya, ‘Mukhang kailangan kong kumuha ng tao para suriin ang entry record ni Vera para makita kung pumunta ba siya sa Aurous Hill at kung nagsisinungaling ba siya. Kung hindi talaga siya nagsinungaling, nagkataon lang siguro ang lahat.’Biglang narinig ni Charlie ang tunog ng mga hakbang sa likod niya, at isang pamilyar na boses ang nagtanong mula sa likod, “Veron, sanay ka na ba sa dormitoryo?”Alam agad ni Charlie na boses ito ni Marianne!Para maiwasan na madiskubre ni Marianne ang kakaibang estado

    Last Updated : 2024-12-14
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5528

    Hindi sinasadyang naitanong ni Charlie ang sitwasyon ni Marianne mula kay Vera. Pero, pagkatapos itong sabihin ni Marianne, nagpanggap pa rin siya na nasorpresa siya at tinanong, “Kailan ka pumunta para magtrabaho sa Aurous University?”Ipinaliwanag na lang ni Marianne nang tapat, “Ah, may Outstanding Talent Introduction Program ang Aurous University, kaya sinubukan kong mag-apply dito. Inimbita ako na pumunta sa interview, at pumasa ako sa interview…”Hindi mapakali ang tono ni Marianne, parang isang bata na may maling ginawa at nadiskubre ito ng mga magulang niya.Alam ni Charlie na malaki ang posibilidad na pumunta si Marianne sa Aurous Hill dahil sa kanya. Pero, sa sandaling ito, nagpanggap na lang siya na natulala siya, kaya sinabi niya, “Kahit na hindi kasing ganda ng Hong Kong University ang Aurous University, sobrang gandang university pa rin nito…”Tumango nang bahagya si Marianne, tumingin kay Charlie, at sinabi nang nauutal, “Sa… sa tingin ko ay maganda rin ito…”Si Ver

    Last Updated : 2024-12-14
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5529

    Halos nawala na ang pagdududa ni Charlie kay Vera sa puntong ito.Pero, nakakunot pa rin ang noo ni Charlie kahit na naniniwala siya na hindi alam ni Vera ang tunay na pagkakakilanlan niya.Kahit na naniniwala na siya na nagkataon lang ang paglitaw ni Vera sa Aurous Hill, medyo nag-aalala pa rin siya.Hinahabol ng Qing Eliminating Society si Vera noong huling nakita siya ni Charlie.Ngayong pumunta siya sa Aurous Hill, kung makakahanap ng kahit anong bakas ang Qing Eliminating Society tungkol sa kanya, siguradong matututo sila sa dating nangyari at pagkakamali at ipapadala ang mga pinakamalakas na martial arts expert nila sa Aurous Hill para hulihin siya.Bukod dito, dumating din ang lolo at lola ni Charlie sa Aurous Hill, at mahalagang target din ang pamilya nila ng Qing Eliminating Society.Kung gano’n, nasa Aurous Hill ang dalawang major target ng Qing Eliminating Society, at tataas nang sobra ang posibilidad na atakihin ng Qing Eliminating Society ang Aurous Hill.Ngayong na

    Last Updated : 2024-12-14
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5530

    Nang makita ni Marianne na nakatayo nang tulala si Charlie sa pinto, hindi niya mapigilang itanong, “Mr. Wade, anong problema?”Bumalik sa diwa si Charlie at ngumiti habang sinabi, “Oh, may iniisip lang ako. Pasensya na.”Lumapit ang waitress at sinabi, “Mangyaring pumasok kayo.”Tumango si Charlie. Nang sinunand niya ang waiter, tiningnan niya ang maliit na bell na nakasabit sa sliding door at agad siyang nagkaroon ng inspirasyon.Kung ipapadala ng Qing Eliminating Society ang isang great earl sa Aurous Hill sa hinaharap, kailangan ay may ‘bell’ siya na magbibigay sa kanya ng babala nang maaga.Pagkatapos umupo kasama si Marianne, nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at nagpadala ng isang text message kay Zachary, na nagbebenta ng mga antique sa Antique Street, sinabihan si Zachary na makipagkita sa kanya sa Champs Elys hot spring villa bukas ng tanghali.Nagsimulang magtrabaho si Zachary bilang inept advisor ni Albert kailan lang, at maayos ang nagawa niya. Naayos at nabago

    Last Updated : 2024-12-15
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5531

    Pagkatapos itong sabihin, ipinaliwanag ni Marianne, “Si Madam Marilyn ang kasambahay ni Mr. Carrick sa Aurous Hill. Nakatira si Veron sa Scarlet Pinnacle Manor, ang bahay ni Mr. Carrick, at inaalagaan siya ni Madam Marilyn.”Nabigla nang kaunti si Charlie nang marinig niya ito at bigla niyang napagtanto na ang dahilan siguro kung bakit sumakit ang ulo ni Vera ay dahil naparami ang nialgay niyang Reiki sa kanyang utak kaninang tanghali at napasobra sa psychological hint sa kanya.Ang dahilan kung bakit gumamit ng maraming Reiki si Charlie ay dahil pakiramdam niya na kakaiba na nakita niya siya, at natatakot siya na may kakaiba sa kanya.Pagkatapos itong pag-isipan ngayon, kung naparami ang Reiki na nilagay niya sa utak ng isang 18 years old na babae, siguradong gagawa ito ng malaking pinsala sa katawan niya. Kaya, marahil ay tumagal ang sakit ng ulo at hindi siya maging komportable.Biglang nahiya nang kaunti si Charlie. Pakiramdam niya na napasobra ang reaksyon niya at naging medyo

    Last Updated : 2024-12-15
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5532

    Dumating si Charlie sa Champs Elys hot spring villa kinabukasan ng tanghali.Dumating nang isang oras na mas maaga si Zachary para hintayin si Charlie. Nang makita niya si Charlie, sinabi niya nang magalang, “Master Wade, ano ang mga utos mo para sa akin?”Ngumiti nang kaunti si Charlie at tinanong siya, “Zachary, dinala mo ba ang mga bagay na pinapadala ko sayo?”Tumango nang paulit-ulit si Zachary, nilabas ang bag mula sa kotse, at sinabi kay Charlie, “Master Wade, dinala ko ang lahat ng sinabi mo!”Sumagot si Charlie, “Magaling! Pumasok tayo at mag-usap.”Dinala ni Charlie si Zachary sa sala ng villa. Pagkatapos ay binuksan ni Zachary ang suitcase nang naiinip at nilabas ang ilang piraso ng kahoy na kasing itim ng uling pero may iba’t ibang sukat at kapal.Habang nilalabas niya ang mga kahoy, ipinakilala niya kay Charlie, “Sinabi mo na gusto mo ng Thunderstrike Wood. Ito ang lahat ng mga maaasahan na Thunderstrike Wood na kaya kong mahanap mula kahapon hanggang ngayon. Siyam a

    Last Updated : 2024-12-15
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5533

    Sinabi ni Charlie, “Zachary, dahil nagtatrabaho ka na ngayon para kay Albert, nagtatrabaho ka rin para sa akin, kaya hindi ko itatago ang kahit ano sayo. Gusto ko ng jade ring na hinukay mula sa bagong libingan dahil gusto kong manloko ng tao. Marahil ay mahirapan akong manloko ng tao gamit ang jade ring na minina mula sa sertipikadong libingan.”Nalito si Zachary nang marinig niya ito at sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Master Wade, bakit gusto mong ibalat kayo ang jade ring na hinukay mula sa bagong libingan bilang isang jade ring na hinukay mula sa isang sertipikadong libingan para manloko ng tao? Sa panahon ngayon, ang mga ganitong bagay tulad ng paghuhukay ng mga libingan ay iniimbestigahan nang mabuti, at ang mga antique dealer tulad ko ay hindi nangangahas na humingi ng mga bagay na hinukay sa bagong libingan dahil natatakot ako na mapapahamak ako at idedemanda. Ibang bagay na kung minina ito sa sertipikadong libingan. Dahil, sobrang luma na ng libingan, kaya kahit na hinukay

    Last Updated : 2024-12-16

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5565

    “Ano bang alam mo?!” Tumingin nang mapanghamak si Jacob sa kanya, pagkatapos ay sinabi kay Charlie, “Siya nga pala, Charlie, malapit nang magsagawa ng isang ancient calligraphy and painting exhibition ang Calligraphy and Painting Association. Sobrang taas ng mga pamantayan ng ancient calligraphy and painting exhibition na ito. Sobrang suportado rin ang siyudad dito, kaya malaking kilos siguro ito para sa bansa natin! Marahil ay imbitahin pa namin ang Central Oskia Media para magbigay ng kumpletong ulat sa buong event!”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Sobrang laking event nito? Hindi maituturing na base ang Aurous Hill para sa calligraphy at painting, kaya hindi ba’t masyadong puwersahan na gawin ang napakalaking event dito?”Sinabi ni Jacob, “Hindi mahalaga kung hindi ang Aurous Hill ang base para sa calligraphy at painting. Ayos lang ito basta’t kayang ipakita ng Aurous Hill ang mga magagandang calligraphy at painting, kaya nangongolekta kami ngayon ng mga likha ng mga sikat na a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5564

    Samantala, gabi na sa Aurous Hill.Naghanda na ng hapunan si Elaine at inimbita sina Charlie at Claire sa lamesa. Sa parehong oras, hindi niya mapigilang magreklamo, “Alas otso na, kaya bakit wala pa rin sa bahay ang g*gong iyon, si Jacob? Nasaan na kaya siya ngayon!”Sinabi nang kaswal ni Charlie, “Ma, si Papa na ang vice president ng Calligraphy and Painting Association, kaya siguradong abala siya. Sana ay maging maunawain ka.”Sinabi nang mapanghamak ni Elaine, “Bakit ako magiging maunawain sa kanya? Sa tingin mo ba ay wala akong alam sa abilidad niya? Sa tingin ko ay bulag ang taong namamahala sa Calligraphy and Painting Association para hayaan siyang maging vice president!”Habang nagsasalita siya, binuksan ni Jacob ang pinto at pumasok.Mabilis siyang binati ni Claire at sinabi, “Pa, maghugas ka na ng kamay at maghapunan tayo!”Tinanong nang kaswal ni Jacob, “Anong klaseng mga pagkain ang mayroon? May karne ba?”Nanumpa si Elaine at sinabi, “May takip, gusto mo bang nguyai

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5563

    Sa gabing iyon, umupo si Mr. Chardon sa sahig ng kanyang pansamantalang bahay habang naka-krus ang mga paa. Mukhang nagme-meditate siya habang nakapikit ang mga mata, pero sa totoo lang, kinakalkula niya kung kailan siya aalis para pumunta sa Aurous Hill.Bigla siyang nakatanggap ng isang notification sa kanyang cellphone, at ang British Lord pala ang gustong kumausap sa kanya.Binuksan niya agad ang cellphone niya, pumasok sa espesyal na software, at kumonekta sa British Lord.Narinig ang malamig na boses ng British Lord sa cellphone, “Mr. Chardon, sinabihan kita na pumunta sa Aurous Hill para hanapin ang anak ni Curtis Wade. Bakit hindi ka pa pumupunta?”Mabilis na nagpaliwanag si Mr. Chardon, “British Lord, may ilang ideya ako, at gusto kong i-report ang mga ito sayo!”Sinabi nang malamig ng British Lord, “Sabihin mo!”Sinabi nang magalang ni Mr. Chardon, “British Lord, noon pa man ay pakiramdam ko na marahil ay nasa Eastcliff si Vera, kaya naghahanap ako ng mga bakas tungkol

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5562

    Tumingin si Mr. Chardon kay Samadius, na umabante agad at sinabi sa hindi matitinag na tono, “Ferris, may mahalagang gawain si Mr. Chardon na kailangan niyang gawin, kaya walang pwedeng pumigil o antalain siya! Sinabi na sa akin ni Mr. Chardon ang gusto niyong malaman, at sasabihin ko sa inyo ang bawat salita mamaya!”Pagkatapos itong sabihin, “Hayaan mong sabihin ko ito nang maaga. Kung may kahit sinong mag-aantala sa mahalagang gawin ni Mr. Chardon, hindi magkakaroon ng pagkakataon ang taong iyon na malaman ang paraan para sa pagpapahaba ng buhay!”Mayroong takot na ekspresyon ang lahat sa kanilang mukha, at wala nang naglakas-loob na magtanong.Si Ferris, na tinawag sa pangalan, ay nabalisa rin at sinabi, “Maging ligtas sana ang biyahe mo, Mr. Chardon!”Kumilos agad ang lahat at sinabi nang sabay-sabay, “Paalam, Mr. Chardon!”Hinimas ni Mr. Chardon ang mahabang balbas niya at naglakad palayo nang mahinhin. Nang ihahatid na siya palabas ng lahat, sinabi ni Mr. Chardon nang hindi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5561

    Pagkatapos itong sabihin, nagtanong ulit si Samadius, “Master Coldie, may karaniwang bakas ka ba tungkol sa babaeng ito? Halimbawa, saan siya maaaring magtago?”Umiling si Mr. Chardon at sinabi, “Hindi ko alam kung nasaan siya, pero sa tingin ko ay malaki ang posibilidad na nasa Oskia siya. Kaya, mas mabuti kung makakagawa ka ng isang grupo ng mga disipulo mo at hayaan silang maglakbay sa buong bansa para hanapin siya!”Tumango si Samadius at sinabi, “Walang problema, aayusin ko na ang lahat ngayon din!”Tumango nang bahagya si Mr. Chardon at sinabi, “Okay, kung gano’n, iiwan ko na sayo ang bagay na ito. Tandaan mo na ipaalam mo agad sa akin kung may nadiskubre kang kahit anong bakas.”“Opo, Master Coldie!” Sumang-ayon nang mabilis si Samadius. Pagkatapos ay tinanong niya si Mr. Chardon, “Siya nga pala, Master Coldie, mga junior ko ang mga taong naghihintay sa labas. Kung matuturo mo sa akin sa hinaharap ang paraan para humaba ang buhay, maaari ko rin ba itong ibahagi sa kanila? Mg

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5560

    Nang marinig ni Mr. Chardon ang sabik na pagpapahayag ng katapatan ni Samadius, tumango siya at ngumiti nang kuntento. Ang lahat ay nangyayari ayon sa planong direksyon niya.Para kay Mr. Chardon, kailanman ay hindi siya naging isang mabuting tao. Bukod sa pagsisikap nang walang reklamo sa harap ng British Lord, kahit kailan ay hindi niya naabot ang pinakapangunahing kabutihang-asal ng ‘pagtupad ng pangako niya’ pagdating sa iba.Sa totoo lang, naisip niyang gamitin ang mga koneksyon at resources ng Cohmer Temple para hanapin si Vera noong una siyang dumating sa Eastcliff, pero pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, naramdaman niya na hindi sulit na ibunyag ang tunay niyang pagkakakilanlan para lang pagsamantalahan ang Cohmer Temple.Kahit hindi na banggitin kung matutulungan ba siya ng Cohmer Temple na makahanap ng mga bakas tungkol kay Vera, pero kung ang balita na buhay pa rin ang isang Taoist priest na ipinanganak sa 19th century at nag-ensayo ng Taoism sa Cohmer Temple ng dek

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5559

    Tumango si Mr. Chardon, bumuntong hininga, at sinabi, “156 years old na ako ngayong taon.”“156 years old?” Sinabi ni Samadius habang may mapaghangad na tingin sa kanyang mukha, “Hindi ka man lang mukhang 156 years old…”Sinabi nang kalmado ni Mr. Chardon, “Ito ang mga benepisyo pagkatapos ma-master ang Reiki. Tatlong siglo na akong nabubuhay; ang 19th, 20th, at 21st century. Hindi na ako magkakaroon ng pagsisisi sa buhay kung aabot ako ng 22nd century.”Nabigla si Samadius. Lumuhod ulit siya at yumuko sa harap ni Mr. Chardon habang nagmakaawa, “Master Coldie, pakiusap at ituro mo sana sa ako ang paraan ng pagpapahaba ng buhay! Kung papayag ka, handa akong sundan ka sa buong buhay ko para magamit mo! Susundin ko ang lahat ng hiling mo nang walang pag-aatubili!”Mahigit pitumpung taon na simula noong pumasok si Samadius sa Taoist Sect, at sa sandaling ito, nasa parehong estado siya ni Mr. Chardon noong unang umalis siya sa Cohmer Temple.Buong araw siyang nag-eensayo ng Taoism at g

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5558

    Sa mga nagdaang taon, bumalik siya nang ilang beses sa Oskia gamit ang iba’t ibang pagkakakilanlan, pero kahit kailan ay hindi siya bumalik sa Cohmer Temple.Ito ay dahil ayaw niyang malaman ng mga disipulo niya sa Cohmer Temple na nadiskubre na niya ang paraan ng mahabang buhay.Sa opinyon niya, dumaan siya sa lahat ng uri ng paghihirap bago siya sa wakas nakapasok sa landas ng Taoism, kaya hindi dapat malaman ng kahit sinong nakakakilala sa kanya ang sikreto na ito, kasama na ang mga tao sa Cohmer Temple.Pinili niyang pumunta sa Cohmer Temple ngayong araw dahil wala siyang mahanap na kahit anong bakas tungkol sa kinaroroonan ni Vera pagkatapos ng mahabang panahon.Patuloy siyang inuudyok ng British Lord na pumunta sa Aurous Hill. Kaya niyang antalain ito ng tatlo hanggang limang araw pero hindi tatlo hanggang limang buwan. Ayon sa ugali ng British Lord, siguradong bibigyan niya siya ng dalawa o tatlong araw na lang, kaya walang nagawa si Mr. Chardon kundi humanap ng mga katulong

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5557

    Sinundan ni Mr. Chardon ang binatang Taoist priest sa reception hall sa middle yard ng Cohmer Temple. Ito ang reception room sa Cohmer Temple na ginagamit para aliwin ang mga abbot at overseer mula sa ibang Taoist temple o peregrino na may malaking ambag sa Taoist temple.Pagkatapos sabihan si Mr. Chardon na maghintay dito, nagmamadaling tumakbo ang binatang Taoist priest para i-report ito sa kanyang master.Sa Cohmer Temple, karamihan ng tao na nananatili sa front yard nang matagal ay ang mga junior Taoist priest na may medyo mababang kwalipikasyon, kaya naatasan sila na panatilihin ang kaayusan ng mga turista at mga mananampalataya sa yard habang naglilinis, inaayos ang mga istatwa ng templo, at inaayos ang mga alay.Kaya, kung gustong i-report ng binatang Taoist priest ang balita sa overseer, kailangan patong-patong ang daan ng mensahe, at ang dami ng antas ng paglilipat ay higit sa inaasahan ng binatang Taoist priest.Makalipas ang dalawampung minuto, isang matandang lalaki na

DMCA.com Protection Status